01#filipino LET Day 1 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 70

LET REVIEW

FILIPINO
M S . J A C H E L L E FA I T H T. J A S M E

TAYUTAY
1. Pagtutulad (Simile)
- Ito ay isang uri ng tayutay na lantaran ang
paghahambing ng dalawang bagay, tao, pangyayari at iba
pa. Ginagamitan ito ng mga salitang katulad ng, gaya ng,
kapara, kawangis, magkasim- magkasing- , kasing- at iba
pa.
Halimbawa:

a. Si Lolo Candido ay kasing-tibay ng punong Narra


dahil sa edad na 80, nagagawa pa niyang bumuo ng
bahay na siya mismo ang pumapanday.

2. Pagwawangis/ Metapora (Metaphor)


- Ito ay isang uri ng tayutay na hindi lantaran ang
paghahambing ng tao, bagay, pangyayari at iba pa. Hindi ito
ginagamitan ng mga salitang, para ng, katulad ng, gaya ng,
kapara, kawangis, magkasim- magkasing- at iba pa.
Halimbawa:
a.

Itay at Inay, kayo ang kayamanan na aking


pinangangalagaan. Kayoy hindi ko kailanman iiwan.

b. Si Justin ang payaso ng buhay ko, siya ay parating nariyan


para akoy patawanin.

3. Pagtatao/Personipikasyon(Personification)
- Ito ay pagsasatao o pagsasalin ng talino, gawi, at katangian
ng tao sa mga bagay-bagay sa ating paligid, mga bagay na
walang buhay.
Halimbawa:
a. Sa paghaplos ng malamig na hangin sa aking
ko bigla ang aking lola na
yumao.

pisngi, naalala

b. Sanay pagalitan siya ng kanyang konsenya sa pandarayang


ginawa niya sa aming
pagsusulit.

4. Pagmamalabis (Hyperbole)
- Isang uri ng tayutay na lubhang pinalalabis o pinakukulang
ang tunay na kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.
Halimbawa:
a. Umiyak si Betty ng dugo nang nalaman niyang hindi siya
nakapasa sa LET.

b. Huminto ang pagtibok ng kawawa kong puso nang


kong may kasama siyang iba.

makita

5. Pagtawag (Apostrophe)
- Itoy paggamit ng mga salita sa pakikipag-usap sa
karaniwang bagay na tila totoong buhay at tila nasa kanyang
harapan ngunit wala naman, mga bagay na malayo o wala naman.
Halimbawa:
a. O aking salamin, salamat sa pagdamay sa akin.
b. Anino, huwag mo akong takutin.

6. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
- Itoy pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa
bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan maaari rin naming ang isang
taoy kumakatawan sa isang pangkat.
Halimbawa:
a. Isang bagong mukha ang aming nasilayan sa bahay ni
Bentong. (isang bagong mukha na tumutukoy sa isang tao)
b. Maraming kamay ang gumawa ng aming
proyekto kaya
maganda ang kinalabasan
nito. (maraming kamay
na
tumutukoy
sa grupo ng tao)

7. Pagpapalit-tawag (Metonymy)
- Ang ibig sabihin ng meto sa metonymy ay panghalili o
pagpapalit. Ito ay paggamit ng salitang panumbas o pamalit sa
bagay, tao o pangyayaring pinatutungkulan.
Halimbawa:

a. Isang Einstein ang nanalo sa Science Quiz Bee.


(Einstein na panghalili sa napakatalinong tao)
b. Siya ang bituing nag-uwi ng koronang Mutya Hong
Libertad. (bituin na panhalili sa napakagandang kandedata)

8. Aliterasyon
- Pag-uulit ng magkatulad na mga titik o tunog sa simula ng
dalawa o higit pang magkasunod na mga salita o salitang
magkakalapit sa isat isa.
- Inuulit ang pantig sa unahan ng mga salita.
Halimbawa:
a. Masakit man sa akin pero sabi niya kulang pa ang
pagmamahal, pagaaruga at
pagmamalasakit ko sa kanya.
b. Si Perla ay maituturi kong isang maganda,
maalaga at
mapagmahal na kaibigan.

9. Tanong Retorikal (Rhetorical Question)


- Ang pagpapahayag na ito ay ginagamit upang tanggapin o
di-tanggapin ang isang bagay. Isa itong tanong na walang
inaasahang sagot.

Halimbawa:
a. Bakit napakahigpit ng kapalaran?
b. Kailan mo papakawalan ang puso kong nasasaktan?

10. Paglumanay (Euphemism)


- Pinapaganda ang pangit na mga salita upang maging
katanggap-tanggap at kaaya-aya ito.
Halimbawa:
a. Ayaw na ayaw ko sa mga taong hindi marunong sumunod
sa utos. (hindi matigas ang ulo)
b. Huwag kang magbalak na kumitil ng buhay.
(hindi pumatay)

11. Pagpapalit-Wika (Transferred epithets)


- Ang pang-uring ginagamit lamang sa tao ay inililipat
sa mga bagay.
Halimbawa:
a. Ang matapat na payong ay patuloy na naglilingkod sa
kanya.
b. Ginangamit niyang muli ang mapagparayang tsinelas.
c. Kaawa-awang pamaypay lupaypay na sa pagbibigay ng
hangin.

Pagtatambis (Antithesis)
- ito ay naglalahad ng mga bagay na magkasalungat
upang higit na mapatingkad ang bisa ng
pagpapahayag.

Halimbawa:
Ang buhay sa mundo ay tunay na kakatawa: may
lungkot at may ligaya, may dilim at may liwanag, may
tawa at may luha, may hirap at may ginhawa, may
dusa at may pag-asa.

Pagsalungat (Epigram)
- kahawig ng tambisan kaya nga lamang ay maikli at
matalinghaga.
Halimbawa:
a. Nadapa iya upang muling bumangon.
b. Nasa pagsisinungaling ang kanyang katapatan.
c. Ang tunay na kagandahan ay nasa kapangitan niya.

Pag-uyam (Irony)
- paggamit ng mga salitang kabaligtaran sa tunay na
kahulugan at taliwas sa katotohan.
Halimbawa:
a. Napakabait mo. Matapos kitang pakainin sa dalawang
palad ko ay aahasin mo pa ako.
b. Siya ay may magandang mukha na kung saan tanging
ina niya lang ang humahanga.

Pagtanggi (Litotes)
- gumgamit ng panangging HINDI upang maipahayag
ang makabuluhang pagsang-ayon.
Halimbawa:
a. Si Lucas ay hindi sinungaling, hindi lamang niya kaya
ang magsabi ng totoo.
b. Hindi ko sinabi na ayaw ko sa kanya pero suklam na
suklam ako sa kaniya.

SAWIKAIN o IDYOMA
Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng
mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito ay
nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.

luha ng buwaya hindi totoong nagdadalamhati,


nagkukunwari, pakitang tao
Halimbawa:
Huwag kang magpapaniwala sa kinikilos ni Jen tungkol sa
pagkamatay ng isa ninyong kaibigan dahil nararamdaman
ko na iyan ay luha ng buwaya lamang.

di-makabasag pinggan mahinhin kumilos


Halimbawa:
Sa tatlong makakaibigan na sina Luz, Betchay at Kitty, si Luz
lamang ang di-makabasag pinggan.
ilista sa tubig kalimutan na ang utang dahil hindi na ito
mababayaran pa

halimbawa:
Hindi na talaga ako magpapautang sa Budoy na yan dahil sa
ilang taong lumipas, ang lahat ng utang niya ay inilista na sa
tubig.

nagbibilang ng poste walang trabaho


Halimbawa:
Nakatapos nga si Joel sa kolehiyo ngunit siya ay nagbibilang parin
ng poste hanggang ngayon.
bahag ang buntot duwag
Halimbawa:
Bakit ba bahag ang buntot ka?
ikurus sa noo tandaan
Halimbawa:
Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo.

di madapuang langaw - maganda ang bihis


Halimbawa:
Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.

alilang-kanin - utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain


ngunit walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong
natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."
15. balitang-kutsero - balitang hindi totoo o hindi
mapanghahawakan.
Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa
mga balitang-kutsero.

BAHAGI
NG
PANANALITA

PANGNGALAN
(noun)
mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay,
pangyayari. Ginamit ito sa pagtawag sa
pangalan ng mga hayop, tao, atbp.
Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae

URING PANSEMANTIKA NG PANGNGALAN


1)

2)

Pantangi pangngalang tumutukoy sa tangi o particular na


tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari
Halimbawa:
Baguio, Boracay, Bohol, Tagyatay

Pambalana pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang


ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o
pangyayari.
Halimbawa:
Lungsod, baybayin, pook, bayan

Uri ng Pangngalan ayon sa Konsepto


1)

2)

3)

Basal pangngalang tumutukoy hindi sa material kundi sa


diwa o kaisipan
Halimbawa:
Kagandahan, buti, kasamaan, pag-asa
Tahas- pangngalang tumutukoy sa bagay na material
Halimbawa:
Tao, hayop, pagkain, gamit, bulaklak
Palansak tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay
Halimbawa:
Buwig, kumpol, tumpok, hukbo, lahi

PANGHALIP
(pronoun)
paghalili sa pangngalan.
Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya.

MGA URI NG PANGHALIP


1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)
Halimbawa:

ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya,
kanila, siya, kanya
2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)
*malapit sa nagsasalita: ito, ire, niri, nito, ganito, ganire
malapit sa kinakausap: iyan niya ayan hayan diyan
*malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon,
doon

3. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun)


Halimbawa:
ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin
4. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)
Halimbawa:
lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang
5. Panghalip na Pamanggit
Halimbawa:
na, -ng

Pandiwa
(verb)
bahagi ng pananalita na nagsasaad ng
kilos.

Halimbawa: sayaw, tuwa, talon.

Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kalian nagyari,


nangyayari, o ipagpapatuloy pa ang kilos.
1. Aspektong Naganap o Perpektibo ito ay nagsasaad na
tapos
nang gawin ang kilos.
Halimbawa:

Umalis Sa kani-kanilang mga bansa ang mga dayuhang


negosyante.
Pawatas

Perpektibo

Umalis

umalis

Magnegosyo

nagnegosyo

Bigyan

binigyan

Aspektong Katatapos nangangahulugan itong katatapos pa


lamang ng kilos o pandiwa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng panlaping ka at paguulit sa unang pantig ng isang
salita. Ito ay nasa ilalim din ng aspektong perpektibo.
Halimbawa:

Pawatas
Magbigay
Mag-ayos
Mag-usap

Katatapos
kabibigay
kaaayos
kauusap

2.

Aspektong Nagaganap o Imperpektibo ito ay nagsasaad


ng ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at
hindi pa tapos.
Halimbawa:
Pawatas
Magpasalamat

Ipaalam

Imperpektibo
nagpapasalamat

ipinapaaalam

3.

Aspektong Magaganap o Kontemplatibo ang kilos ay


hindi pa nauumpisahan at gagawin pa
lamang.
Halimbawa:

Pawatas

Kontemplatibo

Mabunga

magbubunga

Kumita

kikita

Kumilos

kikilos

Pangatnig
(conjunction)
ginagamit para ipakita ang relasyon ng
mga salita sa pangungusap.
Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng,
upang, nang, para, samantala atbp.

MGA URI NG PANGATNIG:


1. Pamukod - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni,
maging, at man.

Halimbawa:
a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.
b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger
man ang piliing lider natin.
c. Walang diperensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa
paligsahan.
d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking
anak.

2. Panubali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung,


kapag, pag, sakali, disin sana.
Halimbawa:
a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang
maaga ang tatay.
c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.
d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling
lumitaw ang buwan.

3. Paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng


pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng:
ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman,
kahit.
Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit
na) maraming naninira sa kanya.
b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang
sa palengke ang kanyang ina.
c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga
kaibigang bomoto sa kalaban niya.
d.

Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.

4. Pananhi - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa


pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil
sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa:
a. Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.
b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
c. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.
d. Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya nang ikot.

5. Panapos - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng


pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa
di-kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa:
a. Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos na.
b. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong
promosyon sa trabaho.
c. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
d. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang
paghuhusga.

6. Panlinaw - ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o


kabuuan ng isang banggit.
Halimbawa:
a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon
magsasama na silang muli.
b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na
si Berto.

7. Panimbang - ginagamit sa paghahayag ng karagdagang


impormasyon at kaisipan, gaya ng: at - saka,
pati, kaya, anupat.
Halimbawa:
a. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
b. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para
makaahon sa kahirapan.
c.. Nagtanim siya ng upo at saka patola.

8. Pamanggit - gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng:


daw, raw, sa ganang akin/iyo, di umano.
Halimabawa:
a. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.
b. Siya raw ang hari ng sablay.

c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.


d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.

9. Panulad - tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng:


kung sinosiyang, kung anosiya rin,
kung gaanosiya rin.
Halimbawa:
a. Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring
mangyayari ngayon
b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.
c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa
iyo.

PANG-UKOL
(preposition)
Ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos.
Ang pang-ukol o preposition sa wikang Ingles ay
bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip,
pandiwa at pang-abay sa ibang salita sa pangungusap.
Pang-ukol ang ginagamit upang matukoy kung sang
lunan o kung anong bagay ang mula o tungo, ang kinaroroonan,
ang pinangyarihan o kina-uukulan ng isang kilos, gawa, balak ,ari
o layon. Ang mga ito ay laging may layon na maaaring isang
pangngalan o isang panghalip.

Mga uri o mga karaniwang pang-ukol


sa/sa mga
ng/ng mga
ni/nina
kay/kina
sa/kay
labag sa
mula sa

nang may
tungkol sa/kay
alinsunod sa/kay
hinggil sa/kay
nang wala
para sa/kay

laban sa/kay
ayon sa/kay
tungo sa

Dalawang pangkat ng Pang-ukol


1. Ginagamit sa pangngalang pambalana : ukol sa, laban sa,
hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, para sa.
Mga Halimbawa:
1. Ukol sa pilipino ang paksa ng usapin.
2. Ang mga piling manggagawa ay binigyan ng bunos
3. Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala.
4. Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.

2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao - ang gawa, ari, layon, at


kilos ay para lamang ngalan ng tao, tulad ng: ukol kay,
laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay.
Mga Halimbawa:
1. Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria.
2. Para kay Juan ang pagkaing ito.
3. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
4. Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat.
5. Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa
ating kaalaman.

Pang-angkop
(ligature)
Bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda
pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap. ay mga katagang
idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang maging
kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang
panggramatika. Ito ay maaaring matagpuan sa pagitan ng panguri at pangngalan.

Halimbawa: na, ng, g. magandang bata.

TATLONG PANG-ANGKOP SA PAG-UUGNAY NG MGA SALITA


1. Pang-angkop na -NA Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na
kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig
(consonant) maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga
salitang pinag-uugnay.
Halimbawa:
1. malalim bangin = malalim na bangin
2. mataas tao = mataas na tao
3. feel feel = feel na feel
4. yamot yamot = yamot na yamot
5. tulay bato = tulay na bato

2. Pang-angkop na -NG Ito ay isinusulat karugtong ng mga


salitang nagtatapos sa mga patinig (vowel). [a, e, i, o u].
Halimbawa:
1. malaya isipan = malayang isipan
2. malaki bahay = malaking bahay

3. buo buo = buong-buo


4. madamo hardin = madamong hardin
5. sombrero pandan = sumbrerong pandan

3. Pang-angkop na -G ginagamit kung ang salitang


durogtungan ay nagtatapos sa katinig na n.
Halimbawa:
1. aliwan pambata = aliwang pambata
2. balon malalim = balong malalim

3. pamayanan nagkakaisa = pamayanang nagkakaisa


4. pamilihan bayan = pamilihang bayan
5. institusyon pangmental = institusyong pangmental

Pang-uri
(adjective)
naglalarawan ng katangian ng pangngalan o
panghalip.
Halimbawa: Magandang bata.

Pang-abay
(adverb)

Naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa


nito pang-abay

Mga Uri ng Pang-abay


1. Pang-abay na Pamanahon nagsasaad kung kailan
naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
May pananda
Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
hanggang.
Halimbawa:
Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan

Walang pananda
Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.

Halimbawa:
Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang
Pilipino.
Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika 40 na
kaarawan.
Nagsasaad ng dalas
Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.

Halimbawa:
Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan.
Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyang
kalusugan.

2. Pang-abay na panlunan tumutukoy sa pook na


pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa
pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay
Sa ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o
panghalip.
Kay /kina ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang
pantanging ngalan ng tao.
Halimbawa:
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para
sa iyong kaarawan.

3. Pang-abay na pamaraan naglalarawan kung paano naganap,


nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng
pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.

Halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Tumawa siyang parang sira ang isip.

4. Pang-abay na pang-agam nagbabadya ng di-katiyakan sa


pagganap sa kilos ng pandiwa.
Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.

Halimbawa:
Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng
Sandiganbayan.
Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home
Coming kaysa nakaraang taon.
Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

5. Pang-abay na panang-ayon nagsasaad ng pagsang-ayon.


Hal. Oo, opo, tunay, sadya, talaga, atb.
Halimbawa:
Oo,asahan mo ang aking tulong.
Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
Sadyang malaki ang ipinagbago mo.

6. Pang-abay na pananggi nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng


hindi/di at ayaw.
Halimbawa:

Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.


Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.

7. Pang-abay na panggaano o pampanukat nagsasaad ng


timbang o sukat. Sumasagot sa
tanong na gaano o magkano.
Halimbawa:
Tumaba ako nang limang libra .
Tumagal nang isang oras ang operasyon.

8. Pang-abay na pamitagan nagsasad ng paggalang.


Halimbawa:

Kailan po kayo uuwi?


Opo, aakyat na po ako

9. Ingklitik o paningit mga katagang laging sumusunod sa unang


salita ng kayariang kinabibilangan
Mayroong 16 anim na ingklitik sa Filipino
ba
kasi
kaya
na

daw/raw
din/rin
naman
yata

pala
tuloy
nga
lamang/lang

man
muna
pa
sana

10. Pang-abay na kundisyunal nagsasaad ng kundisyon para


maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Pinangungunahan
ng kung, kapag o pag at pagka
11. Pang-abay na kusatibo tawag sa pang-abay na nagsasaad ng
dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa
Binubuo ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa

12. Pang-abay na pangkaukulan - pinangungunahan ng


tungkol, hinggil o ukol

Pantukoy
(article o determiner )

Tinutukoy ang relasyon ng paksa at panag-uri


sa pangungusap

URI NG PANTUKOY
Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang
pambalana
ang, ang mga, mga
ang (isahan)
Halimbawa:
Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga
nasasakupan.
ang mga (maramihan)
Halimbawa:
Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng
collage.
mga (maramihan)
Halimbawa:
Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.

Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi


(tiyak na tao)
si, sina, ni, nina, kay, kina
si (isahan)
Halimbawa:
Si Gng. Arroyo ay nagsisikap upang mapabuti ang
kalagayan nating mga Pilipino.

sina (maramihan)
Halimbawa:
Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela
Cruz.

ni (isahan)
Halimbawa:
Napagalitan ni Coach Dimagiba ang mga manlalaro dahil
hindi sila dumating sa oras.
nina (maramihan)
Halimbawa:
Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Anton at
Luis.
kay (isahan)
Halimbawa:
Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam.
kina (maramihan)
Halimbawa:
Nakipagkasundo na si Lukas kina Juan at Pedro

Pangawing
(linker)
nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.
Ang AY ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ito ay
pang-dugtong sa mga pangungusap na di-karaniwang ayos
Halimbawa:Ako ay galing sa banyo.

You might also like