Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pista ng Pintados

Ang Pista ng Pintados, o tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan, ay isang masayang pagdiriwang na
tumatagal ng isang buwan, kung kailan din ginaganap ang "Leyte Kasadyaan Festival of Festivals", ang "Pintados
Festival Ritual Dance Presentation" at ang "Pagrayhak Grand Parade". Ang mga pagdiriwang ito ay sinasabing
nagmula sa Pista ni Seor Santo Nio tuwing ika-29 ng Hunyo. Ang mga taga-Leyte ay ipinagdiriwang ang
nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan. Bihasa ang mga Bisaya sa pagtatato, ang mga
lalaki't babae ay mahilig magtato sa kanilang sarili.
Ipinapakita ng Pista ng Pintados ang mayamang kultura ng Leyte at Samar, sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng
mga katutubong sayaw at musika. Ang "Leyte Kasadyaan Festival of Festivals" naman ay nagpapakita ng bukodtanging kultura at makulay na kasaysayan ng probinsiya ng Leyte. Sinimulan ni dating Gobernador Remedios
Loreto-Petilla, ang pagdiriwang ay unang ginanap noong ika-12 ng Mayo, 1996. Ang mga pista ay hindi laging
ginaganap tuwing ika-29 ng Hunyo dahil sa unang tatlong taon ay nangyari ito sa magkaka-ibang petsa. Noong 1999
lamang ito opisyal na itinakda sa araw ng Hunyo 29, ang Pista ni Seor Santo NIo de Leyte.
Ang kahulugan ng "Kasadyaan" sa dayalektong Bisaya ay katuwaan at kasiyahan. Maraming pista ng munisipalidad
ng Leyte ang nagsasama-sama sa kabisera, sa Lungsod ng Tacloban, upang makiisa sa selebrasyon. Masisiglang
parada ng mga drama at sayaw ang nagaganap. Isang mahalagang papel ang ginagampanan ng mga pistang ito, iyon
ay upang mas mahikayat ang bawat Leyteo na ipagmalaki at pahalagahan ang kanilang kultura. Bawat
munisipalidad ay gumagawa ng kanilang istorya ibabahagi sa pista tungkol sa kanilang lokal na mga kuwento at
alamat.

Pagdiriwang

Sa pista, muling inaalala ang kasaysayan ng Leyte bago pa man dumating ang mga Kastila, mula sa mga labanan,
epiko at mga katutubong relihiyon. Ang pinaka-inaabangan sa pista ay ang mga mananayaw na pintado mula ulo
hanggang paa ng mga disenyong mukhang armor upang gayahin ang mga sinaunang mandirigmang puno ng tato
ang katawan. Ang mga mananayaw ay pumaparada sa mga kalsada ng lungsod ng Tacloban. Sa unang tingin,
maaaring nakagugulat para sa iba na ang mga lalaking mananayaw ay nilalagyan ng mga palamuting may
matitingkad at luminosong kulay na asul at berde. Pero habang tumatagal sa panonood ng kanilang presentasyon,
makikita na ang mga sayaw ay naglalarawan ng isang sulyap sa kasaysayan ng mga taong nanirahan sa mga isla
ng Leyte noong unang panahon.
Ang mga katutubong sayaw na itinatanghal sa pista ay nagpapakita ng maraming tradisyon bago pa man dumating
ang mga Espanyol. Ang ilan sa mga ito ay ang pagsamba sa iba't ibang diyos, katutubong musika at mga kuwentong
epiko. Bukod sa sayaw, kabi-kabilang parada ang nagaganap sa lungsod ng Tacloban. Sinisimulan ang parada sa
Balayuan Towers patungo sa iba't ibang lugar sa lungsod. Ang ilang manonood ay sumusunod pa sa mga
mananayaw simula umpisa hanggang matapos. Nagtatapos ang pista sa masayang pagsasalo-salo, tulad ng ibang
tradisyonal na kaugalian.

Kasaysayan
Noong 1668, dumating ang mga Espanyol sa Visayas at natagpuan nila ang mga babae't lalaki na puno ng tato ang
mga katawan, na tinawag nilang "pintados". Gamit ng mga pintados ang matalas na bakal na pinaiinitan muna sa
apoy bago gawin ang pagtatato. Ang mga taong ito ay may sariling kultura, mayaman sa mga pagdiriwang at
pagsamba sa mga diyos tuwing masagana ang ani.
Dinala ng mga misyonaryong Espanyol noong 1888 ang imahe ng batang Jesus, na kilala bilang "El Capitan",
sa Pilipinas. Maganda ang pinagmulan nito kaya nakuha agad ang debosyon at pagsamba ng mga katutubo
ng Leyte sa Santo Nio.
Noong 1986, itinayo ang Pintados Foundation, Inc. ng mga negosyante at mangangalakal sa Tacloban. Sinimulan
nilang mag-organisa ng mga aktibidad para sa pista ng lungsod na parangal kay Seor Santo Nio. Dito nagsimula
ang Pista ng Pintados, na unang ipinagdiwang noong Hunyo 29, 1987. Ngayon ay tinatawag itong Pista ng
Pinatados-Kasadyaan, na binansagang "Festival of Festivals".

Pintados
Ang pangalang "pintados" ay mula sa mga katutubong mandirigma, na ang mga katawan ay puno ng tato. Nang mga
panahong iyon, at maging sa ibang lugar din, ang tato ay simbolo ng tapang, ganda at estado sa buhay. Ang mga mas
matatapang na mandirigma ay mas madaming tato, na halos puno na ang buong katawan. Kakaiba sa paningin ng

mga banyaga, itinuring silang nakatatakot at barbaro ng mga Kastila. Pero sa panahong naintindihan nila ang
kahulugan ng mga tato, nakita nila ito bilang tanda ng ganda at halaga sa buhay ng mga pintados. Dahil hindi pa
masyadong maingat ang pagtatato noon, ang proseso ay masakit at maaaring magdulot ng impeksyon. Kaya naman
ang sino mang humarap sa panganib ng pagtatato at nabuhay ay itinuturing na malakas at matapang. Pero bago pa
man matatuan, kailangan muna niyang maging matagumpay sa ilang mga labanan.

You might also like