Aral Pan Project - Pagbubuod

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN

ARALIN 10:
ANG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA
SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
BUOD:
Nagsimula ang nasyonalismo pagkatapos ng World War 2.Mula sa mga Indian
na nakapag aral sa mga Kanluraning paaralan naitatag ang Indian National
Congress at All Indian Muslim League.Upang mapigilan ang pagtutol ng mga
Indian ipinatupad ng pamahalaang Britanya ang Rowlatt Act.Dumalo sa
pagtitipong pampubliko ang mga Indian at Muslim sa Amritsar dahil sa
pagtutol sa Rowlatt Act.Iniutos kaagad ni Heneral Reginald Dyer ang
pagpapaputok ng riple.Maraming namatay at nasugatan.Ang pangyayaring ito
ay tinawag na Amritsar Massacre.Pinamunuan kaagad ni Mohandas K. Gandhi
ang isang kilusan.Pinasimulan niya ang prinsipyong
satragyaha na
nangangahulugan na non-violent resistance o civil disobedience.Noong
1930,nagprotesta si Gandhi at kanyang mga kasamahan patungong baybay
dagat at gumawa ng sariling asin,bilang pagtutol sa Salt Act.Bunga nito
kinulong si Gandhi at kanyang mga kasamahan ng dalawang taon.Noong
1935,isinabatas ang Government of India Act.May mga maayos din itong
nagawa,ngunit sa halip na kapayapaan,ito ay nagpasiklab ng panibagong
tensiyon sa pagitan ng 2 pangkat ng mga Indian at Muslim.
Noong ika-20 hanggang ika-2i siglo ang Kanlurang Asya ay naging pusod ng
pagbabago at salungatan.Tatlong mahahalagang kilusang nasyonalista ang
nalinang na may ibat ibang layunin at
pananlig nag Turk,Arabism,at Zionism.Noong 1919,nilusob at madaling
nasakop ng mga griyegoang mga turkey.Sa ilalim ng pamumuno ni Mustafa
Kemal,ipinagpatuloy ng mga turk ang pakikipaglabansa kanilang
kalayaan.Noong 1923,itinatag ni Mustafa Kemal ang Republi of Turkey pati narin
ang Kemalismo Anim na Palaso(Six Arrows)ang bumuo ng 6 na katangian ng
Republic of Turkey.Si Kemal ay namatay noong 1938.Bunga ng maayos na
pamumuno at impluwensiya,ang mga Turk ay nagkaroon ng sariling
pagkakakilanlan.Dahil ditto,siya ay kinilalang mga Turkbilang si Atatrk o Ama
ng mga Turk.

Pan-Arabism ang modernong salitanggamit para sa politikal na pagkakaisa ng


mga bansang Arab sa Kanlurang Asya.Noong 1935,pinalitan ni Reza Shah
Pahlavi ang pangalan ng Persia ng Iran.Pagkatapos niyang bumaba sa trono
pinalitan siya ng kanyan anak na si Mohammad Reza Pahlavi.Sapilitang
ipinabalik ni Ayatollah Ruhollah Khomeini ang Islamic Fundamentalism sa
bansa.Noong 1979,inagaw ni Khomeini ang pamahalaan at sapilitang pinababa
sa trono si Mohammad Reza.Itinatag ni Abdul Aziz ang kaharian ng Hejaz at
Nejd noong 1926.Pinagbuklod niya ang mga kaharian ng Arab at tinawag niya
itong Saudi Arabia noong 1932.Nakamit ng Zionism ang mithiin nitong
magkaroon ng estado ang mga Jew sa pamamagitan ng malaking pono sa
mayayamang Jew,partikular ang pamilyang Rothschild na nagmamay ari ng
pandaigdigang bangko sa England.
Pagkatapos ng World War 2,ang mga kilusan tungo sa pagsasarili sa rehiyon ay
nagtagumpay.Ang mga Indian ay nagging pangkat ng magkahalong tao na
nananalig sa magkasalungat na paniniwala.Dahil ditto ito ay nagging isyu ng
AIML at INC.Nang ipabatid ni Prime Minister Clement Atlee ang pagkakaloob ng
kasarinlan sa India noong Hunyo 1958.Tumutol si Ali Jinnah at siyay
tinanggihan ng mga British.Nagsimula ang madugong labanan ng mga Muslim
at India,na tinawag na Great Calcutta Killings.
Naawat ang kaguluhan sa pamamagitan ng paghati ng India at Pakistan bilang
nagsasariling bansa.Pinatay ng isang assassin si Gandhi noong pinapalipat na
sila ng pangkat,itoy nagging marahas at madugo.Sa paglisan ng mga British
sila ay pinagkalooban ng sariling desisyon para sa kanilang bansa.Gustong
mapabilang ng Pakistan ang Kashmir,ngunit sila ay tumanggi kaya nagpadala
ng mga sandatahang tribo ang Pakistan sa Kashmir.Humingi ng saklolo ang
Kashmir sa India.Sa isang kondisyon kailangan magpasakop ang Kashmir sa
India.Tinawag ang digmaang ito na Operation Gibraltar.Simula noon gumawa
sila ng ceasefire line sa pagitan ng magkatunggaling bansa.Ito ay tinawag na
Line of Control.
Ang pagsalakay ni Saddam Hussein sa Shatt-al-Arab ang naging sanhi ng
sigalotsa pagitan ng Iraq at Iran.Sinalaky ni Saddam ang Kuwait at itinalaga ito
bilang ika-19 na lalawigan ng bansa.Ang East Pakistan ay nagrebelde laban sa
West Pakistan at itinatag ang banasang Bangladesh.Ang pangkat ng rebeldeng
Tamil ng Sri Lanka ay humiling ng paghihiwalay ng bansa mula sa pamahalaang
Sri Lanka.Sa pagkakatatag ng Israel,lumakas ang Zionism at dumagsaang
migrasyon ng milyong Jew sa Israel.Tinutulan at hiniling ng mga Arab sa
Palestine ang pagpapatigil ng migrasyon ng mga Israel sa lupain.Ikinagalit ng

Arab League ang pagkakatatag ng Israel at dagliang nagdeklara ng pakikidigma


sa nasabing bansa.Kinilala ng Ehipto ang Israel bilang isang malayang bansa sa
ilalim ng kasunduang nilagdaan sa Camp David.Ang mabilis na pagbabagong
lipunan,politika,at ekonomiya sa Asya ay nagdulot ng malaking pagbabago sa
kalagayan ng mga Kababaihang Asyano.

You might also like