Panitikan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kultura

Ano ang ibig sabihin ng kultura?

Ito ay nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo ng mga tao. Dito rin naipapakita ang
pagkakaiba-iba ng bawat pangkat. May kani-kanila silang orihinal na talento sa ibat ibang larangan.

Ang Kultura sa Pilipinas


Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na ipinamana ng kani-kanilang
mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa ibat ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang
kinikilala ang kulturang nagmula sa ating mga ninuno . Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya itoy
ating ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Mga Kultura sa Pilipinas:

Wika
Paniniwala
Tradisyon o Kauglian
Pagkain
Sining
Kasuotan
Relihiyon

Wika

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe.


Sa Pilipinas, ito ang mga sumusunod na malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansa:

Filipino: ay ang pangunahing wikang sinasalita sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod
ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.
Tagalog: sinasalita ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ito ng mga nasa rehiyon
sa CALABARZON AT MIMAROPA. Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na
siyang kabisera ng bansa.
Ilocano: pangunahing wika ng mga taga HILAGANG LUZON at ginagamit din ng mga taga nasa rehiyon 1
at 2.
Panggasinan: Ginagamit sa lalawigan ng Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon.
Kapampangan: Sinasalita ng mga taong naninirahan sa Gitnang Luzon
Bikolano: Wikang sinasalita ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.
Cebuano: Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at
malaking bahagi ng Mindanao.
Hiligaynon: Tinatawag na Ilonggo. Sinasalita sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at Kanlurang Negros.
Waray-Waray: Wikang ginagamit sa mga lalawigan sa pulo nf Samar at Leyte sa Silangang Visayas.

Mga Tradisyon o Kaugalian ng mga Pilipino


Ano nga ba ang tradisyon o kaugalian?

Ito ang mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.

Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod sa mga nakagawian na at samga tradisyon. Sila din ay
mahilig maniwala sa mga pamahiin.
Mga Karaniwang Tradisyon ng mga Pilipino

Piyesta

Mahal na araw/ Senakulo

Pamamanhikan

Harana

Simbang gabi

Flores De mayo

Madalas na Kaugalian

Pagmamano itoy madalas ginagawa ng mga nakababata sa kanilang mga magulang o sa mga nakatatanda
sa kanila.
Paggamit ng po at opo sa nakatatanda itoy simbolo ng pagrespeto sa mga nakatatanda.
Mahilig makipagkapwa-tao -kapag madalas silang may nakakasalamuhang tao.
Mapagkumbaba nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakaapak sa lupa.

Madalas na Paniniwala
Sa Kusina:

Bawal kumanta sa harap ng kalan - may masamang mangyayari.


Bawal kumanta sa hapag-kainan simbolo ng hindi pagrespeto.
Bawal paglaruan ang apoy maaaring lumabo ang mata.
Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon ito ay simbolo ng kamalasan.

Sa Kasal:

Bawal isukat ang damit pangkasal Maaaring hindi matuloy ang kasal.
Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal maaaring mamatay ang isa sa kanila.
Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan upang hindi siya maliitin.
Kapag umulan sa araw ng kasal simbolo ng kaswertehan.

Kapag may sumakabilang-buhay

Bawal matulog sa tabi ng kabaong maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo.
Bawal magkamot ng ulo maaaring magkaroon ng kuto.
Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong
upang hindi sila guluhin ng namayapa.
Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa upang hindi na siya masundan.
Bawal magwalis sa araw ng burol bilang respeto
Bawal matuluan ng luha ang kabaong upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa langit.

Iba pang pamahiin:

Bawal maggupit ng kuko sa gabi upang hindi malasin .


Friday the 13th mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may maaaring mangyari sa iyong masama.
Paggsing ng alas tres ng madaling araw maaaring may dumalaw sa inyo. Paggising ng mga ispiritu.
Kapag may nakita kang taong pugot ang ulo maaari siyang mamatay (pwede itong mapigilan basta ibaon
lang ang kanyang damit sa lupa).

Mga Bansa sa Timog Silanagang Asya

Brunei
Cambodia
Indonesia
Laos
Malaysia
Myanmar
Pilipinas
Singapore
Thailand
Vietnam
Silangang Timor

You might also like