Done

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

HERNANDEZ, Grant

LAPORE, Harris
TECSON, Gerard
YU, Jiao

Globalisasyon
FILDLAR
Sir Orellana
EI

PANIMULA
UPANG MAPAGYAMAN ANG KULTURA AT EKONOMIYA NG ISANG BANSA,
PRAKTIKAL LAMANG NA TANGKILIKIN NG MGA TAONG NANINIRAHAN DITO ANG
MGAORIHINAL NA PRDUKTO AT IPAGPATULOY ANG MGA KAUGALIAN NAMANA
PA SA MGA NINUNO. SUBALIT, SA MABILIS NA PAGUSAD NG GLOBALISASYON SA
PILIPINAS, MAHIRAP PARA SA MGA PILIPINO ANG YAKAPIN ANG MGA BAGAY AT
UGALING NAGBABANSAG SA KANILA BILANG ISANG FILIPINO. SA GANITONG
LAGAY, BUMABABA AT NAGIGING MAHIRAP ANG PAGPAPAHALAGA SA
IDENTIDAD NG KASALUKUYANG HENERASYON KAUGNAY SA KUNG ANO NGA BA
ANG ORIHINAL AT TUNAY NA FILIPINO. ANG PRESENTASYON NA ITO AY
NAGLALAYONNG MAGBIGAY ALAM SA MGA PRDUKTO AT KAUGALIANG NAPAGIWANAN NA NG MGA PILIPINO DAHIL SA UMIIRAL NA GLOBALISASYON SA BANSA
AT SA KUNG PAANONG PARAAN ITO NAKABUBUTI AT NAKASASAMA SA MGA TAO.

LARO
MARAMI SA MGA LARO NOON AY NAGBIBIGAY NG PAGKAKATAON SA MGA
BATA NA MAGING MALIKHAIN, MAUTAK, AT MALIKSI. SA PAMAMAGITAN NG
MGA LARO NILA AY NAGKAKAROON SILA NG PERSONAL NA
PAKIKIPAGSALAMUHA SA KANILANG KAPWA AT KAYA NILANG
MAKIPAGKAIBIGAN SA MARAMI. MASASABING MAS NAGAGAMIT NG KABATAAN
NOON ANG KANILANG BUONG KATAWAN SA PAGLALARO AT MARAHIL DIN AY
MAS NARARAMDAMAN NILA ANG KASIYAHAN SA KANILANG MGA LARO DAHIL
NARARAMDAMAN NILA AY KALAYAAN SA LANSANGAN.
KUNG IKUKUMPARA ANG MGA LARONG PILIPINO DATI SA NGAYON,
MASYADONG NANG GINAGAMITAN NG TEKNOLOHIYA ANG MGA LIBANGAN NG
KABATAAN. BAGAMAN NAGKAKAROON PA RIN NG PAGKAKTAON ANG
KABATAAN NA MAGAMIT ANG KANILANG PAGIGING MALIKHAIN AT MAUTAK,
HINDI NASASANAY ANG KANILANG KATAWAN SA LIPUNAN NG PILIPINAS.
MARAHIL KAHIT SA GANITONG SIMPLENG PAGBABAGO AY NAGDUDULOT ITO NG
PAGKABAWAS NG INTERES NG KABATAAN AT PAKIKISALAMUHA NILA SA IBA
PANG MGA TAO LALO NA SA MAHIRAP.

PAGKAIN
ANG PANGUNAHING MGA PAGKAIN NOON AY SIMPLE LAMANG KUMPARA
SA MGA PAGKAIN NGAYON. DATI, KARAMIHAN SA MGA PAGKAING LAGING
KINAKAIN AY GAWA NG MGA PILIPINO. LAGI RIN ITO NAHAHALUAN NG MGA
GULAY AT SINASABAWAN. ANG IBANG PAGKAIN NAMAN AY MAAARI LAMANG
ILAGA AT PWEDE NA NILA ITONG KAININ. HINDI KOMPLIKADO ANG
PAGKAKAGAWA SA PAGKAING TINATANGKILIK NOON AT MAS MARAMING TAO
ANG MAY KAKAYAHANG MAGAWA O MABILI ANG MGA SANGKAP NITO.
SA KASALUKUYANG PANAHON, BINAGO NG GLOBALISASYON ANG URI NG
MGA PAGKAIN NA GUSTO NG MGA PILIPINO DAHIL NAGHAHALO ITO SA
KULTURA NG MARAMING BANSA TULAD NG ITALYA, HAPON, AT ESATADOS
UNIDOS. TALAGA RIN NAMANG NAKIKITA ANG PAGIGING BIAS NITO DAHIL
LIMITADO ANG MGA MAY KAKAYAHANG MAKABILI NG MGA GANITO. NAGIGING
KOMPLIKADO ANG KONSEPTO NG MGA PAGKAIN NAPAKAMAHAL KAHIT SIMPLE
LAMANG TIGNAN O ANG PAGKAKAGAWA SA MGA ITO.

SINING AT LITERATURA
ANG SINING AT LITERATURA NOON AY MAYROONG MALALIM NA
PINAGNHUHUGUTAN MULA S MGA KARANASANNG MGA TAO MULA SA MGA
MANANAKOP. ANG TEMA NG KANILANG MGA SINASAYAW, SINUSULAT,
PINIPINTA, AT MAGING KINAKANTA AY INAANGKOP NILA SA KANILANG
KASALUKUYANG KALAGAYAN KAYA LAGING MAKABULUHAN ANG KANILANG
MGA OBRA. SA SINING AT LITERATURA RIN NOON MAKIKITA ANG
PINAKAORHINAL NA MGA TRADISYON NG MGA PILIPINO AT KUNG PAANO NILA
MAHUSAY NA NAGAGAMIT.
SA KASALUKUYAN, ANG SINING AT LITERATURA AY NABUBUO NA SA MAS
MARAMING PORMA. MAAARING GAMITIN ANG TEKNOLOHIYA TULAD NG
POTOGRAPIYA AT EDITING PROGRAMS SA MGA KOMPYUTER UPANG MAKABUO
NG MAGAGANDANG LARAWAN. MAYROON NA RIN MGA LIBRO GALING SA MGA
KANLURANING LUGAR NA GINAGAWAN DIN NG MGA PELIKULA AT MAGING ANG
MGA SAYAW SA PAG-USO NG HIPHOP AT IBA PA. HINDI MAN LAHAT NG
INTENSYON NILA SA SINING AT LITERATURA AY PARA SA KASALUKUYANG
ESTADO NG BANSA, SINUSUBUKAN PA RIN NILANG BIGYAN EMOSYON ANG
KANILANG OBRA MULA SA MGA DATI NILANG KARANASAN SA BUHAY.

TRANSPORTASYON
MAKIKITA SA TRANSPORTASYON DATI NA KAUNTI LAMANG ANG MGA URI
NITO KUMPARA SA MGA TRANSPORTASYON NGAYON. SIMPLE LAMANG ANG MGA
TRANSPORTASYON ITO AT MAKIKITA NA HINDI ITO MAARING MAKADULOT NG
MALAKING PAGSISIKIP SA KAHIT ANONG LUGAR. HINDI RIN ITO MASYADONG
NANGANGAILANGAN NG MARAMING PAG-AAYOS DAHIL TAO ANG
KUMOKONTROL AT ANG PANGUNAHING NAGPAPATAKBO SA MGA ITO.
ANG MGA TRANSPORTASYON SA KASALUKUYAN AY MASASABING DULOT
NG GLOBALISASYON DAHIL DUMARAMI NA ANG MGA URI NIYO. MAYROON NG
PRIBADO AT PAMPUBLIKONG MGA SASAKYAN. MAYROON DIN MGA PADYAK NA
ISA SA PINAKASIMPLENG URI NG TRANSPORTASYON. SUBALIT DAHIL SA DAMI
NG MGA URI NG TRANSPORTASYON, NAKAPAGPAPASIKIP ITO SA DALOY NG
TRAPIKO NG ISANG LUGAR AT MALAKI RIN ANG POSIBILIDAD NG PAGKASIRA
DAHIL MARAMI SA MGA ITO AY MAKABAGONG TEKONOLOHIYA NA ANG
NAGPAPAANDAR.

TRABAHO
NOON, ANG PAGSASAKA AT ANG PANGINGISDA ANG PANGUNAHING
TRABAHO NG MGA PILIPINO. BAGAMAN NASA ILALIM NG PANANAKOP NG MGA
ESPANYOL, HINDI ITO MAITUTURING NA MABABANG URI NG TRABAHO DAHIL
DITO NAGKAKAROON NG PAGKAKAKITAAN ANG KARAMIHAN SA MGA PILIPINO.
SA PANAHON NATIN NGAYON, ANG MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA AY
ITINUTURING NA PANG-MAHIRAP NA TRABAHO DAHIL SA MABABA NITONG
PAGKAKAKITAAN. DULOT NA LAMANG NG GLOBALISASYON ANG PAGIGING
MATAAS NA URI NG TRABAHO ANG MGA PANG-MAKABAGONG MUNDO NA
PROPESYON TULAD NG NURSING, MARKETING, AT ENGINEERING.

ANALYSIS

Ang globalisasyon sa Pilipinas ay hindi na maikakailang patuloy na binabago ang lipunan


at ang uri ng pamumuhay ng bawat Pilipino. Maganda ang naidudulot nito sa paraang
nagkakaroon ng tayo ng tiyansang umangat at makipagsabayan sa mga malalaking bansa tulad
ng China at US. Kung makakayanan ng bansa ang patuloy na pagsabay nito sa malalaking bansa,
maaring makatulong ito sa pagpapalago ng ekonomiya at liliit ang populasyon ng mahirap sa
bansa.
Subalit, kung ang positibong pag-iisip lamang tungkol sa globasasyon ang naiisip ng mga
Pilipino at ang mga namumuno dito, lalamunin tayo ng malalaking negosyo at bansa at babagsak
an gating ekonomiya at kultura. Kapansin-pansin na bagaman malaya na tayo sa pagbalunggo
mula sa mga dayuhan, para bagang ginagawa pa nating pain ang sarili nating bansa para
kontrolin nila tayo ulit. Malakas ang impluwensya ng maraming bansa sa uri ng pamumuhay ng
mga Pilipino at hindi lamang ito mapanganib sa kultura ng mga tao kundi pati na rin sap pagiisip nila na sa kamay lamang ng mga dayuhan tayo aangat. Isa pang problema sa posisyon ng
Pilipinas sa globalisasyon ay bagaman alam ng mga tao na karamihan sa mga tinatangkilik na
produkto at mga kaugaliang nabago ang galing sa mga dayuhan o dulot ng globalisasyon, hindi
nila kusang pinipilit ang pagpapalago sa mga produkto Pilipino at sa pagpapalakas ng kultura.
Isang solusyon na nakikita naming mula sa problemang ito ay ang paglagay ng
pangingisda at pagsasakay bilang isang pangunahing trabaho. Isipin na lamang natin na kung
marami ang kukuha ng kursong agrikultura at magkakaroon din ng ganitong mga kurso sa
marami pang eskwelahan, lalaki ang posibilidad na gumanda ang kalagayan ng mga magsasaka
at lalaki rin ang kanilang kikitain dahil sa magandang pundasyon dito. Gayon din sa pangingisda.
Tulad ng kursong BS Fisheries sa UP, maganda kung lalaganap ito sa marmaing eskwelahan at
magkaroon ng maraming porpesyonal sa pagpapaganda ng sistema ng pangingisda at kalakal nito
sa merkado. Sa ganitong mga paraan maaaring lumaki ang posibilidad na mas mapadali ang paganagat ng ekonomiya dahil dito tayo magaling at dito mayaman an gating bansa.
Simple at praktikal ang mga solusyon pero hindi ito magagawa dahil sa maraming rason
at isa na doon ang pagkagahaman sa pera ng maraming negosyanteng dayuhan sa bansa at
maging sa patuloy na korap na ugali ng mga politiko.
Hindi dapat nagpapakatuta ang mga Pilipino sa globalisasyon at lalong hindi dapat umasa
ang mga Pilipino sa pangako ng globalisasyon dahil matagal na yong nabulok. Kailangan ng
pagbabago at kaya iyong simulan sa mga bagay kung saan tayo magaling at kilala at hindi sa
kung ano ang gusto ng dayuhan na maging itsura natin sa harap nila.

You might also like