Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

6

Module 30

HEKASI
Mga Patakaran at Programang
Pangkabuhayan ng Pamahalaan

A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development

Sa Mag-aaral
Magandang araw sa iyo! Alam kong mas lalo kang gaganahang
pag-aralang mabuti ang modyul na ito dahil may kinalaman ito sa
programang pangkabuhayan ng pamahalaan. Nais mo bang makibahagi
sa layunin ng pamahalaan? Gumawa ka ng paraan!

Mga Dapat Matutuhan

Sistema ng Patubig National Irrigation Administration (NIA)


National Food Authority (NFA)
Livelihood Multi-Purpose Loan
Pagtatayo ng mga Kooperatiba
Wastong Paggamit ng yamang-Likas

31

Subukin Natin

Panuto: Piliin sa loob ng parihaba ang tamang sagot.


1. Pinananatili ang establisadong presyo ng mga butil ng bigas, mais pati
asukal. _________________
2. Sistema ng patubig para sa magsasaka. ____________
3. Isang samahang pinasisimulan ng isang grupo ng mga tao para sa
Kabutihan at kaunlaran ng kanilang kabuhayan. _____________
4. Isang uri ng pagpapaunlad ng ekonomiya na hindi nakapipinsala sa
Kalikasan.
5. Hinihikayat ang mga maliliit na namumuhunan na magkaroon ng
sariling industriyang kanilang pagkakakitaan sa mga pamayanang
rural.
-

NFA
Sustainable development
NIA
Kooperatiba
Livelihood Multi-Purpose Loan

Pag-aralan Natin
Mga Patakaran at Programang Pangkabuhayan
Ng Pamahalaaan

Ang kaalaman sa agham at paggamit ng teknolohiya ay solusyon sa


maraming suliranin ng bansa. Dapat maramdaman ng mga
mamamayan na sila ang pinakamahalagang yaman ng bansa at ang
pamahalaan ay nagsisikap na paunlarin ang kanilang kalagayan.

32

National Irrigation Administration (NIA)


Ang sistema ng patubig ay isa sa mga proyekto ng pamahalaan
para sa mga magsasaka. Layunin nito na magkaroon ng regular na
panustos ng tubig ang mga sakahan upang hindi mahinto ang pagtatanim
ng palay kahit hindi panahon ng tag-ulan.
Ang Pilipinas ay isang bansang umaasa sa agrikultura. Hindi
lamang sa pagmamay-ari ang tuon ng pansin ng programa sa reporma sa
lupa kundi sa pagpaparami ng ani ng mga lupang pansakahan.
Ang San roque Multi-porpose Dam na itinayo sa pagitan ng
Benguet at Pangasinan sa Luzon at itinuturing na pinakamalaki sa buong
Asia ay hindi lamang libu-libong ektarya ng lupang pansakahan sa
Rehiyon I at Rhiyon II
National Food Authority (NFA)
Ang ahensya na nangangasiwa ng sapat na pagkain (cereal) ng mga
mamamayan at nagtataguyod ng pagpapalago ng industriya ng mga butil
ay ang National Food Authority (NFA). Pinananatili ng NFA ang
establisadong presyo ng mga butyl ng bigas at mais pati asukal.
Bukod sa butil, nagsisilbing ahensya rin ang NFA para makapagugnayan sa mga suppliers at outlets ng mga pagkain tulad ng sardines,
kape, gatas, panlutong langis, at iba papng basic commodities sa
mababang halaga.
Livelihood Multi-purpose Loan
Ito ang programa ng pamahalaan na nagbibigay ng pagkakataon sa
maliliit na mga mamumumuhunan. Hinihikayat ang mga maliliit na
mamumuhunan na magkaroon ng sariling industriya na kanilang
pagkakakitaan sa mga pamayanang rural. Sa paraang ito, maraming tao
ang nagkakaroon ng hanapbuhay.
Pagtatayo ng mga Kooperatiba
Ang kooperatiba ay isang samahan na pinasisimulan ng isang
grupo ng mga tao para sa kabutihan at kaunlaran ng kanilang kabuhayan.
Ito ay pag-aari at pinamamahalaan ng mga kasapi. Ang mga kasapi ang
siyang pumipili ng kanilang mga pinuno mula rin sa kanilang mga
kasama. Ang anumang pakinabang ng kooperatiba sa pagpapautang ay
hinahati sa mga kasapi nito.

33

Wastong Paggamit ng Yamang-likas


Ang ating pambansang produksyon ay batay sa wastong paggamit
ng mga lupain. Habang lumalaki ang populasyon, lumiliit ang lupaing
tinatamamnan. Marami ng lupaing agrikultural ang nawala at ginamit sa
pabahay, komersiyo, at industruya.
Ang Pilipinas ay hindi lamang mayaman sa yamang-lupa kundi
mayaman in sa yamang-tubig at yamang-mineral.
Sinusuportahan ng ating bansa ang isang uri ng pagpapaunlad ng
ekonomiya na hindi nakapipinsala sa kalikasan. Tinatawag itong
sustainable development. Ito ay isang sistema ng pagpapaunlad sa
ekonomiya ng bansa. Dapat pangalagaan at gamitin nang wasto ang mga
yamang-likas ng bansa para sa susunod na salinlahi.

Pagtatalakay
Kabilang sa mga programang pangkabuhayan ng pamahalaan ay
may kinalaman sa patubig, pagkain, kooperatiba, at likas na yaman.
Ang kaunlarang pangkabuhayan ng isang bansa ay nakasalalay sa
patuloy na paglinang at paggamit ng mga likas na pinagkukunangyaman.
Ang pamahalaan ay naglunsad ng mga patakaran at programa para
sa kaunlaran ng kabuhayan ng mga mamamayan.

34

Gawin Natin

1-3. Anu-ano ang tatlong uri ng mga gawaing pangkabuhayan?

4-6. Saan ginagamit ang mga lupaing agrikultura na nawala?

Mga Dagdag na Gawain

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Bakit mahalaga ang sistema ng patubig sa isang bansang
agrikultura tulad ng Pilipinas?
2. Bukod sa pagkaing butil, ano pa ang ibinibigay na tulong ng NFA
sa mga mamamayan?
3-4. Ano ang kooperatiba? Ano ang layunin ng kooperatiba?
5. Bakit mahalaga ang mga yamang-likas? Ano ang dapat gawin sa
mga likas na yaman?

Tandaan Natin
 Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakasalalay sa uri ng mga gawaing
pangkabuhayang nagaganap sa isang bansa. Maaring hatiin sa tatlong
uri ang mga gawaing pangkabuhayan: produksyon, distribusyon, at
paggamit ng mga produkto at serbisyo. Kapag mabilis ang
produksyon at paggamit ng mga produkto at serbisyo,
nangangahulugan ito ng pag-angat ng kabuhayan ng isang bansa.

35

Sariling Pagsusulit

Sabihin kung nagpapahayag ng katotohanan o opinion lamang.


Halimbawa: May malaking epekto ang yamang mineral sa
suliraning pang-ekonomiya. (katotohanan)
Masaya ang mamamayang kumikita. (opinyon)

1. Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural.


2. Ang wastong paggamit ng yamang-likas ay pakikinabang nang
matagal ng mamamayan nito.
3. Itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa ang
kanyang mamamayan.
4. Higit na pinagtuunan ng pamahalaan ang mga nagmamay-ari ng
lupang sakahan kaysa magasasaka.
5. Sa mga bahagi ng Pilipinas na maulan hindi na kailangan ng
sistema ng patubig.
6. Ang NFA ay nagsisilbing ahensya para sa establisadong presyo ng
mga butil lamang.
7. Ang kooperatiba ay maaaring itayo ng isang indibidwal na may
sapat na talino at kakayahan.
8. Ang multi-purpose loan ay para sa isang livelihood project sa mga
pook na rural.
9. Habang lumalaki ang populasyon, lumiliit ang lupang tinatamnan.
10. Ang NFA ay nagsisilbi sa mga mamamayan sa panahon sa
panahaon ng emerhensiya at kalamidad.

36

ISKOR:
____________________

Kung nakakuha ka ng iskor na walo hanggang sampu, binabati kita dahil


magaling ka! Kung mas mababa pa sa pito, basahing muli ang modyul.

37

Gabay sa Pagwawasto

 Subukan Natin
1.
2.
3.
4.
5.

NFA
NIA
Kooperatiba
sustainable development
Livelihood Multi-Purpose Loan

 Gawin Natin
1.
2.
3.
4.
5.
6.

Produksyon
Distribusyon
Paggamit ng mga produkto at serbisyo
Pabahay
Komersyo
Industriya

 Mga Dagdag na Gawain


1. Kailangan ang regular na panustos ng tubig ang mga
sakahan upang hindi mahinto ang pagtatanim ng palay
kahit hindi panahon ng tag-ulan.
2. Nakikipag-ugnayan sa mga suppliers at outlets ng mga
pagkain tulad ng sardines kape, gatas, at iba pang basic
commodities sa mababang halaga.
3-4. Isang samahan na pinasisimulan ng isang grupo ng mga
tao para sa kabutihan at kaunlaran ng kanilang
kabuhayan.
5. Dapat pangalagaan at gamitin nang wasto ang mga
yamang-likas para hindi ito maubos at mawala upang
may magagamit ang susunod na henerasyon.

38

 Sariling Pagsusulit
1. Katotohanan
2. Katotohanan
3. Katotohanan
4. Opinyon
5. Opinyon
6. Opinyon
7. Opinyon
8. Katotohanan
9. Katotohanan
10. Opinyon

39

You might also like