Pagkat alam kong may tampo ka sa akin Sa oras na iyon akoy unawain Pagkat sasakit lang ang iyong damdamin Basta lagi mo lang sanang tatandaan Ang mga kwento moy handa kong pakinggan Ang di ko pagdating ay nagkataon lang Kaya pasensya kung akoy inasahan Ramdam ko ang pag-intindi mo sa akin Lalo na sa braso kong idinadaing Gusto mo pang ngang gamutin at hilutin Hindi bat ang sarap sa iyong maglambing? Ang araw na yon di ko binalewala Alam kong malawak ang yong pang-unawa Ang pusoy may lakip na pagtitiwala Ang ala-alang yan di ko iwawala Kay rami na ng ating pinagsamahan Ala-alang nakatatak sa isipan Mga tampuhang tampororot lang naman Nakakatuwa, sarap sa pakiramdam. Rate this: