You are on page 1of 10

SCRIPT

Rizal: Ang Dakilang Mangingibig


Introduction: Ang lalong matatamis na alaalang pinitas sa sanga ng walang-kamatayang pakikipagsapalaran ng
ating bayani sa larangan ng pag-ibig, ang atin ngayong matutunghayan.
Si Rizal, katulad din ng lahat ay may puso at sa pitak ng pusong iyay minsan ding namugad ang pag-ibig.
-----Freeze
Narrator: Isang araw ng Linggo, binisita ni Rizal ang kanyang lola na naninirahan sa Trozo, Maynila. Sinamahan sya
ng kanyang kaibigang si Mariano. Pagdating ni Rizal sa bahay ng lola, nakita nyang marami palang panauhin.
Segunda Katigbak: Ako si Segunda Katigbak, ang unang pag-ibig ni Rizal. Noong ako ay labing-apat na taong gulang
pa lamang ay umibig na sa akin ang labing-anim na taong binata si Jose.
Recording cue: Katok sa pinto (tok tok)
Lalapit ang Lola ni Rizal at bubuksan ang pinto.
Rizal: Magandang umaga po sa inyo, inang. /magmamano/
Lola: O, Pepe kay tagal mo ring hindi nakadalaw dito. Tumuloy kayo at maupo muna habang ipinaghahanda ko kayo
ng makakain.
Papasok si Rizal at si Mariano, aalis naman ang lola nito para kumuha ng pagkain. Kapwa mapapatingin ang dalawa sa
grupo ng kababaihan na nasa sofa.
Mariano: Biruin mo nga naman Pepe, ang aking kapatid na si Segunda at ang ate mong si Olympia ay kapwa narito
pala.
Freeze
Lights focus on Segunda
Narration: Si Segunda na may mahabang buhok, matang nangungusap na maapoy kung minsan at mapanglaw
naman sa ibang pagkakataon, malarosas na kutis na may kasamang nakatutuksong ngiti, magandang ngipin at may
kilos na malanimpa, hindi nakapagtataka na minahal siya ni Rizal sa unang kita pa lamang.
Tatayo at lalapit ang dalawa kanila Segunda.
Mariano: Kamusta ang iyong pag-aaral sa La Concordia? /tanong kay Segunda/
Segunda: Nasa maayos naman akong kalagayan.
Si Rizal ay tila naman nasa kawalan at nakakatitig lang sa dalaga.
Olympia: Pepe, akoy nagagalak at nakita kita dito.
Rizal: Akoy ganoon din, Senyorita Ypia.
Olympia: Sya nga pala Pepe, eto ang aking kaklase at kaibigan na si Segunda.
Ngingiti si Segunda kay Rizal, ganun din Rizal. Pansamantala silang magtitigan.
Dalaga: (Biglang isisingit sa usapan)Di bat mahusay kang magpinta, Jose? Maari mo bang iguhit ang larawan ni
Segunda?
Rizal: Isang karangalan para sa akin na iguhit ang isang magandang binibini.
(Moving of lights, lalakad sila sa upuan. Sabay na uupo at iaabot ni Rizal ang iginuhit nyang larawan ni Segunda)
Segunda: Larawan ko ito.

Page | 1

Rizal: Gamit ang lapis at papel, nais kong ipakita ang laman ng aking isipan. At pilit mang iwasay hindi maalis ang
imahe mo.
Freeze
Narrator: Higit na nakilala ni Rizal si Segunda sa linggu-linggo nyang pagpunta sa kolehiyo ng La Concordia. Ang
pagibig nila ay masasabing pagibig sa unang tingin.
Segunda: Nais ko sanang iabot sa iyo aking munting handog bilang pasalamat. Lubos mo akong pinahanga sa taglay
mong husay.
Rizal: Hindi bat nararapat lamang na paligayahin ang isang magandang binibini na tulad mo?
Segunda: Salamat sa iyo ginoo, ngunit sanay iyoy hanggan doon na lamang. Mabatid mo na sanang akoy
naipagkasundo na kay Manuel Luz na aking kababayan.
Freeze
Narrator: Huwebes ng Disyembre 1877. Binisita ni Rizal si Segunda sa Kolehiyo La Concordia para magpaalam.
Jose: Akoy uuwi na ng Calamba sa susunod na araw.
Segunda: Akoy uuwi rin ng Lipa sa makalawa.
Natahimik ang dalaga, naghihintay na sasabihin ni Rizal na hihingiin nito ang kanyang puso. Ngunit walang sinabi ang
binata, sa halip ay nagpaalam ito.
Jose: Paalam. Kung sabagay magkikita tayo kapag napadaan ka ng Calamba sa iyong pag-uwi sa Lipa.
Narrator: Nang sumunod na araw, dumating si Rizal sa kanyang bayan. Panay ang tukso sa kanya kay Segunda, lalo
pat naikwento na ni Olympia ang tungkol sa kanilang dalawa.
Sabado nalaman ni Rizal na hindi dadaong sa Calamba ang barkong naglululan kay Segunda at kanyang pamilya dahil
malakas ang hangin.
Sakay ng isang puting kabayo naghintay si Rizal sa may kalsada.
Recordings cue: Tunog ng kabayong naglalakad.
Dadaan si Segunda sakay ng karomata.
Segunda: Nakangiti at iwinawagayway ang panyolitong puti.
Recording cue: Nagwakas nang maaga ang aking unang pagibig. Laging magluluksa ang aking puso sa
nangyayaring ito. Oot magbabalik ang aking mga ilusyon, ngunit iba na ang mga ito at di na sigurado sa mga
mangyayari, hindi na handa dahil sa unang pagkabigo nito sa larangan ng pagibig
Rizal: Itataas ang sumbrero tapos tatalikod.
EXIT
(Rolling of telon)
--Freeze
Narrator: Pagkaraang mawala sa kanya si Segunda Katigbak, niligawan nya ang isang dalagang taga-Calamba.
BINIBINING L: Walang nakakaalam kung sino ako. Itinago ako ni Rizal sa ngalan na Binibining L sa kanyang
talaarawan.
Papasok si Rizal at uupo sa tabi ni Bb. L.

Page | 2

Narrator: Ilang beses ding dinalaw ni Rizal ang dalaga sa tahanan nito.
Binibining L: Agad ding inihinto ni Rizal ang panliligaw nya sa akin, dahil sa dalawang kadahilanan. Una, mahal pa
nya si Segunda.
ENTRANCE OF SEGUNDA (Do the adlib)
Binibining L: Pangalawa, ayaw ng kanyang ama sa aking pamilya.
ENTRANCE OF THE FATHER (Do the adlib)Exit of the father
Freeze
(Rolling of telon)
-Freeze
Narrator: Pagkaraan ng ilang buwan, noong ikalawang taon nya sa Unibersidad ng Santo Tomas, nangupahan si Rizal
sa bahay ni Donya Concha Leyva, sa Intramuros. Ang kapitbahay nito sina Kapitan Juan at Kapitana Sanday Valenzuela
ng Pagsangjan, Laguna, laging naging bukas ang tahahanan ng mga Valenzuela kay Rizal dahil sa husay nito sa
salamangka.
Recording cue: Toktok
Pagbubuksan ni Kapitana Sanday ang pinto.
Kapitana Sanday: O, Jose, mabutit naparito ka. Halikat tumuloy ka sa loob.
Papasok si Rizal.
Rizal: Masaya kong ibabalita sa inyo Kapitana na may bago akong salamangka na natutunan. At nais kong kayo ang
unang makakita nito.
Ipapakita ang magic. Iaabot kay Valenzuela ang bulaklak. Freeze.
LEONOR VALENZUELA: Ako nga pala si Leonor Valenzuela. Tawagin niyo na lamang ako sa aking palayaw na Orang.
Lalakad, magkahawak kamay papunta sa gitna.
Narrator: Niligawan ni Rizal si Leonor Valenzuela, na isang matangkad na babaing maganda ang tindig.
Rizal: Ito ay isang liham na isinulat ko gamit ang tintang di-nakikita.
May iaabot na sulat.
Orang: Kung ganyoy paano ko mababasa ang nakasulat dito?
Rizal: Ipapainit mo iyan sa ibabaw ng kandila o lampara upang lumitaw ang mga salita.
Freeze
Narrator: Subalit hindi nagtagal ang kanilang pag-iibigan at nagkasundo na lamang silang magturingan bilang
magkaibigan.
(EXIT OF BOTH CAST. PART WAYS)
(Rolling of telon)
-FREEZE

Page | 3

Narrator: Noong Mayo 1881, sumamasi Rizal sa peregrinasyon sa bayan ng Pakil. Kasama nya ang mga kapatid na
sina Saturnina, Maria, Trinidad, at kanilang kaibigang babae. Tumuloy sila sa bahay nila Gino at ginang Manuel
Regalado. Nabighani si Rizal at kanyang mga kasama sa tinatawag na turumba gaya ng pagkabighani ni Rizal sa
turumba sa Pakil ay nabighani din siya sa isang dalaga na mahusay tumugtog ng alpa sa bahay ng mga Regalado.
VICENTA YBARDOLAZA: Ako si Vicenta Ybardolaza, isang magandang kolehiyalang taga-pakil.
Recordings cue: Alpa sounds
Magtutugtog ng alpa si Vicenta.Si Rizal ay buong giliw na manonood.
(Rolling of telon)
--Freeze
Narrator: Ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal ay si Leonor Rivera. Nagtagpo ang kanilang landas ng noong
1879, noong simula ng ikatlo niyang taon sa Unibersidad tumira siya sa Casa Tomasina. Ang may-ari ng bahay at
tiyuhin nya ay may anak na dalaga, si Leonor.

LEONOR RIVERA: Ako si Leonor Rivera, ang pinsan ni Rizal na tag-Camiling Tarlac. Ako ay madalas inahahalintulad
kay Maria Clara.
Lights focus on Leonor.
Narration: Si Leonor Rivera ay mahinhin kumilos. Maputi, may katangi-tanging kagandahan. Kaakit-akit at maganda
ang kanyang tindig bagamat may kababaan nang kaunti. Matalino at may maliwanag na pagkukuro. Dahil dito, Si
Leonor ay nakalulugod kausapin. Marunong tumugtog ng piyano at mahusay umawit. Palibhasa'y nag-aangkin ng
magandang tinig, nabibigyang buhay, niya ang kanyang inaawit.
Balik sa sala ang focus ng ilaw, nakaupo si Antonio habang si Leonor ay papalapit.
Narrator: Isang araw, sa Escolta, Maynila, nagkaroon ng labanan ang estudyang Pilipino at Espanyol. Dahil sa hindi
matanggap ng estudyanteng Espanyol na nahihigitan sila ng mga estudyanteng Pilipino ay iniinsulto nila ito at
tinatawag na Indio, Chongo! Bilang ganti tinatawag naman sila ng mga Pilipino na, Kastila, bangus!. Ito ay
pinamunuan ni Rizal.
Duguan at nababalutan ng alikabok, dinala sya ng mga kaibigan sa kanyang inuupahang bahay, sa Casa Tomasina.
Recording cue: Toktok.
Antonio: Anong nangyari sa iyo, Jose?
Exit of kaibigan.
Jose: Nagkaroon lamang po ng kaunting kaguluhan sa eskwelahan kanina.
Iuupo si Rizal, lalapit si Leonor na nababalutan ng pag-aalala ang mukha.
Antonio: Kukuha ako ng gamot.
Aalis sa eksena ang tiyo. Adlib.
Recordings cue: (Revelation)
Papasok sa eksena ang tyuhin may dalang batsang may tubig at pamunas. Leonor, gagamutin si Rizal.
Hahawakan ni Rizal ang kamay ni Leonor.
Leonor: Baka makita tayo ni Ama.

Page | 4

Bibitawan ni Rizal at magpapatuloy sa panggagamot si Leonor.


Narrator: Itinago nila ang kanilang pagmamahalan sa kanilang pamilya at kaibigan sa pamamagitan ng paglalagda ni
Leonor ng Taimis sa kanyang mga liham kay Rizal.
Freeze
Pagkaraang matapos ni Rizal ang ikaapat na taon sa kursong medisina, nagpasya si Rizal na mag-aral sa Espanya.
Alam nyang si Leonor, dahil babae, bata, at romantika, ay hindi makakapagtago ng isang lihim. Kaya inilihim nya rito,
sa mga magulang nya at sa mga awtoridad na Espanyol ang kanyang pag-alis.
EXIT OF RIZAL. LILINGON SI LEONOR NGUNIT WALA NA SI RIZAL. MALULUNGKOT SYA.
FREEZE
(Rolling of Telon)
--Freeze
Narrator: Hindi gwapo si Rizal. Hindi rin matikas ang kanyang tindig. Ngunit malakas ang karisma nya dahil sa kayang
talento at pagiging maginoo. Hindi na kataka-takang umibig sa kanya si Consuelo.
Uupo sa tabi ni Consuelo, hahawakan ang kamay. At titig ditto.
CONSUELO ORTIGA Y PEREZ: Ako si Consuel Ortiga Y Perez, mas maganda sa mga anak na babae ni Don Pablo.
Dahil sa aking ganda at kabibuhan ay naakit sa akin si Rizal. Kaya ako ay inalayan nya ng isang tula, A La Senyorita
C.O.y.P.
Narrator: Ngunit bago maging ganap ang kanilang pag-iibigan, lumayo si Rizal dahil sa dalawang kadahilanan. Una,
may kasunduan na sila ni Leonor.
Entrance of Leonor
Pangalawa, ang kaibigan nyang si Eduardo de Lete ay umiibig na kay Consuelo at hindi nya hangad na masira ang
kanilang pagkakaibigan dahil lamang sa isang magandang babae.
Entrance ni Eduardo de Lete.
Freeze
(Rolling of Telon)
----Freeze
Narrator: Isang hapon ng tagsibol, ilang araw pagkaraang tumuloy si Rizal sa Legasyong Espanyol, nakita ni Rizal na
naparaan ang isang magandang haponesa.
O-SEI SAN: Ako si Seiko Usui, O-Sei-San ang tawag sa akin ni Rizal. Ako ay isang Haponesa na nakilala ni Rizal sa
Japan.
Narrator: Nagtanung-tanong si Rizal sa mga empleyado ng Legasyon at nalaman nya mula sa isang hardinerong
Hapon, na ang dalaga ay si Seiko Usui at tuwing hapon ay napaparaan ito sa legasyon pauwi sa bahay ng magulang.
Kinabukasan, inabangan ni Rizal ang pagdaan ni Seiko Usui kasama ang hardinero sa tarangkahan ng legasyon.

Page | 5

Rizal: Koni Chila (aalisin ang sumbrero)


Hardinero: Jo sihe Usui, watasi pise Jose Rizal kadaha Manila. Kade nohomo, isa kasikan.
Rizal: Ana talagay Kogokows tide.
Narrator: Natuwa si Seiko Usui sa galanteng si Rizal na hindi pa gaanong mahusay sa pagsasalita ng Hapon. Kaya
sinagot nya si Rizal sa wikang Ingles.
O Sei-san:

Narrator: Ang dalaway nag-usap sa Ingles at Pranses kaya naihawan na ang sagabal na wika.
Mula noon, araw-araw nang nagkikita sina Rizal at O-Sei-san, ang tawag ni Rizal sa dalaga. Magkasama nilang
binibisita ang mga interesanteng tanawin ng lungsod.
Rizal: Nakita ko ang mga magagandang katangiang hinahanap ko sa babae- ganda, bighani, kahinhinan at talino.
Seiko: Nakita ko naman kay Rizal ang kanyang dignidad, magalang at maraming angking talino na tunay na
nagpatibok sa aking puso. Ipinaunawa ko sa kanya ang kasaysayan ng Japan pati na rin ang mga kultura nito.
Narrator: Muntik nang mapabago ang pasya ni Rizal. Sumagi sa isip nya na manirahan na sa Japan. Nang panahon
din iyon, inalok sya ng trabaho sa Legasyong Espanyol. Kung siya ay mahinang klase ng tao, mahina ang paninindigan,
mangingibabaw ang tawag ng kanyang puso at maninirahan na lamang siya sa Japan. Ngunit magiging maklaking
kawalan itop ng buong mundo, sa pangkalahatan, at ng Pilipinas, sa partikular.
EXIT OF CAST.
(Rolling of Telon)
--Freeze. Picnic
Narrator: Nagkaroon ng romansa si Rizal sa pinakamanta sa magkakapatid na Beckett ng magtungo siya sa London
Gertude Beckett: Im Gertude Beckett, a buxom English girl with brown hair, blue eyes, and rosy cheeks. I fell in love
with Rizal. On cold winter mornings I had a sunny smile for him, chattering gaily like a humming bird.
Magkatabing nakaupo. Parehas na ang pe-painting. Mapapatingin si Gettie kay Rizal, ngingiti.
Gertude: Pettie
Rizal: Gettie
Narrator: Buo ang loob, pinigil ni Rizal ang matinding bulong ng kanyang puso, at nagpasyang lumayo nang malimutan
si Gettie.
EXIT OF RIZAL. SUSUNDAN LANG NG TINGIN NI GETTIE WITH MATCHING MALUNGKOT NA MUKHA.
(Rolling of Telon)
-Freeze
Narrator: Isa sa nagbigay ng saya kay Rizal ng magtungo sya ng Belhika ay ang makilala ang pamangkin ng kanyang
kasera.
PETITE SUZANNE JACOBY: Ako si Petite Suzanne Jacoby. Ako ay talagang nabighani sa pagka-maginoo ni Rizal.

Page | 6

Narrator: Nalulumbay sya sa dayuhang lupa at napakalayo ni Leonor Rivera. Hindi kataka-taka para sa isang normal
na binata ang maghanap at makatagpo ng ligaya sa piling ng isang magandang dilag.

Petite: Maaaring umibig sakin si Rizal ngunit hindi sya nagpakababat pumasok sa isang pag-iibigang may bahid ng
panlilinlang.
EXIT OF RIZAL.
Narrator: Lumuha siya nang lumisan si Rizal patungong Madrid.
(Rolling of Telon)
---Pagtataksil ni Leonor
Narrator: Isang gabi, nanonood silang magkakaibigan ng isang dula sa Teatro Apolo, at nawala roon ang kanyang
gintong relos na may laket na kinalalagyan ng larawan ni Leonor Rivera. Tila isa itong masamang palatandaan.
Pagsapit ng Disyembre ng taong 1890 nakatanggap si Rizal ng sulat galing kay Leonor.
Recordings cue:
Mahal kong Jose,
Isang malungkot na balita ang nilalaman ng liham kong ito sa iyo. Ako ay ikakasal na kay Henry Kipping,
isang Ingles inhinyero na syang pinili ng aking ina. Patawad.
Taimis
Narrator: Pagkalipas ng tatlong buwan, isang liham galing kay Blumentritt ang natanggap ni Rizal.
Tunay na nakikiramay ako sa iyo sa pagkawala ng babaing nais mong pakasalan, ngunit kung kaya nyang pawalan
ang isang Rizal, hindi sya karapat-dapat sa iyong marangal na diwa. Para siyang bata na nagtapon ng dyamante para
makuha ang isa bato... sa madaling salita, hindi sya ang babae para kay Rizal.
--Freeze
Narrator: Isang romantikong lugar ang Biarritz. Si Rizal na naghahanap ng lugod para sa pusong nasugatan,
isinaalang-alang nya ang pagibig kay Nelly. Inalok ni Rizal ng kasal si Nelly.

NELLY BOUSTEAD
Nang nabigo si Rizal sa kanyang pag-ibig kay Leonor, isinaalang-alang niya ang pagsinta sa akin. Ako nga pala si Nelly
Bousted.

Proposal mode.
Nelly: Hindi ko tinanggap ang alok na kasal ni Rizal dahil sa dalawang bagay: una, hindi siya pumayag na tumiwalag
sa Katolisismo para sa pananampalatayang Protestantismo at pangalawa, ayaw ng aking ina kay Rizal dahil siya ay
salat sa mga material na bagay, isang siyang manggagamot na walang pasyenteng nagbabayad o isang manunulat na
hindi naman kumikita.
(Rolling of Telon)

Page | 7

--Freeze

Narrator: Sa Dapitan, sa kalaliman ng gabi pagkaraan ng kabigatan ng gawain sa araw, madalas ding nalulungkot si
Rizal,Malayo sya sa kanyang pamilya at iba pang kamag-anak. Idagdag pang ang pagkamatay ni Leonor Rivera ay
nag-iwan ng puwang sa kanyang puso. Kailangan nya ng isang taong makakapagpasaya sa kanya.
Sa awa ng Diyos dumating ang taong ito.
Recordings cue: toktok
Manuela: Ako si Manuela Orlac, at ito naman si Ginoong Taufer at ang kanyang anak na na si Josephine. Nagkakilala
kami sa Maynila dahil akala nila ay nandun ang klinika mo. Kaya sinamahan ko sila dito.
G. Taufer: Dr. Rizal, Im George Taufer. Im very please to meet you.
Makikipagkamay kay Mr. Tuafer. Hahalikan ang kamay ni Bracken.
Bracken: Josephine
JOSEPHINE BRACKEN: Ako si Josephine Bracken, isang Irlandes na labing walong taong gulang.
Rizal: Jose
Bracken: My friend and schoolmate, Julio Lorente recommended you to treat my father.
Aalayan ni Rizal si Taufer na makaupo at saka ito susuriin.
Narrator: Sinuri ni Rizal si Mr. Tuafer. At napagalaman nilang wala ng lunas ang pagkabulag nito na sanhi ng sakit sa
babae.
Freeze

Narrator: Ang pagtatagpong ito ni Rizal at Josephine sa Dapitan ay naging isang matapat na pagmamahalan.
Nagkaibigan sila at nagkasundong magpakasal. Ngunit ng malaman ni G. Tuafer ang plano nilang pagpapakasal ay
nagtangka itong magpakamatay.
Maggigilit ng leeg, aagawin ni Rizal yung kutsilyo.
Para maiwasan ang ganitong trahedya, sinamahan ni Josephine si Ginoong Tuafer sa Maynila. Hindi na mapagaling ang
pagkabulag nito na sanhi ng sakit sa babae kaya wala ng lunas. Nagbalik sa Hongkong magisa si G. Tuafer. Nagpaiwan
naman sa Maynila si Josephine at pansamantalang nanirahan sa bahay ng pamilya ni Rizal.
Di nagtagal ay bumalik sya ng Dapitan. Walang paring magkakasal sa kanila ni Rizal kaya naghawak-kamay sila, at sa
harap ng Diyos ay ipinahayag nila ang pagiging mag-asawa.
Hawak kamay sa tabing dagat.
Rizal: Do you, Josephine Bracken, accept me, as your husband.
Josephine: I do. Do you, Jose Rizal, take me as your wife, in sickness and in health, for richer, for poorer.

Page | 8

Rizal: With God as our witness. With birds, trees, sky and sea, as witnesses of our love, we hereby declare ourselves,
Josephine: Husband and wife.
Narrator: Bagaman pinagpistahan sila ng tsismis sa Dapitan dahil sa kanilang pagpapakasal ay masayang namuhay
sina Rizal at Josephine. Mas lalo pa silang sumaya ng nabuntis si Josephine.
Gugulatin ni Rizal si Josephine. Madudulas.
Narrator: Sa kasamaang palad, sa pagbibiro ni Rizal, natakot si Josephine at nalaglag ang bata.
Lights focus on the cross.
Narrator: Ang sanggol, na pinangalanan nilang Francisco sunod sa ngalan ng ama ni Rizal, ay nabuhay na lamang ng
tatlong oras, inilibing na lamang ito sa Dapitan.

(Insert pader BD at Rehas)


Pari, si Josephine at Rizal.
Walang kasiguraduhan at konkretong ebidensya na tunay ngang nagpakasal si Rizal at Josephine bago siya bitayin.
Pinakasalan man o hindi ni Rizal si Josephine sa Fuerza, Santiago, mananatili pa ring bayani at martir si Rizal. Isang
pangaraping romantiko na gusto ring makatikim ng pagibig.
FOR THE WIN DMLSNG

Page | 9

DMSLNG
Cast
Alvin Garcia
John Paolo Torrechilla
Jean Andrae Boragay

as
as
as

Jose Rizal (Early years)


Jose Rizal (Mid-years)
Jose Rizal (Later years)

as
Patricia Ann Nieva
as
Khayvie Reyes
as
Veronica Hernandez
as
Milanie Olivarez
as
Angelu Denise Limin
Noriebel Punzalan
as
Ayah Borjal
as
Pauline Victorino
as
Lovely Agullana
Ingrid Rhaissa Rebadulla as
as
Miraflor Blacer

Segunda Katigbak
Binibining L
Leonor Valenzuela
Vicenta Ybardolaza
Leonor Rivera
as
Consuelo Ortiga Y Perez
Seiko Usui
Gertude Beckett
Petite Suzanne Jacoby
Nelly Boustead
Josephine Bracken

Robelle Veligao
Nicole Romero
Jeffrey Mendoza
Bryan Jawili
Isiah Ken Tanael
Carl Muyano
Vince Dantay
Cely Ann Mae Ariento

Lola/Kapitana Sanday
Olympia
Kapitan Valenzuela
as
Hardinerong Hapon
Antonio Rivera
Eduardo de Lete
Ginoong Taufer
Manuela Orlac

as
as
as

as
as
as
as

Ma. Jhannina Joyce Lorica


EXTRAS
Richie Joshua Caguimbal
Marc Francis Akol
Lisa Mae Escuedero

as

Narrator

You might also like