Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SULATAN

ni GENOVEVA EDROZA-MATUTE

I-

PANIMULA
Mas madaling baliwalain ang mga bagay- bagay na nakapaligid sayo dito sa mundo
kesa babaliwalain ang mga taong minsan lang lumapit sa buhay mo. BOB ONG
Madaling baliwalain ang isang taong hindi mo naman masyadong kakilala o akala
mong wala namang halaga ngunit hindi mo namamalayan na siya na pala ang para sa iyo.
Ang isang umiibig ay gagaawa ng paraan upang mapansin ng iniibig anuman ang
pagdaanan niya. Lahat ay hahamakin at handang tanggapin ang magiging resulta ng
kanyang pagiging masigasig sa panunuyo. Dito rin masusukat kung gaano kasugid ang
isang nangingibig kung handa siyang maghintay ng tamang panahon, dahil sa
pagmamadali ay baka walang magandang kahinatnan at sa pagdaan ng maraming araw ay
hindi mo namamalayang nagkakapalagayan na kayo loob. Minsan lang dumating ang
tamang tao o sabihin na nating katapat mo kaya nararapat lang na huwag nating
palampasin ang mga bagay o taong dumarating sa buhay natin. Bigyan nating pagkakataon
na makapasok sila sa buhay natin dahil iyon ay maaring maging bagong oportunidad para
madagdagan pa ang ating inspirasyon at makamit ang ligayang hinahangad.

II-

PAGSUSURING PANGNILALAMAN

A. TAUHAN
Pangunahing Tauhan:
o Bb. Ligaya Lorenzo/ Gaying isang mananahi at nakikipagsulatan kay
Fidel
o G. Fidel del Barrio nangangasiwa sa isang pagawaan, at nakikipagsulatan at
may lihim na nararamdaman kay Ligaya
Pantulong na Tauhan:
o David bayaw ni Ligaya na naghahatid sa kanya araw-araw sa tahian at

B.

ipinakilala niyang kasintahan niya


o Nati kathang isip ni Fidel na ipinakilalang kasintahan niya
TAGPUAN
Rail motor train

Dito unang nakita ni Fidel si Ligaya. Sa lugar na ito rin nakabangga ni Fidel si
Ligaya at nabasag pa ang mga dala nitong itlog.
C. BANGHAY
Nabangga ni Fidel si Ligaya at naging sanhi ito na pagkabasag ng dala-dalang
itlog nito.
Sumulat si Fidel kay Ligaya upang humingi ng paumanhin at ipinaliwanag niyang
hindi niya sinasadya ang pangyayari.
Namangha si Ligaya sa kanyang natanggap na sulat at nayamot din siya sa
pagtawag sa kanya na Gaying na tanging malalpit sa kanya at mga kaibigan lang
ang tumatawag sa kanya ng palayaw na iyon.
Pinalitan ni Fidel ang mga itlog na nabasag niya, ngunit hindi iyon pinansin ni
Ligaya.
Nagpatuloy pa ang pagtatalo ng dalawa sa kanilang pagsusulatan ng liham sa isat
isa. Pinatitigil na rin ni Ligaya si Fidel na sumalat pa sa kanyan dahil nagagalit na
raw ang kanyang kasintahang si David.
Inaya ni Fidel si David na magmeryenda at nalaman niya dito na hipag lang pala
ni David si Ligaya.
Hindi na pinansin ni Ligaya si Fidel at hindi na rin siya hinahatid ni David sa
pagpasok ng trabaho.
Napaluha si Ligaya sa mga sinabi ni Fidel sa liham nito.
Tinanong ni Fidel si Ligaya na kung maari siya nitong pasyalan sa kanila sa Vito
Cruz sa Linggo ng gabi.
Ipinagtapat ni Fidel na wala naman talaga siyang kasintahan dahil wala naman
talagang Nati sa buhay niya at tanging isang babae lang ang kanyang iniibig na
nakatira sa Vito Cruz na sasadyain niya sa araw ng Linggo.

D. PAHIWATIG
Magtatapat na ako sa iy, hane? Wala naman akong Nati, e. at walang sino pa man.
Wala, talagang wala, maliban sa isang nakatira sa Vito Cruz na aking pagsasadyain sa
araw ng Linggo, sa may pahintulot man siyat sa wala.
E. TEORYANG PAMPANITIKAN
TEORYANG ROMANTISISMO

Nangingibabaw ang damdamin sa akdang ito, bukod sa napakagaang basahin nito


ay labis akong nadala sa daloy ng kwento dahil nangyayari talaga sa totoong buhay.
F. MAGAGANDANG PAHAYAG
o Kaya lamang ako masigasig ay upang maituwid ko ang isang pagkakamaling
hindi sinadya, at bukod sa dahilang ay wala na.
o Mula noong magalit ka, akoy iyo naming inirapan. Ngunit ngayon, ni hindi mo
man lamang akong tapunan ni isang gabinlid na sulyap. Mukhang Frankenstein
ba ako?
o Bakit mo iniluha kangina ang aking mga sinabi sa iyo? Napoot ka ba?
Nabiglaan ka ba? Hindi mo ba napapansin noong simula pa yaon? Noong una pa
lamang tayong nagkakasabay?
o Wala naman akong Nati, e. at walang sino pa man. Wala, talagang wala, maliban
sa isang nakatira sa Vito Cruz na aking pagsasadyain sa araw ng Linggo, sa may
pahintulot man siyat sa wala.

FL1
15
PAN
UN

SULATAN
NI GENOVEVA EDROZA-MATUTE

URI
NG
PA
MP
ISINULIT NI:
ANI

RICA U. ALQUISOLA

3C-1
TIK

AN

ISINULIT KAY:
BB. MELODY G. AGUDILLA
GURO

ENERO 20, 2016

You might also like