Professional Documents
Culture Documents
Patungong Kalayaan - KKK Movement
Patungong Kalayaan - KKK Movement
Kalayaan
Ang Kataastaasan,
Kagalanggalang na Katipunan nang
manga Anak ng Bayan o mas higit
na kilala sa katawagang Katipunan
ay isang samahan na binuo upang
mabigyan wakas ang mahigit na
tatlong daan taong puwershang
pamumuno ng mga kastila sa
Pilipinas
Ang KKK ang nagsimula sa
rebolusyonaryong Pilipino laban sa
mga manlulupig. Ito ang
pinakaunang pag-aalsa laban sa mga
mananakop mula Europa at pinaka-
una na naganap sa buong sakop ng
Asya.
Ang KKK ay naitatag noong 7 Hulyo 1892, ang
parehong araw ng pagpapatapon kay Rizal sa
Dapitan. Sina Andres Bonifacio, Valentin Diaz,
Teodoro Plata, Ladislao Diwa, at Deodato
Arellano, kasama ang ilang kasapi ng La Liga
Filipina, ay nagtipon sa 314 Calle Azcarraga
(na ngayon ay Daanang Claro M. Recto),
malapit sa Calle Elcano sa Tondo,Maynila
Paano makakamit ang
kalayaan?
Ginusto ng mga Katipunero na
gumamit ng dahas upang makamit
ang tunay na kalayaan. Alam ng mga
katipunero na ang gustong
pamamamraan ni Rizal sa pagkuha
ng kalayaan ay reporma at sa
mapayapang pamamaraan- subalit
ginawa paring Pangulong pandangal
ay bayani.
Umiikot ang adhikain ng Katipunan sa
konseptong “pamilya” at pagnanais
na magkaroon ng isang patas na
lipunan. Ninais ng mga katipunero na
ang mga katutubo ( o indio kung
tawagin ng mga kastila) ang
mamuno sa bayan. Ginusto rin nila
na tuluyan nang mawala sa bayan
ang mga mapang-aping kastila.
Mga kasapi
Umabot sa mahigit apat na raang libo
ang naging miyembro ng Katipunan.
Ang pag-kuha at pagsali sa
KAtipunan ay hindi madali.
Kinakailangan munang dumaan sa
masusing paglilitis ang mga
nagnananis na maging Katipunero.
Ang mga kinukuhang kasapi rin ay
dapat na may kakilala sa loob ng
Katipunan para makapasok.
Noong una ay hindi pinapayagan ang
paglahok ng mga kababaihan, subalit
di naglaon ay tinanggp rin sila at
naging importanteng mga kasapi
sila- lalo na noong panahaon ng
giyera
Kasabay ng paglaki ng samahan ay
ang pagtatayo ng mga lokal na
sangay nito sa iba't ibang lalawigan.
Ang mga lalawigan na ito ay may
sarili ring konseho na tinatawag na
Sangguniang Bayan na sumasakop
sa mga Sangguniang Barangay.
May binuo rin ang Katipunan na
Sangguniang Hukuman na isang
lihim na tanggapan na nagsisilbing
korte ng samahan.
Ano ang katawagan sa mga
miyembro?
Katipun ay ang unang baitang ng
pagkakasapi. Sa antas na ito,suot ng
Katipunero ang isang itim na telang
pandong na may mga titik Z, Ll at B
na nangangahulugang Anak ng
Bayan, ang banal na salita sa
nabanggit na antas.
Kawal ay ang ikalawang antas ng
pagkakasapi. Isang luntiang pandong
naman na mayroong puting tatsulok
ang suot ng mga Katipunero.
Nakatali sa kanilang leeg ang isang
luntiang laso na may palawit na
medalyong mayroong titik K.
Gomburza naman ang kanilang
gamit na banal na salita.
Bayani ay ang pinakamataas na antas
ng pagkakasapi. Suot naman nila ang
pulang pandong na napalilibutan ng
luntian. Ang kanilang banal na salita
ay Rizal.
Pinapapirma ang mga lalahok sa
Katipunan gamit ang kanilang dugo
Ang mga unang lider ng
Katipunan
Maraming beses na nagpapalit-palit
ang ng tagapamuno ang Katipunan.
Unang namuno si Deodato Arellano
bilang supremo. Subalit noong
sumiklab ang giyera ay tumayo
bilang supremo si Andres Bonifacio
Bago ang lahat
Inutusan ni Bonifacio si Dr. Pio
Valenzuela na puntahan si Rizal sa
Dapitan. Ang kautusang ito ay
kinabitan ng obligasyon na kausapin
si Rizal upang ito ay tumakas at
sumapi sa Katipunan
Subalit tinanggihan ito ni Rizal sa
paniniwalang hindi pa handa ang
samahaan, kulang sa kagamitan at
wala ang suporta ng mga Illustrado.
Pagpaparamdam ng
Katipunan
Sina Tenyente Manuel Sityar at Padre
Agustino Fernandez ay nagpadala ng
liham sa Gobernador Sibil ng
Maynila. Nilalaman ng liham ang
impormasyon ukol sa pagkabuo ng
isang samahaan ng maaring
magdulot ng problema sa mga
Kastila.
Ang mga paratang na ito ay higit na
napatotohanan ni Tedoro Patino nang ang
kapatid niyang babae ay ikumpisal ang balak
ng Katipunan kay Padre Mariano Gil. Walang
sinayang na panahon si Padre Gil at agaran
niyang tinungo ang punong tanggapan ng El
Diaryo de Manila na katatagpuan ng
palimbagan ng Katipunan. Dito ay nakalap
din ang ilang resibo na siyang gagamiting
ebidensya laban sa samahan.
Simula ng giyera
Marami and inaresto dahil sa pagkaka-
alam ng Katipunan.