Professional Documents
Culture Documents
Ikahuling Buwanang Pagsusulit
Ikahuling Buwanang Pagsusulit
ARALING PANLIPUNAN 9
PANGALAN:________________________________________________________
PETSA:_________________
BAITANG/SEKSYON:__________________________________________________ISKOR:_________________
I. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap.
Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
__________ 1. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang hindi kabilang sa mahahalagang naganap noong
Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagdanas ng krisis ng mga estado ng Balkan at sa Morocco
B. Pagkakaroon ng Triple Alliance at Triple Entente
C. Pagpapasinaya sa Nagkakaisang Bansa
D. Pagtataguyod ng mga hukbong militar
__________ 2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa nagging sanhi ng ng Unang
Digmaang Pandaigdig?
A. Pagbagsak ng mga kilalang imperyo tulad ng Alemanya, Austria-Hungury, Rusya, at Ottoman
B. Paglabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson ukol sa pagpapanatili ng
kapayapaan
C. Pagpatay kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria habang nasa Sarajevo, Bosnia
D. Pagtakas ni Adolf Hitler matapos ang sunud-sunod na pagkatalo laban sa mga Allied
Powers
__________ 3. Ang mga probisyon sa Kasunduan sa Versailles ay tumutukoy sa:
A. Pagbabaha-bahagi ng mga teritoryong dating nasasakop ng Alemanya sa pagitan ng mga bansang
magkaka-alyado
B. Pagkilala sa pagkakapangkat-pangkat ng mga bansa sa pagitan ng Triple Alliance at Triple Entente
C. Pagkuha ng Rusya sa magagandang daungan ng Constantinople para makaiwas sa matinding
taglamig
D. Pakikipagtunggali ng Alemanya laban sa kontrol ng Inglatera sa kalakalan sa mga katubigan
__________ 4. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula dahil sa:
A. Pagdating ng mga armas galing sa Estados Unidos para sa Inglatera
B. Pagkatalo ni Adolf Hitler laban sa magigiting na hukbo ng Inglatera
C. Pagpatay sa napakaraming Hudyo sa Europa
D. Pagsalakay ng mga Aleman sa Poland noong 1939
__________ 5. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tungkol sa kinahinatnan ng ating kabuhayan
makalipas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig maliban sa isa.
A. Ang pagkakaroon ng malalayang bansa mula sa pagiging kolonya o bansang sakop ng mga tagakanluran
B. Ang pagpigil sa Alemanya na lumikha ng mga armas pandigma at pagtitiwalag dito bilang kasapi ng
Liga ng mga Bansa
C. Ang pandaigdigang ekonomiya ay pansamantalang natigil at bumagal ang pag-unlad ng kabuhayan
sa mundo
D. Ang totalitarianismo ni Hitler, Fascismo ni Mussolini at Imperyong Hapon ni Hirohito ay nagwakas.
__________ 6. Maaalala sa buong mundo si Winston Churchill bilang isang kilalang:
A. Heneral ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Allied Power
B. Isang tagasuporta ng Nazi Party ni Adolf Hitler sa Europa
C. Lider manggagawa sa panahon ng Rebolusyong Industriyal
D. Punong Ministro ng Gran Britanya noong World War II
__________ 7. Ang mga taong ito ay pawang nakaranas ng pinakamatinding pinsala sa buhay na dulot ng
mga Aleman noong Ikalawang Digmaaang Pandaigdig:
A. Amerikano
B. Hapon
C. Hudyo
D. Italyano
__________ 8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa interes ng Hapon nang kanyang
salakayin ang Pearl Harbor noong 1941?