Professional Documents
Culture Documents
El Fili
El Fili
Clare
Scene: 1
Ibarra: Bilisan mo!! Nandyan na sila! (Pinagbabaril ng mga Guwardiya Sibil)
Tao1: Ngunit Ginoo lubhang ahhhh (Tinamaan ang tao1 sabay talon ni Ibarra)
(Lalabas si Rizal at babarilin ng Guwardiya Sibil)
Turtle: (Kakanta)
(Mga tauhan sa unang tagpo ay magsasagwan habang sumisigaw ang Kapitan ng BAPORP,
ESTRIBORP..)
Scene: 2
SA KUBYERTA
Donya Victorina: buenos das a todos ustedes! Kalahati lamang ang takbo ng makina,
Kapitan, Bakit hindi natin bilisan?
Kapitan: Kapag bumilis pay maglalagos na tayo sa palayang iyon Ginang.. (sabay kindat kay
Doa Victorina)
Donya Victorina: Mangyari ay wala ni isa mang maayos na lawa sa lupaing ito!
(nagkatinginan ang mga prayle)
Simoun: Ang lunas ay napaka dali (slang), ay hindi ko alam kung bakit wala ng nakaisip nito.
(tinignan siya na may pagtataka) (tumuro sa isang dako at sinundan ng mga mata nang mga
naroroon) Humukay ng isang tuwid na kanal buhat sa bunganga ng ilog hanggang sa labasan
at paraanin sa Maynila; at magbukas ng isang bagong ilog sa pamamagitan ng paggawa ng
kanal at sarhan ang dating ilog Pasig.
Don Custodio: Ngunit saan kukuha ng ibabayad sa manggagawa?
Simoun: Walang magugugol, Don Custodio, Pagkat mga bilanggo ang gagawa.
Don Custodio: Walang sapat na bilanggo!
Simoun: Kung gayoy piliting gumawa ang mga mamamayan bata man o matanda!
Don Custodio: Kaguluhan lamang ang ibubunga niyan!
Simoun: (tatalikod) Mga kaguluhan, ha! ha! Nag-alsa na ba kahit minsan ang bayang
EhiptoTao kayo, akala koy lalo kayong nakauunawa sa kasaysayan!
Don Custodio: Ngunit ang iyong mga kaharap ay di mga Ehipsyo ni Hudeo. At ang lupaing ito
ay hindi miminsang naghimagsik.
Simoun: Ang mga panahong yaon ay malayo na, ang mga pulong ito ay hindi na muling
maghihimagsik, bigyan man sila ng lalong maraming gawain at patawan man sila ng lalong
mataas na buwis.
Don Custodio: Isang mulatong Amerikano!
Ben Zayb: Indiong Ingles!
Scene: 3
SA ILALIM NG KUBYERTA
Kapitan Basilio: Kamusta na ang kalagayan ni kapitan Tiyago?
Basilio: Tulad ng dati, ayaw pa rin niyang magpagamot.
Kapitan Basilio: (pailing na sumagot) Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, wala pa
ang droga na iyan. Hindi ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ang masamang gamot na
iyan.
Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay hindi
isang gamot na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamang katutubo pa lang sa
ganitong kapanahunan, hindi ba, Basilio?
Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (palihim na napangiti sa sinabi ng kasama)
Kapitan Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga! Ngunit
itoy hindi gaanong napapansin dahil abala ang marami sa pag-aaral. Maiba ako, kamusta na
nga pala ang itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila?
Basilio: Mabuti naman po, nakahanda na po ang mga guro at ang paaralang gagamitin
Kapitan Basilio: Palagay kong di matutuloy iyon dahil tututulan ni Padre Sibyla.
Isagani: Matutuloy po hinihintay na lang po namin ang kanyang permiso. Niregaluhan namin
ng dalawang kabayong kastanyo at nangakong tutulungan niya kami.
1
Scene: 4
SA KUBYERTA
2
Scene: 5
TAHANAN NI KABESANG TALES
Huli: (nagwawalis) Kuya sa iyong palagay, ako kayay makakapag-aral din sa Maynila tulad
mo?
Tano: Aba oo naman.
(lumabas ng bahay si Tales at Tata Selo)
(lumapit si Huli at Tano kay Tales)
Tano: Ama, si Huli? Kailan kaya siya makakapunta nang Maynila upang mag-aral?
Kabesang Tales: Sa isang taon. Magsaya ka nang mahaba at mag-aaral ka na sa Maynila
katulad ng mga dalaga sa bayan.
Huli: Talaga ama?! (niyakap ang ama)
Kabesang Tales: Maganda ang ani natin ama... (bumuntong hininga)
Tata Selo: Maganda? Ngunit ano ang iyong ipinag-aalala?
Kabesang Tales: (naglakad upang tanawin ang lupain) Ang mga prayle ama... (bumuntong
hininga). Ngunit ama sila ay umaabuso na!
Tata Selo: Magpaumanhin ka!
(dumating si Padre Camorra kasama si Padre Salvi at mga Guwardiya Civil)
Padre Camorra: Telesforo! Mabuti at nandito ka!
Kabesang Tales: Magandang araw Padre ano po ang naparito ninyo?
3
Scene: 6
(nagdadasal si Hermana Penchang at Huli)
Hermana Penchang: (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos
seor de la peste Y de todo mal.
Huli: (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos seor de la peste Y de
todo mal.
Hermana Penchang: (binatukan si Huli) Hay naku bata ka!!! Hindi ko alam kung ano ang
itinuturo sa iyo sa bahay niyo at hindi ka marunong magdasal!! (mabilis na dinadasal) Santo
Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos seor de la peste Y de todo mal.
Huli: Pasensya na po.
Hermana Penchang: Paensya?!! Hay naku!! (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte
Santo inmortal Libranos seor de la peste Y de todo mal. Sumagot ka nga!! (kinurot si Huli)
Huli: Aray aray... Opo... (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos seor
de la peste Y de todo mal.
Hermana Penchang: Sabagay wala naman kasing babae sa bahay niyo!!
Huli: (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos seor de la peste Y de
todo mal.
Hermana Penchang: Kapag hindi mo nakabisado ang dasal na iyan hindi ka patatawarin ng
Diyos sa iyong mga kasalanan. (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal
Libranos seor de la peste Y de todo mal.
Scene: 7
Sa SEMENTERYO
Basilio: (umikot sa isang puno at naupo sa tabi nito) Matagal na rin nang huling punta ko rito.
Parang kailan lang ang mga sakit na sinapit ko... (tumayo at napatingin sa isang ilaw na
malapit) ano yon...? Si Ginoong Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng
4
Scene 8
(inilatag ni Simoun ang mga kahon ng alahas niya)
Simoun: (kinuha ang isang kwintas at inangat) Mayroon akong kwintas dito na dati ay kay
Cleopatra. Natagpuan ito sa mga pirmide. Mayroon di akong mga singsing na dati ay pagaari ng mga mambabatas na Romano na natagpuan sa labi ng guho sa Cartago
Kapitana Tika: Ginoong Simoun? Mayroon din ba kayong rosaryong nabendisyunan ng
Papa?
Hermana Penchang: At mga bagay na nanggaling Roma at mga padebosyon?
Sinang: Na sabi ni Inay nagbibigay ng siguradong kapatawaran kahit hindi ka mangumpisal!
Kapitana Tika: (kinurot ang tumatawang si Sinang) Sinang!! Ano ka ba ? parang hindi ka
dalaga!
Sinang: Inay naman... masakit yun...
Simoun: Aaahh! Mayroon ako nang mga hinahanap niyo. (binuksan ang isang kahon) Hayan
ang mga antigong alahas. Ang singsing ay dating pag-aari ng Prinsesa de Lambelle, at ang
mga hikaw sa dama ni Maria Antoinette.
5
Scene: 9
(sound effects: putok)
Padre Millon: Magandang umaga. (hindi narinig kaya nilakasan) MAGANDANG UMAGA!!
Mga Estudyante: Magandang umaga Padre!!
Padre Millon: Bakit kayo sumisigaw hindi pa naman ako bingi!! Hala! Humanda sa isang
talakayan! Ang leksyon natin ngayon ay tungkol sa elementong bumubuo sa salamin. Sinong
maaring makapagsabi ng komposisyon nito? (nakita ang natutulog na si Tadeo) Hoy antukin!!
Masyado kang tamad! Alam mo ba ang leksyon at ikay natutulog na??!!
Tadeo: (biglang nahulog sa kinauupuan) Ah eh... Ano po ba ang sinasabi niyo??
Padre Millon: Tonto!! Bakit ako ang tatanungin mo?? (nagtawanan ang lahat)
Tadeo: (tumuro sa isang dako) Ah!! Padre!!! Hinahanap po kayo ni Padre Fernandez!!
6
Scene: 10
(pumasok si Isagani sa opisina ni Ginoong Pasta)
(nagsusulat si Ginoong Pasta at lihim na tinignan si Isagani mula ulo hanggang paa)
Ginoong Pasta: Ikaw pala Isagani! Maupo ka. Kumusta na si Florentino? May kailangan ka
ba?
Isagani: Maraming salamat po. Maayos po ang lagay ng aking amain. (natigil sandali)
Ginoong Pasta: Sige, magpatuloy ka...
Isagani: Marahil ay narinig niyo na ang tungkol sa balak naming mga estudyante na
magpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.
Ginoong Pasta: Ito ay isang bayan ng mga plano at panukala!
Isagani: Nais naming humingi ng tulong sa inyo upang mapakiling si Don Custodio sa amin.
Ginoong Pasta: Oo! (napakamot sa ulo) Walang makakahigit sa akin pagdating sa pag-ibig sa
tinubuang lupa at paghahangad ng pagsulong, ngunit hindi maaaring sumulong ng ganunganon na lamang. Hindi ko alam kung batid ninyo ang aking kalagayan, isang kalagayang
maselan; marami akong pag-aari, kailangang kumilos na may lubos na pag-iingat,,,
Isagani: Hindi po maaaring hangarin naming ilagay kayo sa kagipitan. Ngunit kahit napakakaunti ang nababatid ko tungkol sa batas, mga kautusang hari, mga lathala at mga
kapasyahang umiiral sa ating bayan, ay inakala kong hindi magkakaroon ng kaamaan ang
makitulong sa mga adhikain ng pamahalaan. Iisa lamang ang aming layunin at sa paraan
lamang kami nagkakaiba.
Ginoong Pasta: Diyan nga nariyan and suliranin, sa karaniwang sabi. Ang gumawa ng isang
bagay na laban sa kanyang mga panukala ay makasusugat.
Isagani: Inakala ko na ang pamahalaan ay dapat humanap ng matibay na saligan.
7
Scene 11
SA TAHANAN NG HENERAL
Padre Camorra: Heneral! Ang anak na dalaga ni Kabesang Tales ay bumalik dito at hiniling
ang paglaya ng kanyang nunong may sakit! Ikatlong araw na siyang naparirito, siyay isang
kahabag habag na dalaga!
Heneral: Hala! Sulatan mo ang tenyente ng guwardiya sibil upang palayain ang nuno ng
dalaga! Hindi na nila masasabing tayoy walang habag!
Scene 12
PATUNGONG UNIBERSIDAD
Juanito Pelaez: Kamusta ang bakasyon, Placcido? Paano ka nag-aliw?
Placido Penitente: Ganoon, Ganito! Heheh at Ikaw?
Napakabuti! Inanyayahan ako ni Padre Camorra ang kura ng Tianni ng siang hapunan. Ang
daming magagandang dalaga roon! Nakilala ko roon ang katipan ng estudyanteng si Basilio!
Ang pangalan niya ay Juli at napakaganda! Ngunit masungit din naman.
Juanito Pelaez: Oh kamusta ang bakasyon Isagani!
Isagani: Mabuti! Mabuti!
Scene 13
NAGHANDOG NG HAPUNAN SI QUIROGA
Simoun: Ano Quiroga? Kamusta ang iyong negosyo?
Quiroga: Ah, Sinyo Simoun, mahilap! Mahilap na an akien negosyo!
Simoun: Sukat na ang daing, Quiroga, iniligtas kita sa maraming opisyal na humihingi sa iyo
ng pero! Pinautang ko sila upang ikaw ay hina bagabagin!
Quiroga: Pelo, Sinyo Simoun, malami ang may utang sa akien na di ko na masingil. Wala din
migay sa akien lisibo kaya hiende niyo sila masisingil din.
Simoun: Kung gayoy ilapit mo na lang sila sa akin. Halikat sa silid tayo magusap. Kailangan
kong maipasok ang ilang kahon ng mga baril at itago sa kamalig!
Quiroga: Mapanganib iyon sinyo simoun!
Simoun: Hindi ka manganganib bahagyaman! Ngayon ikaw at ako ang makikinabang ng
malaki sa pagsisikap na mapalaya ang mga bilanggo- nauunawaan mo ba ko Quiroga?
Quiroga: Siya siya.. Basta huli malami tao, hah, sinyo Simoun.. Utos Lekisa; hah?
Scene 14
(Inaya ni Simoun sina Ben Zayb, Padre Camorra, Padre Salvi, Quiroga, DOnya Victorina, Don
Custodio at Paulita na pumunta sa piyesta ng Quiapo)
Placido Penitente: Pelaez, Sino ang magandang dalagang iyon na kasama ni Donya
Victorina?
Juanito Pelaez: Iyon si Paulita Gomez na kanyang pamangkin.
(Magkasama si Isagani at Paulita sa likod si Victorina)
Padre Camorra: Napakagandang dalaga! At kasintahan pala niyay aking estudyante!
Mr. Leeds: Ako si Mr. Leeds mga ginoo! Nais ba ninyong Makita ang espinghe? Kung gayoy
halina kayo sa loob!
Ang kahong ito ay galling sa piramide ni khufu! Noong una ko itong nakita ay may lamang abo
at isang putol na papel, at doon sa papel na iyon ay natuklasan ko ang katagang lubos na
makapangyarihan! Sa isang kataga ay bubuhayin ko ngayon ang alabok na laman ng kahon
8
Scene 15
Simoun: Kamusta na si Kapitan Tiago?
Basilio: Mahina nag pulso, walng ganang kumain. Kumalat na ng tuluyan ang lason sa
kanyang katawan.
Simoun: Parang Pilipinas, habang tumatagal, lalong humihina. Napansin kong hindi mo
binabasa ang librong ibinigay ko sa iyo. Wala kang pagmamahal a bayan. Naparito ako dahil
sa dalawang bagay: ang kamatayan mo o ang iyong kinabukasan. Sa panig ng umaapi sa iyo
o sa panig ng iyong bayan?
Basilio: Sa panig ng umaapi o sa panig ng inaapi? Hindi ko alam.
Simoun: Magpasya ka! Kailangan mo nag mag-desisyon, dahil ako ang namumuno sa
pagkakagulo. Ipakikiusap ko sayo na samantalahin mo ang pagkakataon. Kukunin mo ang
isang taong tanging ikaw lamang ang nakakakilala bukod kay Kapitan Tiago, si Maria Clara.
Basilio: Huli na kayo!
Simoun: Anong ibig mong sabihin?
Basilio: Si Maria Clara ay patay na!
Simoun: Patay? Hindi! Papaanong nangyari ito?
Basilio: Ika-anim ng hapon nang siya ay mamatay. Naparoon ako sa kumbento upang
makibalita nang sabihin nila sa akin ang lahat. Pagbalik ko ay isang lliham mula kay Padre
Salvi na ipinaaabot kay Kapitan Tiago ang dala ni Padre Irene. At dahil na rin sa sulat na ito
kung kayat nanangis ang Kapitan.
Simoun: Hindi maaari ito! Hindi pa siya patay! Buahy pa si Maria Clara! Ililigtas ko siya
ngayon!
Basilio: G. simoun, huminahon kayo. Wala na tayong magagawa liban sa tanggapin ang
katotohanan.
Simoun: Namatay siya nang hindi man lamang nalalamang akoy buhay! Namatay siya nang
hindi nalalaman na akoy nagbalik para sa kanya!
(At si Simoun ay umalis nang parang wala sa kanyang sarili.)(MAglalakad si Maria Clara)
Basilio: Kaawa-awang tao. Labis siyang naghirap. Nagtiis siya ng napakahabang panahon
para sa kanyang iniibig. At eto ang kanyang nakuhang ganti. Sadyang nakakapanghina nang
damdamin.
Scene 16
(nakaupo si Isagani sa isang medyo tagong bangko)
(dumaan sina Paulita, Juanito at Doa Victorina)
Doa Victorina: (nakakapit kay Juanito at feel na feel ang date nila) kay ganda ng gabi... hindi
ba Juanito... kay sarap maglakd sa ilalim ng buwan. Kung sanay... (lumapit kay Isagani at
pinalo ng pamaypay) Hoy binata! Ano na ang balita sa esposo kong si Tiburcio Pilantod! Hindi
9
Scene 17
(Sa isang pansiterya na nagngangalang Pansiteria Macanista de Buen Gusto. Ang mga
estudyante ay nagtipon-tipon dahil sa pare-pareho silang masasama ang loob pagkat silay
nabigo sa kanilang panukala ukol sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.)
Lahat ng mga estudyante: Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at pansit sa lupa sa
mga binatang may magagandang kalooban!
Sandoval: Bakit hindi pinaburan ni Don Custodio ang ating hiling?
Macaraig: Walang nakakaalam niyan.
Juanito: Dibat marami na siyang tagumpay? Bakit tayoy hindi man lamang niya hinayaang
magtagumpay? Mabuti naman an gating layunin.
10
Scene 18
BAHAY NI KAPITAN TIYAGO
Kapitan Tiyago: Diyatat si Basilio dinakip, Padre Irene?
Padre Irene: Oo ngunit huwag sana kayong mabahala, Kapitan! Makasasama sa inyo!
(Pipilitin tumayo ni kapitan tiyago)
Kapitan Tiyago Huwag! Patay na siya! Pagpalain nawa ang kanyang kaluluwa!
Scene 19
Juli: Ano ang wika ninyo Hermana Bali? DInakip si Basilio?
Hermana Bali: Oo Juli! Nakabilanggo siya ngayon kasama ng ibang mga estudyante!
Juli: Hindi! Si Kapitan Tiyago naman ay pata na! Sino pa ang nalalabing tutulong kay Basilio?
Sino!
Hermana Bali: SI Padre Camorra, hindi ba siya ang nagpalaya sa iyong Lolo Selo?
Hingan mo siyang muli ng tulong! Tiyak na mapapalaya niya si Basilio!
Juli: Diyos ko! Tulungan mo po si Basilio!
Padre Camorra: Juli!
Juli: Kailangan kop o ang inyong tulong Padre Camorra! Tungkol poi to kay Basilio!
Padre Camorra: Aking tutuparin kung akoy iyong pagbibigyan.
(Babatuhin ng bote ni Hermana Bati si Padre Camorra at sasampalin ito ng Padre at
makakatakas si Juli paakyat sa kumbento at tatalon sa bintana ng kumbento)
(Mabilis na lumipas ang oras. Araw na ng kasal ni Paulita kay Juanito. Nakalaya na rin si
Basilio. Agad na tinungo ni Basilio ang bahay ni Simoun.)
Basilio: Isa akong masamang anak at kapatid G. Simoun. Nakalimutan kong piata ang aking
kapatid at pinahirapan ang aking ina. Ngayoy pinaparusahan ako ng Diyos. Wala na akong
nararamdaman kundi galit at paghihiganti.
(Hindi kimubo si Simoun.)
Basilio: kahit noong may himagsikan ay hindi ako nakialam. Nabigo sila at akoy nakulang
kahit wala akong kasalanan. Iyon ang parusa sa akin. Narito ako sa labas nang dahil sa inyo.
Ngayon, handa na ako. Handa ko nang ipagtanggol ang bayan.
Simoun: Nabigo ang kilusan ng dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga desisyon,
dahil umiibig pa ako noon. Ngayong patay na ang aking puso wala ng dahilan para umatras.
Pareho na tayo ngayon. At sa tulong mo akoy magtatagumpay. Magsasabog ako ng
11
Scene 20
Doa Victorina: Napaka ganda mo ngayon hija!!! Magnifico!! Bonito! Bonito! Hija!! Kamukha
na kita ngayon. Maganda. Iba na talaga pag lahi ng magaganda!!!
Paulita: Salamat Tiya.
(maglalakad si Paulita patungong altar at sasalubungin ni Juanito)
Padre Irene: Sa ngalan ng ama, ng anak at espirito santo. (magdarasal na parang may
ginagawang ritwal o pray over) Juanito, tinatanggap mo ba bilang asawa ang babaeng ito,
magsasama ng tapat sa hirap at ginhawa habang buhay hanggang sa kamatayan?
Juanito: Opo Padre.
Padre Irene: Paulita, tinatanggap mo ba bilang asawa ang lalaking ito, magsasama ng tapat
sa hirap at ginhawa habang buhay hanggang sa kamatayan?
Paulita: Opo Padre.
12
Scene 21
(Alas-siyete na ng gabi. Nagsimula nang dagsain ng mga panauhin ang bahay ni Kapitan
Tiago, na pagdadausan ng kasal nila Paulita at Juanito. Ang pagdating ng Kapitan Heneral na
lamang ang hinihintay upang magsimula ang pista. Sa harap ng bahay ay naroon si Basilio at
nagmamasid.)
Simoun: Si Paulita ay ikakasal na pala kay Juanito Pelaez! Kaawa-awang Isagani!
Basilio: Ang dami palang mamamatay sa pagsabog na magaganap. Kaawa-awa naman sila.
Payuhan ko na lamang kaya ang ilan na umalis upang hindi madamay.
(Papalapit na siya sa bahay.)
Basilio: Hindi! Ano naman ngayon sa akin kung mamamatay sila! Hindi ko dapat sirain ang
pagtitiwala niya. Siya ang naglibing sa aking ina at ang mga tao sa loob ng pumatay!
Sinubukan kong kalimutan ang lahat! Magpatawad, pero ang lahat ay may hangganan din!
(Nakita niya ang pagdating ni Simoun dala ang lampara.Pagdating ng Kapitan Heneral ay isa
si Simoun sa sumalubong. Kinilabutan bigla si Basilio. Nakita niyang pinaligiran ng mga taong
mangha sa liwanag na binibigay ng lampara.)
Scene 22
Simoun: Ito ang handog ko sa bagong kasal!
Paulita Gomez: Napakagandang ilawan!
Juanito Pelaez: Maraming Salamat Don Simoun.
Paulita Gomez: Maaari nab a naming itong magamit?
Simoun: oo, bakit hindi? Ilagay ninyo roon sa kainan.
(aalis si SImoun)
Scene 23
Basilio: Hindi sila dapat madamay!
(Pumunta si Basilio sa pintuan at sinubukang pumasok.)
Basilio: Papasukin nyo ako! Ililigtas ko sila!
Tanod: Hindi ka maaaring pumasok dito! Tignan mo nga iyong suot!
Basilio: Papasukin ninyo ako!
(Nakita ni Simoun si Basilio. Bigla itong namutla sa kaba. Bigla itong umalis.)
Simoun: Tayo na sa Escolta, madali!
(At tuluyan nangnumalis si Simoun)
Basilio: Ililigtas na niya ang kanyang sarili. Dapat na rin akong umalis.
(Nagsimulang lumakad palayo si Basilio. Kanyang nakasalubong si Isagani sa daan, patungo
sa pista.)
Isagani: Anong ginagawa mo dito?
Basilio: Isagani! Tara na! umalis na tayo dito!
Isagani: Bakit ka aalis? Puntahan natin siya. Iba na siya bukas. Ibig ko siyang makita.
Basilio: Gusto mo na bang mamatay?
Isagani: Hindi ko alam.
Basilio: Makinig ka! Ang lampara sa loob ay may lamang pulbura! Sasabog iyon ano mang
oras ngayon! Tara na!
Isagani: Bukas ay iba na siya.
Basilio: Kaawaan ka ng Diyos.
Scene 24
(At iniwan ni Basilio ang kaibigan upang iligtas ang sarili. Sa loob ng bahay ay nagkakainan na
ang mga bisita nang may nakita silang papel.)
Kapitan Heneral: Nakasulat dito, Mane thecel, pares Crisostomo Ibarra.
Ben Zayb: Isang biro lang iyan!
Donya Victorina: hindi magandang biro! Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal nang
13
Scene 25
(Napagalaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat. Hinalughog ang kanyang
bahay at nakita dito ang ilang armas at bulbura. Pinaghahanap na siya ng mga sibil. Ayaw
niyang magpahuli ng buhay kaya uminom siya ng lason at nagtungo kay Padre Florentino
upang mangumpisal.)
Padre Florentino: Masama ba ang inyong pakiramdam?
Simoun: Wala ito Padre, mawawala din ang lahat pagkaraan ng ilang sandali. Anumang oras
ay tatalab na ang lason sa aking katawan.
Padre Florentino: Diyos ko!
Simoun: Huwag kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa inyo ang aking
lihim. Maaari mo bang sabihin sa akin kung totoong may Diyos?
Padre Florentino: Kahit saan tayo nagtungo nariyan ang Diyos.
Simoun: Padre, ayokong mamatay ng may dalang kasamaan! Ako si Crisostomo Ibarra, na
malaon nang ipinapalagay na patay. Noong araw, pagkatapos kong mag-aral sa Europa ay
umuwi ako rito upang pakasalan ang babaeng iniibig kong si Maria Clara. Ngunit itoy hindi
natupad.
Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginusto ang lahat, na
ikaw ay nasilaw lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat nang nangyari. Hindi
nagtagumpay ang iyong plano nang dahil sa Kanya. Sapagkat alam Niyang hindi ito tama.
Igalang natin ang Kanyang kapasyahan.
Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?
Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kalian man ay hindi Siya
naghangad ng masama para sa atin.
Simoun: Kung gayon, bakit hindi Niya ako tinulungan?
Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang nakakagawa ng
dakila.
Simoun: Bakit ako ang pinarurusahan at hindi ang mga masasamang namamahala na walang
dulot kundi kasamaan?
Padre Florentino: kailangang alugin ang lalagyan para humalimuyak ang bango.
(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa pinisil ni Simoun
ang kamay ng pari.)
Simoun: Maraming salamat Padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban.
(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florentino at tuluyan itong nawala sa
pagkakahawak. Kinuha ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun at nagtungno sa
talampas. Inihagis ni padre Florentino ang kaymanan ni Simoun sa karagatan.
Scene 26
Padre Florentino: Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat ngunit kung kakailanganin ka
ng tao para sa isang marangal na hangarin, ipahintulot ng Diyos na matuklasan ka sa
sinapupunan ng alon. Pansamantala, diyan ka muna, hindi makababaluktot ng katwiran, hindi
mag-uudyok ng kasakiman.
Turtle: Kakanta ulit
14
15