Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

KABANATA 50

ANG ANGKAN NI ELIAS


            

“Halos animnapung taon ang nakakalipas nang ang aking


lolo ay nakatira pa sa Maynila at naglilingkod bilang tenedor de
libros1 sa isang bahay mangangalakal na Kastila.  Batang-bata pa
noon ang aking nuno, may asawa at isang anak na lalake.  Isang
gabi, sa isang hindi masabing kadahilanan, nasunog ang kamalig,
lumaki ang apoy sa bahay at nagdamay ng iba pa.  Napakalaki ng
halaga ng nasunog.  Humanap ng isang dapat na managot sa
pangyayari, at ang ginawa ng mangangalakal ay inakusahan ang
aking lolo.  Nawalan ng kabuluhan ang pagtutol, at dahil siya ay
mahirap at walang maibabayad sa mga mahuhusay na abogado ay
nahatulang paluin sa harap ng publiko at ilibot sa buong
Maynila.2  Hindi pa natatagalan ay laganap nang ginagamit pa ang
kinamumuhiang parusa na tinatawag na “caballo y vaca”3 na
libong beses pang higit kaysa sa kamatayan.  Ang aking lolo ay
nilayuan ng lahat, maliban sa kanyang batang asawa, itinali sa
isang kabayo, na sinusundan ng maraming malulupit na tao,
pinapalo siya sa bawat kanto, sa harap ng madla, na kanya ring
mga kapatid, at sa mga lugar na malapit sa mga simbahan ng
isang Diyos ng kapayapaan.4  Nang ang sawing-palad, na naalisan
1
MGA PALIWANAG
Tenedor de Libros – katapat nito sa kasalukuyan ay bookkeeper na nag-
iingat ng tala ng mga gastusin at kita ng isang pagawaan o opisina. Ang
kapanahunan na sinasabi ni Elias ay pumapatak na naganap sa mga
unang taon ng 1820s. Mayroong historikal na katotohanan ang salaysay
na ito ni Elias, sapagkat sa nasabing mga dekada ay pinahintulutan sa
pamamagitan ng Decrito Real ng Mayo 22, 1820 - ang pagtatayo ng mga
pabrika sa Pilipinas at ang paninimula ng direktang kalakalan sa
pagitan ng Pilipinas at Espanya, dahilan sa pagkalas ng Mexico mula sa
pananakop ng Espanya.
Pansinin ang hanay ng pananalitang “ Halos animnapung taon ang
nakakalipas” bagay na kumukumpirma na nakakulong ang
nobela sa taong 1882.
2

Pagpapakita ni Rizal ng kahinaan ng hustisya sa Pilipinas – ang mga


mahihirap ay natatalo dahilan sa kawalan ng kakayahan na kumuha ng
mahusay na abogado.
3

Matandang parusa - ang itinuturing na maysala ay itinatali sa kabayo o


baka at pinapalo habang inililibot sa daan.
4
Kung ang pook ang pinagsagawaan ay magkakalapit ang mga simbahan
– lumilitaw na ang lolo ni Elias ay pinarusahan sa loob ng Intramuros na
siya noong lunsod ng Maynila.

584
na nang puri sa buong buhay, at nabigyang kasiyahan na ang
paghihiganti mga tao, dahil sa kanyang sumabog na dugo, mga
paghihirap, at sigaw ay inalis sa kabayo dahil sa pagkawala ng
malay-tao, at namatay na nga sama! Dahilan sa ang kalupitan ay
nag-aanyo ng kadalisayan,5 pagkatapos ng pagpapahirap ay
pinalaya siya; ang kanyang asawa na na noon ay buntis, ay
walang napala sa paglapit sa lahat ng pintuan upang humanap ng
trabaho o limos, para magastos sa may-sakit na asawa at sa
kahabg-habag na anak.  Sino ang magtitiwala sa asawa ng isang
manununog at nawalan ng karangalan?  Sa ganito, ang babae, ay
napilitang ikalakal ang sariling katawan!”
Si Ibarra ay napatayo sa kinauupan.
        “Ah, huwag kayong maguluhan ng isipan, ang pagbibili ng
katawan ay hindi na isang kahihiyan sa katulad niya, ni ikawala
ng karangalan ng asawa:  ang karangalan at kahihiyan ay nawala
na.6  Ang lalaki ay gumaling sa kanyang mga sugat at silang mag-
asawa at kasama ng kanilang anak ay nagtago sa kabundukan ng
lalawigang ito.  Dito, ang babae ay nanganak isang sanggol na may
kasiraan at puno ng sakit ang katawan, na sa kabutihang palad ay
namatay na agad. Dito ay nanirahan pa sila ng mga ilang buwan,
sa malabis na kahirapan, walang kakilala, kinasusuklaman at
nilalayuan ng lahat.  Ang aking lolo, dahil sa hindi matagalan ang
hirap at wala siyang katapangang gaya ng kanyang asawa, nang
makitang may sakit ang babae at walang sukat na magawa sa
gayong kalagayan, ay nagbigti. Ang bangkay ay nabulok sa
paningin ng kaniyang anak, na wala pang kakayahan na alagaan
ang ina na may malubhang karamdaman. Dahil sa mabahong
amoy, ang nabubulok na bangkay ay natuklasan ng mga
maykapangyarihan.  Ang aking lola ay isinakdal at nahatulan
dahil sa hindi pagbibigay-alam sa mga maykapangyarihan;
ibinintang sa kanya ang kamatayan ng kanyang asawa at
pinaniwalaan ang gayon,7 ano na ang hindi magagawa ng asawa
ng isang dusta at nagbibili ng katawan?  Kung sumumpa sa
5

Ang kalupitan ay nag-aanyo ng kadalisayan – nagkukunawaring mabait


ang nagpaparusa pagkatapos na pahirapan ang kaniyang biktima.
Sinasabi nilang ginawa lamang nila iyon para sa kabutihan ng lipunan.
6

Ipinakita rito ang elemento sa pagkahulog ng isang babae sa


prostitusyon – ang kawalan ng tiyak na ikabubuhay, ang pagkawala ng
na natitirang rasyonalisasyon at karangalan, at ang kakayahan sa
paglunok sa kahihiyan.
7

May sakit na nga ang lola ni Elias, hinahanappan pa nilang ipaalam sa


mga maykapangyarihan at pinagbintangan pang pumatay sa asawa – sa
isang “masamang babae” ay maaring ibintang ang lahat ng bagay.

585
hukuman ay inaakalang siya ay nanunumpa ng walang
katotohanan, kung umiiyak ay sinsabing sinungaling, at
namumusong kung ginagamit ang ngalan ng Diyos.  Gayunman,
ay kinahabagan nang kaunti at hinintay munang siya ay
makapanganak bago siya lamugin sa palo; batid ninyong
ikinakalat ng mga prayle ang paniniwala na sa pamamagitan
lamang ng pamalo dapat pakitunguhan ang mga Indiyo; basahin
ninyo ang sinabi ni Padre Gaspar de San Agustin.”8         
“Ang babaeng parurusahan sa gayong paraan ay isusumpa
ang araw na isilang ang kanyang anak:   Isang bagay na
nagpapatagal ng pahirap ay sumisira pa sa damdamin ng isang
ina.9  Sa kasamaang palad, ang babae ay maayos na nanganak ng
isang malusog na lalaking sanggol.  Dalawang buwan makalipas
ay ginanap ang kaparusahan, bagay na ikinasiya ng kalooban ng
mga tao, na nag-akalang nakatupad sila sa kanilang
katungkulan.  Dahil sa kawalan ng katiwasayan sa kabundukang
ito ay nagtungo sa kalapit na lalawigan, dala ang kanyang
dalawang anak at doon ay namuhay nang tulad sa halimaw;
namumuhi at kinamumuhian.10 Ang pinakamatanda sa dalawa, na

Si Fray Gaspar de San Agustin, O.S.A., ay dumating sa Pilipinas noong


1668 at namatay sa Maynila noong 1724, siya ay isa sa mga sumulat ng
akda ukol pananakop sa Pilipinas. Isa sa kaniyang walang kamatayang
sulat ay noong 1720 na bumabanggit ukol sa sa kaugalian ng mga
Indiyo na naninirahan sa kapuluan. Ang sulat na ito ay nagkaroon ng
malaking sirkulasyon at ginamit na malawakan ng iba pang mga
manunulat na Kasila sa Pilipinas. Sa sulat na ito ay inilarawan ni Fray
San Agustin ang mga bisyo at kahinaan ng mga Indiyo at ang pagsasabi
na “ang yantok ay tumutubo, kung saan namumuhay ang Indio” at
ito ang naging dahilan ng pamamalo ng mga prayle sa mga katutubo ng
Pilipinas. Sa kabilang dako, ang mga naoobserbahan ni Fray San
Agustin ay ang mga katulong lamang sa kumbento at hindi ang mga
Indiyo na may matataas na kalagayan sa lipunan.
9
Ipinapapansin ko sa mga mambabasa na si Elias ay nagtataglay
ng malawak na kaalaman maging sa kasaysayan ng Pilipinas sa mga
unang taon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas – ito ay dahilan sa
alam niya ang sulat ni Fray Gaspar de San Agustin.

Tandaan na ipinagpaliban ang kaparusahan hanggang makapanganak


ang lola ni Elias – Ang paghihintay sa pagsapit ng isang malupit na
kaparusahan ay isa ng anyo ng parusa - tandaan na may kasabihan ang
mga matatanda na “ mas masakit ang amba kaysa sa tama .” Sinisira
nang isang darating na malupit na kaparusahan ang damdaming ina –
kinasasabikan ng bawat ina ang pagsilang ng kaniyang anak, papaano
kasasabikan ng lola ni Elias ang araw ng pagsilang ng kaniyang anak na
susundan naman ng araw ng kaniyang kaparusahan.
10

586
hindi nakakalimot sa kanyang masayang kabataan at
pinagdaanang kahirapan ay nanulisan nang siya ay magkaroon na
ng sapat na lakas.  Mabilis na kumalat sa
mga lalawigan ang madugong pangalan ni
Balat,11 na kinatatakutan ng mga bayan-
bayan sapagkat ang kanyang paghihiganti
ay isnasagawa sa pamamagitan ng dugo at
apoy.12  Ang pinakabata ay tumanggap sa
kalikasan ng isang mabuting puso, at
umayon sumunod sa kanyang kapalaran
at kahihiyan sa piling ng kanyang ina;
nabuhay sila sa nakukuha sa gubat,
nagsusuot ng mga basahang damit na
inihahagis sa kanila ng mga napapadaan;
ang babae’y nawalan na ng pangalan,
nakikilala na lamang siya sa tawag na
dilingkwente, patutot, napalo;13 ang bata
ay kilala sa paraang anak ng kanyang ina,14 sapagka’t dahil sa
mabait na pag-uugali ay hindi inaakalang siya ay anak ng
nanunog, at sa dahilang ang lahat ng bagay ay maipag-
aalinlangan sa ugali ng mga Indiyo. 
Isang araw ay nahulog din sa kamay ng maykapangyarihan,
ang bantog na si Balat, siningil siya sa kanyang mga pagkakasala,

Namuhay na parang ahas - namumuhi at kinamumuhian


11

Sa talaan ng kasaysayan ng panunulisan sa Timog Katagalugan ay


mayroong natalang pangalan ng tulisan na Juan Balat na napatay
noong Abril 30, 1835. Lumilitaw din na napatay si Juan Balat na
napakabata na hindi lalampas sa edad na 20 taon. Kung ganoon ang
periodong 1820 at 1835 ay tumutugma sa galaw historikal ng Pilipinas –
Dito ay makikita na si Rizal ay isang tao na may likas na kahiligan sa
Oral History.

Ang datos ukol ka Juan Balat ay mula sa papel panayam ni Dr. Isagani
Medina Banditry in Cavite During the Spanish and American Period.
12

Matatandaan natin na ang lolo ni Ibarra na si Don. Pedro Eibaramendia


ay natagpuan na nabubulok at nakabitin sa puno. Nagpatiwakal kaya
ang lolo ni Ibarra o isa sa mga biktima ng tulisang si Balat.
13

Sa pamamagitan ng pagbabansag ay ipinakikita ni Rizal ang pagkawala


ng pagkatao ng isang indibidwal. Sa bansag na kalimitan ay
nakakadusta ay doon higit na nakikilala ang tao.
14

Kung tawagin ang bata ay “anak ng nagbibili ng katawan” na sa ating


makabagong katapat na hanay ng mga salita ay isang anyo ng
pagmumura na PI.

587
gayong wala namang ginawang anuman ang maykapangyarihang
ito upang siya’y bumuti; at isang umaga, nang hanapin ng binata
ang kanyang ina na tumungo sa gubat upang manguha ng kabuti
at hindi pa bumabalik, ay nakita ang babae na nakatimbuwang sa
lupa, sa may tabing daan, sa paanan ng isang puno ng bulak, ang
mukha ay nakaharap sa langit, ang mga mata’y nandidilat,
nakatitig na ang mga daliri’y higpit na nakapako sa lupa na may
bahid na dugo.  Naisipan ng binata ang itaas ang tingin at sundan
ang titig ng bangkay, at nakita niya na nakabitin sa isang sanga
ang isang buslo at sa loob nito ay naroon ang dugu-duguan ang
ulo ng kanyang kapatid.”15
            “Diyos ko!” ang bulalas ni Ibarra.
            “Maaring iyan din ang naibulalas ng aking ama,” ang
patuloy ni Elias.  “Pinagputol-putol ng mga tao ang bangkay ng
tulisan at inilibing ang katawan, subalit ang ulo, mga paa at
kamay ay ikinalat at ibinitin sa iba’t ibang bayan.  Kung
matutungo kayong minsan sa daang mula sa Kalamba hanggang
Sto. Tomas ay matatagpuan pa ninyo ang puno ng lomboy na
pinagbitinan ng isang hita ng aking tiyuhin:16  ang punong iyon ay
isinumpa na ng kalikasan, hindi na lumaki at nagkabunga. 
Ganoon din ang ginawa sa ibang bahagi ng katawan, ngunit ang
ulo, na siyang pinakamahalaga sa tao, at siyang lalong madaling
makilala, ay ibinitin sa harapan ng kubo ng ina.”
Itinungo ni Ibarra ang kanyang ulo.
“Ang binata ay tumakas na parang isinumpa,” ang patuloy
ni Elias, “dumaan sa mga bayan-bayan, bundok at lambak, at
nang inakalang nakarating na siya sa pook na wala nang
makakakilala sa kanya ay namasukan na manggagawa sa bahay
ng isang mayaman sa lalawigang Tayabas.  Ang taglay na
kasipagan, matamis na ugali, ay siyang naging dahilan ng
pagkalugod sa kanya ng mga hindi nakaka-alam sa kanyang
kahapon.  Sa tulong ng kasipagan at pag-iimpok ay nakaipon ng
kaunting puhunan; at sa dahilang ang lumipas na kahirapan sa
kanya, siya ay binata at inisip ang magkaroon ng isang
magandang kinabukasan.  Ang kanyang mabuting kaanyuan,
kabataan at kalagayang bahagyang nakakariwasa ay nakabihag sa
isang binibini sa bayan, na hindi niya mapangahasang hilinging
15

Ang pagsasabit ng ulo ng isang binitay na salarin ay isa sa mga


kaugalian ng mga Espanyol noon. Ang katunayan nito, si Apolinario
de la Cruz (aka Hermano Pule) na pinuno ng Cofradia de San Jose
pagkatapos na bitayin ay pinagputol-putol ang katawan at ang
kaniyang ulo ay isinabit sa lansangan ng kaniyang bayan sa Tayabas.
16

Ang daan na tinutukoy dito ay ang mga kanto ng kalsadang mula sa


Calamba patungo ng bayan ng Santo Tomas, Batangas.

588
pakasalan sa takot na ang kanyang kahapon ay mabunyag. 
Ngunit ang pag-ibig ay nakapanaig at silang dalawa ay nagkasala. 
Upang mailigtas ng lalake ang puri ng babae ay hindi na inisip pa
ang lahat, namanhikan upang sila’y makasal; hinanap ang mga
katibayan sa pagkatao, at noon nabatid ang buong kahapon ng
lalake; ang ama ng dalaga ay mayaman, nagawang masakdal ang
lalake, na hindi naman nagtanggol, tinanggap ang lahat ng sa
kanya’y ipinararatang at siya ay ipinasok sa kulungan.  Ang
dalaga ay nanganak ng kambal na lalake at babae, na lihim na
pinaalagaan at ipinabatid sa kanila na ang kanilang ama ay patay
na, bagay na hindi mahirap paniwalaan, lalo na at nasaksihan nila
ang pagkamatay ng kanilang ina noong sila ay musmos pa, at
hindi naman inusisa pa ang pinanggalingan ng mga magulang.  Sa
dahilang ang aming lolo ay mayaman, ay naging mapalad ang
aming kabataan, kaming magkapatid ay magkasamang
pinaturuan, ang pagmamahalan namin ay kagaya ng sa kambal
na hindi nakakakilala ng iba pang pag-ibig.  Batang-bata pa ako
ay nag-aral na sa paaralan ng mga Jesuita,17 at ang aking kapatid,
upang huwag kaming magkalayo nang lubos ay ipinasok sa
Concordia.18  Nang matapos ang maikli naming pag-aaral,
sapagkat wala naman kaming hangarin kundi ang maging
magsasaka lamang, ay umuwi kami sa aming bayan upang
tanggapin ang pamana ng aming nuno.  Ilang panahong namuhay
kaming maligaya, ang kinabukasan ay nakangiti sa amin, marami
kaming mga tauhan, mabuti ang ani ng aming mga lupain at ang
kapatid ko ay ikakasal na lamang sa isang binatang kanyang
sinasamba at gayon din naman ang pagmamahal sa kanya. 
Dahil sa isang usapin sa salapi, at ugali ko noon ay
mapagmataas, ay nakagalit ko ang isang malayo na naming
kamag-anak, at minsan ay ipinamukha sa akin ang magulong
dahilan ng aking pagiging tao, at ang kabuktutan ng aking mga

17

Si Elias ay naging mag-aaral ng Ateneo – na katulad ni Rizal. Kung


ating babalikan ang posibilidad ng malalim na kaalaman ni Elias sa
kasaysayang pandaigdig kahit hindi ito nakarating ng pamantasan ay
maaring maging katotohanan, kung ang pagbabasahen natin ay ang
mismong karanasan ni Rizal. Sa panahon ng pag-aaral ni Rizal sa
Ateneo, isa sa pilit na ipinabili niya sa kaniyang ama ay ang aklat na
Historia Universal na sinulat ni Cesar Cantu. Sa pag-aaral din niya sa
Ateneo binasa niya ang Paglalakbay sa Pilipinas ni Feodor Jagor.
18

Ang kakambal na babae ni Elias ay nag-aral sa La Concordia - sa


panahong si Rizal ay nag-aaral sa Ateneo – ang ilan sa kaniyang mga
kapatid na babae ay nag-aaral din sa La Concordia at naging kaibigan ng
babaeng kaniyang nililigawan.

589
pinanggalingan.  Inakala kong iyo’y isang panlalait ay humingi ako
ng patunay; ang libingan na kinatutulugan ng mga kabulukan ay
muling nabuksan, at lumitaw ang katotohanan.  At para higit pang
lumala ang kasawian ay may ilang taon nang mayroon kaming
isang matandang lalakeng alila, na nagtiis sa lahat ng aking
kagagawan na hindi kami iniwan kailanman, at walang ginagawa
kundi lumuha na lamang sa harap ng pagkutya ng iba pang mga
utusan.  Aywan ko kung papaano nalaman ng aking kamag-anak,
ngunit ang ginawa ay ipinatawag sa harap ng maykapangyarihan
ang matanda at pinapagsabi ng katotohanan; ang matandang alila
palang iyon ay siya naming ama, na ayaw lumayo sa kanyang
anak at sa maraming pagkakataon ay aking pinagbubuhatan ng
kamay.  Ang aming kaligayahan ay napawi, iniwan ko ang aming
kayamanan, ang aking kapatid ay nawalan ng katipan, at iniwan
namin ng aming ama ang bayan upang magtungo sa ibang pook. 
Ang isipin ng aking ama na siya ay ang nakapag-ambag sa aming
kasawian, ang nagpaikli sa mga araw ng buhay ng matanda, at
sa kanyang mga labi ay nadinig ko ang malungkot naming
kahapon.  Kaming magkapatid ay naulila.”
            “Lumuha nang labis-labis, ang aking kapatid, gitna ng
mga sakit na napataw sa amin ay hindi niya nalimot ang
kasintahang iniibig.  Walang daing, ni imik, na nakitang nag-
asawa sa iba ang kanyang iniibig, at nakita ko siyang unti-unting
nagkasakit na hindi ko nagawang maaliw ng kaunti.  Isang araw
ay naglaho; walang kinahinatnan ang paghahanap ko sa lahat ng
pook, walang napala ang aking pagtatanong, hanggang sa
makaraan ang anim na buwan, matapos ang isang pag-apaw ng
lawa, ay natagpuan sa dalampasigan ng Kalamba, sa gitna ng
palayan, ang bangkay ng isang binibining nalunod o pinatay; ayon
sa mga usap-usapan ay may isang patalim daw ang nakatarak sa
dibdib.  Ang mga maykapangyarihan sa bayan ay nagpabalita sa
ibang bayang kalapit upang ihayag ang pangyayari:  walang
humarap upang kunin ang bangkay, walang dalagang nawawala
roon.  Sa mga palatandaang sinabi sa akin, nang makaraan na
ang pangyayari, ang kasuotan, mga hiyas, kagandahan ng
pagmumukha at malagong buhok ay nakilala kong iyon ang
kahabag-habag kong kapatid.  Mula noon ay napagpalaboy-laboy
ako sa mga lalawigan; ang kabantugan ko at aking kasaysayan ay
napag-uusapan ng marami, may nagsasabing gawa ko ang ilang
mga kagila-gilas na na bagay, at kung minsan naman ay
pinagbibintangan ako nang masamang gawa; nguni’t hindi ko
pinapansin ang mga tao at patuloy ako sa aking lakad.  Ito ang
aking maikling kasaysayan, at ang kasaysayan ng isa sa mga pag-
aakala ng mga tao.”19

19
Isinanasalaysay niya ang kaniyang kasaysayan mula sa pananaw ng

590
           Si Elias ay huminto at nagpatuloy sa pagsagwan.
           “Inaakala kong kayo ay may katwiran,” ang mahinang sabi
ni Crisostomo, “sa pagsasabing ang dapat punyagiin ng
maykapangyarihan ay ang mabigyan ng gantimpala ang kabutihan
at bigyan ng leksiyon ang mga nagkakasala.  Kaya nga lamang
at… ito ay hindi posible, Utopico,20 saan kukuha nang gayong
karaming salapi,21 at maraming bagong kawani?”
           “Ano at naririyan ang mga paring ipinagsisigawan ang
kanilang pagkamahabagin at kaawaan?22  Mahalaga pa ba ang
magbuhos ng tubig sa ulo ng isang bata, subuan ito ng asin, kaysa
gisingin sa mula sa kadiliman ang konsensiya ng isang kriminal,
iyang liwanag na ipinagkaloob ng Maykapal sa bawat tao upang
tuklasin ang kanyang ikabubuti?23  Mabuti pa kaya ang ihatid ang
isang nagkasala sa bitayan, kaysa siya ay patnubayan sa mahirap
na landas ng masasamang hilig tungo sa kabaitan?  Hindi ba
bumabayad din ng mga tiktik, mga berdugo at mga guwardiya
sibil?  Ang mga bagay na ito, bukod sa mahahalay, ay
pinaggugugulan din ng salapi.”
“Kaibigan, ni ako, ni kayo, kahit natin ibigin, ay hindi natin
matatamo ang bagay na iyan.”
“Kung magkakanya-kanya tayo ay tunay ngang wala tayong
anumang halaga; nguni’t itanggol ninyo ang usapin ng bayan,
makilakip kayo sa bayan, pakinggan ninyo ang kanyang daing,
bigyan ninyong halimbawa ang iba, ipakilala ninyo kung alin ang
tinatawag na Inang-Bayan!”24

katulad ng sa iba - maari niyang dagdagan, bawasan, pagandahin, o


papangitin.
20

Utopico – mula sa salitang Ingles na utopian – isang paniniwala sa isang


perpektong lipunan.
21

Sa panahon pa ng pamahalaang kolonyal ay suliranin na kakakapusan


sa pananalapi ng bayan dahilan sa ang supot ng pamahalaan ay may
malaking butas na lumalabas sa katiwalian.
22

Pansinin ang pagkakasunod ng tanong ni Ibarra na saan kukunin ang


salapi na dapat na kailangan ng pamahalaan. Tingnan din ang kasunod
na sagot ni Elias na “Para ano at naririyan ang mga paring nagbabansag
ng kanilang pagkamahabagin at kaawaan.” – iminumungkahi kaya ni
Elias na buwisan ang pinakamalaking negosyo sa bansa?
23

Isa sa mga pangunahing kaisipan ni Rizal ang kahalagahan ng pag-


gamit ng sariling isipan sa kanilang mga pagpapasiya at hindi dapat na
hayaang ang iba ang siyang magpapasiya. Ang isang tao na hinahayaan
ang ibang tao na magpasiya para sa kaniya ay isang tau-tauhan.
24

Ang kahinaan ng bayan ay dahil sa kawalan ng pagkakaisa. Sa

591
“Ang hinihingi ng bayan ay hindi mangyayari; kailangan ang
mag-hintay.”
“Maghintay!  Ang mag-hintay ay katimbang ng pagtitiis!”
“Kung aking hingin ang gayon ay pagtatawanan lamang
ako.”
“At kung suportahan kayo ng bayan?”
            “Kailanman ay hindi magaganap na pangunahan ko ang
madla na tuklasin sa pamamagitan ng lakas ang bagay na hindi
minamarapat ng pamahalaan, hindi!   At kung ang mga taong iyan
ay makikita kong may sandata ay kakampi ako sa Pamahalaan, at
sila ay aking kakalabanin sapagkat hindi ko aariing kababayan
ang mga taong iyan.25  Ibig ko ang kanilang kabutihan kaya
nagtatayo ako ng isang paaralan; hinahanap ko ang kabutihan
niya sa pamamagitan ng pagdunong, sa unti-unting
pagkakasulong; kapag walang liwanag ay walang landas.”
            “Kung walang pakikipaglaban ay wala rin namang
kalayaan!” sagot ni Elias.
            “Hindi ko ibig ang ganyang kalayaan!” sagot ni Ibarra.
            “Kung walang kalayaan ay walang liwanag,” biglang
sabat ng piloto, “sinasabi ninyong kaunti ang pagkaalam ninyo sa
bayan, nananalig ako sa gayon.   Hindi ninyo nakikita ang
labanang inihahanda, hindi ninyo nakikita ang ulap sa langit; ang
labanan ay nagsisimula sa loob ng mga kaisipan hanggang
bumaba ito sa pook ng labanan; na pupunuin ng dugo ;
nadidinig ko ang tinig ng Diyos, kahabag-habag ang
magtatangkang siya ay hadlangan!  Hindi para sa kanila
isinusulat ang Kasaysayan.”26
            Si Elias ay nag-iba ng anyo; nakatayo, walang takip ang
ulo, ang kanyang matigas na mukha at matapang, na
naliliwanagan ng buwan ay may anyong katangi-tangi. Iniling ang
kaniyang mahabang buhok at nagpatuloy:          

pananalita ni Elias ay pinakikiusapan niya ang mga creole sa kaniyang


kapanahunan na ipagtanggol ang usapin ng, makilakip sa, at pakinggan
ang daing ng bayan.
25

Sa pamamagitan ng paniniwalang ito ni Ibarra ay ipinakita niya ang


kaisipan ng mga repormista sa kapanahunan niya. Gustong mabago ang
bayan ngunit bantulot na yapusin ang armadong pakikibaka ng bayan.
26

Kay Elias, nagsisimula ang labanan sa larangan ng kuro-kuro at sa


dakong huli ay malilipat sa larangan ng labanan. Ang kasaysayan ay
hindi isinusulat para sa mga duwag kundi para sa mga matatapang
lamang. Ang sinumang sasalungat sa martsa ng pagsulong ng kalayaang
pantao ay makikita nila ang kanilang papel sa pusalian ng kasaysayan.

592
“Hindi ninyo nakikita na ang lahat ay gumigising?   Ang
pangarap ay tumagal nang mga daantaon ,27 ngunit isang araw ay
bumagsak ang kidlat, at ang kidlat, nang magkagunaw, ay
pumuksa ng buhay; mula noon ay may mga bagong layunin ang
kumikilos sa mga budhi, at ang mga layuning ito na   ngayon ay
hati-hati, ay magsasama balang araw, na papatnubayan ng Diyos.  
Ang Diyos ay na hindi nagpabaya sa ibang bayan, hindi rin
magpapabaya sa atin; ang Kanyang patutunguhan ay ang landas
ng kalayaan!”28
Isang katahimikang lubos ang sumunod sa mga salitang
ito.  Samantala naman, ang bangka na nadadala ng agos ay
lumalapit sa dalampasigan. Si Elias ang unang nagsalita. “Ano ang
sasabihin ko sa mga nag-utos sa akin?” ang tanong na nagbago ng
pangungusap.
           “Sinabi ko na sa inyo; dinaramdam kong labis ang
kanilang kalagayan, ngunit mag-hintay sila, ang isang masamang
bagay ay hindi nagagamot nang lalong maraming kasamaan, at sa
ating kasawian ay tayong lahat ang may-kasalanan.”29
           Hindi na sumagot si Elias, itinungo ang ulo, nagpatuloy sa
pagsagwan, at nang sumapit sa gilid ng dalampasigan ay ibinaba
si Ibarra at nagpaalam: “Napasasalamat po ako sa inyo, ginoo,
dahil sa kabutihang-loob na inyong ibinigay sa akin; alang-alang
sa inyong sariling ikabubuti ay hinihiling ko sa inyo na ako ay
limutin at huwag ninyo akong kilalanin sa anumang pagkakataon
na inyo akong makita.”
           At nang masabi ito ay muling pinalakad ang bangka,
sumagwang ang tinungo ay isang kagubatang nasa tabi ng lawa. 
Sa buong pagtawid ay walang kaimik-imik; walang-nakikita ang
libu-libong brilyante na sinasalok at isinasauli ng sagwan sa
dagatan at doon ay mahiwagang nawawala sa bughaw na tubig.

27

Sa ilang mga pagsasalin sa bahaging ito ay ginamit ang salitang


“pagkahimbing” o pagtulog. Suablit sa orihinal na tekstong Espanyol ay
ginamit ang salitang sueno na ang kahulugan ay pangarap. Alam ni
Rizal na ang kalayaan o libertad ay daan-daantaon ng pangarap ng
mga Pilipino sa mahabang panahon ng pananakop ng mga Espanyol
sa ating bayan.
28

Ngunit isang araw ay bumagsak ang kidlat - ang higit na tinutukoy ni


Elias ay ang naganap na Pag-aalsa sa Cavite nang 1872. Magmula ng
maganap iyon ay nakita ni Elias na ang bayan ay nagsisimula ng
gumising at patungo isang mithi na landasin ang kalayaan.
29

Ang bayan ay mayroong kasalanan sa kaniyang kasawian – ang una


niyang kasalanan ay ang pagsasawalang kibo.

593
      Nakasapit din siya sa pinatunguhan; isang lalake ang
lumabas sa kagubatan at sa kanila’y lumapit.
      “Ano ang sasabihin ko sa kapitan?” ang tanong.
      “Sabihin  mong si Elias, kung hindi muna mamamatay ay
tutupad sa kanyang ipinangako,”30 ang malungkot na sagot.
      “Kung gayon ay kailan ka makikisama sa amin?”
         “Kapag inakala ng inyong kapitan na dumating na ang oras
ng kapanganiban.”
         “Siya, kung gayon, paalam!”
         “Kung hindi muna ako mamamatay!” ang bulong ni
Elias.31

30

Nagpasiya si Elias na sumama na sa pangkat ni Kapitan Pablo – nabigo


siya na mapaki-usapan si Ibarra na magpakasangakapan upang
maiparating sa may kapangyarihan ang kalagayan ng bayan.

Bakit sa bahaging ito ay para ng mayroong premonisyon si Elias na


31

maaga siyang mamamatay.

594

You might also like