Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Burmer, Alliah Denise M.

2015
PSY 1Y1-1
Serrano

August 29,
Bb. Zenaida

Kahirapan sa ating Bayan


ni: Alliah Denise Burmer
Sa isang bansang laganap ang kahirapan at korapsyon mayroon pa nga bang
solusyon? Isa sa hindi mamatay-matay na isyu sa ating lipunan ay ang kahirapan, maraming
nagtatanong nagtatakat nag-iisip, ito pa nga bay kaya pang wakasan o hindi na talaga
kaya pang lunasan.
Akoy isang kabataan ng bansang Pilipinas, apektado sa mga suliranin ng estado.
Palaging bumabagabag sa aking isipan ang halos walang katapusang kahirapan na
dinaranas ng ating mga mamamayan. Kung tatanungin ang bawat Pilipino kung ano sa
tingin nila ang dahilan ng kahirapan, isa lamang ang kanilang isasagot, ito ay ang
korapsyon, nagkaka-isa ang kanilang opinyon. Dahil kung hindi daw korup ang ating
gobyerno, hindi raw ganito kahirap ang ating bansa. Lahat isinisisi sa ating pamahalaan,
bulok at walang silbi ang madalas nilang ikomento dito, ngunit ito nga lang ba ang dahilan
kung bakit laganap parin ang kahirapan?
Kabilang ang Pilipinas sa tinatawag na Third World Country o ang mga bansang
papaunlad pa lamang. Matagal na nga tayong napag-iiwanan ng ating mga karatig bansa na
minsan ay naging kapantay natin sa kaunlaran. Hindi bago sa isang bansa na maibalita ang
korapsyon. Halos kadikit na nga nito ang salitang gobyerno. Sa isang bansang maunlad
laganap rin ang mga korap na opisyal. Ngunit bakit hindi nila napapabayaan ang kanilang
bansa? Bagkus lalo pa nila itong napapaunlad? Dahil sa kanilang bansa, hindi lahat nakaasa
sa pamahalaan, gumagawa rin ang bawat mamamayan ng paraan upang mapaunlad ang
kanilang bansa.
Pagtutulungan ng bawat mamamayan ang kailangan ng ating bansa, karamihan kasi
sa ating mga Pilipino ay tamad. Lahat inaasa na lamang, kayat kung naghihirap ay isinisisi
lahat sa gobyerno, hindi na tinignan ang sarili kung siya ba ay may ginawa upang
mapaunlad ang kanyang kabuhayan. Ang kahirapan ay hindi lamang dapat sa ating
pamahalaan isisi, dahil may magagawat magagawa tayo tungkol dito. Isa ding dahilan ng
kahirapan sa ating bansa ay ating kakulangan sa pagmamahal sa ating sariling bayan, dahil
kung hindi lubos, siksik at nag-uumapaw ang ating pagmamahal sa ating bansa makakamit
natin ang kaunlaran na matagal na nating inaasam. Hindi nga bat magandang pagmasdan
ang isang mamamayan na nagmamahal sa kanyang bayan? Dahil gagawat gagawa siya ng
paraan upang hindi na magdanas ng kahirapan ang kanyang mga kababayan, ano pat kung
lahat ng Pinoy ay magmahal sa sarili nitong bansa? Hindi dahil mahirap ang ating bansa ay
hindi na natin ito gagalangin, papahalagahan at mamahalin, hindi bat mas dapat natin
itong pagtuunan ng pansin?

Ang kahirapan ay kaya nating solusyunan, hindi nga lamang ito ganoong kabilis
ngunit ito ay ating makakamit kung tayoy magsisikap, magtityaga, magtitiwala sa Poong
Maykapal, at mamahalin sa sariling. Pilipino tayo, sapat na iyon na dahilan upang mahalin
natin ang ating sariling bansa. Tayo nat simulan na nating magka-isa tungo sa kaunlaran.

Reference:
kahirapan.html

http://aubreyjhiann.blogspot.com/2013/12/talumpati-para-sa-

You might also like