Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Wika

A. Ang Wika ayon kay Henry Gleason


Ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na isinaayos sa
paraang arbitaryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang
simbolo (letra) na pinagsama- sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa
pagpapahayag.
Ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog, na pinili at isinaayos
sa paraang arbitraryo, na ginagamit sa komunikasyon ng tao na kabilang sa isang
kultura
^^ unibersal na kahulugan ng wika^^
Masistemang balangkas- lahat ng wika ay may sinusunod na kaayusan o
balangkas ng pagkakabuo.
-ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na pinagsama-sama sa
makabuluhang sikwens makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa
ibang mga salita (semantiks) upang makabuo ng pangungusap. Ang pangungusap
ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit
ng wika.
Sinasalitang tunog- ang wika ay tunog na nalikha gamit ang mga komponent ng
bibig. Ito ay tinuturing na ponema o makabuluhang tunog.
Isinaayos sa paraang arbitaryo- nabubuo ang wika batay sa napagkasunduang
termino ng mga tao sa isang komunidad.
Kabuhol ng kultura- Lahat ng wika ay may sariling palatunugan, leksikon at
istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika
samantalang may katangian namang natatangi.
Ginagamit sa komunikasyon- nabubuhay ang wika dahil sa patuloy na paggamit
dito ng tao.
Dinamiko ang wika- Patuloy ang pagbabago ng wika sa paglipas ng panahon at ito
ay depende sa kultura/lipunan ng taong gumagamit nito.
Natatangi ang wika- Bawat wika ay may kanya-kanyang katangian na ikinaiba sa
ibang wika. Walang wikang parehong-pareho.

B. Teorya ng Wika

Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noon kaya walang suliranin sa
pakikpagtalastasan ng tao. Naghangan ang tao na higitan ang
kapangyarihan ng Diyos kaya nagtayo sila ng napakataas na tore. Ginuho ng
Diyos ang tore at ginawang magkakaiba ang wika ng bawat isa, kaya hindi n
sila nagkaintindihan at naghiwlaay hiwalay
(Genesis kab. 11:1-8)

Pooh-pooh
naunang natutong magsalita ang tao nang hindi sinasadyang napabulalas
sila buhat ng masidhing damdamin (sakit, tuwa, lungkot, galit, etc)
Bow-wow
Nagmula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
Ding-dong
nagkaroon ng wika sa pamamaigtan ng mga tunog na nilikha ng mga bagay
bagay sa paligid, ngunit ito ay di limitado sa mga kalikasan kundi pati narin
sa mga kagamitang nilikha ng tao.
Tararaboom-de-ay
ang wika ay nag-ugat mula sa mga tunog na nilikha nila sa kanilang mga
ritwal.
Yo-he-yo
natuto ang taong magsalita dahil sa nabubuong tunog dahil sa pwersang
pisikal.
C. Batas ng Wika
1935 Seksyon 3, Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1935.

1936 (Okt. 27) Surian ng Wikang Pambansa

1937 (Nob.13) Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt blg.


184 na lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga
kapangyarihan at tungkulin nito.

1937 (Enero 12) Humirang ang Pang. Quezon ng mga Kagawad na bubuo sa
Surian ng Wikang pambansa.
1937 (Nob.9) Nagpasa ng isang resolusyon na gawing Tagalog ang batayan
ng Wikang Pambansa at itinagubilin ito ng Pang. Quezon na pagtibayin na.

1937 (Dis. 30) Alinsunod sa Batas Komonwelt blg. 184, sa pamamagitan ng


Kautusang Tagapagpaganap 134, ipinahayag ng Pang. Quezon na batay sa
Tagalog ang Wikang Pambansa ng Pilipinas.

1940 (Abril 1) Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap blg. 263 ay


binigyang-pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at ang
Gramatika ng Wikang Pambansa na itinakdang ituro sa mga publiko at
pribadong paaralan mula Hunyo, 1940.

1954 (Marso 26)Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklama blg. 12


na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula
Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon, sa tagubilin ng Surian ng Wikang
Pambansa.

1955 (Set.23) Nilagdaan ni Pang Magsaysay ang Proklama blg. 186 na


naglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa sa ika 13-19 ng
Agosto taun-taon.

1959 (Agos. 13) Pinalabas ng Kalihim ng Kagawaran g Edukasyon, Jose E.


Romero ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na kailanmat
tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin.

1967 (Okt. 24) Itinakda ni Pang. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap


blg.96 na nagtatadhanang ang lahat ng mga gusali, edipisyo at tanggapan
ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.

1968 (Marso 27) Nagpalabas si Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas ng


Memorandum Sirkular blg. 172, nag-aatas na isulat sa Pilipino ang mga
letterheads ng mga kagawaran at sangay ng pamahalaan.

1968 (Agos.6) Ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 187 na nag-aatas sa


lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay na gamitin
ang wikang Pilipino, hanggat maaari, sa Linggo ng Wikang Pambansa at
pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng
pamahalaan.

1970 (Agos.17) Ang Memorandum Sirkular blg. 384 na nagtatalaga ng


tauhang mamamahala ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng
departamento, kawanihan , tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan,
kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan

1971(Marso 16) Ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 304 na nagpapanauli


sa Surian ng Wikang Pambansa. Naging Tagapangulo nito si Dr. Ponciano BP.
Pineda. Nanungkulan siya hanggang taong 1999.

1972 (Dis. 1) Ang Kautusang Panlahat blg. 17 na ang panukalang Saligang


Batas ng 1972 ay limbagin sa Pilipino at Ingles .
1974 (Hunyo 9) Ang Kautusang Pangkagawaran blg. 25 na nagtatakda ng
mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa
mga paaralan mula taong aralan 1974-75.

1974 (Okt.22) Pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Roberto Reyes ang


pahintulot sa Surian ng Wikang Pambansa ang pagsasagawa ng mga seminar
at iba pang katulad na pagpupulong para sa programang bilinggwalismo.

1978 (Hulyo 21Ang Kautusan blg 22, 1978 na nagtatadhana na ang Pilipino
ay bahagi ng kurikulum na pangkolehiyo.

1987 Ang Kautusan Blg 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang


panturo sa lahat ng antas ng paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa
patakaran ng edukasyong bilinggwal.

1987 Sa rekomendasyon ng Linangan ng Wikang Pambansa, dating Surian


ng Wikang Pambansa, nilagdaan ni Sek. Quisumbing ang Kautusang
Pangkagawaran blg.81 na nagtatakda ng bagong alpabeto at patnubay sa
pagbabaybay ng Wikang Filipino.

1988 (Agos.25) Ang kautusang Tagapagpaganap blg. 335 na nagtagubilin sa


lahat ng sangay ng pamahalaan na gamitin sa mga opisyal na transaksyon
ang wikang Filipino.

1990 (Marso 19)Ang Kautusang Pangkagawaran blg. 21 na nagtatagubilin


na gamitin ang Filipino sa panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas
D. Kasaysayan ng Alpabeto
Kasaysayan ng Alpabeto
SANSKRITO
- ang paraan ng pagsulat na ito ay isang uri ng paraang abiguda na
gumagamit ng katinig-patinig na kombinasyon. Kung kayat
mapapansin na ang pinakapayak na anyo nito ay mayroon lamang
tunog sa hulihan na /a/. Nilalagyan lamang ng kudlit sa itaas upang

makalikha ng tunog na nagtatapos sa /e/ at /i/ at sa ibaba naman


inilalagay upang makalikha ng tunog na /o/ at /u/.
Wikang klasiko (classic) ng India; ginagamit sa mga relihiyon at
pananaliksik sa agham
Sinasabing pinagmulan ng alibata
ALIFBATA 0 ALIBATA (BAYBAYIN)
- isang paraan ng pagsulat na ginagamit bago pa dumating ang mga
Kastila. Ito ay kahalintulad sa sistema o paraan ng pagsulat ng mga
taong Java na tinatawag na kayi. Ang paraan ng pagsulat na ito ay
pinaniniwalaang ginagamit na noong 14 na siglo hanggang sa panahon
ng pananakop ng mga Kastila. Ang salitang baybayin ay
nangangahulugang ispeling o pagbaybay.
Katutubong sistema ng pagsulat/alpabeto ng ibat ibang pangkat
etnolinggwistiko sa Pilipinas mula 1000-1200 hanggang 1800.
BAYBAYIN hango sa salitang baybay (to spell)
ALIBATA hango sa alif bata (2 unang titik sa Arabic: alif at bet)
May kaunting pagkakaiba ang bawat alibata para sa bawat partikular
na wika (iba ang sa Tagalog, iba ang sa Bisaya atbp.)
ABECEDARIO
- ito ay binubuo ng 29 na letra at hango sa Romanong paraan ng
pagbigkas at pagsulat.
Alpabetong Kastila; mula sa Alpabetong Romano
Isinusulat ang mga titik gaya ng sa alpabetong Romano
Itinuro sa piling mga mag-aaral (sa mga klaseng tinatawag na caton,
kadalasan sa mga kumbento atbp.)
Ayaw turuan ng mga Kastila sa Pilipinas ang mga indio dahil alam
nilang matatalino ang mga ito at kapag tinuruan ng wikang Espanyol
ay maiintindihan ang ginagawang panloloko sa kanila
ABAKADA
-

mula kay Lope K. Santos (1940)


binubuo ng 20 letra
lima (5) ang patinig (a, e, i, o, u)
labinglima (15) ang katinig (b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, o, w, y)

Alpabetong batay sa wikang Tagalog; binuo ni Lope K. Santos at


naisapubliko sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1940):
a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y
ALPABETONG PILIPINO (1976)
- binubuo ng 31 titik
- ang dating abakada na binubuo ng dalawampung (20) titik ay
nadagdagan ng labing-isa (11) pang titik mula sa abecedario. Ang mga
naidagdag na titik ay: c, ch, f, j, ll, , q, rr, v, x at z
ALPABETONG FILIPINO (1987)
- binubuo ng 28 titik: lima (5) ang patinig at dalamput tatlo (23)
naman ang katinig. Ang paraan ng pagbigkas ay batay sa Ingles.

E. Antas ng Wika
Pormal
mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
higit nanakakarami lalo nan g nakapag-aral ng wika.1.
Pambansa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika/pambalarilasa lahat ng mga paaralan2.
Pampanitikan mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang mga akdangpampanitikan, mga salitang karaniwang
matatayog, malalalim, makulay at masiningB.
Impormal
mga salitang karaniwan, palasak at pang araw-araw na madalas
natingamitin sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at kakilala1.
Lalawiganin
mga bokabularyong pandayalekto na ginagamit sa mga partikular
napook o lalawigan na kadalasay makikita rin ito sa pagkakaroon ng
kakaibang tono2.
Kolokyal
mga pang araw-araw na salita na ginagamit sa pagkakataong
impormal atmaaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang

ito ngunit maaari rin itongmaging repinado ayon sa kung sino ang
nagsasalita nito. Ang mga pagpapaikli ng isa,dalawa o mahigit pang
salita ay mauuri rin sa antas n ito. Halimbawa: nasan(nasaan), pano
(paano), sakin (sa akin), sayo (sa iyo), kelan (kalian),
meron(mayroon)3.
Balbal
tinatawag sa ingles na slang, sa mga pangkat-pangkat nagmumula
ang mgaito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes

You might also like