Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang kalaban ay kalaban. Ang kakampi ay kalaban.

John Arcilla bilang


Heneral Antonio Luna
Ito ang linyang pinakatumatak sa akin matapos kong mapanood ang Heneral
Luna. Ipinaalala sa akin ng pelikula na nag-umpisa ang laban natin para sa
kalayaan nang sakupin tayo ng mga Espanyol, kasama ng pagkamatay ng
maraming Pilipino, at ni Andres Bonifacio, na nabanggit sa pelikula at
tumuloy ito nang labanan ng ating mga ninuno ang mga Amerikano
hanggang sa pinatay ng sariling atin ang Heneral na ipinaglalaban tayo.
Pagkatapos nito, tuluyan na tayong nasakop ng mga dayuhang imperyalista.
Oo ngat nabigyan tayo ng kalayaan noong 1946, ngunit ang pagsakop sa
atin ay hindi lamang sa papel, ngunit kasama dito ang pagsakop ng kultura,
ng puso, ng utak, at dugo at buhay ng mga Pilipino na nananatili hanggang
ngayon.
Hindi pa tapos ang giyera natin laban sa mga Amerikano. Mas mahal ng mga
Pilipino ang ibang bansa imbes na mahalin ang sariling atin at saka nalang
din ako naliwanagan ngayong kolehiyo sa lalim ng problemang ito. Marami sa
ating mga produkto ay Ingles, may kumbensyong sosyal na ikaw ay may
pinag-aralan kapag marunong kang magsalita ng Ingles, at, sumatotal sa
lahat, ay mas mataas ang antas mo sa lipunan. Tayo ay dayuhan sa sariling
bansa natin at walang magandang naidudulot ito sa atin.
Ayon kay Richard Heydarian, awtor ng Asias New Battlefield, sa kanyang
artikulong Philippines' Shallow Capitalism: Westernization Without
Prosperity:
centuries of Westernization has not led to genuine modernization,
while years of rapid economic growth haven't brought about prosperity
for the majority of the people.1
The past decade has been among the best years in terms of corporate
profits and business expansion opportunities for the country's elite,
which have disproportionally swallowed much of the recently-created
growth in the economy.1
Lunod tayo sa mga kapitalista na pinagsasamantalahan ang mga Pilipino.
Lunod tayo sa hirap. Ayon sa Philippine Statistics Authority 2, tumaas sa
25.8% o 2,382,372 bilang ng tao ang Poverty Incidence ng Pilipinas noong
2014. Ito lamang ay batay sa PhP 18,935 na Annual Per Capita Poverty
Threshold na sobrang liit kung ikukumpara sa cost of living sa bansang ito.
Ang pelikulang ito ang isa sa mga mas marami pang nagmulat sa akin sa
nangyayari sa Pilipinas. Tayo ay napaliligiran ng mga Buencamino at Paterno
sa modernong lipunan ng Pilipinas, ngunit, ngayon lamang, hindi lamang
mga kapitalistang mga Amerikano ang kalaban natin kundi pati kapwa
Pilipino, dumidigma sa giyerang ito para sa Amerikano laban sa kapwa
Pilipino.
1

Heydarian, Richard Javad. "Philippines' Shallow Capitalism: Westernization Without


Prosperity." Huff Post: Business. Huffington Post, 12 Jan. 2015. Web. 1 Oct. 2015.
2
http://www.nscb.gov.ph/stats/statwatch.asp

You might also like