Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Alamat ng Barangay Mambulo Nuevo

Kalikasan ang nagbigay nitong kapirasong lupa na tinawag nilang Mambulo


Nuevo. Sagana ito sa mga kagubatan, bukal, mga natural na kanal, malinis na tubig na
maraming isda, mga mababangis na hayop at mga damuhan na sagana ng mga ibatibang klaseng halaman. Ang mga matataas na bundok ng Tangkong Baka, ang
pinakamagandang lugar para tirhan. Ang lugar na ito ay wala pang masyadong tao dahil
sa kinatatakutan nilang napakalaking ibon na kumakain ng mga tao. Mayroon pang
istorya na ang mga bundok dito ay puno ng mahika. Nakakita daw ang mga
mangangaso ng nagliliparang mga kumot na parang isang nagigintuang mga baka,
kaya tinawag nila itong Tangkong Baka.
Taong 1700 hanggang 1800, dumaong ang mga Muslim sa mga baybayin dito.
Ang mga tao ay nagsimula nang lumikas. Ang iba ay pumunta sa tinatawag na ngayong
Pamplona, ang iba naman ay nasa gitna ng Libmanan at Pamplona na kung saan
matatagpuan ang grupong KINOYOGAN na nagbibigay ng pangalang Mambulo
pagkatapos ng salitang bulo Pagkaraan ng buwan, hinati ito sa dalawang distrito at
dinagdagan ng Viejo (luma) at Nuevo (bago) sa Mambulo. Ang mataba nitong lupa
ay tinamnan ng mga ibat-ibang uring halaman lalo na mataas nitong parte (Mambulo
Nuevo). Nang ang Libmanan ay nasakop ng mga Espanyol, ang Mambulo Nuevo ang
nagsilbi nilang tirahan. Ang ilan ay gumamit ng kaingin upang matustusan ang kanilang
mga pangangailangan. Ang iba ay ipinagpatuloy ito sa matataas pang lugar. Ang mga
tao ay umalis ng grupo dahilan upang makakita sila ng pagtatanim ng palay, pumunta
naman sila sa mabababang lugar. Ang mga tao dito ay likas nang palakaibigan sila ay
sumasayaw kapag may mga okasyon o pista ng kanilang patron. Meron silang
tinatawag ng moral laws na kailangan nilang sundin. Ang mga bata ay palaging
nagmamano sa mga nakatatanda.
Mayroon silang responsableng lider, at sinusunod ng lahat. Lumipas ang
panahon, sinunod nila ang mga tao na galing sa puweblo Pero hindi sila lumahok sa
eleksyon ng mga opisyales. Nagkaron sila ng isang assembleya na ginanap sa
Mambulo Nuevo. Ang adyenda ng pulong ay para sa makagawa ng bagong baryo na
maghihiwalay sa Mambulo Nuevo at Mambulo Viejo. Napagkasunduan nila na ang
Mambulo Nuevo ay gawin nang pormal ng pangalan. Ang Mambulo Nuevo ay ang
pinakamalaking barangay sa Libmanan

You might also like