Professional Documents
Culture Documents
Filipino Lesson Plan
Filipino Lesson Plan
Layunin:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang;
Nalalaman ang kahulugan ng pandiwa.
Napapahalagahan ang pandiwa.
Nakapagbibigay ng sariling halimbawa gamit ang pandiwa.
II.
Paksang Aralin:
Paksa: Pandiwa
Sanggunian: Filipino
Kagamitan: tsart, Pisara
Method: Inductive
III.
Pamamaraan:
1. Pagganyak:
Bago natin umpisahan ang bagong aralin magtatawag ako ng limang mag-aaral at ito
ay pupunta sa harapan para bigyang kilos ang mga salitang nabunot nila. Tatawagin natin
itong larong e acting mo
a.
b.
c.
d.
e.
Umaakyat
Nanunuod
Sumayaw
Nagulat
Tumakbo
2. Paglalahad:
Ano ang inyong napapansin sa mga salitang nakadikit sa pisara o inyung ginawan ng
kilos kanina?
Pandiwa:
Ito ay salitang nagsasaad ng kilos o galaw.
Halimbawa:
Ang mga bata ay umaakyat sa puno.
Nagulat ang lahat ng dumating si alden.
Nanunuod kami ng palabas kanina.
Kami ay tumakbo dahil maraming aso.
PISTA
4. Paglalahat:
Ano-anu muli ang pandiwa?maari niyo ba ibahagi ang natutunan niyo sa oras na ito?
IV.
Pagtataya:
Panuto: basahin ang mga pangungusap. Isulat sa inyong sagutang papel ang pandiwa.
1. Nagdulot ng malaking baha ang magdamag na ulan.
2. Lumulutang sa tubig baha ang mga plastic at iba pang basura.
3. Ang mga kabahayan ay nalubog sa tubig ulan dahil sa bagyong lando.
4. Marami ang naglalakad dahil sa mahabang trapik sa edsa.
5. Itinulak ng mga tao ang tumirik na sasakyan.
6. Isinasakay sa bangka ang mga pangunahing kakailanganin ng mga tao.
7. Ang ibat ibang organisasyon ay mangangalap ng pondo upang makatulong sa mga
biktima.
8. Binalatan ni edna ang mansanas.
9. Ang aming guro ay nagsasalita sa harapan.
10. Pumasok ang mga mag-aaral sa paaralan..
V.
Takdang Aralin:
Sa inyong takdang aralin maghanap ng kanta na may salitang kilos itala ninyo ito sa
malinis na papel at ipapasa niyo ito bukas.