Professional Documents
Culture Documents
Uri NG Pamamahayag
Uri NG Pamamahayag
Uri NG Pamamahayag
bunga ng pakikipanayam. Sa ganitong uri, ang pinakamahalaga lamang ang dapat isulat.
4. Kinipil na Balita - Ang ganitong uri ng balita ay dulot ng kakulangan sa espasyo sa pahayagan
kung kaya ang buod ng maliliit na balita ay pinagsasama-sama.
5. Madaliang Balita o Flash - Ikinukulong sa kahon upang makatawag agad ng pansin.
6. Depth news o balitang may lalim - Kinakailangan ang masusing pananaliksik, upang higit na
matalakay ang mga ulat na nakapaloob dito.
7. Balitang Pangsensya - Tungkol sa mga makabagong imbensyon o pagtuklas sa mga bagay na
makakatulong sa pagpapadali ng mga gawain.
Iba pang uri ng balita
1. Balitang Panlokal - Mga balita tungkol sa isang lokal na yunit ng pamahalaan tulad ng barangay.
2. Balitang Pambansa - Mga balitang mahalaga at nagaganap sa buong bansa
3. Balitang Pandaigdig - Mga balitang nagaganap na mahalaga sa buong daigdig. halimbawa:
Digmaan sa iraq
4. Balitang Pampulitikal - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa pulitika.
5. Balitang Pampalakasan - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at
kompetisyong pangkalakasan
6. Balitang Pang-edukasyon - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa edukasyon.
7. Balitang Pantahanan - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa
pamamahala ng tahanan.
8. Balitang Pangkabuhayan - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa
negosyo at takbo ng kabuhayan ng bansa.
9. Balitang Panlibangan - May kinalaman sa larangan ng telibisyon, radyo, pelikula, tanghalan at iba
pa.
10. Balitang buhat sa talumpati itoy buhat sa pinaghandaang okasyon tulad ng palatuntunan,
seminar, panayam o pulong.
KATANGIAN NG ISANG BALITA1. Kaangkupan sa Panahon o napapanahon - ipinahihiwatid nito na ang pangyayari sa balita ay
kailangang kagaganap lamang o katutuklas pa lamang. Maaari rin naming matagal nang naganap
ang pangyayari ngunit bagong katutuklas.
2. Katanyagan o may kasangkot na personalidad - nauukol sa mga kilalang Tao sa pamahalaan at
lipinan dahil ang mga ito'y maaaring magbigay-katuturan o magbigay bias sa iba't ibang larangang
pampulitika, pang-edukasyon, panlipunan at pangkabuhayan. Tinatawag din silang newsmakers.
3. Kalapitan sa Pook - kailangang nagaganap sa kanilang paligid kaysa sa mga pangyayaring
nagaganap sa malayong pook.
4. Kahalagahan - may mga pangyayari sa ibang bansa na kung susuriin ay Hindi mahalaga para sa
ating bansa. Ngunit maging maliit man ang bansa, Hindi dapat ipagwalang-bahala ang kanilang
kaunlaran.
5. Tunggalian - nangingibabaw sa katangian ng mga salitang may kaugnayan sa pagwewelga,
paligsahan ng laro, labanan sa pulitika at iba pa.
Laging tiyaking tama ang inyong bantas (punctuations), baybay (spelling) at konstruksiyon ng inyong
mga pangungusap.
Manatili sa tense o panahunan ng inyong istorya.
Iwasan ang mahahaba at makakapal na pangungusap.