Thesis Filipino

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 14

KABANATA 1:Epekto ng Social Networking Sites partikular na ang "FACEBOOK" sa

social behavior ng mga mag-aaral ng unang taon SY 2012-2013 ng Legal Management


Introduksyon
Uy. Nabasa mo ba yung status ni ano?, Tag mo ko ha?. Henerasyon na ito ng mga
kabataan. Sa bawat pag-unlad ng tao ay dalawang beses ang katumbas sa teknolohiya.
Hindi na piko o chinese garter ang laro ng mga bata. Tetris, Farmville 2 o di kaya ay Quiz
Monster. Hindi na din uso ang mga slumbook noon, dahil konting pindot na lang ang
katumbas noon ngayon.
Tweet. Share. Like. Reblog. Ask. Kung isang may-edad ang makakabasa ng mga ito,
ituturing niya lamang itong mga simpleng salita na napapabilang sa malawak na
bokabularyo ng Ingles. Subalit para sa isang kabataan ay palasak na ang mga ito sa
kanyang pandinig. Sa kanyang sariling opinyon, masasabi niyang ang mga ganitong uri
ng sailta ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa kanyang buhay at naging basehan
ng kanyang pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Iyon nga ay sa kadahilanang
napauso ito ng mga social networking sites gaya ng Facebook, Twitter at Tumblr na
naglalayong mapadali ang komunikasyon sa pagitan ng dalawang magkalayong tao at
maabot ang magkabilang panig ng daigdig sa pamamagitan lamang ng isang pindot. Tila
nga na dahil sa katalinuhan ng tao ay mas napapabilis ang modernisasyon ng ating
kapaligiran. Hindi nabigo ang mga may malilikhaing isip dahil makalipas lamang ang
ilang taon matapos unang maipakilala ang mga social networking sites sa publiko ay
naging tema na ito ng maraming mga usapan, debate at isyu. Hanggang sa ngayon ay
hindi pa rin malinaw ang tunay na epekto ng mga ito sa tao lalo na sa mga estudyante.
Kagaya ng ibang mga bagay sa mundo, may mabuti at masamang naidudulot din ang
Page
1

mga social networking sites. Kung ating sisiyasatin ay malaki na rin ang naging epekto
ng Facebook at Twitter sa buhay ng mga mag-aaral. May mga ilan na mas nanaisin pang
mag-log-in muna sa Facebook account o di kaya namay mag-tweet muna kaysa buklatin
ang libro upang magbasa. Hindi rin naman sila masisisi dahil maaga silang namulat sa
ganitong uri ng teknolohiya. Sa madaling sabi ay umaayon na lang rin sila sa takbo ng
modernong mundo. Hindi rin mawawala sa kanila ang pagkasabik sa ganitong uri ng
libangan matapos ang isang mahabang araw ng pagkakatuto. Subalit hanggang saan nito
dadalhin ang mga kabataang sinasabing pag-asa ng bayan? Saan nga ba patungo ang isip
ng mga estudyanteng biktima ng makabagong daigdig na dulot ng internet at Facebook?
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga epekto ng facebook sa buhay
ng mga estudyante. Naglalayong itong palawakin ang kaalaman ng mga mambabasa ukol
sa isa sa mga tunay na suliranin na kinakaharap ng maraming mag-aaral. Hinahangad din
nito na mapabuti ang kalagayan ng mga estudyante sa pamamagitan ng paglalahad ng
mga maaaring maging bunga ng ganitong gawain. Maipapabatid ng pag-aaral na ito ang
mga impluwensiya ng mga nasabing social networking sites at nagsisilbing kapakipakinabang para sa lahat.

Paglalahad ng Suliranin
Dahil sa modernong panahon , marami ang naglalabasan at nagsusulputan na imbento
ng tao, kabilang na rito ang social networking sites partikular na ang Facebook. Ang
Facebook o Fb ay isa sa pinadaling paraan upang maipabatid ang kanilang sa loobin sa
kanilang facebook friends. Ngunit kalakip nito ang di magandang epekto sa mga
gumagamit ito. Nariyan ang pagbubunyag ng sensitibong litrato at video na naipopost ng
Page
2

walang pahintulot ng nagmamay- ari, ang pag pagiging adik at paggastos ng malaki,
pagsisimula ng away dahil sa inggit at pagiging tamad sautos ng magulang, dahil inuuna
nito ang paggamit ng Facebook.
Gusto pag aralan ng saliksik kung gaano kahalaga ang Facebook sa tao. Na kung dapat
nga ba talaga gumamit nito. Kung anu- ano ang maaring epekto ng Facebook, maganda
ba o mabuti?

Mga Layunin
Hindi lingid sa mga mamamayan na ang mundo ngayon ay mulat sa mga gawaing may
kinalaman sa teknolohiya partikular na lang ang kompyuter. Hindi matatanggi na halos
karamihan sa lipunan ay sanay sa paggamit ng Facebook, Twitter, Tumblr at iba
pang social networking sites. Naging bahagi na ng pang-araw-araw sa buhay ng
mamamayan ang paggamit nito kaakibat pa ang ibat- ibang, hindi lamang sa pisikal na
perspektibo kundi pati na rin sa mental, sosyal, at pangkaisipan na perspektibo ng mga
gumagamit at tumatangkilik nito.
Isa sa konkretong halimbawa na lang nito ang Facebook, maraming gawaing pang
ugnay ang makikita dito kung kayat hilig na hilig ang kabataan dito. Sa ganitong paraan
ang pakikipag ugnay ay napapadali hindi lamang sa ating mga kakilala higit pati narin
ang hindi natin mga kakilala. Lumalawak an gating mundo ngunit sa kahiligan sa
Facebook. Nauubusan tayo ng panahon ng ganoon na lamang, naloloko sa pagtingin
tingin at pakikielam sa mga taong nakikita sa internet nawawalan ng panahon upang mag
aral at makipag ugnayan sa taong mga minamahal partikular na lang ang magulang.
Naglalayong itong palawakin ang kaalaman ng mga mambabasa ukol sa isa sa mga
Page
3

tunay na suliranin na kinakaharap ng maraming mag-aaral. Hinahangad din nito na


mapabuti ang kalagayan ng mga estudyante sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
maaaring maging bunga ng ganitong gawain. Maipapabatid ng pag-aaral na ito ang mga
impluwensiya ng mga nasabing social networking sites at nagsisilbing kapaki-pakinabang
para sa lahat.

Saklaw at Delimitasyon ng pag-aaral


Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang damdamin,
pananaw,kaalaman at sitwasyong nararanasan ng mga mag-aaral. Saklaw nito ang mga
mag-araal sa unang taon SY 2012-2013 ng kursong Legal Management kaugnay sa
paggamit ng mga pisikal na pasilidad ng internet partikular na ang Facebook..
Nalimitihan ang pag-aaral na ito sa mga unang taon lamang ng Bulacan State
University na kumukuha ng Legal Management. Hinahangad din ng pag-aaral na ito na
suriin ang mga epekto ng Facebook sa Social Behavior ng mga mag-aaral sa kanilang
klase. Tatalakayin din ng mga mananaliksik ang mga posibleng impak na makaaapekto sa
mga mag-aaral at sa kanilang pag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Matapos ang masusing pagsusuri at ibat-ibang paraan ng pananaliksik para sa
isang pag-aaral na isinagawa tungkol sa isang online/social networking site o tinatawag
na facebook ayon sa sarbey na ginawa, may mga katanungang nasagot tungkol sa
paggamit nito gaya ng mga: kung ano ang mga dahilan bakit tayo ay gumagamit nito, ano
ang epekto nito sa atin. May mga problemang nasuri gayun paman ito ay may
Page
4

suliranin/solusyon. Maging ang dulot na ito ay magandang epekto o hindi magiging


kapaki pakinabang ang pagaaral na ito para sa likas na gumagamit nito maging bata man
o matanda, estudyante o empleyado. Makakatulong ito sa bawat isa dahil magiging alerto
tayo sa mga problema o dulut na dala ng hindi wasto at walang sapat na kadahilanang pag
gamit nito, mahalaga ang pagaaral na ito dahil itoy nagbibigay ng kaunting kaaalaman o
ideya sa makakarami kung pano natin o magagamit ng wasto at hindi makakapaketo sa
ibang gawain. Tunay na pinagaralan ng husto ang pag-aaral na ito upang mabigyang
pansin ang mga problema at malaman natin ang limitasyon ng ating ginagawa at para
malaman kung ano ang mga solusyon na dapat gawin.

Depinisyon ng mga Termino


Sa pamamagitan ng pag-aaral ukol sa Social Networking Sites partikular na ang
Facebook , ay dito malalaman ang mga magaganda (positibo) at hindi magaganda
(negatibo) na naiidulot nito sa mga gumagamit.

Ilang halimbawa ng mga positibong naidudulot sa atin ng mga sites na ito ay,
tinutulungan tayo nito na magkaroon ng komunikasyon sa mga iba nati5ng pamilya na
nasa malalayong lugar tuladng ibang bansa. Nakakatulong rin ito upang lalong
mapaghusay natin an gating pakikipag kapwa tao. At natutulungan din tayo nito sa pag
aaral.Kung may mga positibo itong naidudulot sa atin, mayroon din naman itong mga
masasamang epekto sa mga gumagamit, tulad ng pagiging adik dito, sa halip na imbis
unahin ng mga kabataanang pag aral ay nauubos ang kanilang oras sa pagfefacebook.
Ayon sa survey na aming ginawa ay may ilang sumagot na ang halos buong araw nila ay
Page
5

nauubos lamang ang oras nila sapaggamit ng social networking sites at walang pakialam
sa kanilang aralin. May nababalita na rin tungkol sa paggamit nito, at mapapasin na dahil
sa paggamit ng mga sites na ito ay maaaring maging kapalit ang buhay dahil sa mga
taong nakilala lang nila sa facebook ay nakipagkita nakaagad sila at hindi nila ito
lubusang kilala.
Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa,minarapat ng
mga mananaliksik na bigyang definisyon ang mga sumusunod naterminolohiya batay sa kung
paano ginamit ang bawat isa sa pag-aaral na ito:

Facebook. Ito ay isang panghalubilong kabalagang websayt (social networking


website) na libre ang pagsali at pinapagana at pag-aari ng Facebook, Inc., isang
kumpanyang pribado. Maaaring sumali ang mga tagagamit sa mga kabalagang
nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon upang
makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao.
Teknolohiya. Ito ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang
pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang
tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang
teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.
Pakikipagtalastasan. Ito ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na
kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo.
Ang Araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan
ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksyon ng mga tao sa isa't isa.
Debate. Ang debate ay ang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang pananaw o
Page
6

opinyon sa isang paksa. Masasabi rin natin na ito ay isang uri ng pahigitan sa bawat
kampo.Karamihan sa mga debate ay nagaganap sa pagitan ng mga pulitiko dahil
hindi sila nagkakasundo-sundo sa isang bagay.
Kompyuter. Ang kompyuter ay isang makina o electronic device na ginawa para
mapabilis ang mga gawain tulad ng pagbibilang o pagkokompyut. Ito ay
tumatanggap , nagproproseso at nagbibigay o naglalabas ng output data sa
pamamagitan ng tinatawag na program. At sa kasalukuyan marami nang mas
nagagawa ang kumpyuter at malaki ang tulong nito sa ating pang-araw araw na
pamumuhay.
Teorya. Ito ay isang pagaaral o pagsasaliksik sa isang bagay o pangyayari.
Ginagamitan ito ng siyantipikong pamamaraan upang matuklasan pa o masaliksik pa
ang isang bagay o panyayari.

Rebyu ng Kaugnay na Literatura


Sa pamamagitan ng sarbey ay pinapayak ang paglalarawan dito. Ang pag aaral na
ito ay tungkol sa kaugnyaan o kahalagahan ng facebook sa pag-aaral. Tumimbang ang
dahilang lumalawak ang kanilang kaalaman sa seguridad. Ayon sa Wikipedia.org, ang
Facebook ay isang panghalubilong kabalagang na libre ang pagsali at pinapagana at pagaari ng Facebook, Inc., isang kumpanyang pribado. Tumutukoy ang pangalan ng sityong
web sa mga mukhang nasa aklat na papel na sinasalarawan ang mga kasapi ng isang
kampus na pamayanan na binibigay ng ilang kolehiyo at preliminaryong paaaralan sa
Estados Unidos sa mga papasok na mga mag-aaral, guro o propesor, at mga trabahador
bilang isang paraan na makilala ang ibang tao sa kampus.Ang kagandahan naman sa
Page
7

facebook ay hindi lahat ng nakapost dito ay pawang kalokohan lamang. May mga
mabubuti din naman tayong nalalaman galing sa mga post na ating nakikita at nababasa.
Halimbawa yung mga pages na naglalaman ng facts na nakakadagdag at
nakakapagpayaman sa ating kaaalaman.Mas napapadali ang komunikasyon sa facebook,
dahil halos lahat ngayon ay merong facebook account.Sabi nga ang Komunikasyon ay
makikita bilang ang core ng isang organisasyon.At sa panahon natin ngayon isang pindot
lang ay maaari nang maabot ang ibat-ibang panig ng mundo sa pinakamalapit o
pinakamalayo man sa pinaka madaling paraan at yan ay ang Facebook,ang
pinakamalaking online social network sa mundo.At ang mga mag-aaral ay isang
pangunahing klase ng mga gumagamit o nag-lalaan ng mahabang oras sa facebook.Kahit
mismo ang mga mag-aaral ay nagpapahiwatig ng mga alalahanin tungkol sa mahabang
oras na ginugugol nila para sa facebook.Gayunpaman,ang ibang mga estudyante ay
tinuturing ang pag sasaalang-alang ng oras sa facebook ay mahalaga, dahil ito ay
nagbibigay daan sa kanila upang makipagpalitan ng balita sa mga kaibigan at pamilya,
makihalubiro sa iba, at mag karoon ng kasiyahan sa ibat-ibang gawain.
"Ang Facebook (literal na "aklat ng [mga] mukha") ay isang panghalubilong
kabalagang website (social networking website) na libre ang pagsali at pinapagana at
pag-aari ng Facebook, Inc., isang kumpanyang pribado. Maaaring sumali ang mga
tagagamit sa mga kabalagang nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuan, paaralan
at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao. Maaaring
magdagdag rin ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang
kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang
tungkol sa kanilang sarili. Tumutukoy ang pangalan ng sityong web sa mga mukhang
Page
8

nasa aklat na papel (paper facebooks) na sinasalarawan ang mga kasapi ng isang
kampus na pamayanan na binibigay ng ilang kolehiyo at preliminaryong paaaralan sa
Estados Unidos sa mga papasok na mga mag-aaral, guro o propesor, at mga
trabahador bilang isang paraan na makilala ang ibang tao sa kampus.Itinatag ni Mark
Zuckerberg ang Facebook kasama ang kaklase niya sa agham pangkompyuter at
kasama sa kuwartong sina Dustin Moskovitz , Ar-Ar Mendoza at Chris Hughes
habang mag-aaral pa siya ng Pamantasan ng Harvard. Noong una, limitado ang
pagsapi sa sityong web sa mga mag-aaral ng Harvard, ngunit lumawak ito sa ibang
mga kolehiyo sa Boston, ang Ligang Ivy at Pamantasan ng Standford. Nang
kalaunan, lumawak pa ito at napabilang ang kahit sinong mag-aaral ng isang
pamantasan, pagkatapos mataas na paaralan at, nang tumagal pa, kahit sinong nasa
gulang na 13 pataas. Sa kasalukuyan, mayroon na ang Facebook ng higit sa 200
milyong aktibong tagagamit sa buong mundo"
(Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya.)
"Ang Internet ay isang social space na kung saan naghahalo ang kalayaan at
ang mga mas tradisyunal na sistemang sosyal. Dahil sa kombinasyong ito, ang mga
pamilyar at di-kilalang kondisyon ay nagiging isang potensyal na pagbabago sa
ugalit kultura, online man ito o hindi."
(OGATIA,2010).
Samakatuwid ang pagsali o pagbilang sa Facebook ay napakadali lamang maaaring
mapasok ng ninoman, na kung saan makakaikot ikot at malayang makakagalaw ano man
ang nais gawin ng isang indibidwal.

Page
9

KABANATA 2

Batayang Teoretikal/Balangkas na Konseptwal


Ang Social Cognitive theory at Planned behavior theory ni Bandura ay maiuugnay
sa aming pag-aaral dahil ang mga teoryang ito ay nakadepende sa kanyang kapaligiran at
kung papaano ito nakaaapekto sa ating pag-uugali. Ang Social Cognitive theory ay
nagsabi na maaring magbago ang pag-uugali ng isang tao batay sa kanyang paligid at
malaki ang nagiging impluwensya ng mga tao at bagay-bagay sa ating paligid sa ating
pagkato lalong lalo na sa ating pag- uugali. Ang Planned Behavior Theory naman ay
tumutukoy sa pansariling intensyon ng bawat indibidwal, ang mga pag-uugali at
impluwensyang kanilang makukuha sa ating kapaligiran. Dahil sinasabing mas
nakaaapekto ang ating paligid sa kung ano ang ating inuugali. Ating maiuugnay ang mga
teoryang ito sa pag aaral lalong lao na sa mga kabataan ngayon dahil hindi na uso ang
magpapahuli ka sa kung anu ang bago. Dapat kung anung meron ang iba, mayroon ka
din, kahit na hindi naman kailangan o dapat gamitin. Kung dati ay kuntento ka na sa kung
ano ang meron ka, ngayon ay hindi ka na makakapayag na wala ka kung anung meron
sila. Tulad na lamang ng paggamit ng Facebook, dahil sa mga nakalagay at nakikita rito,
nagiging sanhi ito ng pagkabagabag sa pag-iisip sa mga nakakakita rito. At kaya dahil
dito marami na rin ang gumagawa ng mga ganitong gawain ng pagkokomento at
pagpopost ng mga negatibo at walang saysay na bagay.

Page
10

KABANATA 3
METODOLOHIYA
Ayon kay Hamilton Nolan, hindi makakaila na ang facebook ay ang numero
unong social networking site ngayon at nangunguna rin sa most visited sites. Sa
pamamagitan ng sarbey ay pinapayak ang paglalarawan dito. Ang pag aaral na ito ay
tungkol sa magiging epekto nito sa social behavior ng isang mag-aaral.

Ang mga sumusunod na tanong ay bibigyang sagot/kahulugan sa kabanatang ito.


1. May facebook ka ba?

Sa 120 na estudyante na tinanong, 120 din ang tumugon ng oo. Ang kadalasan na
dahilan kung bakit sila merong account ay para makipagkomunika, at
makipagkaibigan.
2. Gaano katagal mag-online sa isang araw?

Karamihan ay sumagot ng 4-6 oras ang ginugugol sa pag-oonline.


3. Ilang beses sa isang linggo mag-online?
Mas madami ang nag-oonline araw-araw dahil mabisa daw itong libangan at
pampalipas oras sa araw-araw.
4. Ano ang madalas mo ginagawa sa facebook?
Pakikipagchat, pagtingin sa mga larawan atbp. gaya ng paglalaro .
5. Ilang taon ka na may facebook?

4-6 taon ang sinagot ng karamihan.


6. Ano ang positibong naidudulot sa iyo ng facebook?

Hati ang sumagot ng para makipagcommunicate sa facebook samantalang ang ilan ay


Page
11

para updated daw sa mga balita.


7. Ano ang negatibong naidudulot sa iyo ng facebook?
Sinagot ng karamihan ay mas inuuna ang facebook kaysa sa mahahalagang gawain.

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang descriptiveanalitik na pananaliksik. Ang descriptive- analitik na pananaliksikay kilala rin sa
tinatawag na statistical research, pinapaliwanag nito na ang mga datos at katangian
tungkol sa populasyon at mga problemang pinag-aaralan. Ngunit, hindi nito sinasagot ang
mga may katanungang saan, bakit at paano?. Layunin ng pag-aaral na ito na alamin at
suriin ang damdamin at pananaw ng mga estudyante ng unang taon sa kursong Legal
Management hinggil sa epekto ng social networking site na Facebook.

2. Mga Respondent
Gumamit ng 20 mga respondente sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa nasabing
kurso sa pamamaraang random sampling upang magkaroon ng pantay na representasyon.

Page
12

Talahanayan I
Distribusyon ng mga Respondente sa ibat- ibang pangkat sa kursong Legal
Management

Seksyon
BALM 1A
BALM 1B
Kabuuan

Populasyon

Respondente sa bawat

Porsiyento

60
60
120

seksyon
10
10
20

17%
17%
17%

Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondente sa kursong Legal Management sa


ikalawang semestre sapagkat sila ang pinakamadaling makatugon sa mga tanong ukol sa
epekto ng social networking site na Facebook at upang magkaroon ng pantay na
representasyon ang bawat seksyon.
3. Instrumento ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarvey. Ang mga
mananaliksik ay naghanda ng isang sarvey-kwestyoneyr na naglalayong makangalap ng
mga datos upang masuri ang epekto ng social networking site na Facebook. Nagsagawa
rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa ibat- ibang mga
hanguan sa aklatan katulad ng mga nakaraang pananaliksik,dyaryo, at iba pang
referensyal.
4. Tritment ng mga Datos
Dahil ang pananaliksik na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi naman
isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri, walang ginawang pagtatangka upang
masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na
Page
13

istatistikal napamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng


bawat aytem sa kwestyoneyr ang inalam ng mga mananaliksik. Dahil dalawampu (20)
ang mga respondente, naging madali para sa mga mananaliksik ang pagkuha ng
porsyento.

Page
14

You might also like