Grade 4 Test Questioner

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Name: __________________________________ Petsa: ____________ Iskor:_______

I. Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Napili ka ng iyong guro na siyang maging tagapagdaloy ng palatuntunan, ano ang iyong gagawin?
A. Pipilitin ko ang aking kamag-aral na palitan ako.
B. Sasabihin kong ayokong maging tagapagdaloy ng palatuntunan.
C. Lalakasan ko ang aking loob at tatanggapin ang ibinigay na gawain.
D. Magdadahilan ako na masakit ang aking lalamunan at hirap sa pagsasalita.

2. Maraming nilabhang damit ang nanay. Ipinasampay niya ang mga ito sa kay Aleirah. Ano ang
dapat gawin ni Aleirah?
A. Itago ang mga damit na ipinasasampay ng nanay.
B. Magkunwari na hindi narinig ang utos ng nanay.
C. Magsabi sa nanay na hindi niya ito kayang gawin.
D. Pagtiyagaang isampay ang mga damit para makatulong sa nanay.

3. Oras ng rises, mahaba ang pila sa pagbili ng pagkain sa kantina. Nasa bandang hulihan ng pila si
Ahye. Kung ikaw si Ahye, ano ang gagawin mo?
A. Hindi na pipila at titiisin na lamang ang gutom.
B. Magtitiis na pumila hanggang sa makaabot sa unahan.
C. Sisingit sa bandang gitna ng pila para mabilis.
D. Pupunta sa unahan ng pila at makikiusap sa paunahin siya.

4. Narinig ni Aaron na may parating na bagyo at sinuspinde na ang mga klase sa kalapit na lugar.
Ano ang dapat gawin ni Aaron?
A. Makinig sa radio o manood sa telebisyon para sa mahalagang pahayag.
B. Tawagan ang mga kamag-aral at sabihing wala na rin silang pasok.
C. Muling matulog dahil wala na rin sigurong klase sa kanilang paaralan.
D. Magdasal na lalong lumakas ang ulan.

5. Tuwang-tuwa ka dahil pinasalubungan ka ng tatay ng isang kahong loombands. Itinago mo ito


bago pumasok sa paaralan. Pagdating mo sa bahay, nakakalat ang mga ito at ang iba ay itinapon ng
iyong nakababatang kapatid. Ano ang gagawin mo?
A. Mag-iiyak ako.
B. Aawayin ko ang aking kapatid.
C. Sasabihin ko sa tatay na paluin ang aking kapatid.
D. Magtitimpi ako at iaayos ang natirang loombands.

6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mahinahon sa kilos at damdamin?


A. Nakikipag-away sa mga ayaw kumampi kapag may ipinaglalaban.
B. Nakikiayon sa sinasabi ng kapuwa para maiwasan ang gulo.
C. Nakikipag-usap ng maayos sa kapuwa upang magkaunawaan.
D. Kumakampi sa mas marami ang umaayon upang hindi mapag-isa.

7. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng totoong pagiging bukas-palad?


A. Naghulog ng dalawang piso sa collection box kahit walang nakakakita.
B. Ibinahagi ang pagkain sa katabing walang pagkain dahil nakatingin ang guro.
C. Dinala ang mga damit na ayaw nang gamitin para sa mga biktima ng baha para magkaroon nang
mas madaming puntos ang aming grupo.
D. Dumalo sa pag-eempake ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo.

8. Bakit kailangang igalang ang kapuwa?


A. Para mapanatili ang mapayapang pamayanan
B. Para igalang ka din ng kapuwa
C. Para walang magalit sa iyo
D. Para masaya ang lahat

9. Bilang mag-aaral alin sa sumusunod ang paggalang sa karapatan ng may sakit ang kaya mong
gawin?
A. Pagbigay ng prutas at damit
B. Pagbisita sa maysakit
C. Pagbibigay ng payo sa may sakit

D. Pagbibigay ng gamut sa may sakit

10. Paano maipakikita ang pag-unawa sa damdamin ng kapuwa?


A. Sa pakikiiyak sa kanila
B. Sa pakikipag-usap sa kanila
C. Sa pagbibigay ng sariling kuwento sa kanila
D. Sa pakikinig sa oras na may problema sila at pagbibigay ng payo.

11. Pinasalubungan ka ng iyong ninang ng isang malaking ballot ng tsokolateng galing sa Japan.
Pag-uwi ninyo ng nanay mo sa bahay, nakita ng iyong kapatid na bunso ang pasalubong na bigay sa
iyo. Namilog ang kaniyang mga mata, bakas ang tuwa.
A. Aalukin ko siya kung gusto niya.
B. Bibigyan ko siya pati na rin ang iba ko pang mga kapatid.
C. Tatanungin ko siya kung kumakain siya ng tsokolate.
D. Kunwari ay sasabihan ko siya na hindi ko siya bibigyan.

12. Naatasan ang inyong pangkat na magtanghal sa palatuntunang inihanda para sa mga mag-aaral
mula sa Malaysia upang maipakilala sa kanila ang kulturang Pilipino. Alin sa sumusunod ang pipiliin
ninyo?
A. Sumayaw ng Pandanggo sa ilaw.
B. Umawit ng nauusong kanta ngayon.
C. Lumikha ng bagong himig at tugtugin sa piano.
D. Sumayaw ng katutubong sayaw ng Malaysia.

13. Bumisita sa inyong bahay ang iyong kaibigan kasama ang pinsan niyang balikbayan. Kung ikaw
ang tatanungin, ano ang ihahain mo sa kanilang meryenda?
A. Suman sa ibos at tsokolateng tablea
B. Spaghetti at pineapple juice
C. Pizza at softdrinks
D. Siopao at pansit

14. Napansin mong walang gaanong kumakausap sa bago ninyong kaklase dahil hindi siya
marunong mag- Filipino. Ano ang gagawin mo?

A. Hindi ko na lang din siya kakausapin dahil baka nahihiya siya.


B. Ngingitian ko siya.
C. Kakaibiganin ko siya at sa abot ng makakaya ay tuturuan ko siya ng Filipino.
D.Kakausapin ko ang aming guro at ipaaalam kong hindi marunong mag-Filipino ang bago naming
kaklase.

15. Naatasan kang mag-ulat ukol sa isang kaugaliang Filipino. Alin ang pinakamainam na piliin?
Ipaliwanag kung bakit iyon ang napili.
A. Utang na loob
B. Bahala na
C. Pagkamagalang
D. Paghahanda kung may pista

16. Ang Pilipinas ay may ibat ibang pangkat etniko na mayaman sa napakaraming kultura. Alin sa
sumusunod ang hindi nagpapakita ng kultura.
A. Ang magagandang tanawin sa isang lugar.
B. Ang mga katutubong kasuotan, kuwentong bayan, sayaw, awit, laro, at iba pa.
C. Ang mga kaugalian at mga pagpapahalaga ng mga tao sa isang lugar.
D. Ang mga lumang kagamitan at paraan ng pamumuhay.

17. Ang sumusunod ay ilan sa mga kultura ng ating bansa. Alin ang hindi?
A. Pagmamano
B. Pagsisimba tuwing araw ng pagsamba
C. Pag-aasawa nang wala sa edad
D. Pamahiin tuwing may patay

18. Alin sa sumusunod ang pagpapahalaga sa sarili mong kultura?


A. Panonood ng mga pagtatanghal ng mga katutubong sayaw at awitin.
B. Pagsusuot ng mga katutubong kasuotan nang may pagmamayabang.
C. Pagbili ng mga produktibong galing sa ibang bansa.
D. Pagtangkilik sa mga Filipinong kinikilala sa pandaigdigang larangan.

19. Sino sa sumusunod ang may pagmamalaki at pagpapahalaga sa sarili niyang kultura?
A. Ang mahusay na boksingerong si Larry na palaging sinasabi na siya ay galing sa kanilang
probinsiya sa General Santos.
B. Ang sikat na mang-aawit na si Mia na panay ang Ingles sa kaniyang mga panayam sa Pilipinas.
C. Ang magaling na rapper na si Adel d Em na palaging bumabalik sa kaniyang kinagisnang
probinsiya para tumulong sa kaniyang dating mga kababayan.
D. Ang magandang si Maria na nagwagi bilang Miss World na Tagalog ang ginamit sa kaniyang
panayam at pasasalamat.

20. Si Isabel ay isang Tasaday. Nang siya ay makapag-aral sa kabayanan at makapagtapos, bumalik
siya sa kanilang lugar at tinulungan ang kanyang mga kasama na baguhin ang mali nilang
kinasanayan tulad ng hindi pagkakaroon ng tamang palikuran at ang pag-aasawa nang wala sa edad.
May pagpapahalaga ba siya sa kanilang pangkat etniko?
A. Mayroon B. Wala C. maaari D. Hindi ko alam

21. Anong batas sa pagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kapaligiran ang dapat ipasunod
sa ilog na malinis?
A. Bawal Manigarilyo Dito
B. Huwag magtapon ng Basura
C. Tumawid sa Tamang Tawiran
D. Iwasan ang pagtapak sa Damuhan

22. Anong batas sa pagpapaganda ng kapaligiran sa inyong paaralan ang dapat mong sundin?
A. Munting Basura, Pakibulsa Muna
B. Huwag Magtakbuhan sa Hagdan
C. Bawal Magsalita Nang Malakas sa Pasilyo
D. Panatilihing Tahimik Anumang Oras

23. Alin ang pamayanang hindi nakasusunod ang mamamayan sa mga batas at panuntunang
pinaiiral ukol sa pangangalaga nang kapaligiran?
A. Ang Brgy. Kay-inam na sama-sama ang mga tao sa paglilinis ng mga kanal bago dumating ang
tag- ulan.

B. Ang Brgy. Maunlad na hindi magkakakilala ang mga nakatatanda dahil maagang umalis para sa
trabaho at gabi na ring umuuwi.
C. Ang Brgy. Pinagkaisahan na nagkakaisa ang mga naninirahan sa paghihiwa-hiwalay ng basura sa
kanilang lugar. D. Brgy. Maligaya na masigasig ang kapitan sa pagpapairal ng proyekto ukol sa
malinis na hangin at paninigarilyo.

24. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng disiplina sa pangangalaga sa kalikasan kahit walang
nakakakita?
A. Sa Parke hindi mo pinipitas ang mga magagandang bulaklak na nakikita mo.
B. Sa palikuran ay ipina-flush mo ang kubeta at hindi itinatapon ang tisuue sa toilet bowl para na
magamit ng ibang tao.
C. Sa palaruan ay itinatapon mo ang iyong basura sa ilalim ng slide dahil may tagalinis naman dito.
D. Sa daan ay inilalaglag mo ang mga basura galing sa iyong bulsa mula sa paaralan.

25. Nagmamadali kang umuwi dahil may dadaluhan kang birthday party ng iyong kapitbahay.
Paglabas mo ng silid-aralan, nakita mong umapaw ang basura sa labas. Ikaw na lang ang tao dahil
nauna nang umuwi ang iyong mga kaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Pababayaan ang basura dahil baka mahuli sa birthday party na iyong dadaluhan.
B. Mabilisang aayusin ang mga basura sa sako bago umuwi.
C. Magkukunwaring hindi nakita ang umaapaw na basura sa sako.
D. Magkikibit-balikat dahil hindi naman ikaw ang tagalinis sa araw na iyon.

26. Palagi ninyong nararanasan ang pagbaha sa Metro Manila. Ano kaya ang dahilan kung bakit
nangyayari ito?
A. Maling paraan ng pagtatapon ng basura sa ating paligid na bumabara sa mga estero at kanal.
B. Talagang mas malakas na ang buhos ng ulan sa ngayon.
C. Masyado nang makapal ang tao sa Metro Manila.
D. Tinatapakan ng mga tao ang mga drainage.

27. Bakit kailangang malaman ng mga tao na ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura?
A. Maaari itong maging sanhi ng pagkasunog ng mga bahay sa paligid.
B. Puwedeng i-recycle ang mga patapong bagay na susunugin. C. Ang pagsusunog ng basura ay
puwedeng magbunga ng maruming hangin at kapaligiran.
D. Ang pagsusunog ay ipinagbabawal ng batas.

28. Ano ang gagawin mo bilang isang mamamayang may disiplina upang mapanatili ang kalinisan at
kaayusan ng kapaligiran?
A. Sumunod paminsan-minsan sa mga batas na may kinalaman sa kapaligiran.
B. Palagiang pagwawalis sa bakuran at kalsada.
C. Madalas na pagtapon ng basura sa kanto kung saan
dumadaan ang trak ng basura.
D. Pagsasagawa ng paghihiwa-hiwalay ng basura sa halip na pagsunog sa mga ito, at pag-recycle
ng mga patapong bagay.

29. Ano ang kahulugan ng recycling?


A. Paggamit muli ng mga patapong bagay na puwedeng mapakinabangan.
B. Paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
C. Paglilinis ng mga maruming boteng babasagin at plastic.
D. Pagsusunog ng mga pinagsama-samang basura.

30. Ano ang puwedeng mangyari kung patuloy na walang disiplina ang mga tao sa pamamahala ng
kanilang basura?
A. Magiging malinis pa rin ang paligid dahil may nangongolekta naman ng basura.
B. Tuluyan nang magiging marumi at walang kaayusan ang ating kapaligiran.
C. Maraming tao ang yayaman dahil sa pagbebenta ng mga basurang naiipon.
D. Mag-aaway-away ang mga tao dahil mag-uunahan sa pagkuha ng basura na puwedeng ibenta.

31. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng tamang pangangalaga sa sarili?


A. Kumain ng sapat at tamang pagkain.
B. Pag-eehersisyo minsan sa isang Linggo.
C. Pag-iwas sa pag-inom ng gatas dahil nakasisira ito ng tiyan. D. Natutulog nang walo hanggang
sampung oras bawat araw.

32. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapamalas ng pagpapahalaga sa ating kapuwa?


A. Pagbabahagi ng pagkain sa walang makain.
B. Umaakay sa mga matatandang tumatawid sa lansangan.

C. Pagbibigay ng tulong sa mga piling nasalanta ng bagyo.


D. Pinakikitunguhan ang mga taong may kapansanan tulad ng pakikitungo ko sa iba.

33. Namasyal kayo sa Malamig Resort. Nakita mong binabato ng isang batang katulad mo ang
bayawak doon. Ano ang gagawin mo?
A. Babatuhin ko rin ang bayawak.
B. Pagsasabihan siya ng mabibigat na salita.
C. Isusumbong ko siya sa namamahala ng Malamig Resort.
D. Pagsasabihan ko siya na hindi tama ang kaniyang ginagawa.

34. Ang Clean and Green ay isang paraan ng pagsasaluntian ng kapaligiran at pagpapanatiling
maayos at malinis nito. Ano ang dapat mong gawin sa nasabing programa?
A. Huwag pansisnin.
B. Makisali at suportahan ito.
C. Ipagwalang-bahala.
D. Ipakita ang pakikilahok paminsan-minsan.

35. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga at pagmamalasakit sa ating kalikasan?


A. Tinatapakan ko ang bagong tanim na halaman sa aming bakuran.
B. Itinatapon ko ang aming basura sa tabing-ilog kung gabi.
C. Hinahayaan ko ang aking kaklase na magkalat ng dumi sa aming silid-aralan.
D. Tumutulong ako sa paglilinis sa aming kapaligiran.

36. Kumakain ka ng kasoy. Nang maubos mo ito, napagpasiyahan mong huwag itapon ang buto nito.
Sa anong paraan nakatulong ang batang katulad mo sa pagsasagawa ng ugaling ipinakita?
A. Hindi pangangalaga sa mga halaman.
B. Pagpapahalaga sa pagpapatubo at pagapaparami ng halaman.
C. Pagpapakita ng kalinisan sa kapaligiran.
D. Pagpaparami ng kalat na buto.

37. Alin sa sumusunod ang tama?

A. Ang pagputol sa malalaking puno ay nagpapakita ng proteksiyon sa kapaligiran.


B. Ang pag-iisprey ng insecticide sa mga gulayan ay tanda ng pagpapanatili ng balanseng
kapaligiran.
C. Ang pagsusunog ng mga tuyong dahon ng mga halaman ay tamang paraan upang tugunan ang
problema sa basura.
D. Ang pangangalaga at paghanga sa mga bulaklak at iba pang halaman ay isang paraan ng
pagpapakita ng pagmamahal sa ating Diyos.

38. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahal sa ligaw na hayop MALIBAN sa


_______________.
A. Pagtirador sa mga Philippine Eagle
B. Paggawa ng tirahan para silungan ng usa
C. Paghikayat sa kaibigan na alagaan ang mga ligaw na hayop. D. Panonood ng mga programa
tungkol sa mga ligaw na hayop upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa mga ito.

39. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa mga gamit o kagamitan sa inyong
bahay?
A. Itinatago ko sa kahong matibay ang mga gamit o kasangkapang hindi ko na ginagamit.
B. Tumutulong ako sa paglilinis ng mga gamit o kagamitan sa display cabinet para magandang
tingnan.
C. Iniiwan ko sa mesa ang mga baso, pinggan, kutsara at tinidor na ginamit ko sa pagkain.
D. Ginagamit ko nang may wastong pag-iingat ang mga gamit o kagamitan sa aming bahay upang
hindi masira.

40. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga at pagmamalasakit sa ating kalikasan?


A. Tinatapakan ko ang bagong tanim na halaman sa aming bakuran.
B. Itinatapon ko anga ming basura sa tabing-ilog kung gabi.
C. Hinahayaan ko ang aking kaklase na magkalat ng dumi sa aming silid-aralan.
D. Tumutulong ako sa paglilinis sa aming kapaligiran.

You might also like