Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 10

JMJ

NOTRE DAME SIENA COLLEGE OF POLOMOLOK


Polomolok, South Cotabato
Unang Markahang Pagsusulit
Filipino 4

RANK

Ang katamaran ng mga Pilipino ay isang sakit na malubha ngunit hindi minana.
Dr. Jose P. Rizal
Pangalan: ________________________Petsa: ___________________ Iskor:
Pangkat at Seksyon: 4 Service
Tagabantay: _____________________
Pangkalahatang Panuto: Basahin nang mabuti ang panuto ng bawat pagsusulit upang
maiwasan ang pagkakamali.
Pagpipili pili. Piliin ang tamang sagot at itiman ang panaklong na nakalaan.
1. Ano ang hanapbuhay ni Rex Rebadulla?
(A) Doktor
(C) Taxi Driver
(B) Inyinhero
(D) Tubero
2. Bakit masasabing mabuting tao si Rex Rebadulla?
(A) Maaga siyang natutong maghanapbuhay.
(B) Isa siyang huwarang ama paminsan-minsan.
(C) Pinarangalan siya dahil isa siyang mahusay na taxi driver.
(D) Isinapuso niya ang payo ng kanyang ina kaya nakagawa siya ng kabutihan
sa kapwa.
3. Anong kurso ang natapos ni Rolando Canete?
(A) pagiging abugado
(C) pagiging pulis
(B) pagiging nars
(D) pagiging seaman
4. Paano mo maipakikita ang pagtulong sa kapwa?
(A) Sumunod sa utos ng mga magulang.
(B) Araw-araw ay magbibigay ka ng pera.
(C) Igalang ang mga nakatatanda tuwing kailangan nila ng tulong.
(D) Ipamigay ang mga gamit na di na kailangan upang mapakinabangan pa ng
iba.
5. Sino ang pinuno ng lahat ng ulap sa kalawakan?
(A) Inang Ulap
(C) Munting Ulap
(B) Lolo Ulap
(D) Tiya Ulap
6. Bakit itinuturing na kaibigan ng mga tao ang mga ulap?
(A) Nagkakaroon kasi ito ng ibat ibang kulay sa kalawakan.
(B) Magagandang tingnan ang mga ulap kaya paborito ito ng mga tao.
(C) Nangangalaga at gumagabay sa mga tao anuman ang uri ng panahon.
(D) Nagbibigay pahiwatig sa maaaring mangyari sa bawat oras, araw at
panahon.
7. Ito ay isang prestihiyosong posisyon na ibinigay kay Maria Ylagan Orosa sa America.
(A) Assistant State Chemist
(C) Assistant State Pediatrician
(B) Assistant State Chef
(D) Assistant State Pianist
8. Bakit masasabing magandang huwaran ng kabataan si Maria Ylagan Orosa?
(A) Maparaan kasi sa lahat ng bagay si Maria Ylagan Orosa.
(B) Magaling siyang tumuklas ng mga bagay-bagay sa paligid.

(C)
(D)

Masipag na babae dahil nakamit niya ang pangarap sa buhay.


Wala siyang sawa sa pag-aaral at determinadong tumuklas ng bagong
kaalaman.
9. Anong hayop ang alaga ni Mang Tomas?
(A) aso
(C) manok
(B) ibon
(D) pato
10. Paano mo aalagaan ang iyong alagang hayop?
(A) Hahandugan ng ibat ibang kasuotang nababagay rito.
(B) Maglalaan ng sapat na oras at panahon kung nagkakasakit.
(C) Ikukulong sa kulungan upang siguradong maaalagaan.
(D) Ituturing na kapamilya at ipadama ang pagmamahal sapagkat espesyal
silang likha ng Diyos.
11. Ito ay ang tanging sandata ni Daniel sa lahat ng pagsubok sa buhay.
(A) pag-aalala
(C) pagmamahal
(B) pag-asa
(D) panalangin
12. Bakit kailangan nating manalangin?
(A) Ganap na maisakatuparan ang hiling ng puso.
(B) Ipapakita sa mga tao na marunong kang magdasal.
(C) Ito lang ang tanging paraan para matapos lahat ng problema.
(D) Isa ito sa tamang gawain na magpapatibay sa relasyon ng Diyos at tao.
13. Saang lugar nakapagtanghal si Chadleen pagkatapos niyang maging finalist sa
Singing contest sa Cebu City?
(A) Canada
(C) San Francisco
(B) Paris
(D) Washington, DC
14. Kung ikaw ay may kapansanan katulad ni Chadleen, paano mo lalabanan ang
panunukso sa iyo?
(A) Magagalit at aawayin mo ang lahat ng mga nanunukso sa iyo.
(B) Iiyak na lang sa sulok dahil hindi mo kayang mang-away ng kapwa.
(C) Ipagdasal sa Poong Maykapal na tutulungan ka niyang lagpasan ang
panunukso.
(D) Magtiwala sa sariling kakayahan sapagkat hindi hadlang ang anumang
kapansanan para makamit ang tagumpay.
15. Ito ay ang kabuuang nilalaman ng seleksiyong binasa o ang pinag-uusapan sa talata o
kuwento.
(A) buod ng kuwento
(C) pangunahing talata
(B) pangunahing diwa
(D) suportang detalye
16. Anong tuldik ang inilalagay sa huling pantig kapag bibibigkas ang salita nang tuloytuloy?
(A)
(C) '
(B) `
(D)
17. Maganda ang paruparo lalo na kung nagliliparan sa loob ng halamanan. May
ibat ibang kulay ang kanilang mga pakpak. May matingtingkad na asul at
murang berde. May dilaw na dilaw at may itim na itim. May mga pakpak na
may batik-batik na disenyo. May mga pakpak na may magkakahalong kulay
na sinadya yata ng kalikasan upang hangaan ng sangkatauhan.
Ang talatang ito ay tungkol sa:
(A)
kagandahan ng paruparo
(B)
ibat ibang kulay ng pakpak ng paruparo
(C)
nagliliparang paruparo sa loob ng hardin
(D)
kalikasan upang hangaan ng sangkatauhan

18. Piliin ang angkop na kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.


Tumatagos sa puso ang kanyang daing.
(A)
galing
(C) pag-iyak
(B)
husay
(D) uri ng isda
19. Ito ay dalawang salitang magkaiba ang kahulugan na pinagtambal upang makabuo
ng panibagong salita.
(A)
inuulit na salita
(C) payak na salita
(B)
maylaping salita
(D) tambalang salita
20. Kapag pinagsama ang salitang lakad at pagong, alin sa mga sumusunod ang
magiging kahulugan nito?
(A)
mabagal
(C) mahina
(B)
mabilis
(D) matulin
21. Piliin ang wastong ayos ng isang paturol o pasalaysay na pangungusap.
(A)
Ha! Nawawala ang gamit mo pang-eskuwela!
(B)
Sino ang nakahanap ng aking gamit pang-eskuwela?
(C)
Nawala ang aking mga gamit pang-eskuwela kahapon.
(D)
Hanapin mo na ang nawawala kong gamit pang-eskuwela.
22. Ito ay mga kataga o salita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay.
(A)
panagano
(C) pangatnig
(B)
pang-angkop
(D) pandiwari
23. Ano ang kasingkahulugan ng salitang detalye?
(A)
diwa
(C) pahayag
(B)
impormasyon
(D) paksa
24. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pangatnig sa pangungusap?
Aawit ba si Carla ____ sasayaw na lamang siya?
(A)
kapag
(C) o
(B)
nang
(D) sapagkat
Anong titik ang dapat na mauuna sa Bagong Alfabetong Filipino?
M
J
O
25. (A)
J
(C) O
(B)
M
(D) Z

E
S
X
Q
26. (A)
E
(C) X
(B)
S
(D) Q
27. Pangkatin ang mga sumusunod na salita. Alin sa mga sumusunod ang pinakahuling
salita sa pangkat?
pula
asul
berde
dilaw
(A)
asul
(C) dilaw
(B)
berde
(D) pula
28. Paano mo papangkatin ang mga salita?
(A)
Lagyan ng mga numero ang bawat salita bago pangkatin.
(B)
Aayusin lamang ang mga unang titik ng salita nang paalpabeto.
(C)
Pagsusunud-sunurin ang mga parehong titik ng mga salita bago ayusin.
(D)
Isaayos ang mga salita nang paalpabeto at tingnan ang bawat
pagkakasunud-sunod ng mga titik.
29. Ito ay ang tawag sa dalawang katinig na magkasunod sa pantig ng salita na
binibigkas nang magkasama.
(A)
diptonggo
(C) pares-minimal

(B)
klaster
(D) salita
30. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi diptonggo?
(A)
ayaw
(C) balat
(B)
bagay
(D) biloy
31. Piliin sa mga sumusunod ang angkop na ayos ng salitang likas.
(A)
kalis
(C) silka
(B)
klasi
(D) salik
32. Tukuyin ang salitang karaniwang matatagpuan sa asignaturang balarila.
(A)
musika
(C) parabula
(B)
pandiwa
(D) sayaw
33. Ito ay mga salitang magkatulad ang bigkas ngunit magkaiba ang kahulugan.
(A)
diptonggo
(C) pares-minimal
(B)
klaster
(D) salita
34. Alin sa mga sumusunod ang salitang pares-minimal?
(A)
ayos: ahoy
(C) gamit: lawit
(B)
kilaw: kalaw
(D) pawang: kalawang
35. Piliin ang angkop na pares-minimal na bubuo sa pangungusap.
Ang inihanda niyang __________ ay para kukuha ng mga ___________.
(A)
baging : saging
(C) tela : tala
(B)
maleta : paleta
(D) tali : salapi
36. Ito ay bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa pinag-uusapan.
(A)
panaguri
(C) simuno
(B)
pananda
(D) sugnay
37. Alin sa mga sumusunod ang paksang pangungusap sa talata?
Noong isilang si Maw Kalabaw, hindi pumasok sa isip ng kanyang mga
magulang na itoy magiging isang kakaibang kalabaw. Ordinaryo lang naman
kasi ito tulad din ng ibang kalabaw sa bukiring iyon.
(A)
Noong isilang si Maw Kalabaw
(B)
Ordinaryo ito tulad ng ibang kalabaw
(C)
Itoy magiging isang kakaibang kalabaw
(D)
Hindi pumasok sa isip ng kanyang mga magulang.
38. Piliin ang angkop na simuno sa nakalaang panaguri sa ibaba.
______________________ at inaayos ang mga gamit sa bag.
(A)
Kami ay kumakain
(B)
Si Glenda ay masinop
(C)
Laging nag-aaral si Maria
(D)
Maagang gumising si Maila
39. Anong bantas ang ginagamit kapag padamdam ang ayos ng pangungusap?
(A)
.
(C) !
(B)
?
(D)
40. Piliin ang wastong ayos ng isang hugnayang pangungusap.
(A)
Nang kami ay nagluto ng pagkain.
(B)
Habang ako ay natutulog, siya ay naglalaba.
(C)
Minsan sa isang taon lang kami naglalakbay sa Europa.
(D)
Sumakit ang tiyan niya dahil kumain siya ng panis na kanin.
41. Ano ang komun na pangatnig ang ginagamit kapag pinagtambal ang dalawang
kaisipan?
(A)
at
(C) ngunit
(B)
kapag
(D) pero

42. Piliin ang angkop na pangatnig sa diwang ipinapahayag sa pangungusap.


Pinakain sila ng masasarap na pagkain ______ madali itong naubos sa sobrang
sarap.
(A)
at
(C) o
(B)
kapag
(D) pero
43. Ito ay pinagsamang patinig at katinig sa isang pantig.
(A)
diptonggo
(C) pares-minimal
(B)
klaster
(D) salita
44. Ito ay ang tawag sa bahaging pinag-uusapan na nagsasaad tungkol sa simuno.
(A)
panaguri
(C) simuno
(B)
pananda
(D) sugnay
45. Piliin ang angkop na panaguri sa nakalaang simuno sa ibaba.
Napuyat nang husto ________________ sa pamamasyal sa Baguio.
(A)
sila Grazel
(C) sina Maricel at Harry
(B)
kami ngayon
(D) tayong mga mag-aaral
46. Anong bantas ang ginagamit kapag patanong ang ayos ng pangungusap?
(A)
.
(C) !
(B)
?
(D)
47. Ano ang kahulugan ng salitang kagubatan?
(A)
kakahuyan
(C) matarik
(B)
mapuno
(D) talahiban
48. Piliin ang wastong ayos ng isang padamdam na pangungusap.
(A)
Takbo? Takbo!
(C) Hep Hep! Hurray!
(B)
Sunogsunog
(D) Aray. ang sakit naman!
49. Alin sa mga sumusunod ang angkop na tambalang pangungusap?
(A)
Ako at siya ay magkakaibigan.
(B)
Siya ay matalino at masipag na bata.
(C)
Dinaya nina Marie at Kim ang aking pinsan.
(D)
Sina Lydia ay namamasyal tuwing Linggo habang kami naman ay
nagliliwaliw sa SM Mall.
50. Ito ay lipon ng mga salita na binubuo ng simuno at panaguri upang maging isang
buong diwa.
(A)
balarila
(C) parirala
(B)
pangungusap
(D) sugnay

PAGPALAIN KAYO NG MAYKAPAL!!!


MAM MERBZ

____________________
Lagda ng Magulang

JMJ
NOTRE DAME SIENA COLLEGE OF POLOMOLOK
Polomolok, South Cotabato
Unang Markahang Pagsusulit
Filipino 6

RANK

Ang katamaran ng mga Pilipino ay isang sakit na malubha ngunit hindi minana.
Dr. Jose P. Rizal
Pangalan: ________________________Petsa: ___________________ Iskor:
Pangkat at Seksyon: 6 Integrity
Tagabantay: _____________________
Pangkalahatang Panuto: Basahin nang mabuti ang panuto ng bawat pagsusulit upang
maiwasan ang pagkakamali.
Pagpipili pili. Piliin ang tamang sagot at itiman ang panaklong na nakalaan.
1. Anong lugar ang tinaguriang Himno ng Batangan?
(A)
Batangas
(C) Pangasinan
(B)
Cavite
(D) Zambales
2. Alin sa mga sumusunod ang angkop na wikain para sa pagmamahal sa bayan?
(A)
Mahal ko ang bayan ko.
(B)
Bayan muna bago sarili.
(C)
Lupang sinilangan, sandigan ng bayang mahal.
(D)
Pagmamahal sa Inang Bayan, nagsisimula sa bayang sinilangan.
3. Sino ang naglalahad ng kanyang karanasan sa isang liham tungkol sa High School
Graduation ng Quezon City Jail nang minsang dumalaw sila rito?
(A)
Anabelle
(C) Lynne
(B)
Krista
(D) Pia
4. Paano mo pakikitunguhan ang taong matagal na napiit sa bilangguan?
(A)
Ipadama na nandidiri ka sa kanya.
(B)
Ipakita na kailanman hindi kayo magiging kaibigan.
(C)
Dapat na husgahan agad dahil sa katayuan niya sa buhay.
(D)
Bibigyan ng pagkakataong magbago sapagkat hindi lahat ng nakulong ay
makasalanan.
5. Saang paaralan nag-aaral si John Kennedy Olano Jr.?
(A)
Jose Rizal Public School
(B)
Lito Atienza Central School
(C)
Magat Salamat Elementary School
(D)
Notre Dame Siena College of Polomolok
6. Kung ikaw si John Kennedy gagawin mo ba ang ginagawa niya?
(A)
Oo, pero hindi ko na uulitin yun.
(B)
Oo, dahil nagiging sikat ako sa buong bansa.
(C)
Oo, dahil tiyak kong gagantimpalaan ako.
(D)
Oo, sapagkat mahal ko ang pamilya ko at ayaw kong mapahamak sila.
7. Ano ang tawag sa mga manikang naibebenta sa Sampaguita Gardens Resort?
(A)
Doll Memoirs
(C) Precious Dolls
(B)
Doll Moments
(D) Precious Moments

8. Paano mo tutulungan ang iyong nasasakupan?


(A)
Sapat ng mahalin sila dahil gusto mo lang.
(B)
Ituturing mo silang kapamilya paminsan-minsan.
(C)
Bibigyan ng karagdagang trabaho ngunit hati kayo sa sweldo.
(D)
Pag-aaralin sila upang madagdagan ang kanilang kaalaman at mahasa sa
ibat ibang gawain.
9. Sinu-sinong karakter sa pabula ang muling nagkita?
(A)
Daga at Leon
(C) Kuneho at Pagong
(B)
Buwaya at Usa
(D) Pagong at Matsing
10. Paano mo ipagtatanggol ang iyong sarili?
(A)
Pababayaan mo na lang para walang gulo.
(B)
Susundin ang lahat ng nang-aapi dahil ito ay tama.
(C)
Lalabanan ang mga kaaway sa abot ng aking makakaya.
(D)
Hindi dapat daanin sa dahas bagkus kakausapin sila ng puso sa puso at
ipaliwanag na masama ang nag-aaway.
11. Kailan ipinagdiriwang ang Araw ng mga Ama?
(A)
Unang linggo ng Hunyo
(C) Ikalawang linggo ng Hunyo
(B)
Ikatlong linggo ng Hunyo
(D) Ikaapat na linggo ng Hunyo
12. Bakit dapat ipagmalaki ang isang ama?
(A)
Wala nang makahihigit pa sa isang ama.
(B)
Itinataguyod niya ang kanyang pamilya upang ganap na magampanan ang
kanyang tungkulin.
(C)
Tutugon tayo sa pahayag na ang ama ang siyang haligi ng tahanan kaya
dapat lang na ipagmalaki.
(D)
Ang ama bilang haligi ng tahanan ay natatanging tao sa mundo na handang
ialay at ibigay ang kanyang buhay.
13. Ito ay mapanuring pagbasa kung saan nalilinang ang mga kasanayan sa mapanuring
pag-iisip.
(A)
extensibong pagbasa
(C) intensibong pagbasa
(B)
extensiyong pagbasa
(D) intensiyong pagbasa
14. Alin sa mga sumusunod ang kasingkahulugan ng impormasyon?
(A)
detalye
(C) nilalaman
(B)
ideya
(D) paksa
15. Piliin ang angkop na katugmang salita ng taludturan.
Pagkabata na iyong tatandaan
Maging mahirap ka man o mayaman
Tagabukid man o tagabayan
Huwag dudungisan ang iyong ____.
(A)
kalooban
(C) pagkatao
(B)
pangalan
(D) propesyon
16. Ito ay salitang ginagamit sa pagsang-ayon sa isang ideya.
(A)
tuwirang pagsang-ayon
(C) di-tuwirang pagsang-ayon
(B)
karaniwang pagsang-ayon
(D) di-karaniwang pagsang-ayon
17. Alin sa mga sumusunod ang kasalungat ng salitang gastusin?
(A)
ibangko
(C) itago
(B)
ipunin
(D) tipirin
18. Punan ng angkop na salita upang ipakita ang pagsang-ayon.
__________ Mayor Duterte, maraming pulis ang magpatrulya sa Lungsod ng
Davao upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.
(A)
Dapat
(C) Ayon kay

(B)
Kailangan
(D) Sa palagay ko
19. Ito ay ang anyo ng salita na binubuo ng salitang ugat lamang.
(A)
inuulit
(C) payak
(B)
maylapi
(D) tambalan
20. Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
Nakita ng mga tao ang buwayang mabilis umuusad pahabol sa lalaki.
(A)
gumagapang
(C) lumalangoy
(B)
lumalakad
(D) lumulukso
21. Alin sa mga sumusunod ang angkop na anyo ng salita sa pangungusap?
_______________ ko ang kaarawan ni Celena sapagkat ito ang tanging hiling niya.
(A)
handa
(C) handang-handa
(B)
abot-handa
(D) pinaghandaan
22. Ito ay nakatutulong sa paghahanap ng salitang ibig tukuyin.
(A)
diksyunaryo
(C) talasanggunian
(B)
patnubay na salita
(D) talatuntunan
23. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
TV Station: Star Cinema, ABS-CBN, GMA, ABC 5
(A)
ABC 5
(C) GMA
(B)
ABS-CBN
(D) Star Cinema
24. Piliin ang mga salitang dapat kabilang sa pangkat.
Mga Bangko:
BPI, RCBC, BDO, ___________
(A)
DBP
(C) RCY
(B)
LBC
(D) SSS
25. Ito ay ang pangungusap na nagkukuwento o nagsasalaysay.
(A)
padamdam
(C) pasalaysay
(B)
pakiusap
(D) patanong
26. Alin sa mga sumusunod na salita ang mabubuo kapag nilalapian sa gitna?
(A)
kinilatis
(C) takbuhin
(B)
magsumikapan
(D) uminog
27. Piliin ang wastong ayos ng isang padamdam na pangungusap.
(A)
Takbo? Takbo!
(C) Hep Hep! Hurray!
(B)
Sunogsunog
(D) Aray. ang sakit naman!
28. Ito ay uri ng pangungusap na binubuo ng higit sa dalawa ang ideya ng malaya at
pantulong na sugnay.
(A)
hugnayan
(C) payak
(B)
langkapan
(D) tambalan
29. Alin sa mga sumusunod ang wakas ng sitwasyon sa ibaba?
Malakas ang buhos ng ulan. Parating na ang bagyong Maring. Walang
biyahe sa mga daungan at paliparan pero patuloy pa rin sa pangingisda si
Mang Tonyo.
(A)
Uuwi siya matapos ang bagyo.
(B)
Nalunod si Mang Tonyo dahil tumaob ang kanyang bangka.
(C)
Nakakuha pa rin siya ng mga isda kahit masama ang panahon.
(D)
Tumirik ang motor ng kanyang bangka dahil sa sobrang lakas ng alon.
30. Piliin ang angkop na salita upang mabuo ang pangungusap.
Isang malaking _____ para sa kanya ang manalo sa paligsahan.
(A)
hamon
(C) hamn
(B)
hamn
(D) hamn
31. Ito ay uri ng pangungusap na binubuo ng dalawa o higit pang payak na
pangungusap.
(A)
hugnayan
(C) payak

(B)
langkapan
(D) tambalan
32. Alin sa mga sumusunod ang damdaming isinasaad ng pangungusap?
Matalino ka nga!
(A)
pag-aalala
(C) pagkainis
(B)
paghanga
(D) pagkatuwa
33. Piliin sa mga sumusunod ang angkop na pangatnig upang mabuo ang
tambalang pangungusap.
Iuulat mo ba ang kultura ng mga Espanyol ____ ang kultura natin ang
pipiliin mo.
(A)
at
(C) ngunit
(B)
habang
(D) o
34. Ito ay maaaring pang-aliw na makatutulong sa paglinang ng mga kasanayan sa
pagbasang salita.
(A)
extensibong pagbasa
(C) intensibong pagbasa
(B)
extensiyong pagbasa
(D) intensiyong pagbasa
35. Bakit kailangan nating sundin ang panuto?
(A)
Sundin ito para madaling matuto.
(B)
Ito ay nakapagbibigay ng mga tala na nais natin.
(C)
Ang mga detalye ay naghahatid ng dapat gawin pero nakadepende sa
layunin.
(D)
Nabibigay ng malinaw at tiyak na impormasyon kaya madaling sundin at
maunawaan ito.
36. Ito ay tumutukoy sa mga salitang magkabaliktad ang kahulugan.
(A)
magkakatugma
(C) magkasingkahulugan
(B)
magkasalungat
(D) magkasintunog
37. Ito ay anyo ng salita na ginagamitan o kinakabitan ng mga panalapi.
(A)
inuulit
(C) payak
(B)
maylapi
(D) tambalan
38. Piliin ang angkop na kahulugan ng salitang tambalan na ginamit sa pangungusap.
Takbong-kabayo ang galaw ni Thelma sa ginanap na Marathon kahapon.
(A)
mabagal
(C) malamya
(B)
mabilis
(D) matumal
39. Ito ay talaan ng mga salita na nakaayos nang sunud-sunod ayon sa mga titik ng
alpabeto.
(A)
almanac
(C) indeks
(B)
diksyunaryo
(D) talaan ng nilalaman
40. Bakit kailangan nating pagpapangkatin ang mga salita?
(A)
maayos na napapangkat ang mga salita ayon sa tema.
(B)
dahil ito ang tanging paraan para malaman ang ayos ng salita.
(C)
wasto ito at tamang gawin para mabuo ang pagpapangkat ng salita.
(D)
upang madaling matukoy ang paksang inilalahad o hinihingi ng
pagkakataon.
41. Ito ay uri ng pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin.
(A)
padamdam
(C) pasalaysay
(B)
pakiusap
(D) patanong
42. Ito ay uri ng pangungusap na may isang diwang ipinahahayag na tinatawag na
malayang sugnay.
(A)
hugnayan
(C) payak
(B)
langkapan
(D) tambalan
43. Alin sa mga sumusunod ang angkop na ayos ng hugnayang pangungusap?
(A)
Nang kami ay nagluto ng pagkain.

(B)
Habang ako ay natutulog, siya ay naglalaba.
(C)
Minsan sa isang taon lang kami naglalakbay sa Europa.
(D)
Sumakit ang tiyan niya dahil kumain siya ng panis na kanin.
44. Ito ay tumutukoy sa mas mataas na antas ng pag-iisip.
(A)
pahiwatig
(C) paksang pangungusap
(B)
paghinuha
(D) pangunahing diwa
45. Tukuyin ang pangungusap na tambalan.
(A)
Siya at ako ay palaging magkakasama.
(B)
Ang FIBA Games ay paborito ng mga Pilipino.
(C)
Naglaro kami ng piko at taguan noong Martes ng umaga.
(D)
Natalo tayo sa FIBA Games ngunit panalo pa rin sa puso ng mga
Pilipino.
46. Ito ay tumutukoy sa magkasintunog na salita sa hulihan.
(A)
linya
(C) taludtod
(B)
saknong
(D) tugma
47. Ito ay tumutukoy sa dalawang salita na pinagsama at nagkaroon ng bagong
kahulugan.
(A)
inuulit
(C) payak
(B)
maylapi
(D) tambalan
48. Ito ay isang bahagi ng aklat na naglalaman ng mga paksa o salita na tinatalakay
sa aklat.
(A)
almanac
(C) indeks
(B)
diksyunaryo
(D) talaan ng nilalaman
49. Ito ay uri ng pangungusap na higit sa isang ideya ang inilalahad.
(A)
hugnayan
(C) payak
(B)
langkapan
(D) tambalan
50. Ano ang kahulugan ng salitang taumbahay?
(A)
nakatira sa bahay
(C) tao sa loob ng bahay
(B)
nanirahan pansamantala
(D) tagabantay ng bahay

PAGPALAIN KAYO NG MAYKAPAL!!!


MAM MERBZ

____________________
Lagda ng Magulang

You might also like