Professional Documents
Culture Documents
Kamandag NG Mahika: Isang Korido
Kamandag NG Mahika: Isang Korido
(Korido)
Sa malayong kaharian
Kung tawagin ay Tabagwan
Lahat ng mga mamamayan
May kapangyarihang taglay.
Nababalot yaoung pook
Ng mahika sanmang sulok
Katatagay nasusubok
Ng mga tangkang pagaamok.
Sa gitna ng engkantanda
Ang prinsesay nakatira
Solong anak ng monarka
Na nangangalang Aryana.
Simula sa pagkabata
Mahikay di nabiyaya
Kung kayat siyay napasama
Kapangyarihan ang nasa.
Minsang prinsesay iniwan
Ng kanyang mga magulang
Siya itong naatasan
na kahariay bantayan.
Si Aryana ay natawa
Sa sinmbit ng matanda
Lolay ipinahuli pa
At pinaharap sa kanya.
Sa makamandag na sumpa
At sa tulong ng mahika
Si Aryanay nagging daga
Tulad ng itinadhana.