Telfax: (083) 500-8401 / 8414 Passion for Truth, Compassion for Humanity FILIPINO 220 (Panitikan ng Pilipinas) Prelim na Pagsusulit Ikalawang Semestre AY 2015 2016 Ang katamaran ng mga Pilipino ay isang sakit na malubha ngunit hindi minana. Dr. Jose P. Rizal Pangkalahatang Panuto: Basahin nang mabuti ang panuto ng bawat pagsusulit upang maiwasan ang pagkakamali. Isulat ang mga kasagutan sa sagutang papel. I. Pagpipili-pili. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, relihiyon at mga karanasang nakukulayan ng ibat ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, takot at pangamba. a. Agham Panlipunan c. Panitikan b. Kasaysayan d. Relihiyon 2. Ito ay isinulat ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos na nagbukas ng mata ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at ang simula ng paglaganap ng demokrasya sa daigdig. a. Canterbury Tales c. Mahabharata b. Divina Comedia d. Uncle Toms Cabin 3. Ito ay ang nagiging batayan ng pananampalatayang Kristiyano. a. Bibliya c. Iliad b. Koran d. Odyssey 4. Ito ay ang pinakamahabang epiko sa daigdig na naglalaman ng kasaysayan ng pananampalataya ng Indiya. a. Canterbury Tales c. Mahabharata b. Divina Comedia d. Uncle Toms Cabin 5. Ito ay nagpapahayag ng mga alamat, pag-uugali at kasaysayan ng mga Kastila o Espanyol na mula sa Espanya. a. Iliad at Odyssey c. Aklat ng mga Araw b. El Cid Campeador d. Aklat ng mga Patay 6. Ito ay Bibliya ng mga Muslim na galing Arabia. a. Bibliya c. Iliad b. Koran d. Odyssey 7. Ito ay siyang kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya ng Gresya na akda ni Homer. a. Iliad at Odyssey c. Aklat ng mga Araw b. El Cid Campeador d. Aklat ng mga Patay 8. Ito ay naglalarawan ng mga ugaling Ingles at ng kanilang pananampalataya na mula sa Inglatera at isinulat ni Chaucer. a. Canterbury Tales c. Mahabharata b. Divina Comedia d. Uncle Toms Cabin 9. Ito ay naging batayan ng kalinangan at pananampalatayang Insik na isinulat ni Confucius. a. Iliad at Odyssey c. Aklat ng mga Araw b. El Cid Campeador d. Aklat ng mga Patay 10. Ito ay kinapapalooban ng mitolohiya at teolohiya ng mga taga-Ehipto. a. Iliad at Odyssey c. Aklat ng mga Araw b. El Cid Campeador d. Aklat ng mga Patay Page 1 of 2
11. Ito ay nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali ng mga
Italyano. a. Canterbury Tales c. Mahabharata b. Divina Comedia d. Uncle Toms Cabin 12. Ito ay tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya,gawain o trabaho ng mga taong naninrahan sa isang pook. a. Awiting Bayan c. Maikling Kuwento b. Kuwentong Bayan d. Salawikain 13. Ito ay isang mahabang salaysay na mahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayari ritoy hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao, sumasakop ng mahabang panahon at ginagalawan ng maraming tao. a. Alamat c. Sanaysay b. Dula d. Talumpati 14. Ito ay ang pinakaunang alpabeto ng mga Pilipino. a. Alibata c. Alpabetong Romano b. Abecedario d. Makabagong Alpabeto 15. Alin sa mga sumusunod na akdang pampanitikan ang nakaimpluwensiya kay Dr. Jose Rizal na maisulat ang kanyang obra na nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo? a. Canterbury Tales c. Mahabharata b. Divina Comedia d. Uncle Toms Cabin II. Pag-iisa-isa. Ibigay ang hinihingi. A. Mga Akdang Nakaiimpluwensiya sa Panitikang Pilipino (16-25) B. Dalawang Anyo ng Panitikan (26-27) C. Halimbawa ng Akdang Tuluyan (28-38) D. Mga Uri ng Tula (39-42) E. Mga Uri ng Tulang Liriko (43-47) F. Mga Tulang Patnigan (48-50) G. Mga Akdang Panulaan (51-58) H. Uri ng Awiting Bayan (59-68) I. Halimbawa ng Salawikain (69-70) III. Pagpapaliwanag 71-75. Ano ang pagkakaiba ng panitikan at kasaysayan. Bakit kaya matalik na magkaugnay ang panitikan at kasaysayan? Ilahad ang kasagutan. 76-80. Bilang isang kolehiyong mag-aaral, bakit kailangan mong pag-aralan ang panitikang Pilipino? ***katapusan ng pagsusulit *** Blessed be God forever!!! Inihanda ni: BB. MERBEN P. ALMIO Course Facilitator Noted: MARIA RUFINA M. PONO, MIE, MAEd U Academic Coordinator, SED Assistant Program Head, TEP