Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

"PANGINGIBANG BANSA NI RIZAL"

Ang unang bansa na pinuntahan ni Rizal ay ang Espanya sa 1882 para magkamit ng kanyang degree
para maging Doktor ng Medisina at isang lisensya para sa Pilosopiya at Sining. Pero bago ginawa niya
ang mga iyon, binisita muna niya ang Singapore, Naples at iba pang mga bansa. Pagkatapos, dumating
siya sa Barcelona at doon niya sinulat ang kanyang unang sanaysay sa isang dayuhang bayan, ang
Amor Patrio. Sa huling banda ng 1882, umalis siya sa Barcelona at pumunta sa Madrid upang mag-aral
sa Unibersidad Central de Madrid. Doon siya nag-aral ng medisina at nagsimulang magsulat ng kanyang
nobelang "Noli Me Tangere." Natapos niya ang kursong medisina at pilosopiya noong 1885.
Noong 1885, pumunta siya sa Paris, Pransiya at doon siya naging isang doktor ng mata. Nagtrabaho siya
bilang katulong ng isang tanyag na doktor ng mata na si Dr. Louis de Weckert. Sa parehong taon,
pumunta rin siya sa Berlin, Alemanya para maging mas mabisa siya sa pagiging isang doktor ng mata.
Inilathala rin ang Noli sa Berlin noong 1887.
Sa 1888, pagkatapos ng isang maikling pagbalik sa Pilipinas, umalis muli si Rizal dahil naniwala siya na
ang kaligtasan ng kanyang pamilya at kaibigan ay nasa panganib at dahil din sa away laban sa mga
Kastila. Naglakbay siya sa Japan. Nagusto niya ang bansa dahil sa mga magagandang tanawin doon.
Umibig din siya sa isang babae, si O-Sei-San o Usui Seiko. Hindi ito tumagal sapagkat pumunta siya sa
Amerika at pagkatapos ay Inglatera. Nagdesisyon siya na magtira muna roon para mapabuti ang
kanyang Ingles. Nagsulat din siya ng ilang mga sanaysay at artikulo para sa La Solidaridad. Sa mga
susunod na taon, sinulat niya ang karugtong sa Noli, ang El Filibusterismo at tinapos niya ito sa Belgium.
Dahil sa espiritu ng liberalismo sa Europa kaya't mas lumawak ang kanyang interes. Nag-aral siya ng iba't ibang
lengguwahe, naglakbay sa maraming bansa, kasabay ng kanyang aktibong kampanya para sa reporma sa Pilipinas.
Nagsalin siya ng Sucesos de las Islas Filipinas, kung saan kanyang itinuwid ang mga pagkakamali sa nakatalang
kasaysayan ng Pilipinas.

Pagkatapos ng El Filibusterismo, pumunta siya muli sa Hong Kong. Doon siya naging isang matagumpay
na doktor pero bumalik siya sa Pilipinas noong 1892 kahit na ayaw ng pamilya at mga kaibigan niya dahil
baka mapanganib ang buhay niya.
Noong nabilanggo siya sa Dapitan, nagkaroon siya ng oportunidad na maging isang surgeon para sa
hukbo ng mga Kastila sa Cuba pero nang naglakbay siya, hinuli siya ng mga awtoridad at binalik nila siya
sa Pilipinas.
Sources
http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Jose_ Rizal:_Travels_and_Adventures
http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Noli_Me_Tangere
http://www.calodges.org/ncrl/RIZAL.html
2207913_f260.jpghttp://www.pinoyedition.com/talambuhay-ng-mga-bayani/jose-rizal/
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Cynthia/festivals/kaarawan_ ni_jose_rizal.htm
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Intermediate_Thematic_Le

You might also like