Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I.

Dito sa mundong ating ginagalawan,


'Di aasahan ang iyong mamamasdan,
Kung sinong makakasalubong sa daan,
Kung sinong makikilala ng lubusan.

II.

Maraming tao ang iyong makikita,


Pero 'di lahat silay makikilala,
Mayroong darating para dumaan lang,
At makakasama nang pangmatagalan.

III.

Hindi ko alam kung saan mapapadpad,


Mga paang patuloy na naglalakad,
Nagmamasid-masid sa kapaligiran,
Kung sino ang pwedeng maging kaibigan.

IV.

Sa king paglalakbay ay may nakilala,


Sang tao na aking naging kaibigan,
Na kahit sino ay walang nag-akala,
At maging ako ay hindi inasahan.

V.

Aakalain mo na sya ay tahimik,


Sapagkat sa sulok laging walang imik,
Iyan ang madalas sabihin ng iba,
Ang kanilang unang impresyon sa kanya.

VI.

Sa simula ng aming pagkakilala,


Nasabi ko na siya ay isip bata,
Ngunit nang tuluyan ko syang nakilala,

Mga natuklasan koy nakakamangha.

VII.

Unti-unting nalaman kanyang ugali,


Pinapakita ang totoo nyang gawi,
Sa ibang tao ay wala siyang paki,
Kung sabihin man nila na sya ay mali.

VIII.

Aking kaibigan ay sobrang makulit,


At ang kanyang boses ay nakakabwisit,
Dahil siya ay palaging nag-iingay,
Bigla-bigla na lang siyang sumisigaw.

IX.

Ang kanyang bukambibig ay puro mura,


Na talaga namang masakit sa tenga,
Ngunit ngayon na ako ay nasanay na,
Magkasabay na lang kaming natatawa.

X.

Ugali namin ay sobrang magkaiba,


Mga gustong bagay di magkapareha,
Ang kilos at gawi ay di magkagaya,
Ngunit lagi pa rin kaming magkasama.

Kaming dalawa ay madalas magtalo,


Sa maraming bagay ay di magkasundo,
Pagkat magkaiba ang aming pananaw,
Maging ang mga bagay na aming ayaw.

Pagpili ng pagkainy natatagalan,


Sa pagdedesisyon ay nahihirapan,
Kung ano ang bibilhin naming pareho,

Sapagkat magkaiba kami ng gusto.

XI.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan,


Kaya tumagal ang pagkakaibigan,
Pagkat hindi naman laging tumutugma,
Ang takbo ng isipan naming dalawa.

XII.

Siguro dahil sa aming kakulitan,


O maaaring sa mga kalokohan,
Ngunit ang tanging may kasiguraduhan,
Sa kanyay marami akong natutunan.

XIII.

Hindi man siya sobrang katalinuhan,


Pagkat minsan di niya maintindihan,
Mga paksang aming pinag-aaralan,
Di pa rin niya ito sinusukuan.

XIV.

Sa ibang bagay ay mayrong kahusayan,


Magaling siyang makisama sa kapwa,
Pinamalas nya ang kanyang kakayahan,
Kaya ang iba sa kanyay natutuwa.

Ang isang bagay na aking natuklasan,


Meron siyang tinatagong kakayahan,
At siya ay may angking katalinuhan,
Na kailanman di ko pinagdudahan.

XV.

Di ko tanda kung kailan nagsimula,


Ang pagkakaibigan naming dalawa,

Para sa kin di na ito mahalaga,


Dahil alam kong itoy magtatagal pa.

XVI.

Ako ngayon ay gumagawa ng tula,


At iisa lamang ang aking dahilan,
Para maipaabot lamang sa kanya,
Pagbati ng Maligayang Kaarawan.

XVII.

Ang aking kahilingan para sa kanya,


Ngayong araw siya ay maging masaya,
Makasama niya kanyang mga mahal,
Pagkat ang araw na ito ay espesyal.

XVIII.

Ang tulang itoy akin ng tatapusin,


Kahit marami pa ang nais sabihin,
Siguro hanggang dito na lamang muna,
Tulang ginagawa ko para sa kanya.

XIX.

Alam ko na ito pa ay masusundan,


Kaya ang ibay sa susunod na lamang,
At ang tulang itoy aking wawakasan,
Sa Maligayang Kaarawan kaibigan.

You might also like