Ang Aking Repleksiyon ESP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Aking Repleksiyon

Noong una ay naisip ko na ang asignaturang ito ay tungkol sa


pagkakaroon ng kabutihang asal at takot sa Diyos ngunit higit pa roon
ang aking natutunan.
May mga pagkakataon na ako ay medyo nahirapang unawain ang
mga leksiyon dito dahil sa may mga salitang malalim . Sa tulong ng aking
lolo, lola at mga magulang ay naipaliwanag sa akin ang kahulugan ng
mga iyon.
Unang-una kong natutuhan dito ay ang kilalanin ang aking sarili kung
ano ang aking lakas at kahinaan at kung paano ito malalampasan. Ito ay
magbibigay sa aking sarili ng kumpiansa upang aking gampanan ang aking
tungkulin bilang anak, kapatid, apo, mag-aaral at mamamayan.
Akin ding natutunan ditto na kinakailangan natin linangin na magingisa ang ating isip, gawa at katawan sa pamamagitan ng tulong at gabay
mula sa ating mga magulang, guro at kaibigan. Kung tayo ay masasanay na
mag-isip at gumawa ng kabutihan, ang ating kilos-loob ay magiging natural
na lamang.
Naitanim din sa aking kaisipan na ang ating konsensya ay nakabatay
sa likas na batas moral na kung saan ay nagsisilbing gabay na makilala ang
mabuti at masama. Ito ay nagbibigay direksiyon sa atin upang gumawa ng
kabutihan.
Dapat nating isipin lagi na ang likas nating kalayaan sa pagpili at
pagdedesisyon ay may kasamang pananagutan tungo sa kabutihan.
Aking natutunan ang mga panloob na salik na nakakaimpluwensiya sa
pagpapahalaga ay ang aking kunsensiya, responsableng paggamit ng
kalayaan, pagiging sensitibo sa pagggawa ng masama, pagsasabuhay ng
birtud, disiplinang pansarili at moral na integridad. Samantalang ang mga
panlabas na salik na nakakaimpluwensiya sa paghubog ng pagpapahalaga
ay : pamilya, paraan ng pag-aaruga sa anak; guro at tagapagturo ng
relihiyon; mga kapwa-kabataan; impluwensiya ng kapaligiran at lipunan;
katayuang panlipunan-kabuhayan at media. Kung ang isa ay magiging

mapanuri at may paninindigan sa tamang pasya at kilos, ang mga ito ay


magsisilbing gabay upang maabot ng isang tao ang kanyang mithiin at
pangarap.

You might also like