Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

PARTIDO STATE UNIVERSITY


Goa, Camarines Sur
College of Education
S/Y 2015-2016
MASUSING BANGHAY- ARALIN
sa
FILIPINO 9
(PSU Laboratory High School)
I.

II.

III.

Layunin:
Sa pagtatapos ng talakayan,ang mga mag-aaral ng ika-siyam na baitang ay inaasahang:
A. naisasalaysay ang mga pangyayari sa kabanata 32 (Ang Panghugos)
B. nakapagbabahagi ng aral ayon sa sariling pagkakaunawa sa mga pangyayari
C. naibubuuod ang mga pangyayari sa kabanata 32 batay sa sariling pagkakaunawa.
Paksang Aralin:
A. Paksa: Kabanata 32- Ang Panghugos (Noli Me Tangere)
B. Sanggunian: Noli Me Tangere: Obra Maestra (Bagong Edisyon), Lourdes L.
Miranda, et. al. pp. 241-245
C. Kagamitan: Aklat, Cartolina, pentelpen, tisa at pisara
Pamamaraan:

GAWAIN NG GURO

GAWAIN NG MGA MAG- AARAL

Magsitayo ang lahat para sa panalangin.


Pakipangunahan mo ang panalangin Fhat.

Fatima: Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Esperitu


Santo. Amen
Magandang Umaga po Maam.

Magandang umaga rin. Pakiayos muna ng mga


upuan at pulutin ang mga kalat bago kayo maupo.

(pupulutin ang mga kalat)

Okey. Maari na kayong maupo.

Salamat po.

May liban ba sa klase?

Wala po.

A. PAGGANYAK
Magkakaroon ng pagbibigayan ng Recognition
Card para sa mga kaibigan ang mga mag-aaral.
Isusulat ito sa ikawalong bahagi ng papel. (4 kada
mag-aaral)
Isipin ang pangalan ng mga kaibigan mo na
nais mong bigyan ng pasasalamat o papuri.
Isulat sa piraso ng papel ang nais mong
sabihin sa kanya.

Pagkatapos isulat, magkakaroon ng maikling


pagbabahagian sa klase ng mga isinulat bago ibigay
sa kaibigan.

Halimbawa:
Chriss: Nakagalitan ako ng aking guro, at ikaw Jhen
ay naroroon upang ipagtanggol ako. Napakabuti
mong kaibigan.
May: hinahangaan kita Sheena sa iyong pagiging
mapagpakumbaba.

A. PAGTALAKAY NG ARALIN
Sino sa inyo ang nakapagbasa ng aralin?

(itataas ang mga kamay ng mga mag-aaral na


nagbasa)

Mabuti. Ngayon, magkakaroon tayo ng dugtungang


pagsasalaysay upang maisa- isa ang mga
mahahalagang tagpo sa kabanata.
Paano nagsimula ang kwento? Ano ang
ginawa ng lalaking madilaw?

Jhen: May isang lalaking madilaw ang tumupad sa


kanyang salita. Gumawa siya ng di pangkaraniwang
makinarya o panghugos.

Para saan ang nasabing makinarya? Maaari


mo bang ilarawan Mani?

Mani: Ito ay isang makinaryang kahanga- hanga na


gagamitin sa pagbababa ng mga malalaking tipak ng
bato sa hukay. Ito ay may taas na higit sa walong
metro at sinusuportahan ng apat na malalaking troso
na pinagkabit-kabit sa malalaki at matitibay na lubid.

Tama! Ano naman kaya ang ibig


ipahiwatig ni Pilosopo Tasyo sa kanyang
mga sinabi nang mapadaan siya sa harap
ng itinatayong gusali na ? Sige nga, Baan?

Baan: sinasabi niya na darating daw ang panahon na


tayo ay makaka-alpas sa mga mananakop at sa
pagdating ng araw na iyon, matatanto natin kung
gaano tayo nagpakatanga at nagpaalila sa mga
kastilang mananakop.

Tumpak! Ngayon sa pagsisimimula ng


seremonya, sino ang tinutukoy na lalaki na
nakasuot magbubukid na nakamasid sa
ginawang panghugos ng lalaking madilaw?

Bambi: Si Elias po.

Tama! Si Elias nga ang tinutukoy. Sa tingin


ninyo, bakit halos ayaw nang umalis ni
Ibarra sa tabi ng kura sa mga pagkakataong
sinasabihan siyang bumaba sa hukay?

Mara: Sapagkat alam niyang may mangyayaring


masama sa kanya sa ilalaim ng hukay katulad ng
ibinulong sa kanya ni Elias sa simbahan.

Noong hindi na nakatanggi si Ibarra na


bumaba sa hukay, tuluyan na ba siyang
napahamak sa kamay ng taong madilaw?

Rose: Hindi po sapagkat sa halip na si Ibarra ang


mamatay, ang lalaking madilaw ang natagpuang
patay sa hukay.

Sino kaya sa palagay ninyo ang nagligtas


kay Ibarra?

Rhein: Si Elias po.

Kung kayo ang nasa katayuan ni Ibarra na


alam ninyong may naghihintay na
kapahamakan saiyo sa baba ng hukay,
bababa ka pa rin ba para masunod ang
alkalde?

Hindi, sapagkat hindi ko isusugal ang sarili kong


buhay para lamang paluguran ang mga tao sa aking
paligid.

Kung kayo si Elias, gagawin ninyo rin ba


ang pagliligtas kay Ibarra kahit na hindi
ninyo siya gaanong kilala? Bakit?

Oo. Sapagkat siya ay isang mabuting tao. Iniligtas


niya na rin naman ang buhay ko nang minsang
muntik na akong mapahamak dahil sa buwaya.

Tama ang lahat ng inyong kasagutan. Ngayon


naman, upang mas mapalalim pa natin an gating
mga natutunan, hahatain ko kayo sa anim na
pangkat.
A. PAGLALAPAT
Sa loob ng bente minutos,pag-usapan ang mga
nakahandang katanungan sa loob ng inyong grupo.
Pumili ng tagapag-ulat ang bawat pangkat.
1. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng Pag-ibig,
Pag-asa at pananampalatay ang dapat na
sumapuso sa bawat isa sa pagsasakatuparan
ng mga pangarap. ( Pangkat 1,3,&5)

(anim na pangkat ang sasagot sa mga tanong)

Pangkat 1: Hindi natin kailangan pang gumawa ng


masama para lang matupad natin ang ating mga
pangarap. Sapat na ang pag-ibig, pag-asa at
pananampalataya upang tayo ay magtagumpay.
Pangkat 3: kailangan nating manalig sa Poong
Maykapal lalo na sa pag-abot ng ating mga pangarap
sa halip na gumawa ng masama sa kapwa.
Pangkat 6: Huwag tayong gagawa ng masama sa
kapwa lalo na sa pag-abot ng ating mga pangarap
sapagkat ang masama ay hindi nagtatagumpay.

2. Kanina, bago tayo nagsimula ng talakayan,


nagpasalamat kayo sa mga nagawang
kabutihan sa inyo, ngayon, ano naman ang
kaya ninyong gawin para sa isang
kaibigan? (Pangkat 2,4,&6)

Pangkat 2: Ang magparaya, maging matulungin, at


suportahan siya sa lahat ng kanyang mga pangarap.
Pangkat 4: Ang maging mabuting kaibigan na
maaring sandalan sa lahat ng oras.

Pangkat 6: Ang maging isang tunay na kaibigan na


kaya siyang ipagtanggol sa lahat ng oras.
B. PAGLALAHAT
Maraming salamat sa pagbabahagi ng inyong mga
opinion.
Ngayon, sino naman ang makapagbabahagi ng
inyong mga natutunan sa kabanatang ito?

Rhea: Huwag mag-isip ng masama sa kapwa.


Jhunel: Ang pagtulong sa kapwa ay isang malaking
karangalan. Kahit hindi natin kilala ang isang tao,
kapag nangangailangan ito n gating tulong, wag
tayong mag- aatubiling tulungan ito.
Ashley: Ang pagiging isang mabuting tao ay walang
pinipiling panahon o tao sapagkat kapag kabutihan
ang nananalaytay sa iyong mga dugo at nananahan sa
iyong puso, di mo pipiliin kung sino man ang
makikinabang nito.
Grey: Huwag na huwag mong iisipin na mapahamak
ang iyong kapwa sapagkat maaaring ito ang maging
dahilan ng iyong kapahamakan.

Tama ang lahat ng inyong kasagutan. Sa lahat ng


pagkakataon, kailangan nating maging mabuti sa
kapwa. Wag nating pairalin ang kasamaan para
lamang makamit natin an gating mga minimithi.

IV.

Ebalwasyon:
Punan ang Ladder Organizer sa ibaba.

Pamagat: Kabanata 32: Ang Panghugos


Mga Tauhan:_________________________
Mga Pangyayari:

SIMULA

SULIRANIN

KASUKDULAN

WAKAS

Gintong Aral:
V.

Takdang Aralin:
Basahin ang kabanata 33: kaayusan ng Kaisipan, sa pahina 250-255 ng Noli Me Tangere:
Obra maestra at saguin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Sino sino ang mga tauhan sa kabanata 33?
2. Ano ang nais ipahiwatig ng kabanata 33?
3. Magtala ng limang mga mahahalagang pangyayari na naganap sa kwento.

Inihanda ni:
REINA ANTONETTE P. FRANCO
BSED 3B-Filipino Major

You might also like