Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Rehiyon IV-MIMAROPA
Sangay ng Silangang Mindoro
Purok ng Victoria
Victoria
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
Unang Araw
I.

Layunin
Naipapamalas nang may pag-unawa ang kahalagahan ng wastong pakikitungo
sa ibang kasapi ng mag-anak at kapwa sa pamamagitan ng paggamit ng Po at
Opo at pagmamano sa nakatatanda.

II.

Paksang Aralin
A. Pagpapamalas nang may pag-unawa ang kahalagahan ng wastong
pakikitungo sa ibang kasapi ng mag-anak at kapwa sa pamamagitan ng
paggamit ng Po at Opo at pagmamano sa nakatatanda.
B. K to 12 Gabay sa Kurikulum
C. Activity Sheets Pahina54-70
D. Tsart, larawan, puppets

III.

Pamamaraan
A. Paglulunsad ng Aralin
Awit
B. Alamin
Maglahad ng isang iskit tungkol sa magkapatid na Mabel at Nomer at sa
kanilang lolo at lola.

IV.

Nomer at Mabel: Tatay, Nanay, Heto na po sila. Mano po Lola.Mano po Lolo.


Lolo at Lola: Pagpalain kayo ng Panginoon mga apo.
Nomer at Mabel: Kumusta po kayo?
Lolo: Mabuti naman kami.
Lola: Aba, Pasing, ang mga anak mo ay lumalaking magagalang. Natutuwa
ako sa kanila!
C. Isaisip
Sagutin ang mga tanong tungkol sa kwento.
Sino-sino ang dumating?
Paano binate ng magkapatid ang kanilang lolo at lola?
Ano ang sabi nila?
D. Isagawa
Kung dumating din ang mga Lolo at Lola mo, ano ang gagawin mo?
E. Isapuso
Ang paggalang sa nakatatanda sa pamamagitan ng paggamit ng po at opo
at pagmamano o paghalik sa kamay ay tanda ng pagiging isang Pilipino.
F. Isabuhay
Basahin at tulain sa mga bata ang Ang Po at Opo, Pahina 59
Kasunduan
Saulohin ang tulang Ang Po at Opo.

Ikalawang Araw
I.

Layunin
Naipapamalas nang may pag-unawa ang kahalagahan ng wastong pakikitungo
sa ibang kasapi ng mag-anak at kapwa sa pamamagitan ng paggamit ng
magagalang na pagbating: Magandang umaga po, magandang tanghali po,
magandang hapon po atbp.

II.

Paksang Aralin
Pagpapamalas nang may pag-unawa ang kahalagahan ng wastong pakikitungo
sa ibang kasapi ng mag-anak at kapwa sa pamamagitan ng paggamit ng
magagalang na pagbating: Magandang umaga po, magandang tanghali po,
magandang hapon po atbp.
A. K to 12 Gabay sa Kurikulum
B. Activity Sheets Pahina54-70
C. Tsart, larawan

III.
A.
B.
C.
D.
E.
F.
G.

Pamamaraan
Paglulunsad ng Aralin
Ipabigkas ang tulang Ang Po at Opo.
Alamin
Binabati mo ba ang lahat ng tao sa aming tahanan at sa paaralan sa tuwing sila
ay aking makikita?
Isaisip
Kailan natin ginagamit ang pagbating Magandang umaga po? Magandang
tanghali po? Magandang hapon/ gabi po?Paano natin ito isasagawa?
Isagawa
Isagawa at bigkasin ang mga pagbati.
Isapuso
Ang paggalang sa kapwa sa pamamagitan ng paggamit ng mga pagbati ay
tatak ng isang pagiging Pilipino.
Isabuhay
Magkaroon ng duladulaan na kung saan magagamit nila ang mga pagbating
natutunan.
Kasunduan
Iguhit ang iyong sarili na bumabati sa guro at mga bisita.

Ikatlong Araw
I. Layunin
Naipapamalas nang may pag-unawa ang kahalagahan ng wastong pakikitungo
sa ibang kasapi ng mag-anak at kapwa sa pamamagitan ng paggamit ng
magagalang sa paghingi ng pahintulot
II. Paksang Aralin
A. Pagpapamalas nang may pag-unawa ang kahalagahan ng wastong pakikitungo sa
ibang kasapi ng mag-anak at kapwa sa pamamagitan ng paggamit ng magagalang
sa paghingi ng pahintulot
B. K to 12 Gabay sa Kurikulum
C. Activity Sheets Pahina54-70
D. Tsart, larawan
A. Pamamaraan
A. Paglulunsad ng Aralin
Bigkasin muli ang tulang Ang Po at Opo.
Gamitin ang pagbating itinuro kahapon.
B. Alamin
Gumagamit ka ba ng mga salitang:
Maari po bang _____?
Paki ____ nga po?
Pwede po bang ____?
C. Isaisip
Maglahad ng mga sitwasyon/ larawan na ginagamitan ng paghingi ng
pahintulot.
D. Isagawa
Isagawa at bigkasin ang mga paghingi ng pahintulot.
E. Isapuso

Ang paggalang sa kapwa sa pamamagitan ng paggamit ng magagalang na


salita sa paghingi ng pahintulot ay magandang ugali ng isang pagiging Pilipino.
Ito ay dapat matutunan ninyo.
F. Isabuhay
Magkaroon ng duladulaan na kung saan magagamit nila ang mga magagalang
na salita sa paghingi ng pahintulot na natutunan.
G. Kasunduan
Kung ikaw ay gumagamit ng magagalang na salita sa paghingi ng pahintulot,
ano sa tingin mo ang mararamdaman ng iyong mga magulang. Iguhit ang iyong
sagot.
Ikaapat na Araw
I. Layunin
Naipapamalas nang may pag-unawa ang kahalagahan ng wastong pakikitungo sa
ibang kasapi ng mag-anak at kapwa sa pamamagitan ng paggamit ng magagalang sa
pakikiusap at pagpapasalamat
II.

Paksang Aralin
A. Pagpapamalas nang may pag-unawa ang kahalagahan ng wastong pakikitungo sa
ibang kasapi ng mag-anak at kapwa sa pamamagitan ng paggamit ng magagalang
sa pakikiusap at pagpapasalamat
B. K to 12 Gabay sa Kurikulum
C. Activity Sheets Pahina54-70
D. Tsart, larawan

III.

Pamamaraan
A. Paglulunsad ng Aralin
Bigkasin muli ang tulang Ang Po at Opo.
Awit.
B. Alamin
Gumagamit ka ba ng mga salitang: Pakiusap at Salamat?
C. Isaisip
Maglahad ng mga sitwasyon na kung saan humihiram ka ng aklat sa iyong kaklase.
Ano ang sasabihin mo?
Nang matapos mo itong gamitin, ano ang gagawin mo rito? Paano mo ito sasabihin?
D. Isagawa
Isasagawa naman ng mga ang mga sitwasyong ito.
E. Isapuso
Ang paggalang sa kapwa sa pamamagitan ng paggamit ng magagalang na salita sa
paghingi ng pahintulot ay magandang ugali ng isang pagiging Pilipino. Ito ay dapat
matutunan ninyo.
Ang batang magalang dangal ng magulang
F. Isabuhay
Iguhit ang iyong sarili na humingi na nagpapasalamat sa iyong mga magulang o
kaibigan.
G. Kasunduan
Gumupit ng mga larawang nagpapakita ng paggalang sa kapwa.
Ikalimang Araw
I.

Layunin
Naipapamalas nang may pag-unawa ang kahalagahan ng wastong pakikitungo sa
ibang kasapi ng mag-anak at kapwa sa pamamagitan ng paggamit ng magagalang
na salita

II.

Paksang Aralin

A. Pagpapamalas nang may pag-unawa ang kahalagahan ng wastong pakikitungo sa


ibang kasapi ng mag-anak at kapwa sa pamamagitan ng paggamit ng magagalang
na salita
B. K to 12 Gabay sa Kurikulum
C. Activity Sheets Pahina54-70
D. Tsart, larawan, puppets
III. Pamamaraan
A. Paglulunsad ng Aralin
Bigkasin muli ang tulang Ang Po at Opo.
Awit.
B. Alamin
Gaano mo kadalas gamitin at gawin ang mga nasa ibaba? Lagyan ito ng tsek.
Activity Sheet p.55
C. Isaisip
Isaisahin ang mga natutunang mga magagalang na salita.
D. Isagawa
Gamitin ito sa mga sitwasyon. AS p. 60-61
Basahin at sagutan ang sitwasyon sa AS p.62-63
E. Isapuso
Pagisipan ang mga piling salawikain sa AS p. 67-68
F. Isabuhay
Gamit ang larawan na ipinadala sa takdang aralin. Idikit ito sa kartolina at
ilahad sa klase.
G. Subukin
Sagutan sa AS p. 69-70. Itala ang resulta.
Inihanda ni
Lovely Ann F. Hezoli
Pakyas Elementary School

You might also like