Professional Documents
Culture Documents
Indarapatra at Sulayman.02
Indarapatra at Sulayman.02
Indarapatra at Sulayman.02
Sulayman
Tagapagsalaysay:
Noong unang panahon ay may isang dakilang hari. Siya
ay si Indarapatra, hari ng Imperyo ng Mantapuli. Ang
Mantapuli ay matatagpuan sa kanluran ng Mindanao,
doon sa ilayong lupain kung saan lumulubog ang araw.
Si Indarapatra ay nagmamay-ari ng tatlong mahiwagang
bagay, ang singsing, krus, at ang sandata. Ang mga ito
ay pamana ng kanilang mga ninuno na hangang ngayon
ay matitibay pa.
Isang araw nagkaroon ng malagim na pangyayari sa
kanilang lugar. Nabalitaan niya na nilusob ang kanilang
bayan ng apat na halimaw. Una ay si Kurita, marami
itong mga paa na may mahahabang kuko at ganid na
hayop na kayang ubusin ang limang tao na kanyang
nabibiktima. Pangalawa ay si Tarabusao, isa siyang
halimaw na mukhang taong nakakatakot pagmasdan.
Kaya nitong magpalit anyo bilang isang napakagandang
babae na dahilan kung bakit maraming lalaki ang
nabibighani dito at pagkatapos ay bibiktimahin ang mga
ito. Pangatlo ay si Pah, isang ibong malaki na kayang
padilimin ang bundok ng Bita dahil sa malalaki ang mga
pakpak nito. Panghuli ay isa ring ibon na may pitong ulo,
siya si Balbal. Walang makakaligtas sa bagsik ng
kanyang matatalas na mata sapagkat maari niyang
matanaw ang lahat. Kaya naman sa araw na iyon ay
pinapunta ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si
Sulayman.
Sulayman:
Kurita:
Huwag mo akong patayin tao, maawa
ka sa akin!
Sulayman:
Nagbibiro ka ba ha, halimaw? Bakit ako
maawa sa iyo? At isa pa naawa ka ba sa mga taong
pinatay mo?
Hiyas:
Sulayman:
Hiyas:
Tagapagsalaysay:
Sinaksak niya ang halimaw, namatay ito ng tuluyan at
nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay. Sa kanyang
paglalakbay ay nakatagpo siya ng isang babae.
Hiyas:
Ginoo, marahil kayo po ay naliligaw?
Maaari ko po bang maitanong kung saan kayo pupunta?
Sulayman:
Tama ka, Binibini! Nawala ko ang aking
mapa kaya nawalan ako ng direksyon. Ako ay
patungong
hilaga kung saan matatagpuan ang pugad ng halimaw
na si Pah.
Hiyas:
Ngunit Ginoo hindi ba delikado ang
iyong pupuntahan? Isang napakamapanganib
na halimaw si Pah.
Lahat ng makikita nito ay agad-agaran
niyang kinakain.
Sulayman:
Oo, mapanganib nga ang aking
lalakbayin ngunit marami na ang mga
namamatay dahil sa mga halimaw na ito
at hindi na ako papayag na sila ay
mambiktima pa.
Hiyas:
Halata sa iyong porma ikaw ay pagod
na pagod na, marahil ay ilang araw ka
nang naglalakbay. Kung hindi mo
mamasamain, maaari kang
makapagpahinga sa aming maliit na
kubo.
Sulayman:
Ikinagagalak kong tanggapin ang iyong
alok. Maaari bang maitanong ang iyong
pangalan?
Hiyas:
Tawagin mo nalang akong Bini.
Tagapagsalaysay:
Tumuloy si Indarapatra sa bahay nila Bini o si Hiyas. Si
Hiyas ay isang napakagandang
prinsesa at isang engkantada ngunit
simpleng
naninirahan sa Baryo Alipungan. Siya ay naitakdang
ikasal sa isang prinsipe sa kabilang
kaharian ngunit labag ito sa
kanyang kagustuhan kaya siya ay napilitang lumayas.
Tagapagsalaysay:
Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay. Habang
naglalakbay si Indarapatra, hindi niya
alam na sinusundan siya ni Hiyas
hanggang sa makarating siya sa paanan ng Bundok
Bitaag. Biglang dumilim ang buong
paligid ng bundok. Hindi siya
napansin ng halimaw dahil pinuprotektahan siya ni
Hiyas.
Sulayman:
Hoy! Halimaw halika dito at magtutuos
tayo!
Sulayman:
Hoy halimaw! Bingi ka ba o sadyang
natatakot ka lamang sa akin? Wala ka palang binatbat.
Hiyas:
GinoongSulayman!
Sulayman:
Bini! Sinusundan mo ba ako ?
Hiyas:
Malamang, hindi pa ba malinaw sa iyo
ang iyong nakikita o baka gusto mong
mas lapitan pa kita?
Sulayman:
Ah-ah wag na naniniwala na ako sa iyo.
Pero bakit kaba nandito?
Hiyas:
Sinusundan kita dahil tinatawag ako ng
mahiwagang singsing na nasa iyong
hinlalaki. Sa tuwing ikinikiskis iyan sa
talulot ng rosas ay ibig sabihin may
nangangailangan ng tulong sa di
kalayuan.
Sulayman:
Isa ka bang diwata?
Hiyas:
Oo, Ginoo! ikinararangal ko na ikay
paglingkuran. Hiyas nga pala ang tunay
kong pangalan.
Sulayman:
Bakit mo ba ako kilala?
Hiyas:
Ginoo, bakit marami kang tinatanong?
Sulayman:
Ah eh masama ba ang magtanong?
Hiyas:
Hindi naman ngunit ako po ay
nagmamasid at hindi ako makapag-isip
ng mabuti. Teka lang naririnig mo ba
ang naririnig ko?
Sulayman:
Hindi. (naguguluhan at pawang
nagmamasid narin)
Tagapagsalaysay:
Sulayman:
Halimaw! Tingnan mo ito. (Tinutukoy
ang krus)
Pah:
Ahh! Ilayo mo yan sa akin.
Ahhhhhhhhhh!
Tagapagsalaysay:
Unti-unting nasusunog ang halimaw at biglang tumakas
si Hiyas sa mga kamay ng halimaw. Dito na
tinapos ni
Sulayman ang buhay ng halimaw.
Pah:
Tagapagsalaysay:
Ginamitan ng kapangyarihan ni Hiyas si Indarapatra
upang ito ay mailigtas. Sa walang anu-ano ay
nabuhay si Indarapatra at
nagdesisyon itong bumalik sa palasyo upang makabawi
ng lakas.
Tapagsalaysay: At nakarating na sila sa palasyo.
Indarapatra: Mahal kong kapatid ako ay nagagalak
na makita kang muli. Sino ba ang magandang
dilag na kasama mo?
Sulayman:
Mahal kong kapatid, ipagpatawad mo
sana ang aking pagbabalik sapagkat ako ay
nanghina sa huling
laban na aking naingkwentro nais ko
sanang makapagpahinga muna. Bago muna
ipapakilala ko pala si
Hiyas, siya ang nagligtas sa akin sa
bingit ng kamatayan. (Tingin kay Hiyas) Hiyas
ang kapatid ko si
Indarapatra.
Hiyas:
Ikinagagalak kong makilala ka Mahal na
hari.
Tagapagsalaysay:
Kinabukasan.
Hiyas:
Kamahalan saan po kayo pupunta?
Indarapatra: Pupunta ako sa bundok Matutom upang
ipagpatuloy ang misyon ni Sulayman.
Hiyas:
Maaari bang samahan kita sa iyong
paglalakbay?
Indarapatra: Mabuti sigurong alagaan mo nalang ang
aking kapatid hangang sa bumalik ang kanyang lakas at
higit pa
Hiyas:
Tagapagsalaysay:
Sa huli ay walang nagawa si Sulayman kundi ang sundin
ang kagustuhan ni Hiyas at agad rin
naman silang umalis sa
Kaharian. Ilang araw din silang naglakbay hangang sa
naabot nila ang tuktok ng Bundok
Matutom kung saan naninirahan
Ang halimaw na si Tarabusaw. Ngunit sila ay bigong
makita ang halimaw. Sa halip ay laking
gulat nalamang ng makita nila
ang isa pang halimaw na si Balbal na kabago-bago
lang nangulo sa karatig-bayan.
Nagkaroon ng matinding labanan sa
pagitan ni Indarapatra at ng halimaw. Dahil sa
kapangyarihang binigay ni Hiyas kay
Sulayman ay natalo nila ang
halimaw.
Sa kaharian naman ay unti-unti nang nagbalik ang lakas
ni Indarapatra. Ngunit sa kasamaang
palad ay umatake ng palihim
si Tarabusaw at agad itong nagpalit anyo bilang si Hiyas.
TANDAAN! SI TARABUSAW AY NAGPAPANGAP NA
SI HIYAS.
Tarabusaw:
Ginoo, nagpapasalamat ako dahil untiunti nang bumabalik ang iyong lakas.
Sulayman:
Oo nga, salamat pala dahil hindi mo ako
pinabayaan.
Tagapagsalaysay:
Unti-unti nahuhulog ang loob ni Indarapatra sa inaakala
niyang si Hiyas. Sa kabilang dako
naman ay nagkakamabutihan
narin sina Sulayman at Hiyas.
Sulayman:
Hiyas:
Tagapagsalaysay:
Nakarinig ng sigaw si Hiyas at walang duda na kay
Indarapatra nga ang boses na iyon at
agad namang pinuntahan ni
Hiyas si Sulayman.
Indarapatra:
Tagapagsalaysay:
Sa pagtataka ay agad na tinadyakan ni Hiyas si
Indarapatra sa paa.
Indarapatra:
Hiyas:
Tagapaggsalaysay:
Laking gulat nalamang nito na nabuhay ang kanyang
kapatid na si Sualyman nang dahil sa
luha na dumaloy sa mga
sugat nito.
Indarapatra:
Indarapatra:
Sulayman:
Tagapagsalaysay:
At nagmahalan silang lahat,
nagkaroon ng kapayapaan sa
Maguindanao. Dumating na ang tamang
oras upang si Hiyas ay magpaalam na
at tuluyan ng bumalik sa Floreshka. May
kaunti mang ilangan sa pagitan ni
Indarapatra at Sulayman ay mas
minabuti nalang na itutok ni Indarapatra
sa ibang bagay. At umalis si Sulayman
patungo sa karatig-bayan upang doon
magpahinga at mamuhay ng payapa.
Masakit man sa damdamin ni
Indarapatra ang paglisan ni Hiyas ay
tinanggap niya ito dahil alam niyang
kailangang gawin ito ni Hiyas. Ngunit,
makalipas ang ilang lingo, nabalitaan ni
Indarapatra ang paglusob ng ikaapat na
halimaw na si Balbal sa kaharian ni
Hiyas. Agad siyang nagpunta rito at
naabutan niya ang paghahasik ng lagim
ni Balbal.
Indarapatra: Tumigil ka na halimaw tama na ang
kawalang awa ninyong pagpapatay sa
mga tao.
Balbal:
Ang mga tao ay kailangang patayin
tulad mo, dahil kayo ay mahihina dapat
kami lang ang manaig dito sa mundong
ito.
Sulayman:
Ito na ang huli mong hininga.
Mamamatay ka na!
Tagapagsalaysay:
Hindi alam ni Indarapatra na
mas lalo pa itong lumakas kaysa noong
huli niya itong kinalaban. Nabugbog si
Sulayman at sugat-sugatan.
Sulayman:
Umalis ka na Hiyas.
Hiyas:
Pero paano ka?
Sulayman:
Iligtas mo nalang ang iyong sarili.
Tagapagsalaysay:
Tumakas ng dali-dali si Hiyas.
Pero sa kasamaang palad ay napatay si
Sulayman dahil sa unti-unti ng
nanghihina siya at dahil na din sa mga
pasa nito. Sa kabilang dako naman ay
napansin ni Indarapatra ang bulaklak na
unti-unting nalalanta ang mga sanga at
dahon nito. Kaya bigla nalang siyang
napaiyak. Hinanap niya ang kapatid at
napag-alaman niyang nagtungo ito sa
kaharian ni Hiyas. Agad siyang
nagtungo rito. Naabutan niya ang