PAGBASA GROUP VI Ibana, Angelo O. Formalejo, Froilan G. Saman, Marielle M. Serrano, Albert C.
2015
ANO ANG PAGSASALITA?
Ang pagsasalita ay isa sa mga makrong kasanayan na may layuning ipahayag ang kaisipan, paniniwala at saloobin. Ang kaisipang ito ay maaaring pagbibigay impormasyon o kabatian, samantalang ang saloobin ay pagpapahayag kung ano ang nadarama. Tinatayang 70% ng mga impormasyong natatandaan ng tao ay nagmula sa kanyang sinabi. Mahalaga ang pagsasalita dahil naipaparating sa kausap ang ideya at emosyong nasa loob ng isang nagsasalita. TATLONG ELEMENTO NA KAILANGAN SA PAGSASALITA 1) 2) 3)
Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
Ang artikulador o ang nanginginig na bagay Ang resonador o ang patunugan Ang enerhiya o lakas ay ang pwesang nalilikha ng papalabas na hangin galing sa baga ay nagpapakinig sa mga babagtingang-tinig na nagsisilbing artikulador. Itoy nakalalabas tunog na inaayos ng bibig na siya namang nagsisilbing patunugan o resonador. Ang bibig ng tao ay may apat na bahaging mahalaga sa paggawa ng tunog; ang panga, ang ngipin at labi, ang matigas na ngala-ngala (itaas) at ang malambot na ngala-ngala (sa likod). MGA KAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay ng malaki sa mga partisipant nito. Kung gayon, malaki ang impluwensya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon. 1. Kaalaman Makukuha ang kaalaman sa mga tuwirang karanasan, sa pagmamasid ay sa pagbabasa ng mga peryodiko, ibat ibang magasin at mga aklat. 2. Tiwala sa Sarili Kung may tiwala sa sarili ang nagsasalita alam niya ang kanyang sasabihin, magiging panatag ang kanyang damdamin, makakapagsalita siya ng maayos at makapag-iisip siya ng mabuti. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kawalan ng tiwala sa sarili:
Kimi o hindi palakibo.
Mahina ang tinig. Garalgal ang boses. Mabagal magsalita. Pautal-utal na pagbigkas. Panginginig, paninigas o pag-iwas sa tingin. Labis na pagpapawis. Kabado.
Madalas na ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay bunga ng sapat na kaalaman sa
paksang pinag-uusapan at maging sa malawak na talasalitaan. Ito ay natatamo rin sa pamamagitan ng pagsasanat at eksposyur. Ngunit para sa mga taong likas na mahiyain, kailangan ang nararapat na pagkakataon upang masanay silang magsalita o makipag-usap hindi lamang sa taong kaharap kung hindi lalo na sa madla. 3. Kasanayan o Naipapamalas ang kasanayan sa pagsasalita kapag batid ang wastong pagbigkas at paggamit sa tamang salita, naihahayag nang maayos, malinaw at lohikal ang mga kaisipan. o Ang pagsasalita ay isa sa apat na makrong kasanayan. Kung kaya kailangang linangin ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Kasanayan sa pag-iisip ng mga mensahe sa pinakamabilis na panahon. 2. Kasanayan sapaggamit ng mga kasangkapan sa pananalita. 3. Kasanayan sa pagpapahayag ng ibat ibang genre.
MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA
1. Tindig Kapag nagsasalita, ang maayos na tindig ay nagpapamalas ng tiwala sa sarili, may kakayan, paggalang at agiging interesado sa kausap. Tandaan na laging pinagmamasdan ang nagsasalita lalo na kung nagbibgay ito ng panayam o kung ito ay nagtatalumpati. Mga dapat isaalang-alang kung nagsasalita: Dapat na tumindig nang maginhawa at maluwag. Maging anyong kagalang-galang at maginoo sa pagtayo. Tuwid ang katawan at ulo sa paglakad sa entablado. Huwag tindig military o tiping-tipi na tila isang estatwa at huwag ding tindig marino na nakabuka ang dalawang paa na parang handang makipagsunggaban. Huwag ding idurukot ang mga kamay sa bulsa na parang cowboy na makikipagbarilan. Huwag ding namemeywangan na parang lilipad na ibon. Ipatong ang bigat ng katawan sa isang paa at para maging handa na gumalaw ng paurong o pasulong. Pagpalitin sa mga paa ang pagpapatong ng bigat ng katawan sa bawat pagpapalit ng isa pang tinatalakay. 2. Galaw o Kilos Ang galaw ng katawan ng isang tagapagsalita ay madalas na napapansin ng mga tagapakinig. Kapag nagsasalita, iwasan ang madalas na paglalakad sapagkat inaagaw nito ang pokus ng tagapakinig sa mensaheng nais niyang malaman o marinig.
Dalawang Uri ng Galaw
Galaw ng buong katawan - kung lumalakad nang paurong o pasulong o limilipat sa ibang panig ng entablado. Galaw ng mga bahagi ng katawan tinutukoy na kumpas. 3. Kumpas Ang kumpas ng kamay ay nakatutulong din upang lalong maging kanais-nais at nakakahikayat ang pagsasalita. Ito rin ay nagbibigay diin sa mga salitang nais bigyang pansin. May mga pagkakataong kailangang gamitin ang kamay upang ilahad ang isang tiyak na opinyong nais bigyang pansin, kaya gumagamit ang mananalumpati ng kumpas ng kamay sa mga tiyak na salitang kinakailangang sabayan ng kilos ng kamay. Dalawang Uri ng Kumpas Kumpas na kinaugalian Hal; kumpas na parang may itinuturo, kumpas na ang palad ay nakatihaya, ang palad ay nakataob at ayos patulak, mapwersang kumpas ang pagpalakpak ng mga kamay, pagpadyak ng mga paa o pagdagok ng kuyom na kamay hangin. Kumpas na mapaglarawan Hal; pagkibit-balikat, pag-iling ng ulo, ang pagtungo, ang pagkindat at pagngiti. 4. Ekspresyon ng Mukha Ito ang nagsisilbing hudyat sa mga tagapakinig upang malaman ang emosyon ng nagsasalita. Siguraduhing ang nagsalitang binibigkas ay angkop ang ekspresyon ng mukha. Dapat iwasan ang: Pagtungo Pagbabasa ng palagian sa mga tala Pagsasalita ng kausap ang dingding 5. Tinig o Boses Ito ang pinaka importanteng kasangkapan ng pakikipagtalastasan. Nakapaloob dito ang wastong paggamit ng mga sangkap sa pagsasalita at wastong paghinga upang makatulong sa pagkakaroon ng angkop at natural na tinig. May mga katangian ang tinig na maaaring pag-iba-ibahin at ang mga itoy ang diin ang tulin, ang taas o baba at ang uri ng tinig. Isaalang-alang ang tulin ng pagsasalita. Gayumpaman, ipinalalagay na an tulin 120 o130 salita sa isang minuto ay kainaman na. Kailangang sapat ang tinig para marinig ng lahat. Napakahalagang maging wasto ang pagbigkas ng isang nagsasalita. Kailangan maging matatas at malinaw ang pagbigkas niya sa mga salita.