Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Eroplanong Papel

Ako'y lubos na nagagalak,


Nakikiliti at humahalakhak,
Lalo na nang iyong hawak-hawak,
Magkabilang dulo ng aking pakpak.
Tutungo ako sa tinatawag nilang paraiso,
Tutungo ako sa malalaking palasyo,
Tutungo ako sa napakalapad na espasyo,
Tutungo ako kung saan malayo sa iyo.
Ginawa mo ako para ilayo,
Mula sa kanila at lalong lalo na sa iyo,
Ginawa mo ako para itapon sa malayo,
Pinapanuod ang paglayo habang ika'y nakatayo.
akala ko noon ay sapat na,
sapat na nang ako'y iyong malikha,
iyon pala'y kulang na kulang pa,
at kailangan ko pang mawala.
at ngayon ako'y iyo nang itinapon,
sa hangin ako'y paalon-alon,
dumaan sa ilalim ng mga dahon,
natatakot na ako, baka umambon.
saan nga ba ang punta ko?
lalayo na ba ako?
magkakalayo na nga ba talaga tayo?
saan ang punta ko?
`

#jick
#JDV

You might also like