Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pambungad na Pananalita para sa Pagbubukas ng Buwan ng Wika

Sino na sa inyo ang nakapaglaro ng piko?


Sino kaya sa inyo ang naglalaro pa rin ng tumbang preso?
O kaya kadang-kadang?
Marahil, ang iba sa inyo ay naglalaro pa rin ng mga ito

At ang iba naman ay hindi na alam kung paano maglaro nito.


Naitanong ko ito dahil
ang tema ng ating pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay
Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran.

Kung bibigyan ng kahulugan ang salitang kaunlaran


madalas itong ikinakabit sa salitang high tech
dahil sa ito na rin naman talaga
ang uso sa panahon ngayon.
Kung hindi high tech ang gadget na mayroon ka,
huli ka, backwards kumbaga.

Ibig sabihin, hindi ka sulong. Hindi maunlad. Napag-iiwanan.


Malaki talaga ang nagagawa ng teknolohiya
upang masabing maunlad ang ating pamumuhay.

Ngunit, hindi naman lahat ng high tech ay masasabing pag-unlad.


Marami pa ring hindi kayang palitan ang high tech na kagamitan.

Tulad na lamang ng larong Filipino. Hindi kailanman mapapalitan ng


ng kahit anong high tech na laro

ang positibong dulot sa ating pangangatawan


at pakikipagkaibigan ng paglalaro ng piko,
kadang-kadang, tumbang preso at iba pa.
Walang gaanong pangangailangan
ang mga ito hindi tulad ng gadget.

Tipid na sa gastos sa pagbabayad ng kuryente


kung larong Filipino ang ating lalaruin at
Nakapag-eehersisyo pa ang ating katawan.
Bukod pa rito, nagkakaroon tayo
ng pagkakataong makausap
ang ating mga kaibigan at kapamilya nang personal.
Ganun pa man, hindi rin naman masasabing masama
ang maglaro gamit ang high tech na kagamitan.

Marami rin naman itong maidudulot na positibo


lalo na pagdating sa ating kaalaman.

Kailangan lamang na mabalanse natin

ang paglalaro nito kasama ng iba pang gawain.


Dapat ding alalahanin at muling angkinin
ang dati na rin namang atin tulad ng larong Filipino.
Bilang pag-uugnay sa tema ng pagdiriwang,

ang paggamit ng wikang Filipino sa pakikipaglaro man


o maging sa pagpapatatag ng pakikipag-ugnayan sa kapwa
ay isang pag-unlad na maituturing.
Kaya ngayong araw na ito,

ating mararanasang gamitin


ang wikang Filipino sa paglalaro ng larong Filipino
at Fil Tek (Filipino at Teknolohiya).
Ito ay pagsasama ng teknolohiya
at kaalamang Filipino
sa isang interaktibong larong ginawa
ng Baitang 6 gamit ang powerpoint.
Sisimulan natin ang programa
sa pagsaksi sa mga pagtatanghal ng ibat ibang baitang
at mayamaya lamang ay makapag-iikot na tayo
sa mga himpilan upang makapaglaro
kasama ng gabay ng ating mga magulang.
Muli, Maligayang pagdiriwang ng Buwan ng Wika!
Mabuhay ang wikang Filipino!
Mabuhay ang kulturang Filipino!
Mabuhay ang bayang Pilipinas!

You might also like