Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Pangaral

Sa simpleng buhay namulat, sa ginhaway salat;


Angkin kong pamilyay ipagmamalaki ko sa lahat;
Sa haligi ng tahanay maaga mang nawalay;
Tanging liwanag nitong ilaw ang nagsisilbing gabay.
Wag maiinggit sa kapwa, pangaral ni ina;
Matutong makuntento sa kung anong mayron ka;
Kaya mag-aral ng mabuti, sa buhay magsikap ka;
Nang sa gayoy lahat ng mithi moy iyo ding
makuha.
Ngumiti lang kung may problema;
Kung pagod ay daanin lang sa tawa;
Nahihirapan may wag mawawalan ng pag-asa;
Pagkat lahat ng itoy maglalaho rin pagsapit ng
umaga.
Mabuting asal dapat laging taglay;
Pakikitungo sa kapway lagi ring isabuhay;
Maging matapat, masunurit may kusa;
Wag ding kalilimutan ang pagpapakumbaba.
Sa bawat pagsubok, pag nadapay bumangon;
Panghuhusga ng taoy wag pansinin, itapon;
Pagkat Siyay nakamasid, alam Nyang totoo;
Mga pagtitiis mot laman ng iyong puso.
Ano mang tagumpay ang makamit mot
matamasa;

Di dapat makalimot sa mga batong naging tala;


Mga paa moy itapak pa din sa lupa;
Lumingon, magpasalamat sa natamong biyayat
pagpapala.

You might also like