At sa lumang dingding ng aming tahanan Doon nakasabit ang isang orasan Mahina kagaya ng mahal kong inang Matanda katulad ng aming utusan Tila bumabasa tila bumuibilang At ang buhay namiy ipinagdarasal Orasan na ito nang akoy bata pa Ginigising ako sa tuwing umaga Akoy nagbinatat sa kanya nakita Ang oras ng aking patipan sa sinta At sa pagtanda ko akoy umaasang Siya ang tutugtog sa aking hininga May lungkot na gaya ng isang pag-ibig Na titingin-tingin at di makaimik Matagal na mandin, waring nangangawit Sa kagugunita sa dumaang saglit Tik-tak, parang tibok ng mahinang dibdib Na ang sinasabiy pagsuyong amis Tuwing hatinggabi ay aking kausap Nagsasalitaan kami sa magdamag Inuulit mandin ang aking lumipas Waring binabasa ang yumaong palad Tila nagtatanong: Anot nagppupuyat At di ka matulog upang mapanatag? At akoy iidlip sa kinabukasan Ang basag na tugtog yaring magisnan Ang kanyang pendulo ay kukunday-kunday At ang minuteroy nagtuturo naman, Waring nagsasabi: Umagay daratal Ikawy pagpalain ng magandang araw.