Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsindi sa Pangatlong Kandila ng Pagdatal: Kagalakan

Pangatlong Linggo ng Pagdatal

(Scripture: Psalm 126:23, 1 Thessalonians 5:1624)


Unang Tinig:
Si Jesus ay darating at patuloy tayong maghahanda upang patuluyin siya sa
sanlibutan at papasukin siya sa ating mga buhay. Nagsisindi tayo ng kandila
ng pagdatal, upang ipagdiwang ang mga kaloob ng Diyos sa atin - na atin
namang ibabahagi sa iba sa pamamagitan ng paglilingkod.
Ikalawang Tinig
Sa mga nakaraang Linggo ng pagsamba, sinindihan natin ang kandila ng
pag-asa, at kandila ng kapayapaan. Salamat sa Diyos sa mga biyayang ito ng
buhay.
Sindihan ang kandila ng pag-asa at kapayapaan.
Ikatlong Tinig:
Sinasaysay ng Aklat ng Awit, na pagkatapos masaksihan ng mga tao ang
kadakilaan ng Diyos, sila ay natuwa at nagsisigaw sa halakhakan! Nais ng
Panginoong Jesus na tayo ay maging masaya upang hindi manghina ang
ating mga espiritu. Ang mga Kristiano ay tinawag ng Diyos upang maging
mapagpasalamat at mapuno ng kagalakan!
Ikaapat na Tinig:
Sa araw na ito, sisindihan naman natin ang kandila ng kagalakan!
Pagsindi sa kandila ng kagalakan.
Ang munting ilaw na ito ay may mahalagang kahulugan. Pabayaan mong
tanglawan ka ng Diyos at lilisanin ka ng lungkot na nakakapangit, at
mapapangiti ka sa tuwa, na nagpapaganda ng mukha.
Tandaan na si Maria ay nagpuri at si Elizabeth ay lumundag sa tuwa noong
dumating ang Tagapagligtas! Ang mga angel napa-awit sa pagdiriwang!
Lahat ng Tinig at ng Kapulungan:
O magsaya at magdiwang, 'pagkat sumilang na ang hari ng kalangitan! Ang
kaloob ng Diyos ay kagalakang walang hanggan! Paliwanagin ang mundo at

dalhin ang kagalakan, ibahagi natin ang Panginoon sa buong sanlibutan!


Pambungad na Panalangin
Aming Panginoon at Diyos, salamat sa kaligayahan na iyong
ipinagkaloob sa aming mga buhay. Inaasam po namin ang
pagdating mo Panginoong Jesus, upang maging ganap ang aming
kagalakan.
Pagpalain mo kami at bigyan ng lakas upang maging
mapagpasalamat. Sa iyong biyaya, dinggin nawa namin ang iyong
mga Salita, at sundin namin ang iyong mga utos. Nang sa gayun,
maibabahagi naman namin sa iba ang kaligayahan na nasa aming
mga puso.

You might also like