Regalo MMK

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Regalo

Ang palabas na Regalo ay tungkol sa isang ina na si Daisy na nag karoon ng anak
na may sakit na cerebral palsy. Dahil sa sakit ng kanyang anak na si April nag sikap siya
na ipagamot at alagaan si Daisy. Noong una hindi pa malaman nina Daisy at ng kanyang
asawa na si Rey kung ano ang sakit ni April at nang malaman nila ang sakit ni April ay
laking tuwa nila kasi malalaman na nila paano magamot si April. Ilang taon rin nakalipas
at nagkaroon ng tatlo pang anak si Daisy at lumipat sila sa mas tahimik na tahanan dahil
ayon sa doctor mas nakakatulong daw ang tahimik at maayos na paligid. Naging maayos
ang buhay nila at ipinaghahati ni Daisy ang kanyang oras sa pag aalaga kay April at
pagtratrabaho. Si April ay nakapasok rin sa paaralan at nakakuha ng matataas na grado. Si
April ay malapit sa mga kapatid nya kahit na minsan ay isa sa kanila ay naiinis na sa
kanya. Dumating din si edad si April na nangangailangan niya ng gabay ng kanyang ina
dahil nagdadalaga na siya kaya hindi na tinanggap ni Daisy ang alok sa kanya na mag
trabaho sa ibang bansa. Si April ay nagdiwang din ng kanyang ika-18 na kaarawan ngunit
pagkatapos ng ilang araw ay isinugod sa ospital si Daisy dahil hindi siya makahinga.
Ilang araw ring nanatili sa ospital si April at matapos nito pinayagan din na umuwi na si
April kaya sina Daisy at Rey ay bumili ng kama na pang ospital mga kagamitan at
aparato na kakailanganin ni April. Ngunit matapos ng ilang araw ay namatay rin si April.

Pormalistiko
Maganda ang kinalabasan ng pelikulang Regalo maayos at maganda ang seting
lugar ng pelikula tugma ang mga lugar na ginanap sakwento ng pelikula binigyan nila ng
pagsisikap na maipakita sa maganda at tugmang lugar ang pelikula, ang mga aktor at
aktres ay maganda at nagawa nila ng maayos ang kanilang pagganap sa kani-kanilang
tungkulin at dahil sa galling ng pag arte ay maaring mahuli ang puso ng mga manunuod
dahil sa mga pangyayari. Maganda rin ang panimula na ginawa nila na ipakita muna ang
trahedyang nangyari para makapanabik sa mga manunuod.
Moralistiko

Daisy Moral na ina si Daisy dahil kahit na nagkaproblema ang anak niya ay hindi parin
niya tinigilan na alagaan at suportahan ang kanyang anak at hindi siya sumuko malaman
ang sakit ni April noong bata pa.

Rey Naging moral rin na asawa si Rey dahil hindi niya pinabayaan ang kanyang asawa
at anak noong sila ay hirap na hirap. Sinuportahan niya si Daisy na dalin si April sa mga
ospital at ibat-ibang lugar mapagamot lamang at malaman ang sakit ni April.

Con-con- May pangyayari na hindi moral ang nagawa ni Con-con dahil hindi na niya
napigilan pa ang kanyang sarili at nagalit sa kanyang nakakatandang kapatid na si Daisy
at nasabihan niya ng Abnormal. Hindi niya pinagpasensyahan ang kapatid at
ikinahihiya pa niya kapag kamasama niya.

Sosyolohikal
Dahil sa epekto ni lipunan hindi sa lahat ng oras ay maayos at masaya ang buhay
ng isang pamilya may hinarap rin sila na problema at may mga oras rin na naghihinala at
nawawalan ng tiwala ang isang tao sa kapamilya niya o kaibigan niya at ito rin ay
naransan ng pamilya ni Daisy. Isa dito ay nagseselos si Rey sa katrabaho ni Daisy dahil
palagi nalang kasama ni Daisy at kausap sa telepono kaya ito rin ay nagdulot ng
pagaaway nina Daisy at Rey. Isa pa ay nang pumunta si Daisy at April sa isang paaralan
para kausapin ang principal ng paaralan, habang naghihintay si April sa labas ay nakita
siya ng mga estudyante doon at sinabihan siya ng mga salita na masasakit at
pinagtawanan ng mga bata dahil sa kanyang kilos at kalagayan. Sa kanilang tahanan
naman ay sinabihan ni Con-con si April na Abnormal dahil sa sobrang inis niya kay
April na ayaw ibigay ang kanyang mga libro para sa eskwelahan at ikinahihiya niya ang
kanyang kapatid dahil pinagtitinginan si April ng mga kaibigan niya kapag kasama niya
si April. May pangyayari rin na noong bata pa si April ay pinaguusapan at hinuhusgahan

ng ibang kakilala at kamag-anak si Daisy dahil siya daw ang may kasalanan kung bakit
nagkaganun ang kalagayan ni April.
Sikolohikal
Daisy- Inalok si Daisy na mag trabaho sa ibang bansa nguit hindi niya tinanggap dahil na
napagtanto niya na kailangan pa siya ng kanyang anak dahil nagdadalaga na rin si April.

April- Nagpasya si April na sundin ang kanyang ina na umupo at wag mahiga lang dahil
sinabii sa kanya ng kanyang nanay na iyun na lang ang regalo niya sa Mothers Day at
hindi na ibang materyal na bagay.

Con-con- Nasabihan ng Abnormal ni Con-con si Daisy dahil sa sobrang inis niya sa


kanyang kapatid, hindi na niya napigilan ang sarili niya dahil ayaw ibigay sa kanya ni
Diasy ang kanyang mga kagamitan at dahil na rin sa ikinahihiya niya si Daisy kapag sila
ay lumabas na kasama siya. At di rin nag tagal naintindihan rin niya ang kalagayan ni
Daisy at pinagpasensyahan na rin niya.

Arketipal
Sa pelikulang Reagalo ipinakita na si Daisy ay katulad lang rin ng mga ina na
nagsisikap para sa kanyang pamilya lalo na sa mga anak. Katulad niya ang mga ina na
nasa ganoong kalagayan pinakikita kung paano nila naiharap ang mga ganitong klaseng
pagsubok. Katulad ng aking ina na si Roxine nagsisikap siya na alagaan kaming
magkapatid mula noong ipinanganak kami sa mundo at hanggang ngayon ay inaalagan
parin kami at ginagabayan kaming magkapatid kahit hirap na hirap na siya sa trabaho ay
inihahatid parin kami sa eskwela at tinutulungan ang nakababatang kapatid ko sa mga
asignatura at tinuturuan.

You might also like