Aiza Project

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Proyekt

o
Sa
Filipin
o
Buk
Report
Ipinasa kay: Miss Malou
Cacananta
Ipinasa ni: Ellaiza Clarisse U.
Mapanao

I: Pamagat: Handog Sa Kanyang Ina

II: May akda: Rogelio R. Sicat

III: Tauhan at Katangian:

Ben - batang masipag at mapagmahal sa ina

Itay - mabait na ama sa mga anak

Inay - mabait na ina sa mga anak

Ate - mabait na ate

IV:Talasalitaan at Pangungusap:

1. Idinampi - inilapit

Idinampi niya ang kanyang labi sa buhok ng ina.

2. Pumanhik - umakyat

Pagkababa ng kanyang bag, pumanhik siya sa hagdanan


papunta sa ina niya.

3. Natitigan - pinagmasdan
Matagal niyang natitigan ang hapis na mukha ng kanyang ina.

4. Baratilyo - malalaki at mapupulang titik sa karatulang nasa


ulunan

Maraming mga baratilyo sa mga tiyange.

5. Kumakala-kalansing - tumutunog-tunog

Treinta sentimos ang pera niya na kumakala-kalansing sa


kanyang bulsa.

V: Mga gabay na Tanong at Sagot:

1. Sino si Ben?

Batang mabait at mapagmahal sa ina.

2. Bakit gustong bilhin ni Ben ang pamaypay?

Dahil gusto niya itong ipangregalo sa kaarawan ng kanyang


ina.

3. Nabili ba ni Nen ang pamaypay na iyon?

Hindi, dahil treinta sentimos lang ang pera niya at P5 ang


pamaypay na iyon.

4. Napatigil si Ben sa kanto at nasalubong nito ang nagtitinda


ng balot. Ano kaya ang naisip ni Ben?

Naisip nito na ipangregalo na lang niya ang balot sa puti sa


kanyang ina.
5. Bakit kaya nagalit ang ina ni Ben?

Dahil nahigaan ng kanyang ina ang balot sa puti kaya ito


napisa at nabasa ang likod niya.

VI: Buod:
Noong araw, ang treinta sentimos madami ng nabibili. May
isang bata na nasa paligid ng isang bazaar at halos nakadikit na
ang mukha sa salamin. Dahil sa pagmamasid-masid may nakita
ito na magandang pamaypay. Mukha naman itong matibay, at pino
ang pagkakayari. Naisip niya kulang naman ang pera para bilhin
ang pamaypay kaya lumayo na lang siya. Naisip niya na sana
nag-ipon na lang siya para makabili na regalo. Noong isang taon,
binigyan niya ang kanyang ina ng isang dosenang panyo at limang
piso lang ang pinangbili nito. Ngayon niya higit na dapat bigyan
ang kanyang ina ng handog, dahil kakalabas niya lang sa ospital
kamakailan. Sobrang payat ng kanilang ina. Hindi makaisip si Ben
ng ipangreregalo kaya tumingi-tingin siya.

Gabi na noong nakauwi si Ben ng nasalubong niya ang


nagtitinda ng balot. Naisip ni Ben na bumili ng balot sa puti. Iyon
nalang ang ipangreregalo sa ina. Nakarating na sa apartment nila
ng pasado alas otso na. Tinanong ng ama kung ba’t natagalan
siya sa pag-uwi at ang sagot naman niya sa ama ay nanood lang
siya ng basketbol. Pagkababa ng mga gamit, pumanhik siya.
Pagdating sa itaas, naamoy na niya kaagad ang gamut na ina.
Pumasok siya sa kuwarto at pinagmasdan niya ang ina at saka
iniwan ang balot sa tabi nito. Nagising ang ina at napisa ang balot
sa likod niya. Nabasa tuloy siya. Tinawag ng ina ang anak niya
para tanungin kung sino ang naglagay ng balot dito, at hindi
nakakibo. Inamin niya ang nagawang kasalanan. Sinabi nito na
walang maipangbili ng regalo kaya iyan ang nabili niya. Ngayo’y
nakita niyang nakatingin ang ina sa supot at nakaakma ang
daliring pinipili ang makakain doon.
VII: Pagsusuri:
a) Tagpuan:

Noong una, madami ng mabibili ang treinta

Sentimos.

b) Suliranin:

Dapat makabili siya ng ipangreregalo para sa

kaarawan ng kanyang ina .

c) Wakas:

Bumili si Ben ng balot sa puti para sa ina dahil

wala na siyang ibang mabili sa treinta sentimos

na pera.

d) Gintong Aral:

Dapat huwag magsinungaling sa mga magulang! Dapat kapag


may araw pa, kailangan ng mag-ipon.
Handog Sa
Kanyang Ina

You might also like