Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagmamahal ng Isang Ina

Maraming ibig sabihin ang pag-ibig. Marami rin ang uri nito.At isa sa
pinakadakilang pag-ibig ay ang pag-ibig ng isang ina sa anak.
Ang ina sa pagdarasal, ang mga dalangin niya ay napakamakapangyarian.
Bakit? Dahil ang panalangin niya ay may kahalong pagmamakaawa na dingin ito
ng Panginoon lalo na kung nasa matinding pagsubok ang kanyang anak. Hindi niya
inuunang ipanalangin ang kanyang kaligtasan bagkus pinagninilayan muna ang
dapat sabihin upang maisaayos at maging ligtas ang anak sa lahat ng oras.
Ang ina kapag may pera, hindi iniisip kung magkakaroon ba siya ng bagong
gamit o alahas. Una sa listahan ang pangangailangan ng pamilya. At kung may
sobra, magandang sapatos at napupusuang laruan ng anak ang kanyang ikasisiya.
Ang ina, sa hapag-kainan, hindi nauuna sa ulam, tinitignan muna kung
sapat ang hinain sa kanyang mag-anak. Maliit na parte ang ihahain sa kanyang
pinggan upang makita na busog at masigla ang anak sa tuwina.
Ang ina, sa pagamutan, huling nagpapasuri. Inuuna ang mga mahal upang
mabili muna ang kanilang mga pangangailangan. Hindi na baleng walang gamot o
bitamina sa kanya, mapunan lamang ang pangangailang ng mga anak. Ngunit,
talagang kakaiba ang nagagawa ng pag-ibig ng isang ina, sa buong pamilya,
kadalasay siya ang huling tamaan ng sakit at kahit mahina at may karamdaman
pa, makikita mong laging may reserbang enerhiya. Magandang resistensiya ang
hatid ng tunay na pag-ibig ng isang ina.
Ang ina madalang nating marinig na may iniinda. Para sa kanya, ayaw
niyang mag-alala pa ang mga anak.
Ibat iba ang ugali ng ina. Ibat iba ang paraan ng pagpapalaki nito sa
kanyang mga supling pero ang pag-ibig ng ina ay iisa walang hanggang at
walang katulad!

ANAK
Ni Freddie Aguilar

Nung isilang ka sa mundong ito


Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila
Ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan
Pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong
Amang tuwang-tuwa sa yo'
Ngayon ngay malaki ka na
Nais mo'y maging Malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw ngay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y
Sinuway mo

Di mo man lang inisip na ang kanilang


ginagawa'y para sa yo
Pagka't ang nais mo'y masunod
Ang layaw mo di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong
Sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong nila ANAK
Ba't ka nagkaganyan?
At ang iyong mata'y biglang lumuha
Ng di mo napapasin
Pagsisisi at sa isip mo't nalaman

You might also like