Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino II

Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon


Angeles University Foundation, Angeles City

I.

LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng talakayan ay ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nailalahad ang pagkakaiba ng salitang may at mayroon sa wastong
kalagayan;
Nakasusulat ng isang editoryal na may mga pangungusap gamit ang
salitang may at mayroon;
Naipapahayag ang kanilang mga pahayag o kasagutan gamit ang mga
salitang may at mayroon;
Nakabubuo ng isang repleksyon tungkol sa isang isyu na naayon sa
paksang tinalakay (salitang may at mayroon);
Naisasagawa ang takdang-aralin sa pamamagitan ng pagdudula at
pag-aawit batay sa tinalakay na paksa.

II.

PAKSA: Ang wastong gamit ng may at mayroon.

III.

KAGAMITAN:
Cartolina
Laptop
Projector
Larawan
Sipi ng Dula-dulaan

IV.

PROSESO NG PAGKATUTO

GAWAIN NG GURO

GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN
PAGGANYAK
Magandang Umaga!

Magandang umaga din po!

Alam ba ninyo kung ano ang duladulaan?


Sino ang makapagbibigay ng
kahulugan ng dula-dulaan klas?
Ito po ay isang uri ng panitikan na
ang pinakalayunin ay itanghal sa
tanghalan.

Sige nga, Wharren?


Tama!

Sino
pa
kasagutan?

ang

may

ibang

Yes, Heloiza, ibahagi mo ga ang


Ito rin po ay nahahati sa ilang yugto
iyong nalalaman ukol sa dulaat ang bawat yugto'y maraming
dulaan?
tagpo.
Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa
tanghalan ng mga tauhan.

Okay, tama ang inyong ibinigay na


kasagutan.
Akoy may inihandang dula-dulaan
na kinapapalooban ng diyalogo ng
mga ibat-ibang tauhan.

Ang bawat isa sa inyo ay aatasan


kong magbasa batay sa tauhang
Opo, Maam.
nakaatas sa kanila. Pagkatapos ay
may mga katanungan akong
ibibigay sa inyo.

PAGHAWI NG BALAKID
Bago natin basahin ang dula ay
atin munang bigyang linaw ang Opo, Maam.
mga bagong talasalitaan upang
lalong maintindihan ang mga ito.
Malinaw ba iyon klas?
Tumutugtog ang kampana.
Ann,
basahin
pangungusap.

ang

unang Ang ibig sabihin po ng salitang


kampana ay isang instrumentong
lumiklikha ng tunog o mas kilala sa
katawagang bell sa ingles.

Ang ibig sabihin ng kampana ay?


Tama!

Mag-ingat kayo sa paglalakad sa


kalsada.

Jessica,
pakibasa
pangalawang pangungusap.

ang

Ang ibig sabihin po ng salitang


Ano ang ibig sabihin ng salitang kalsada ay ang daanan ng mga
sasakyan.
kalsada?
Tama!

Glenda, pakibasa
pangungusap.

ang

ikatlong

Mayroon akong puto at kutsinta.


Ang ibig sabihin po ng salitang
kutsinta ay isang uri ng malagkit na

Ano ang ibig sabihin ng salitang puto.


kutsinta?
Tama!

Heloiza, pakibasa ang ikaapat na


pangungusap.

Kaawaan kayo ng Diyos, mga


anak.

Ano ang ibig sabihin ng salitang Ang ibig sabihin po ng salitang


kaawaan?
kaawaan ay ang pagbibigay basbas
o blessing sa isang tao.
Tama!
Para sa ating salu-salo ang lahat
Wharren, pakibasa ang ikalimang
ng niluto ko.
pangungusap.
Ang ibig sabihin po ng salitang saluAno ang ibig sabihin ng salitang
salo ay marami o ibat-iba.
salu-salu?
Tama!

Mark,
pakibasa
pangungusap.

ang

Nakahanda na ang mga pagkain


huling natin para sa Noche Buena.

Ano ang ibig sabihin ng salitang Ang ibig sabihin po ng salitang


Noche Buena ay ang araw bago
Noche Buena?
sumapit ang pasko.
Tama!

Ngayon klas, maaari niyo ng


basahin at isadula ang ibinigay
kong halimbawa ng dula-dulaan
batay sa iniatas kong tauhan.

Lolo at Lola- gagananap ay si Wharren


Ninang at Ninong- gaganap ay si
Mark
Tatay at Nanay- gaganap ay si
Heloiza
Mga Anak- gaganap ay sina Ann at
Glenda
Tagapagsalaysay- gaganap ay si
Jessica.

PASKO - Dula-dulaan
Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay)
(Naghahanda ang mag-anak papunta sa
simbahan. Tumutugtog ang kampana.)
Nanay: Dalian ninyo mga anak.
Mayroon nang misa ngayon baka mahuli
tayo.
Anak 1: Nandiyan na po ako, Nanay.
Anak 2: Hintayin ninyo ako. Hindi ko
makita ang sapatos ko.
Anak 3: Handa na po ako, Tatay.
Anak 4: Ako rin po.
Nanay: O sige, hihintayin namin kayo
sa labas ng bahay, mga anak.
Tatay: Mag-ingat kayo sa paglalakad sa
kalsada at may dumaraang mabibilis na
sasakyan doon.
(Lalakad ang mag-anak papuntang
simbahan.)
Tilon
Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos
ang misa)
(May tindera at may tugtuging
pamasko.)
Nanay at Tatay: Maligayang Pasko sa
inyo, mga anak.
Mga Anak: (Magmano) Maligayang

Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay.


(May mararaanang mga tindera ang
mga bata paglabas ng simbahan.)
Anak 1: Ano po ang tinda ninyo?
Tindera 1: Mayroon akong puto at
kutsinta.
Anak 1: Pagbilhan po ninyo ako ng
puto.
Anak 2: Mayroon ba kayong suman?
Tindera 2: May tinda akong suman,
anak. Ilan ba ang gusto mo?
Anak 2: Dalawa po.
Anak 3: Kina Lolo at Lola na lang ako
kakain sapagkat mayroon silang
inihanda, Ate. Hindi pa naman ako
gutom.
Anak 4: Ako rin; maraming magluto si
Lola, marasap pa!
Nanay: Halina kayo kina Lolo at Lola.
Hinihintay nila tayo.
Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina
Lolo at Lola.)
Lolo: (Bubuksan ang pinto.) Tuloy kayo
mga anak.
Tilon
Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at
Lola)
Mga Anak: Mano po, Lolo. Mano po,
Lola.
Lolo at Lola: Kaawaan kayo ng Diyos,
mga anak.

(Nanay at Tatay magmamano rin)


Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)
Anak 1: Mano po, Ninong. Mano po,
Ninang.
Ninang at Ninong: Kaawaan ka ng
Diyos.
Anak 2: Lola, ang sarap naman ng
amoy ng luto ninyo!
Lola: Para sa ating salu-salo ang lahat
ng niluto ko.
Lolo: Halina na kayo, mga anak.
Nakahanda na ang mga pagkain natin
para sa Noche Buena.
Anak 3: Gutom na nga ako eh.
Anak 4: Sabi ko na inyo eh,

maraming niluto si Lola, at mayroon


pang masarap na pagkain.
(Matapos kumain - Hahaplusin ang
tiyan sa busog at magkukuwentuhan)
Anak 2: Nanay, Tatay, sanay maging
Pasko araw-araw para narito tayong lagi
kina Lolo at Lola.
Mga Anak: Lolo, Lola, aalis na po
kami. Maligayang Pasko po ulit sa
inyo at Manigong Bagong Taon sa
lahat.

Magaling ang pagbabasa


anak!

mga

Nanay at Tatay: Maraning salamat po


sa handa ninyong mga pagkain. Busog
na busog po kaming lahat.
Buong Mag-anak: (Muling magmamano kasabay ang pagpapaalam.)
Paalam na po. Mamasko pa po kami
sa ibang kamag-anak natin pagkagising
sa umaga.

PAGLALAHAD
Okay ating babalikan ang dula
klas.

Lolo at Lola: Mag-iingat kayo sa


daan.
Tilon

Anong okasyon mayroon at


ganoon
na
lamang
ang
pagmamadali ng mag-anak?

Yes, Ann?
Tama!
Mayroon
pong
misa
nagmamadali ang mag-anak.

kaya

Anong
dahilan
kung
bakit
kailangang mag-ingat sa kanilang
paglalakad ang mga bata?
Sige nga Wharren?

Tama!

Dahil may dumaraang


sasakyan doon.

mabibilis

na

Pagkalabas nila sa simbahan, ano


ang kanilang nakita?
Sige nga Mark?

Magaling!

Anong paninda
tindera?

mayroon

ang

Ano ang iyong kasagutan Glenda?

May tindera at may tugtuging


pamasko.
May mararaanang
mga tindera ang mga bata paglabas ng
simbahan.

Tama!

Ano pa ang hinahanap na pagkain


ng panganay na anak?

Mayroon siyang puto at kutsinta.

Yes, Heloiza?

Tama!
Mayroon ba siyang tindang suman?

Ano naman ang


tindera sa kanya?

isinagot

ng

Yes, Jessica?
Tama!

Ano ang dahilan kung bakit gusto May tinda akong suman, anak. Ilan ba
niyang kumain sa bahay ng ang gusto mo?
kanyang Lolot Lola?
YES, Mark?
Tama!
Sapagkat mayroon silang inihanda.

Ngayon klas, batay sa mga


ibinigay ninyong mga kasagutan
na isinulat ko sa pisara ay atin
muna itong basahin muli. Malinaw
ba iyon klas?

HANAY A

HANAY B

1.

2.

3.

Ano ang napansin ninyo sa mga


pangungusap na binasa?
Sige Wharren?

4.

1. Dahil may
Mayroon
dumaraang
pong misa
mabibilis na
kaya
sasakyan
nagmamad
doon.
ali
ang
mag-anak.
2. May tindera
at may
Mayroon
tugtuging
siyang puto
pamasko.
at
May
kutsinta.
mararaanan
g mga
Mayroon
tindera ang
ba siyang
mga bata
tindang
paglabas ng
simbahan.
suman?.
Sapagkat
mayroon
silang
inihanda.

3. May tinda
akong
suman,
anak. Ilan ba
ang gusto
mo?

Tama!

PAGHAHAMBING/PAGHALAW
Sa pagpapahayag ng inyong mga
kasagutan o pahayag ay gumamit
kayo ng mga salita na nagsisimula
sa salitang may at mayroon.
Hahatiin ko kayo sa dalawang
pangkat
upang
suriin
ang
nakasulat sa bawat hanay Hanay
A (GROUP 1) at Hanay B (GROUP
2). At baway miyembro ng grupo
ay
kinakailangang
sumagot.
Makinig kayong mabuti.

Batay
po
sa
aking
sariling
pagpapahayag ng aking kasagutan,
ang nasa hanay A po ay ginamitan ng
salitang may samantalang ang nasa
hanay B ay ginamitan ng salitang
mayroon.

Katanungan para sa unang grupo.


Ano ang napansin sa mga unang
salita ng pangungusap na nasa
Hanay A?
Sagutin nyo nga (GROUP 1)?
Tama!

Opo, Maam.

Ano naman ang mga


sinundan ng mayroon?

salitang

Sagutin nyo nga (GROUP 1)?

Ito po ay nagsisimula sa salitang


mayroon.

Tama!

Anong bahagi ng pananalita ang


mga ito?
Sagutin nyo nga (GROUP 1)?

Magaling!

Katanungan para sa ikalawang


grupo. Ano ang napansin sa mga Ang mga salitang sinundan
unang salita ng pangungusap na mayroon ay pong, siyang,
silang.
nasa Hanay A?

ng
at

Sagutin nyo nga (GROUP 2)?


Tama!

Ano naman ang mga


sinundan ng mayroon?

salitang Ang salitang po ay isang kataga.


Samantalang mga salitang siya at
sila ay panghalip na panao.
Sagutin nyo nga (GROUP 2)?
Tama!

Ito po ay nagsisimula sa salitang


may.

Anong bahagi ng pananalita ang


mga ito?
Sagutin nyo nga (GROUP 2)?

Magaling!

Ang mga salitang sinundan ng may


ay
dumaraan,
tindera,
mararaanan, at tinda.

PAGLALAHAT
Batay sa inyong mga kasagutan
ano ang wastong gamit ng
salitang mayroon?
Yes, Wharren?

Tama!

Ang
salitang
dumaraan
at
mararaanan ay mga pandiwa.
Samantala ang mga salitang tindera
at tinda ay pangngalan

Ano naman ang wastong gamit ng


salitang may?
Yes, Jessica?

Tama!

PAGGAMIT/ EBALWASYON
Upang lubos niyong maunawaan
ang wastong gamit ng salitang
may
at
mayroon,
kayoy
aatasang kung sumulat ng isang
editoryal. Nasa inyo kung anong
paksa ang inyong nais, kailangan
lamang ito ay naglalaman ng mga
wastong paggamit ng salitang
may at mayroon.

TAKDANG-ARALIN
Sa isang buong papel, sumulat ng
isang repleksyon tungkol sa isyu
na napanood ninyo sa telebisyon o
kayay internet gamit ang wastong
gamit
ng
salitang
may
at

Ang mayroon ay ginagamit kung ang


sumusunod na salita ay isang kataga,
panghalip
na
panao
(personal
pronoun) o pamatlig at pang-abay na
panlunan (adverb of place.

May
ang
ginagamit
kung
ang
sumusunod na salita ay pangngalan,
pang-uri, pandiwa at pang-abay.

mayroon. Itala kung anong petsa


ninyo napanood, ano ang paksa o
isyu at ang inyong reaksyon.
At sa susunod nating pagkikita ay
irepresenta
ang
isinagawang
repleksyon sa pamamagitan ng
pagsasadula kalakip nito ang
paglalapat ng pagkilos, ibat-ibang
emosyon at pagsasaawit dito.

You might also like