Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Si Rizal Bilang Isang Desterado sa Dapitan

Apat na taong namuhay si Rizal bilang isang desterado sa Dapitan, Mindanao na nasa
pangangasiwa ng mga misyonerong Heswita. Ito ay mula taong 1892 hanggang 1896. Hindi
naging makulay ang kaniyang naging buhay dito ngunit marami namang makabuluhang bagay
ang kaniyang nagawa. Iginugol ni Rizal ang kaniyang mga oras sa pag-aaral ng Medisina,
nakapagsagawa siya ng mga siyentipikong eksperimento, ipinagpatuloy ng kanyang pansining at
pampanitikan, nagpalawak din siya ng kaalaman sa mga wika, nagtatag ng isang paaralang
panlalaki, nagtaguyod ng kaunlarang panlipunan, nag-imbento ng isang makinang kahoy na
gumagawa ng ladrilyo, naging magsasaka at mangangalakal.
Ang barkong nagdala kay Rizal sa Dapitan ay may dala ring sulat mula kay Padre Pablo
Pastells, superyor ng Lipunang Heswita sa Pilipinas. Ang nasabing liham ay para kay Padre
Antonio Obach na isa namang Heswitang kura paroko ng Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng
mensahe ni Padre Superyor Pastells kay Padre Obach na si Rizal ay maaaring tumira sa
kumbento ng simbahang paroko na may mga kondisyon. Ang unang kondisyon ay kailangang
ipahayag na tatalikdan at pagsisisihan ni Rizal ang kanyang mga sinabi laban sa relihiyong
Katolika, at maghahayag siya ng mga pagpapatotoong iniibig niya ang Espanya at kinalulupitan
niya ang mga kagagawang laban sa Espanya. Ang ikalawang kondisyon naman bago siya
tanggapn ay kailangan gumawa muna siya ng mga Santo Ejercicio at Confesin General, ng
kanyang dinaanang buhay atang

ikatlo ay kailangan na sa haharaping panahon ay

magpapakagaling ng asal, upang siya ay maging uliran ng iba sa pagkamasintahin sa relihiyong


Katolika at sa Espanya.
Hindi nagustuhan ni Rizal ang mga kondisyong ibinigay ni Padre Pastells kayat kay
Kapitan Carnicero, isang komandante, siya nanirahan. Naging matalik na kaibigan ni Rizal ang
Kapitan nang siya ay tumira sa bahay nito kaya namalan ng Kapitan na si Rizal ay hindi bastabastang preso. Naging maganda ang ulat ng Kapitan kay Gobernador despujol hinggil sa
kaniyang preso kay naman pinagkalooban si Rizal ng karapatan na magpunta kahit asan, ay isang
beses lamang sa Linggo mag-ulat sa kaniyang tanggapan.
Noong Setyembre 21, 1892 dumating ang barkong koreong Butuan sa Dapitan na
naghatid ng balitang nanalo ng pangalawang gantimpalang Php 20 000 sa loterya sa Maynila sina

Kapitan Carnicero, Dr. Rizal, at Francisco Equilor. Ang bahagi ni Rizal sa napanalunan ay
P6200. Ang P2000 ay para sa kaniyang ama, P200 naman ay para sa kaibigang si Basa at P4000
ay ibinili niya ng lupang sakahan sa may baybayin dagat sa Talisay. Hindi umiinom ng alak si
Rizal ni naninigarilyo, ngunit mahilig siyang tumaya sa loterya. Noong unang biyahe niya sa
Madrid mula 1882 hanggang 1885 lagi siyang naglalaan ng kahit tatlong pesetas buwan-buwan
para sa tiket ng loterya.
Noong Agosto 1893 nakasama ni Rizal ang kanyang ina at si Maria manirahan sa
Dapitan at nooy inoperahan niya ang kanang mata ng kanyang ina. Ang galling ni Rizal sa
panggagamot ay nabantog sa maraming lugar kayat marami siyang pasyente na nagmula pa sa
ibat ibang bahagi ng Pilipinas.
Maraming sumubok na baguhin ang paniniwala ni Rizal ukol sa relihiyong Katoliko, sila
ay sina Padre Pastells, Padre Obach na siyang kura ng Dapitan, Padre Jose Villaclara na kura ng
Dipolog at Padre Francisco de Paulo Sanchez. Walang sinoman sa mga padre ang nagtagumpay
na baguhin ang pananaw ni Rizal maging si Padre Sanchez na siyang paboritong guro ni Rizal sa
Ateneo de Manila tumulong sa kanya sa pagpapaganda ng Dapitan bagamat hindi niya nabago
ang paniniwala ni Rizal. Sa kabila nito ay hindi pa rin nabago ang tingin nang Padre kay Rizal.
Noong kaarawan nga nito niregaluhan siya ni Rizal ng Estudios Sobre la Lengua Tagala, isang
manuskritong. Ito ay bilang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob.
Ang Himno Para sa Talisay ay isang tula na isinulat ni Rizal at ipinakanta nya sa mga mag
aaral sa kanyang itinayong paaralang panlalaki sa Dapitan
Noong Nobyembre 1893 habang masaya at payapang namumuhay ang pamilyang Rizal sa
Talisay, isang impostor ang nagpapakalat ng tsimis na siya ay isang kamag-anak ni Rizal, siya ay
si Florencio Namanan na nagpakilala sa katauhan ng isang Pablo Mercado. Hindi ito ikinatuwa
ni Rizal kaya agad siyang pumunta kay Kapitan Juan Sitges, humalili kay Kapitan Carnicero
bilang komandante ng Dapitan , agad naman nitong ipinag-utos na dakpin si Florencio at siya
ding nagpalaya rito sa di malamang dahilan kahit pa napag alamang ang impostor na ito ay
inupahan ng mga Prayleng Recoleto upang matiktikan ang mga gawain ni Rizal at makuha ang
mga liham at sulatin ni Rizal na mag uugnay sa kanya sa kilusang rebolusyunaryo.

Si Rizal bilang isang mangangalakal ay naging matagumpay siya sa industriya ng


pangingisda, kopra at abaka. Si Ramon Carreon, isang negosyante sa Dapitan ay nagging
kasosyo ni Rizal. Pinakamatagumpay na negosyo ay abaka. Nagtayo sila ni Carreon ng negosyo
sa paggawa ng apog. Noong Enero 1, 1895 ay itinatag ang Asosasyong Kooperatiba ng mga
Magsasaka sa Dapitan upang mabali ang monopoly ng mga Tsino sa pagnenegosyo sa Dapitan.
Ang mga layunin ng asosasyong ito ay, Una mapaunlad ang mga produktong agricultural.
Ikalawa ay makakuha ng mas magandang pamilihan para sa mga produkto. Ikatlo ay para
mangolekta ng pondo para sa pamimili at ang huli ay upang magtulungan ang mga prodyuser at
manggagawa sa pagtatag ng isang tindahan kung saan makabibili ng mga pangunahing bilihin sa
mababang presyo.
Noong Oktubre 22, 1895 isinulat ni Rizal ang Mi Retiro isang tulag isinulat na tungkol sa
payapa nilang buhay bilang desterado at ipinadala sa kanyang ina
Noong Hulyo 1, 1896 ay ang araw na tinanggap ang alok ni Rizal na pagpiprisintang Doktor
sa Militar ng Cuba noong nasa gitna ng digmaan at papalawak na epidemya ng yellow fever.
Naisulat ni Rizal sa kasagsagan ng labis na kasiyahang nadarama nang tanggapin ang kanyang
alok bilang isang Doktor ang El Canto del Viajero.
Noong Hulyo 31,1896 ng hatinggabi nang si Rizal, kasama ng mga kapatid at mga
pamangkin ay lumisan sa Dapitan sakay ng Barkong Espaa. Halos lahat ng tao ay inihatid si
Rizal sa pantalan at tinugtog ang Funeral March at ditto ay naramdaman ni Rizal ang kaniyang
nalalapit na kamatayan.
Si Rizal bilang Guro ay nagpatayo ng paaralan na papasukan ng mga batang lalaki mula sa
piling mga angkan at bilang kapalit ay pinatatrabaho niya ang mga ito sa bukid at sa kaniyang
mga proyektong pampamayanan. Tinuruan niya ito ang mga ito ng wikang tagalog at espanol,
pati na rin Heograpiya, kasaysayan, matematika at agham. Ipinaalam niya ito kay Blumentritt sa
pamamagitan ng isang sulat.
Bilang Manggagamot. Nagtungo sa Alemanya at Paris upang makapagdalubhasa sa
panggagamot sa mata. Itoy ay dahil sa kagustuhan niyang magamot ang mata ng mata. Nang
ipinatapon siya sa Dapitan ay ginamit niya ang kaalam ditto upang magamot din ang ina na siya

namang nagging maugong na balita na naging sanhi upang dayuhin ng mga pasyente mula sa iba
ibang bansa.
Si Rizal ay nakapagtapos ng pagka-agremensor sa Ateneo at nagamit niya ang kaalamang
ito ng magpatayo siya nang patubig sa Dapitan na hinangaan ni American engineer, Mr. H.F.
Cameron.
Bilang isang Dalubhasa ay pinalawak pa lalo ni Rizal ang kaalaman sa mga wika nang
siya ay mamuhay sa Dapitan. Sumulat siya ng Balarilang Tagalog, gumawa ng pag aaral ukol sa
pagkakatulad ng wikang Bisaya at ng wikang Malay. Noong Abril 5, 1896 ay sumulat siya kay
Blumentritt upang ipagbigay alam rito na siya ay nakakapagsalita na ng Bisaya. Dalawamput
dalawang wika at wikain na ang kayang gamitin ni Rizal sa pagsasalita.
Bilang isang magsasaka naman ay bumili siya ng 16 na ektarya ng lupa sa Ralisay at
pinatayuan ito ng bahay-paaralan at pagamutan habang siya ay nasa Dapitan. Tinaniman niya ito
ng ibat ibang punong kahoy.

Gumamit siya ng makabagong paraan sa pagsasaka sa

pamamagitan ng mga makinaryang inangkat niya mula sa Estados Unidos.


Isa ring manunuklas si Rizal. Nang malaman niya na mayaman sa Ispesimen ang
Mindanao ay ginalugad niya ito kasama ang kanyang mga mag aaral upang humanap ng
ispesimen ng halaman, kulisap at kabibe. Ang mga ito ay pinadala niya sa Museo ng Dresdan sa
Europa. Siya ay nakatuklas ng mga pambihirang ispesimen na siyang dinugtong sa kanyang
pangalan bilang parangal. Ang mga pambihirang ispesimen na kanyang natuklasan at idinugtong
sa kanyang pangalan ay ang Draco Rizali (isang pambihirang tutubi), Apogonia Rizali (isang
maliit na uwang), Rachoporous Rizali (isang pambihirang palaka). Gumawa rin siya ng
pananaliksik at pag aaral ukol sa Antropolohiya at Etnograpiya.
Nang bumisita ang mga kapatid na babae ni Rizal sa Dapitan ay ipinasyal niya ito. Sinabi
niya na balang araw ang mga paring nagmimisa ng nakatalikod ay haharap din sa mga tao at
magmimisa gamit ang sariling wika ng mga tao. Sinabi rin niya na ang Pilipinas baling araw ay
magkakaroon ng isang pamahalaang Federalismo.

You might also like