Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Aralin 5

Naglakbay si
Don Juan
(saknong 110-161)

Talasalitaan:
Binabagtas- Tinatalunton
Sapin-Sapin- Lubos-lubos
Hinunulo- Iniisip
Nagbadya- Nagsabi

Buod:
Nainip

ang hari sa hindi pagdating ng dalawang anak. Ibig


niyang ipahanap kay Don Juan ang mga ito ngunit siya ay
nag-aalala na baka hindi rin makabalik ang kanyang
bunso. Dahil sa kalagayan ng ama, nagkusa nang
magpaalam si Don Juan. Laban man sa kalooban, lumuha
na lamang ang ama. Humingi ng Bendisyon ang anak sa
ama. Umalis si Don Juan na hindi gumagamit ng kabayo.
Ang baon lamang niya ay limang tinapay. Sa kanyang
paglalakbay ay hindi niya nalilimutang magdasal.
Nakarating siya sa kaparangan at dito ay nakilala niya
ang matandang leproso. Humingi ito ng tulong sa kanya
at ibinigay niya ang isang natitirang tinapay. Itinanong ng
matanda kung bakit siya nakarating sa lugar na iyon at
nabanggit niya ang tungkol sa kanyang kapatid. Binalaan
siya ng matanda na mag-ingat dahil baka siya maging
bato. Ibinabalik ng matanda ang ibinigay niyang tinapay
pero ayaw itong tanggapin ni Don Juan sapagkat kapag
naibigay na niya ay hindi na niya binabawi.

Aral:
Ang

pagtulong ay ginagawa
nang bukal sa kalooban.

Pakainin

ang nagugutom
Tulad ng ginawa ng Panginoon.

You might also like