Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA II

BALANGKAS

METODO AT

"Ang Pilipinas ay bahagi ng Ikatlong Daigdig na kung saan namamayani ang


kahirapan at kaapihan. Sa kadusta-dustang kalagayang ito, malaki ang maitutulong
ng sikolohiya sa pamamagitan ng malalimang pagsusuri ng mga suliraning
panlipunan at pagkakaisa ng lahat upang bigyang lunas ang mga suliraning ito.
Malaki rin ang maitutulong nito sa pagkilala sa likas na identidad ng Pilipino bilang
isang bansa. Kaya't ang isang bansang umuunlad gaya ng Pilipinas ay higit na
nangangailangan ng mga pag-aaral na makabuluhan at nababatay sa kanyang
pangangailangan, wika at kultura." (Pe- Pua, 27)
Ito ang batayang ideya kung bakit pinili ko ang paksang ito. Nais kong
magsiwalat ng mga ilang katotohanan na sa buhay lamang ng mga batang
mangangalakal lamang matatagpuan. May partikular na kurot sa puso ang mga
batang manggagawa sapagka't ang kanilang mga danas ay mga danas ay
mahalaga para matantya ang tunguhin ng lipunang gaya ng sa atin. Nasabi ko ito
dahil ang mga bata ang tinuturing nating pag-asa ng bayan ngunit sa pagkakataong
ito ay kailangan nilang masadlak sa malupit na ideya ng pagtatrabaho sa murang
edad. Nais kong tignan kung paano pa rin ng naglalaro ang mga bata gayong
limitado na ang kanilang oras dahil kailangan nila itong hatiin sa pagitan ng pagaaral, paggawa at paglalaro. Nais ko ring alamin kung ano ang mentalidad na dala
nito sa kanilang paglaki.
Sa pag-aaral sa mga gawi ng mga bata, hindi sapat na ibase ang lahat ng
kanilang pagkilos ayon sa mga siyentipikong pag-aaral. Gayong tinatanggap ko
namang malaki ang tulong ng mga siyentipikong pag-aaral na nailathala na, higit pa

ring dapat tuon ng pag-aaral na ito ang natatanging danas ng mga batang
manggagawa na nakaugat sa Pilipinas. Sa pag-aaral kong ito, mas matimbang ang
eksperimental na lapit sa mga bata at ang mismong pakikipag-usap sa mga ito.
Nais ko namang banggitin ang sipi na ito ni Rogelio Pe-Pua kay Virgilio Enriquez
upang suportahan ang aking sinabi tungkol sa kahalagahan ng paglapit sa mismong
mga taong pinag-aaralan.
Hindi sapat ang kaalamang teoretikal. Kinakailangang subukin sa obhektibong
kalagayan ng realidad ang resulta n gating eksperimento. Ang paksa ng
pananaliksik ay dapat laging matakdaan hindi lamang ng kontribusyon nito sa
pangakalahatang kaalaman kundi maging sa praktikal na kabutihang maidudulot
nito sa lipunan. Ang ating kaalaman at pananaliksik ay laging dapat na tungo sa
paglilingkod sa kapawa.
Dapat nating tanggapin na higit ang pananagutang mapaunlad ang lipunan
ng sikolohistang nagtataglay ng di pangkaraniwang pagkasanay sa pananaliksik at
dalubhasang kaalaman. Samakatuwid, ang kaalamang natuklasan sa pananaliksik
tungkol sa tao ay dapat gamitin at ipamahagi upang makabuo ng mas mabuting
daigdig para sa lahat.
Ayon sa pag-aaral ni Virgilio Enriquez, may dalawang uri ang pananaw na
dapat gamitin sa pag-aaral sa mga gawi ng mga tao. Ang una rito ay ang
nomotetikong pananaw na tumutukoy sa pagpapahalaga sa unibersal na
katotohanan bilang layunin ng sikolohiya at ang ideograpikong pananaw na
nagbibigay halaga sa pag-aaral ng kaso. Sa ganitong paraan, nakikita ng mga
sikolohista na ang pag-aaral sa kilos ng mga tao ay nagmumula sa pansariling layon
ng mga tao at nakakaapekto rin sa pagkilos ng tao sa kanyang lipunan. Ang

tungkulin ng pag-aaral na ito ay makita ang esensya ng tao upang mapalalim ang
pag-intindi sa kanya bilang mahalagang salik sa pagbuo ng lipunan.
Ang pananaw at pagpapalalim na nais tunguhin ng pag-aaral kong ito ay
mula sa mga indibidwal na danas ng mga batang mangangalakal patungo sa mas
unibersal na gamit ng pag-aaral na ito na maaaring makaapekto sa paglaki at
pagkilos ng mga bata sa lipunan natin. Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang
paunlarin ang mga naisusulat nang datos patungkol sa bata at nais magdagdag
ambag sa literatura ng Pilipinas. Isa rin itong pagtatangka upang kilalanin ang mga
batang mangangalakal sa mas malalim na pagkatao nila higit pa sa nakikita nating
panghihingi ng bote at barya ng mga ito. Ang pagkilala ay hindi lamang superpisyal
na pagkilala gaya ng pangalan at edad ng mga ito kung hindi pagkilala sa kanilang
mga kwento at ginagawa sa araw-araw at kung paano sila mabuhay.
Upang umunlad ang Sikolohiyang Pilipino, hindi ito dapat kumiling sa pagkapartikular o kayay pagkaunibersal. Sa halip, dapat pahalagahan nito kung ano ang
unibersal at magpahalaga din sa kung ano ang particular. Hindi bat kahit alam na
ng mga sikolohistang pangklinika ang mga pangkalahatang batas ng pagkilos ay
hindi pa rin nila ito magamit sapagkat ang kaharap nila ay isang tiyak at buhay na
tao na may particular na problema? Ginagamit nila ang mga sistemang lumilitaw na
mabuti para sa kanilang pasyente batay sa particular na reaksyon ng pasyente at
ang mga sistemang ito ay pabagu-bago depende sa hinihingi ng konkretong
pagkakataon.

You might also like