Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang musikal na tekstura ay isa sa mga elemento ng musika na maririnig sa lahat ng

komposisyong musikal. Ito ay tumutukoy sa kaayusan o kaugnayan ng dalawang


sangkap
ng
musika

ang
melodiya
at
armonya.
Ito ay maihahalintulad sa hibla at habi ng tela. Ang pahalang na hibla ay melodiya at
ang patayong hibla ay armonya - kapag ang melodiya ay sinaliwan ng akorde, ang
bunga ay paghahabi ng tunog - dito maririnig ang nipis o kapal ng tunog o melodiya ng
isang awit o tugtugin.
May tatlong uri ng tekstura:
Monoponya
Homoponya
Poliponya
A. Monoponya
Ang teksturang monoponya ay isang payak na himig na walang kasabay o dagdag na
himig; isang linya ng musika lamang ang inaawit at walang instrumentong sumasaliw.
Mailalarawan ang teksturang monoponya sa pamamagitan ng sumusunod na mga linya
ng melodiya:
B. Poliponya
Ito ay isang uri ng tekstura na pinagsama-sama ang maraming melodiya. Mailalarawan
ito sa pamamagitan ng sumusunod na mga linyang pangmelodiya.
May 2 himig na dumadaloy ang ating narinig. Isa sa itaas at isa sa ibaba. Ang dalawang
himig ay kailangang magkabagay at upang marinig ang dalawang himig ay kailangang
2 tao ang aawit o 2 instrumento ang tutugtog o 2 tono ang magkasabay na titipain sa
instrumento.
Ang mga awit na "rounds" ay kabilang sa mga teksturang poliponya.
C. Homoponya
Ang musika na binubuo ng melodiyang sinasaliwan ng instrumento o melodiyang may
akorde ay may teksturang homoponya. Sa musikang homoponya, ang melodiya ay
karaniwang
nasa
pinakamataas
na
boses.
Ang pagdaragdag ng mga tunog sa isang melodiya ay tinatawag na armonya.
Ang teksturang homoponya ay nailalarawan sa ganitong paraan.

You might also like