Professional Documents
Culture Documents
Kabanata 1 Selfie
Kabanata 1 Selfie
Paglalahad ng Sulirain
Ang pananalisik na ito ay may mga katangiang nais sikapin na bigyan ng kasagutan :
1. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit naaakit mag-selfie ang isang kabataang
indibidwal?
2. Anu-ano ang mga positibong naidudulot ng pagseselfie sa iyong sarili?
3. Anu-ano naman ang mga negatibong dahilang naidudulot ang kaakibat ng sobrang
pagkahilig sa pagseselfie?
4. At kung ano ang mas nangingibabaw sa kanila, ang postibong dahilang naidudulot nito
o negatibo?
Layunin ng Pag-aaral
Ang papel pananaliksik na ito ay may layong mabigyang pansin ang mga opinyon ng
mga mag aaral sa STI College Caloocan sa mga dahilan kung bakit nahuumaling ang mga
kabataang mag-aaral na katulad nila sa pagseselfie. Nais rin ipaalam ng mga mananaliksik ang mga
positibo at negatibong dahilan ng pagseselfie sa kanilang pamumuhay.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag aaral na ito ay nakabase lamang sa opinyon ng mga indibidwal na napili upang
sumagot ng surbey kwestyoner na inihanda ng mananaliksik tungkol sa mga dahilan kung bakit
nagseselfie ang mga positibo at negatibong dahilan naidudulot nito sa mismong taong nagseselfie .
Ang mananaliksik ay pumili ng singkwenta (50) na respondente na nakatakdang sumagot sa surbey
at ang mga repondenteng ito ay nagmula sa STI College Caloocan , Taong Pampanuruan 2015-2016
Depinisyon ng mga Termino
Selfie ito ang pagkuh ng larawan o litrarato sarili gamit ang digital camera o phone camera a labis
na kinagigiliwan ng nakakarami.
Cellphone ay isang uri ng teleponong walang kawad na gumagamit ng mga sityong selular para sa
pakikipagtalas.
Teknolohiya Ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso
upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin sa tao.
Internet isang lugar sa virtual word kung saan ang mga kompyuter sa buong mundo na
magkakakonekta at nagbibigayan ng impormasyon na bukas sa publiko.
Download Ang proseso ng pagkuha ng isang dokumento na nanggaling sa internet at pag save nito
sa Internet at pag-save nito sa kompyuter na maari nang gamitin sa ibang pamamraraan.