Pula Sa Kulturang Pilipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

PULA SA KULTURANG PILIPINO: ISANG PAG-AARAL

Panimula
Simula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan, ang kulay ay
mayroong kaugnayan sa kultura ng isang lugar. Ang pagpapahalaga at paggamit ng
isang partikular na kulay sa isang lugar ay naiimpluwensiyahan ng maraming factor,
kasama dito ang materyal kung saan nagmula ang kulay. Ang pinakaunang ginamit
na pangkulay ng mga sinaunang tao ay mula sa kalikasan. Ang unang mga ginamit
na pangkulay ay mula sa mga berries, lupa, clay at iba pa. Ngunit lahat ng kultura
sa ibat-ibang parte ng mundo, at pati na din kasaysayan, ay mas binigyang halaga
ang kulay na pula.
Isa sa mga naunang nadiskubre na tao na kulay ay ang kulay na pula. Sa
Spectrum ng Kulay, ang pula ay ang may pinakamalaking band, na sinundan ng
berde, asul, orange, at dilaw, at dahil dito mas mataas ang probabilidad na mas
madaling makilala ang kulay na pula. Ang mata ng tao ay sensitibo sa kulay na
pula, hindi katulad ng ibang mga mammals na nahihirapan makakita ng kulay na
pula, kung kaya naman hindi na kataka-taka na madaming sinaunang sibilisasyon
ang nagpahalaga sa kulay na pula.
Ang kulay na pula ay mahalaga sa lahat ng kultura mula sa ibat-ibang parte
ng mundo. Sa bansang Tsina, ang kulay na pula ay tinitingnan bilang swerteng kulay
dahil ito ay sumisimbulo ng prosperidad at kalusugan. Sa marami ding parte ng
mundo, ang kulay na pula ay nangangahulugan ng mataas na estado ng buhay. Ang
mga taong may kakayahang magsuot ng kulay na pula ay ang mga namumuno sa
isang lugar, katulad ng hari at shah, at mga cardinal ng simbahan. Ginamit din ng
maraming manunulat ang kulay na pula sa pagpapaghayag ng mga damdamin,

katulad ng katapangan at pagnanais. Ang kahalagahan ng kulay pula ay umabot din


sa bansang Pilipinas. Naging parte na din ng kultura ng Pilipinas, katulad ng sa
ibang bansa ng mundo, ang paggamit ng pula.

Kahalagahan at Limitasyon ng Papel


Ang kulay ay parte ng sining. Ang sining ay isang magandang batis sa pagaaral dahil ipinapakita nito ang teknolohiya at sikolohiya ng mga tao noong
panahon sila ay nabubuhay. Ang kahalagahan ng papel na ito, maliban sa ito ay
importante sa pagpapalawak ng kultura ng Pilipinas, ay maaring nitong masagot
kung gaano nga ba talaga kahalaga ang salita at kulay na pula sa kulturang Pilipino.
Pinapalalim ng pag-aaral na ito ang pag-intindi ng mga tao sa kulay at salitang pula.
Pinapakita din nito na sa pag-unlad ng Pilipinas, malaki ang parte ng kulay at
salitang pula.
Ang pag-aaral na ito ay hindi lalabas sa Pilipinas. Hindi nito madadaanan o
mapag-aaralan ang kahalagahan ng kulay na pula sa labas ng konteksto ng
Pilipinas. Iikot ito sa kulturang Pilipino at ang ibig sabihin ng pula sa kultura at
kasaysayan ng bansa. Masasakop din sa pag-aaral ang ibat-ibang pagpapahulugan
at paggamit sa kulay na pula sa ibat-ibang panahon ng kasaysayan. Sa larangan
naman ng wika, makakabilang sa pag-aaral na ito ang paggamit sa kulay na pula sa
ibat-ibang aspeto ng pang araw-araw na buhay ng isang Pilipino, kabilang ang mga
salitang Pilipino na mayroong kinalaman sa pula. Hindi nito masasakop ang iba
pang mga kulay, bagkus sa nakatuon lamang ang pansin sa kulay at salitang pula
Framework ng Pag-aaral

Kasaysayan

PULA

Prehistory
Salita

Colonial

Pre-colonial

Wika

Idyoma

Kontempraryong
Panahon

Ayon sa conceptual framework, na nakikita sa naunang pahina, ang paksa ng


pag-aaral ay ang kulay na Pula. Hahatiin sa dalawa ang paksang pula, pula sa
perspektiba ng kasaysayan at pula sa perspektiba ng wika. Ang pula sa perspektiba
ng kasaysayan ay mahahati pa sa ibat-ibang panahon, prehistpry, pre-colonial,
colonial, at sa panahon ng kontemporaryo, ang dahilan nito ay upang mas madaling
maipaliwanag ang papel ng pula sa ibat-ibang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas.
Katulad na din ng para sa perspektiba ng kasaysayan, hinati sa dalawa ang pula sa
perspektiba ng wika, ang Idyoma at mismong mga salita, ang dahilan nito ay upang
mas mabigyang pansin ang ibat-ibang gamit ng salitang pula sa ibat-ibang parte
ng wika. Ang perspektiba ng kasaysayan sa pula at ang perspektiba ng wika sa pula
ay magsasama upang maibigay ang tunay na kahalagahan sa kulturang Pilipino sa
kulay na pula.
Upang maisakatuparan ang conceptual framework ng pag-aaral, gagamitin
bilang theoretical framework sa
Gage sa libro niyang

pag-aaral ang

framework na ipinalabas ni John

Color and Meaning: Art, Science and Symbolism. Ayon sa

librong ito, upang mapagaralan ang tunay na halaga ng isang kulay ay


kinakailangan na tingnan kung paano ginamit ang kulay na ito sa kasaysayan at sa
wika. Ang partikular na paraan na ginagamit ng mga nagaaral tungkol sa kulay ay

tingnan ito sa perspektiba ng sikolohiya, ngunit sabi ni John Gage, upang lalo pang
maintindihan ang halaga ng kulay sa kultura kailangan isama na din sa pag-aaral
ang kasaysayan at wika. Ang art-historical na framework ay nagbibigay ng
magandang oportunidad na magkaroon ng iisang pagtingin tungkol sa kahalagahan
ng kulay.
Ang framework na ito ni John Gage ang gagamitin sa pag-aaral na ito tungkol
sa paksa na kulay ang pula. Uugatin sa pag-aaral ang gamit ng kulay na pula sa
kasaysayan ng Pilipinas at sa wikang Filipino. Ang pag-uugat na ito, ayon na nga din
sa framework ni John Gage, ay upang magkaroon ng mas malinaw na pagtingin sa
kahalagahan ng Pula sa kulturang Pilipino.

Pula sa Kasaysayan
Ang pinakaunang kulay na natutong gamitin ng mga sinaunang tao ng
Pilipinas, katulad ng sa iba pang parte ng mundo, ay ang kulay na pula at ang kulay
na may kinalaman sa lupa. Ang paggamit ng kulay pulay na iron oxide, na tinatawag
na slip ng mga eksperto, ay isang solusyon nagawa mula sa kulay pula na clay. Ang
paggamit ng slip ay isa sa pinakamadaling paraan upang mapalitan at mag
mukhang madulas ang anyo ng isang earthenware. Sa ibang parte ng bansa, kung
saan mahirap makahanap ng mga sangkap upang makagawa ng kulay na pula, sila
ay nag hanap ng kulay pula na clay, dinala sa kani-kanilang tirahan, at tsaka
dinurog upang gamitin sa pagdidisenyo at sa ritwal.
Ang unang ebidnesiya ng paggamit ng pula ng mga sinaunang Pilipino ay
natagpuan ng mga arkeologo sa isang maliit na kweba sa may isla ng Sanga-sanga,

sa may timog ng Sulu. Ang kwebang kanilang nadiskubre ay ginamit ng mga


sinaunang tao, pagitan ng 5,900 at 5,200 CE, bilang tahanan. Sa sahig ng kweba
na ito ay may mga natuklasang ilang mga sinaunang kasangkapan, na gawa mula
sa ilang mga uri ng matigas na bato, at ilang mga palayok, na may mga bakat ng
lubid at may ilan din na mayroong presensiya ng kulay na pula. Ang mga palayok na
ito ang unang mga naging ebidensiya ng

paggamit ng kulay na pula ng mga

sinaunang tao.
Ang paggamit ng pula bilang parte ng

isang ritwal ay laganap sa buong

bansa dahil ang kulay pula ay nakaugnay sa mga patay, o sa mga palayok na
ginagamit para sa mga patay. Ang Manunggul Jar, na natagpuan sa Lipuun Point,
Palawan, ay isang halimbawa ng paggamit ng kulay pula sa mga patay dahil ang
palayok na ito ay ginagamit para sa ikalawang paglibing.

Ang taas na parte ng

palayok ay inukitan ng mga scrolls at ito din ay ginuhitan ng kulay na pula. Sa takip
ng Manunggul Jar, katulad din sa taas na parte ng katawan ng palayok, nakaukit at
kinulayan din ng pula ang mga scrolls na ito upang ipakita ang dagat. Sa ibabaw ng
pinakatakip, na parang lumulutang sa kulay pula na dagat, ay mayroong nakalilok
na Bangka na mayroon tao. Sa kweba ng Arku, sa Cagayan Valley, ginamit din ang
kulay pula sa mga patay sa kanilang mga palayok at ginamit din ito sa mga Burial
Jar na natagpuan sa kweba ng Asin, sa Davao del Sur, ang kulay na pula. May ilang
pagkakataon din na nilagyan ng mga sinaunang Pilipino ang mga buto ng kanilang
mga patay bago gawain ang ritwal ng ikalawang paglibing.
Hindi lamang sa mga palayok ginagamit ang kulay na pula ng mga sinaunang
Pilipino, ginagamit din nila ito sa mga larawan na kanilang ginagawa sa mga pader
ng kweba na kanilang tinitirahan. Sa Lamanok Point sa Anda Peninsula, na
matatagpuan sa silangan ng Isla ng Bohol, makikita ang ilang mga handprints sa

mga pader ng mga bangin. Ang mga handprint na ito ay ginawa sa pamamagitan
ng paglublob ng kamay sa isang solusyon ng pulang hematite at pagkatapos ay
ilalagay ang kanilang mga kamay sa mga pader ng bangin. Matatagpuan din ang
ilang mga bakas ng kulay na pula sa sahig na malapit sa mga pader ng bangin.
Ang paggamit ng kulkay na pula ay isang kaugalian ng mga Pilipino na nadala
sa panahon ng pagpasok ng panahong pre-kolonyal. Makikita sa ibat-ibng parte ng
Pilipinas ang laganap na paggamit ng kulay na pula. Ginamit ng mga Pilipino sa prekolonyal na panahon ang kulay na pula sa mga tela na kanilang hinabi, bilang
pampaganda sa sarili, sa pang-gagamot at sa marami pang iba mga bagay.
Ginamit ng mga Bisaya ang kulay na pula sa pagpapaganda. Ayon sa
kanilang kultura, ang pagkakaroon ng filed at stained teeth ay isang paraan upang
makilala ang isang tao. Naging kasanayan na ng mga Bisaya sa panahon ng prekolonyal na magkaroon ng mga goldwork sa kanilang mga ngipin, at mas maganda
ang goldwork na ito kung ito ay nilagyan ng kulay na pula o itim. Ang pula na
ginagamit sa ngipin ay nag mumula sa red lakha ant eggs, at mapapanatili ang
kulay na pula sa ngipin sa pamamagitan ng paggamit ng nga-nga. Ang mga
kababaihan naman ng Tagalog ay ginamit din sa pagpapaganda ang kulay na pula,
ginamit nilang pangkulay sa kuko ang kulay pulang kamuntigi.
Ang kulay na pula ay ginamit din bilang simbulo ng kapangyarihan sa kultura
ng mga pre-kolonyal na Pilipino. Sa lahat ng parte ng Pilipinas noong panahon ng
pre-kolonyal, ang tanging mga tao na nagsusuot ng kulay na pula ay ang mataas
ang antas sa lipunan, o di kaya naman ay sila ay nagpakita ng kanilang katapangan
sa pamamagitan ng pagpatay nila ng mga kaaway. Sa Visayas, ang mga pulang gstrings na pinapasuot sa mga tao na nakapatay o mataas ang antas sa lipunan ay

gawa sa pinayusan. Ang pinayusan ay hinabing mga fibers ng Abaca na pinili nila
dahil sa kaputian at sa maganda nito tekstura, pagkatapos ay kinulayan ng kulay na
pula. Ganito din sa mga Tagalog, ang tanging may karapatan lamang na magsuot
ng kulay na pula ay ang mga tao na may pinatay na tao. Pareho namang nagsusuot
ng kulay pulang pudong, o isang damit sa ulo na kahalintulad ng isang turbano,
bilang simbulo ng kanilang katapangan dahil sa kanilang pagpatay sa kaaway. Sa
Visayas, ang tawag nila sa pudong na kulay pula ay magalong.
Ang paggamit ng kulay na pula ay nadala ng mga Pilipino hanggang sa
panahon ng pagpasok ng Espanya sa Pilipinas. Ang mga bahay na bato ay
gumagamit ng mga mabibigat na bubong na tisa ang mga bahay noong panahon ng
Espanyol. Ang mga tisa na ito ay gawa sa terracotta kung gaya naman ito ay
kapansinpansin na ito ay kulay pula. Kapansin-pansin din sa panahon ng Espanyol
ang pagpapatuloy ng tradisyon ng pagsusuot ng kulay na pula lalo na kung mataas
ang kaantasan ng isang tao sa kanilang lipunan.
Ang unang watwat na ginamit ng Katipunan ay itinahi ni Gregoria de Jesus,
ang asawa ni Andres Bonifacio. Ang unang watawat na ito ay kulay pula na
mayroong tatlong putting letrang K na nakaayos ng nakahalang. Sa patuloy na
paglaki ng organisasyon ni Bonifacio, nagkaroon ng madami pang uri ng mga
watwat ang ginamit ng mga katipunero. Ang paggamit ng kulay na pula sa mga
watwat

ng

Katipunan,

katulad

ng

sa

mga

sinaunang

Pilipino,

ay

upang

mangahulugan ito ng katapangan at pakikidigma.


Ang watawat ng Pilipinas, na idinesenyo ni Emilio Aguinaldo katulong sina
Marcela at Lorenza Agoncillo, at si Delfina Herbosa Natividad, ay pormal na
ipinresenta sa noong ika-12 ng Hunyo taong 1898, kasabay ng pagdeklara ng

kasarinlan ng Pilipinas. Ang watawat na ipinresenta ay mayroong kulay na pula, asul


at puti, mayroong araw na may 8 sinag, at mayroong 3 tala. Ang kulay na pula sa
watawat na ipinresenta noong ika 12 ng Hunyo 1898 ay nangangahulugan ng
pakikidigma.
Taong 1902, dapat opisyal na nagtapos ang pakikipaglaban ng mga Pilipino
laban sa mga Amerikano matapos ang pagsuko ni Heneral Emilio Aguinaldo, ngunit
hindi ito natuloy. Sa Leyte, isang grupo ng mga gerilya ang nagpatuloy ng
pakikipaglaban sa mga Amerikano, tinatawag silang mga Pulahan. Pinamumunuan
sila ng magkapatid na Juan at Felipe Tamayo. Sa loob ng tatlong taon, ang mga
Pulahan ay nahawakan ang ilang mga bayan sa Leyte. Natapos ang Pulahan
Resistance noong ika-17 ng Hunyo 1907 matapos mahuli ang magkapatid na Juan at
Felipe Tamayo.
Sa pagpasok ng kontemporaryong panahon, naging popular ang kulay na
pula sa mga aktibista at mga kumakalaban sa gobyerno dahil sa paggamit ng mga
komunista ng kulay na pula. Isa pang dahilan ng paggamit ng pula ng mga aktibista
ay dahil na din ito ay ang kulay na ginamit ng KKK sa kanilang pakikipaglaban para
sa bansang Pilipinas. Ngunit sa kontemporaryong panahon, hindi na masama ang
konotasyon sa kulay na pula, maraming tao ang naniniwala na ang kulay na ito ay
may dalang swerte na ang dahilan ay marahil sa paghalo ng kulturang Tsino sa
kulturang Pilipino.
Pula sa Wika
Hindi maikaiila ang kahalagahan ng kulay na pula sa kulturang Pilipino,
maraming mga salita at Idyoma ang may kinalaman sa salitang pula ang ginagamit
ng mga tao sa pang araw-araw na buhay. Maraming mga salitang Pilipino ang may

kinalaman sa kulay na pula. Mapula ang gamit na salita para sa isang tao na
maganda ang kulay ng balat, o pinkish. Kapag naman pale, o di kaya ay walang
dugo, ginagamit naman salita ay maputla. Ang gitna ng itlog, na kilala sa ingles
bilang egg yolk, ay ang tawag ay pula ng itlog. Ang itlog na maalat, na karaniwang
kinakain ng mga Pilipino na may kasamang kamatis, ay tinatawag din na Itlog na
pula. Ang gamot naman na inilalagay sa kuko ng isang tao matapos magpapedicure at manicure ay tinatawag namang gamot na pula. Ang sibuyas tagalog, o
ang mga sibuyas na tumutubo sa Pilipinas, ay tinatawag din bilang Sibuyas na Pula
at ang asukal napula naman ay isang tawag din sa brown sugar.
Marami pang mga salita na ginagamitan ng salitang pula sa Wikang Filipino,
katulad ng mamula na nangangahulugang mambatikos, o ang katumbas sa Ingles
ay criticize. Ang salitang kapulawan naman ay isang salita na nangangahulugang
kalungkutan, o loneliness.

Ang sakit sa balat na leprosy, maliban sa salitang

ketong, ay tinatawag din pula. Ang salitang apula, nangangahulugang pigilan bago
lumala, ay isang halimabawa din ng isang salita na mayroong kinalaman sa pula.
Mapulaan naman ang salitang ginagamit kapag mawalan ng karapatan ang isang
tao at pagpula ang salitang ginagamit kapag ang isang tao ay mampapahamak.
Ang mga bisaya naman noong panahon ng pre-kolonyal ay ginamit ang
salitang bulawan para sa ginto at himulawan para sa mas magandang kalidad nag
into. Ang salitang ito ay maaring nagmula sa salitang bulaw, na nangangahulugang
mapula o rosy. Madami ding mga lugar sa Pilipinas ay mayroong kaugnayan ang
pangalan sa kulay na Pula. Katulad na lamang ng lugar sa Marinduque na
pinangalanan na Mapulang Lupa dahil dito naganap ang isang madugong digmaan
na ang magkalaban ay Pilipino at Amerikano.

Katulad sa mga salita, marami ding mga Idyoma ang mayroong kinalaman sa
salita o di kaya ay sa mismong kulay na pula. Ang paggigiring pula ay ginagamit na
Idyoma kapag nagkaroon ng pagdodoble o insensiridad ang isang tao. Sa sabong
naman, ginagamit naman ang mga katagang Sa Pula, Sa Puti na nangangahulugang
sumama sa daloy ng buhay. Basag ang pula naman ang gamit para sa mga tao na
luko-luko.

Interpretasyon ng Datos at Konklusyon


Ang paksa ng pag-aaral ay tungkol sa kulay na pula at ang relasyon nito sa
kultura ng mga Pilipino. Ayon sa framework ni John Gage, kinakailangan tingnan ang
kasaysayan at wika upang makuha ang tunay na ibig sabihin ng kulay sa isang
kultura. Batay sa framework na ito ay bibigyan ng interpretasyon lahat ng datos na
nakalap tungkol sa paksa na kulay pula.
Sa panahon ng pre-history, batay sa mga datos, ang kanilang paggamit ng
kula na pula ay dahil sa ito ay isang kulay na madali lamang makuha sa kanilang
kapaligiran. Kaya naman mas madalas na makita sa mga artefacts na nakakalap
ang kulay na pula. Hindi din mahirap gawain ang kulay na pula, kaya hindi katakataka na ito ay naging parte ng kultura ng mga Pilipino noong panahon ng Prehistory. Ayon sa binigay na introduksyon, isa pa ding maaring dahilan ng paggamit
ng mga sinaunang Pilipino sa kulay na pula ay dahil sa ito ay isang kulay na
madaling makilala.
Sa panahon ng pre-kolonyal na Pilipino, ginamit nila ang simbulo ng kulay
pula sa katapangan dahil ang kulay na pula ay kulay ng dugo, at dugo ay

sumisimbulo sa buhay. Ang paggamit ng pula bilang simbulo ng makapangyarihan


ay maaring maidugtong sa konsepto na ang pula ay katapangan. Ang kultura ng
pagsusuot ng kulay na pula kapag ang isang tao ay nakapatay, ay maaring
mainterpreta na dahil ang kulay ng buhay ay pula at sa pagkitil sa buhay ng isang
tao, kumukuha ang nakapatay ng buhay. Katulad din ng sa panahon ng pre-history,
ang paggamit sa kulay na pula ay dahil sa ito ay madaling mahanap sa kapaligiran.
Sa Kolonyal na panahon, ang pagpapakahulugan ng kulay na pula ay hindi na
lamang natapos sa katapangan kundi nabigyan na din ito ng kahulugan bilang kulay
ng digmaan. Nagsimula ang pagpapakahulugan na

ang pula ay kulay ng

pakikidigma at rebolusyon ay nagsimula sa paggamit ni Victor Hugo sa kanyang


librong Les Miserables, kung saan ipinakita niya na ginagamit ang pulang mga
watwat sa rebolusyon laban sa monarkiya ng Pransiya. Kung kaya naman ang
watawat ng KKK ay kulay na pula, isa pang maaring interpretasyon kung bakit ang
kulay ng watwat ng KKK ay pula ay dahil sa konteksto ng pre-kolonyal ito ay
nagsisimbulo ng katapangan. Upang maipakita ang katapangan ng kanilang
orgnisasyon ginamitan nila ang watawat ng kulay na pula. Ang pagpapakahulugan
na ito sa kulay na pula ay nadala hanggang sa kontemporaryong panahon, ang
kahulugan nito bilang kulay ng rebolusyon.
Sa perspektiba ng wika, ang salitang pula ay nangangahulugan lamang ng
may kulay. Halimbawa sa salitang Sibuyas na Pula, hindi naman pula ang kulay ng
sibuyas bagkus ito ay kulay purple, ngunit tinatawag ito na sibuyas na pula.
Ginagamit din ang salitang pulaupang magpahiwatig ng damdamin. Ang halaga din
ng

kulay

na

pula

ay

makikita

sa

salitang

bulawan,

na

ang

parehong

nangangahulugan na pula at ginto. Ang pagkakapareho ng salita para sa ginto at


pula ay isang manipestasyon ng kahalagahan ng pula, na ang pula ay kapareho na

ng halaga ng isang ginto. Wala masyadong idyoma na

pumapatungkol sa pula,

makikita dito na mayroong parte ang pula sa kultura ng Pilipinas.


Sa pagaanalisa sa kasaysayan at wika ng Pilipinas, ang kulay na pula ay
nangangahulugan ng buhay, kung may buhay ang isang tao siya ay may kulay. Ang
kulay na pula ay nangangahulugan ng enerhiya, emosyon, pasyon, digmaan, at
aksidente. Sa konteksto ng Pilipinas, ang pula ay buhay, at ang tao kapag buhay ay
mayroong kulay, kung kaya naman sa mga salita sa wikang Filipino ay ito ay
bibigyang kahulugan bilang may kulay, at sa kasaysayan naman ay ito ay
magpapakita ng kahulugan na ang pula ay buhay.

MGA SANGGUNIAN
Agoncillo, Tedoro. History of the Filipino People. Quezon City: Garotech Publishing.
1990.
Agoncillo, Teodoro. Introduction to Filipino History. Quezon City; Garotech Publishing.
1974.
Calderon, Sofronio. Diccionario Ingles-Espanol-Tagalog con Partes de la Oraciony
Pronunciacion Figurada. Intramuros: Libreria y Papeleria de J. Martinez. 1915.

Coronel, Rudy L. Mr Noted Calls to Mind Mr Asterisk. Philippine Daily Inquirer. August
11, 2011.
Gage, John. Color and Meaning: Art, Science and Symbolism. California: University of
California Press. 2000.
Gagelonia, Pedro A. Filipino Nation: History and Government. Navotas: Navotas
Press. 1997.
Greenfield, Amy Butler. A Perfect Red. New York: HarperCollins Publishers. 2005.
Guillermo, Artemio. Historical Dictionary of the Philippines. United Kingdom:
Scarecrow Press Inc. 2012
MacLaurey Robert E. et al. Anthropology of Color:Interdisciplinary Multilevel
Modeling. Amsterdam: John Benjamins Publishing Company. 2007.
Merci Melchor. Bandila: The Story of the Philippine Flag. Makati City: Tahanan Books
for Young Readers. 1998.
Peralta, Jesus T. The Tinge of Red: Prehistory of Art in the Philippines. Pasig City:
Anvil Publishing Inc. 2000.
Phipps, Elena. Cochineal Red: The Art History of a Color. New York: Metropolitan
Museum of Art. 2010.
Scott, William Henry. Barangay: Sixteenth-Century Philippine Culture and Society.
Quezon City: Ateneo de Manila Press. 2004.
https://www.tagalog-dictionary.com/search?word=pula
http://tagalog.pinoydictionary.com/search/pula/

http://www.tagalogtranslate.com/translate.php
http://www.bansa.org/dictionaries/tgl/?type=search&data=paggigiring+pula
http://www.watawat.net/flags_and_symbols_of_the_katipunan_-_1.html
http://bulatlat.com/main/2015/08/20/a-is-for-anakbayan-and-other-activist-terms-inthe-philippines/

Polytechnic University of the Philippines


College of Social Sciences and Development
Department of History

PULA SA KULTURANG PILIPINO: ISANG PAG-AARAL

Jan Aubrey V. Merino


AB History 3-1
12 October 2015

You might also like