Professional Documents
Culture Documents
T3 - NxGenBL
T3 - NxGenBL
Asignatura: Filipino
Saklaw ng Sesyon:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
LGP 1: Magsisilbing hamon sa mga mag-aaral upang matanto ang kanilang tunay na
kakayahan.
LGP 5: Maihanda ang mga mag-aaral na makilahok sa mga gawain, pamilya, lipunan at
simbahan.
YUNIT: FILIPINO
LAYUNING MATAMO:
Kasanayan (Code mula sa DepEd):
KAALAMAN
PROSESO
PAG-UNAWA
ARALIN 1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular
F8PT-IIIa-c-29
F8PB-IIIa-c-29
Nabibigyang-kahulugan
ang Naihahambing ang tekstong
mga lingo na ginagamit sa binasa sa iba pang teksto batay
mundo ng multimedia
sa:
paksa,
layon,
tono,
pananaw,
paraan
ng
pagkakasulat, pagbuo ng salita,
pagbuo ng talata, pagbuo ng
pangungusap
F8WG-IIIa-c-30
Nagagamit sa ibat ibang
sitwasyon ang mga salitang
ginagamit sa impormal na
komunikasyon (balbal, kolokyal,
banyaga)
F8WG-IIIg-h-33
Nagagamit ang kahusayang
gramatikal (may tamang bantas,
baybay,
magkakaugnay
na
pangungusap/ talata sa pagsulat
ng isang suring-pelikula
YUNIT: FILIPINO
IKALAWANG ANTAS
Gawaing may Bahagyang
Paggabay/Bukas na
panghihikayat
(Open prompt)
IKATLONG ANTAS
Ginabayang Paglilipat
( Guided transfer)
IKAAPAT NA ANTAS
Indibidwal na Gawaing
Pampaglilipat/Aktwal na
Paglilipat
(Independent transfer)
KAALAMAN
PROSESO
PAG-UNAWA
PRODUKTO/
PAGGANAP
Panimulang
Pagtataya
Pagtatayang
Pormatibo
Pagtatayang
Sumatibo/
Pangwakas
Pansariling
Pagtataya
KWL
Pagsulat ng
Repleksiyon
Ebalwasyon ng
pangkat sa
kanilang naging
karanasan sa
pagbuo ng
proyekto
YUNIT: FILIPINO
PAGKATUTONG DIGITAL
(E-LEARNING)
Pananaliksik sa mga online na sanggunian
Panonood ng mga presentasyon sa youtube
Paggamit ng blog bilang integrasyon sa mga aralin
Pakikinig ng mga musika online
YUNIT: FILIPINO
PAKSA
YUNIT: FILIPINO
1. Panitikan
1.1 Opinyon at Talakayang Panradyo
1.2 Dokumentaryong Pantelebisyon
2. Wika
2.1 Konsepto ng Pananaw
2.2 Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal
e. Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong Panlipunan
1. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksyon ni Brillante Mendoza
2. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag
II. INTERAKSYON
Gawain # 2: Pakikinig ng awit at Quescussion - Pagbabalik-tanaw sa sarili bilang bata
Iparirinig ang awiting Bawat Bata ng Apo Hiking Society. Matapos ito ay magkakaroon ng
malayang talakayan gamit ang mga sumusunod na gabay na tanong:
1.
2.
3.
4.
5.
III. INTEGRASYON
Gawain # 3: Repleksyon
Kopyahin sa kwaderno at tapusin ang pahayag na ito. . .
Masaya ako sa pagiging bata sapagkat ___________________________________________.
Araw 2
I. INTRODUKSYON
YUNIT: FILIPINO
GMA Online
Gawain # 6: Panonood ng 2 dokumentaryo
Dokumentaryo # 1 La Union Expedition
(https://www.youtube.com/results?search_query=motorcycle+diaries+karapatan+ng+bata+carlo)
II. INTERAKSYON
Gawain # 7: Pangkatang Gawain
Hahatiin sa 3 klaster ng pangkat ang klase. Bawat klaster ay magkakaroon ng dayad. Narito ang
gawain para sa bawat klaster. May 5 minuto ang bawat klaster upang pag-usapan at sagutin ang
mga katanungan sa ibaba.
Klaster # 1 Aling dokumentaryo ang higit na nakaantig ng inyong damdamin? Bakit?
Klaster # 2 Pumili ng dokumentaryo. Tukuyin ang suliraning nakapaloob dito at sabihin kung
sino ang dapat sisihin sa problemang nabanggit.
Klaster # 3 Pumili ng dokumentaryo at dahil panahon ng kampanyahan, sagutin ang tanong na
ito: Kung ikaw ay politiko, paano mo sosolusyunan ang suliraning ipinakikita sa o
dokumentaryo?
III. INTEGRASYON
Gawain # 9: Paglalagom
Mga Gabay na Tanong:
1) Ano ang napansin ninyo sa mga kasagutan ng bawat klaster?
2) Ano ang kahulugan o ibig sabihin nito?
YUNIT: FILIPINO
Araw 3
I. INTRODUKSYON
Gawain # 10 Balik-aral
II. INTERAKSYON
Gawain # 11: Quescussion - Paglalahad sa karapatan ng mga bata na itinakda ng UN
1. Maisilang at magkaroon ng pangalan ng pagkamamamayan.
Tanong: Bakit binibigyan ng pangalan ang isang bata?
2. Magkaroon ng tirahan at pamilyangmag-aaruga.
Tanong: sa napanood ninyong dokumentaryo, alin ang nanaisin ninyong sitwasyon, ang
sitwasyon ni Carlo o ang sitwasyon ng batang magnet? Bakit?
3. Manirahan sa isang payapa at tahimik na pamayanan.
Tanong: Ano ang payapang lugar para sa inyo?
4. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan.
Tanong: Bakit sa kabila ng katotohanang may kakayahan kayong mabili ang gusto ninyong
pagkain ay may ilan sa inyong sakitin?
5. Mabigyan ng sapat na edukasyon.
Tanong: Sapat ba ang edukasyong inyong tinatamasa?
6. Mapaunlad ang sariling kakayahan.
Tanong: Napauunlad ba ang inyong kakayahan ditto sa DLSZ? Paano?
7. Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at makapaglibang.
Tanong: Paano kayo naglilibang tuwing Sabado at Linggo?
8. Mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso panganib atkaharasan.
Tanong: Natatamasa nyo ba ng 100% ang karapatang ito dito sa DLSZ?
Ipaliwanag ang sagot.
9. Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan.
Tanong: Nararamdaman nyo ba ito? Ipaliwanag.
10. Makapagpahayag ng sariling pananaw.
Tanong: Natatamasa nyo ba ito sa bahay at sa paaralan? Ipaliwanag.
III. INTEGRASYON
Gawain # 12: Paglalagom at pagpapaliwanag sa awtput
YUNIT: FILIPINO
Matapos ang talakayan, ipaliliwanag ng guro ang awtput para sa aralin. Ang mga mag-aaral
kasama ang piniling kaibigan/kaklase ay bubuo ng isang music video na tatalakay sa karapatan
ng isang bata at ang kaakibat nitong responsibilidad. Ang bawat pangkat ay bubuuin lamang ng
maksimum na 7 miyembro. Narito pa ang ilang detalye.
I. Himig lamang ang hihiramin sa awit na gagamitin sa video. Ang liriko ay sariling komposisyon.
2. Ang liriko ay Rated G.
3. Ang eksena ay Rated G rin. Walang ipakikitang eksenang sensitibo gaya ng naninigarilyo,
nagsusugal o anumang hindi angkop sa bata.
4. Itatanghal ito at mamarkahan gamit ang rubrik sa ibaba.
Rubrik sa Pagmamarka ng Music Video
4- Natatangi
Pamantayan
3- Mahusay
4
2- Naisagawa
3
1- Papaunlad
1
Nilalaman o Mensahe
Mga elemento ng isang awit
Musikalidad
Kasiningan
Kabuuang dating
Araw 4
Gawain # 12: Pagbuo ng awitin
Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng isang araw upang bumuo ng awitin gamit ang gabay na
itinakda. Ang pagbuo naman ng aktwal na music video ay isasakatuparan sa mga oras na mapaguusapan ng pangkat sa loob o labas ng paaralan at may gabay ng magulang. Babalikan ito sa
Martes upang iugnay sa aralin sa araw na yaon.
YUNIT: FILIPINO
II. INTERAKSYON
Matapos ito at tatalakayin ng guro ang tungkol sa panitikang popular (pahayagan, komiks, dagli,
magasin) gamit ang PPT sa slide share na Panitikang Popular na Babasahin.
III. INTEGRASYON
Gawain # 15: Paglalagom
YUNIT: FILIPINO
Araw 2
I. INTRODUKSYON
Gawain # 16 - Pagganyak
Ipababasa sa klase ang isang komiks ng Pugad Baboy na may pamagat na, Pimple.
Pagkatapos nito ay magkakaroon ng malayang talakayan.
II. INTERACTION
Gawain # 17 Quescussion
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang napansin ninyo sa binasang akda?
2. Kung ikukumpara sa mga naunang napag-aralang akda (tula, maikling kuwento, sanaysay),
ano ang naiibang katangian ng komiks?
3. Nagustuhan mo ba ang ayos o daloy ng mga pangyayari?
4. Malinaw ba ang mga detalye sa akda? Paano?
5. Balikan ang mga larawang ginamit sa komiks. Nakatulong ba ito sa pagkukuwento ng akda?
Bakit?
YUNIT: FILIPINO
6.
A
#2
#3
YUNIT: FILIPINO
Klaster 2 Gamit ang isang aplikasyon sa iPad, igawa ng komik strip ang usapan/kwento.
#1
#2
- Estudyante 1 Ayaw ko nang magmahal. Pag nasaktan ka, hindi ka makapokus sa pagaaral.
Estudyante 2 Ako, gusto ko pa ring magmahal kahit na akoy nasaktan.
Estudyante 1 Bakit?
Estudyante 2 Para gamutin mo ang puso ko.
#3
YUNIT: FILIPINO
Klaster 3 - Gamit ang isang malaking frame, gawing isang buhay na komiks ang kwento.
#1
#2
#3
Klaster 4
Basahin ang akdang, Braces. Magbibigay ang guro ng ilang mga isyung nakapaloob sa komiks
at hahayaang magbigay ang mga mag-aaral ng kanilang opinyon o katwiran hinggil sa isyu. Ang
gawaing ito ay pandalawahan at gagawin ng pares sa 1 buong papel.
Blg
Isyu
Kulturang Pinoy
Bahagi ng Akda
Yun bang bakal na nakabalot sa
ngipin
para
magmukha
kang
mayaman...
... Paborito ng mga artista yun eh!
E, Pa, uso kasi ang braces ngayon
eh. Gusto ko lang maging in...
Gusto ng anak kong magpalagay ng
braces kahit walang sungki ang ngipin
nya. Status symbol daw yon...
Yan ang hirap sating Pinoy e... Hindi
bale
nang
magutom,bastat
makaporma lang...
Opinyon/Katwiran
2 puntos
2 puntos
2 puntos
2 puntos
2 puntos
Araw 3
YUNIT: FILIPINO
Gawain # 20
Pagpapatibay
Ipababasa ang ikatlo at huling akda ni Pol Medina na, Gwapigs. Susuriin ito ng mag-aaral
gamit ang grapikong pantulong sa ibaba.
YUNIT: FILIPINO
Pagpupuntos
3 Puntos
2 Puntos
Puntos
YUNIT: FILIPINO
Pag-uusapan ng klase ang kanilang ginawang takdang-aralin. Magtatawag ang guro ng 3-5 magaaral na nais magbahagi ng kanilang takdang-aralin. Pagkatapos nito ay magkakaroon ng
talakayan.
Integrasyon
Tatalakayin ng guro ang 10 pangunahing karapatan ng isang bata ayon sa UNICEF.
Pagkatapos nito ay magkakaroon ng malayang talakayan.
1.
2.
3.
4.
Pagpapayaman
Mula sa tinalakay na karapatan ng isang bata ay hahayaang lumikha ang mga mag-aaral
ng isang awitin na tumatalakay sa kanilang responsibilidad na kaakibat kaugnay sa paggamit ng
kanilang karapatan. Gagamitin ang rubrik sa ibaba sa pagmamarka.
4- Natatangi
Pamantayan
Nilalaman o Mensahe
Mga Elemento ng Isang Awit
Musikalidad
Kasiningan
Kabuuang Dating
1- Papaunlad
1
Pangwakas na Pagtataya
Itatanghal sa klase ang ginawang awit.
Ikalimang Araw
Pagganyak
Tatalakayin ng guro ang ilan sa mga payong makukuha mula sa awiting, Batang-Bata Ka
Pa, ng Apo Hiking Society. Pagkatapos nito ay magkakaroon ng malayang talakayan ang klase
sa mga payo naman na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga magulang.
YUNIT: FILIPINO
YUNIT: FILIPINO
teheras
pupitre
mapakagat-labi
pambubuska
paanas
walang-imik
abaloryo
pagyayabang
Ipabasa
sa mga mag-aaral ang mga
pangungusap nang isa-isa. Papiliin sila ng salitang akma sa bawat pangungusap, mula sa kahon.
Ibigay sa klase ang kahulugan ng mga salita ayon sa gamit nito sa pangungusap.
YUNIT: FILIPINO
1.
M
2.
3.
4.
5.
6.
Pagganyak
Maglalaro ang klase ng isang popular na larong pinamagatang, 4 Pics 1 Word.
Pagkatapos nito ay magkakaron ng malayang talakayan.
YUNIT: FILIPINO
Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang ilitaw ang
kaniyang baon. Itatago niya sa kandungan ang kaniyang pagkain, pipiraso ng pakonti-konti, tuloy
subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase ang kaniyang dalang pagkain. Sa
sulok ng kaniyang mata ay masusulyapan niya ang mga pagkaing naka-display sa ibabaw ng
pupitre ng mga kaklase: mansanas, sandwiches, kending may iba-ibang hugis at kulay na
pambalot na palara.
Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kaniyang mga damit. Tatangkain nilang
silipin kung ano ang kaniyang pagkain at silay magtatawanan kapag nakita nilang ang kaniyang
baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniway walang palaman. Kaya lumayo siya sa kanila.
Naging walang kibo. Mapag-isa.
Ikalawang Gabay na Tanong:
Ang nangyayaring itoy hindi naman lingid sa kaniyang ina. Sa bahay ay di minsan o makalawa
siyang umuuwing umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase, at siyay magsusumbong.
Mapapakagat-labi ang kaniyang ina, matagal itong hindi makakakibo, at sabay haplos nito sa
kaniyang buhok at paalong sasabihin sa kaniya, hayaan mo sila anak, huwag mo silang pansinin,
hamo, kapag nakakuha ng maraming pera ang iyong ama, makakapagbaon ka na rin ng
masasarap na pagkain, mabibili na rin kita ng maraming damit. At lumipas pa ang maraming araw.
Ngunit ang amay hindi pa rin nakapag-uwi ng maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang
buhay. Ngunit ang batay unti-unting nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang
makibahagi sa malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang
pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak. Hindi na siya
nagsusumbong sa kaniyang ina.
Ikatlong Gabay na Tanong:
Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kaniyang mga kaklase na siyay kanilang taluntalunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska. Lumang damit. Di masarap na pagkain.
Mahirap. Isinalaksak nila sa kaniyang isip.
Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban.
Sa buong pagtataka nilay bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na batang babaeng laging
kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang laging kakaunti ang baong pagkain. Yaoy
isa na naman sanang pagkakataong walang magawa ang kaniyangmga kaklase at siya na naman
ang kanilang tinutukso.
Alam nyo, aniya sa malakas at nagmamalakiing tinig, akoy may sandaang damit sa bahay.
Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala. Kung totoo yay bat lagi na
lang luma ang suot mo? Mabilis ang naging tugon niya, Dahil iniingatan ko ang aking sandaang
damit. Ayokong maluma agad.
Ikaapat na Gabay na Tanong:
Sinungaling ka! Ipakita mo muna samin para kami maniwala! Iisang tinig na sabi nila sa batang
mahirap.
Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto nyoy sasabihin ko na lang
kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may laso o bulaklak.
At nagsimula na nga siyang maglarawan ng kaniyang mga damit. Ayon sa kaniyay may damit
siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay, pantulog, pampaaralan,
pansimbahan, at iba pa.
YUNIT: FILIPINO
Naging mahaba ang kaniyang pagkukuwento. Paanoy inilarawan niya hanggang kaliitliitang
detalye ng bawat isa sa kaniyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na pandalo
niya sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan ng pinaggupit-gupit na
mumunting bulaklak at makikislap na rosas at puting abaloryo. Bolga ang manggas. May tig-isang
malaking laso sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng damit.
O kayay ang kaniyang dilaw na pantulog na may prutas sa kuwelyo, manggas, at laylayan. O ang
kaniyang puting pansimba na may malapad na sinturon at malalaking bulsa.
Mula nooy naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayoy siya ang naging tagapagsalita at sila
naman ang kaniyang tagapakinig. Lahat silay natutuwa sa kaniyang kuwento tungkol sa
sandaang damit. Nawala ang kaniyang pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy
pa rin ang kaniyang pamamayat kahit ngayoy nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong
mansanas o sandwich, isa o dalawang kendi.
Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng may sandaang
damit. Saka ng sumunod na araw. At nang sumunod pa. At pagkaraan ng isang linggong hindi
niya pagpasok ay nabahala ang kaniyang mga kaklase at guro.
Ikalimang Gabay na Tanong:
Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang natagpuan
nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan.
Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy sila at nakita nila
ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa anumang marangyang kasangkapan. At
sa isang sulok ay isang lumang teheras at doon naratay ang batang babaeng may sakit pala.
Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel
na maayos na maayos na nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ngteheras.
Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding ay ang
drowing ng bawat isa sa kaniyang sandaang damit. Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang
kaniyang naikuwento. Totoot naroon ang sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sa
pagtitipon. Naroon din ang drowing ng kaniyang pantulog, ang kaniyang pansimba, ang sinasabi
niyang pamasok sa paaralan na kailanmay hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kaniyay
nakatagot iniingatan niya sa bahay.
Sandaang damit na pawang iginuhit lamang.
Ikaanim na Gabay na Tanong:
Ano ang iyong naging damdamin sa wakas ng kuwento? Bakit ganito ang iyong naramdaman?
Alam ba ninyo kung ano ang diskriminasyon? Iugnay ninyo ito sa kuwento.
Pagpapayaman
Matapos ang maikling talakayan sa klase, magkakaroon ng pangkatang gawain ang klase.
1. Matapos nating marinig ang kuwento ng batang babae at ang tungkol sa kaniyang isang
daang damit, tukuyin o di kayay isa-isahin ang mga pagbabago sa ugali, pananaw ng bata sa
kaniyang sarili, at sa pagtingin niya sa kaniyang kalagayan sa buhay.
2. Ipakita ninyo ang mga pagbabagong ito sa pamamagitan ng pagguhit ng ibat ibang klase ng
damit na kakatawan sa transpormasyong naganap sa kaniyang buhay.
YUNIT: FILIPINO
3.
I
babahagi ng bawat pangkat ang kanilang gawain pagkatapos. Mamarkahan ang presentasyon
ng bawat pangkat gamit ang rubric sa ibaba:
Pagpupuntos
3 Puntos
2 Puntos
1 Puntos
YUNIT: FILIPINO
Sa pamamagitan ng panel discussion, magbibigay ang bawat pangkat ng isang solusyon kung
paano malalabanan ang diksriminasyon sa isang simpleng konteksto. Pagkatapos nito ay
ibabahagi ng bawat pangkat ang kanilang gawain sa klase. Mamarkahan ang presentasyon ng
bawat pangkat gamit ang rubric ng pagsasalita na makikita sa pahina 19.
Takdang-Aralin:
Magdala ng mga sumusunod na kagamitan sa susunod na pagkikita. Gagamitin ito sa isang
gawaing pangklase.
1. Litrato ng sarili noong bata pa
2. Kasalukuyang Litrato
3. Salamin (Mirror)
Ikalabintatlo Ikalabing-apat na Araw
Panimulang Pagtataya
Magpapakita ang guro ng isang mirror at ng isang eyeglasses. Mula sa dalawang bagay na
ito na parehong salamin ang tawag sa wikang Filipino ay magsisimula ang talakayan ng klase.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ang tawag sa dalawang ito ay salamin. Pareho ang katawagan sa ating wika. Ano ang
kanilang pagkakatulad at pagkakaiba? Itala sa pisara ang sagot.
(Tiyaking lilitaw ang sagot na nagpapakita ng repleksiyon at nagpapalinaw ng pagtingin.)
2. May dala bang halaga ang paglinaw ng paningin? (Itala sa pisara ang mahahalagang salitang
binanggit ng mag-aaral)
3. May dala bang halaga ang makita ang repleksiyon ng sarili? (Itala sa pisara ang
mahahalagang salitang binanggit ng mag-aaral)
4. Kailan ba tayo naliliwanagan? Kailan natin nasasabing malinaw ang ating pagkakaintindi sa
isang bagay?
5. Ano ang repleksiyon?
Pagpapayaman
Ipababasa ng guro ang tula nang malakas sa klase at pagkatapos ay magkakaroon ng malayang
talakayan ang apat na pangkat ng klase gamit ang mga sumusunod na gabay na tanong.
YUNIT: FILIPINO
Kunin ang mga dalang litrato at suriin ang sarili gamit ang mga sumusunod na gabay na tanong.
Pagkatapos ay sumulat ng isang sulating magpapakilala sa iyong sarili. Gagamitin ng guro ang
rubric sa ibaba sa pagmamarka.
1. Anong pinagkaiba ng iyong pisikal na anyo, noon at ngayon?
2. Masasabi mo bang may pagbabago rin sa inyong personalidad noon at ngayon?
3. Ano-ano ang mga pagbabagong ito?
YUNIT: FILIPINO
Pagpupuntos
5 puntos
4 na puntos
3 puntos
Pangwakas na Pagtataya
Ikalabing-walong Araw
YUNIT: FILIPINO
Panimulang Gawain
Ipanonood sa mga mag-aaral ang isang masining na interpretasyon ni Mae Paner ng Lupang
Hinirang mula sa http://www.youtube.com/watch?v=CT59u_X3ixg. Pagkatapos nito ay
magkakaroon ng malayang talakayan ang klase.
Mga Gabay na Tanong
1. Sino ang mga taong naiisip natin kapag naririnig ang salitang kalayaan?
2. Ano ang mga lugar na naiisip natin kapag sinabi ang salitang kalayaan?
3. May mga pangyayari bang nagpapaalala sa atin ng kalayaan?
4. Ano nga ba ang kalayaan?
5. Kailan ba natin masasabi na tayo ay malaya?
Pagpapabasa ng Akda
Ipababasa ng guro ang akdang, Tutubi, Tutubi, Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe.
Pagkatapos nito ay magkakaroon ng malayang talakayan at palulutangin ang mga sumusunod na
mahahalagang kaisipan.
Sintesis
Ayon sa mga napag-usapan sa loob ng klase, ano na ngayon ang ideya ko ng kalayaan? Paano
ko maisasakatuparan ang konsepto ko ng kalayaan ngayong ako ay mag-aaral pa lamang?
Ikadalawamput Isa Ikadalawamput Dalawang Araw
Panimulang Gawain
Ipanonood sa mag-aaral ang isang presentasyong pinamagatang, Hari ng Tondo, ni Gloc
9. Pagkatapos nito ay magkakaroon ng malayang talakayan sa klase.
Mga Gabay na Tanong
1. Tungkol saan ang awit?
2. Sino ang posibleng nagsasalita sa awit?
3. Ilarawan ang mga pangyayari o sitwasyon sa awit.
4. May mga pangyayari ba sa kasalukuyan na ipinakita o binanggit din sa akda?
5. Sa iyong palagay, sino ang tinutukoy na Hari ng Tondo? Ipaliwanag.
YUNIT: FILIPINO
Pagpapayaman
Hahatiin ang klase sa anim na pangkat. Sa pamamagitan ng
Me A Picture, ilarawan ang isyung panlipunang nakapaloob sa
maitatalaga sa pangkat. Pagkatapos ay ipaliliwanag ng pinuno
kung ano ang sanhi, dahilan ng paglaganap at posibleng
suliraning ito.
gawaing, Paint
akda
na
ng
pangkat
solusyon sa
YUNIT: FILIPINO
Pangwakas na Pagtataya
`
Suriin ang awiting, Upuan, ni Gloc 9. Gamiting gabay ang mga sumusunod sa ibaba sa
gagawing pagsusuri.
Mga Gabay
Pagsusuri
Pagsusuri sa Pamagat
1. Ibigay at suriin ang pamagat ng awit.
2. Bakit kaya ito ang pamagat ng awit?
3. Makabuluhan ba ang pagkakagamit ng pamagat ng awit
sa nilalaman nito?
4. Kung ikaw ang magiging manunulat ng awiting ito, ano
ang ipapamagat mo rito?
5 puntos
(Understanding)
Pagkilala sa Manunulat
Ipakilala ang manunulat ng awitin. (Maaaring magsaliksik ng
mga mahahalagang impormasyon tungkol sa direktor ng
pelikula.)
5 puntos
(Knowledge)
Tema
1. Ano ang paksa o temang tinatalakay sa awiting ito?
2. Paano iniugnay sa totoong buhay ang nakapaloob sa
awiting ito?tema o paksang ito?
3. Napapanahon ba ang paksang
5 puntos
(Understanding)
Paguugnay sa Buhay
1. Naging makatotohanan ba ang nilalaman ng awit?
2. Anong mga suliranin o isyung panlipunan ang tinalakay
sa awiting ito? Isa isahin at ipaliwanag.
3. Anong solusyon ang inilapat ng awit sa mga isyu o
suliraning ito? Ipaliwanag.
4. Naging makatotohanan ba ang manunulat sa mga
paglalahad at pagsosolusyong ito? Ipaliwanag.
5 puntos
(Understanding)
YUNIT: FILIPINO