Jillyn

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Balangkas Blg.

1
I.

Pamagat: Bulaklak sa Ibabaw ng Bulkan


Ni: Florencia N. Garcia
Aklat na pinagkunan ng kwento: Gintong Pamana Wika at Panitikan Batayang Aklat

sa FILIPINO (Ikaapat na Taon) Pahina 56-60.


II.

Balangkas ng mga Bahagi at Sangkap ng Kwento


A. Simula
1. Mga Tauhan
a. Karding- ang pangunahing tauhan sa kwento na mula sa marangyang
pamumuhay na ang naging nais ay makapag tapos ng seminaryo sa Kolehiyo.
b. Dorang- isang mapang unawang asawa ni Karding na laging iniintindi ang
kalagayan ng kanyang asawa at wala ng ibang magawa kundi ang mahalin at
tulungan si Karding.

2. Tagpuan
a. Bahay

3. Sulyap sa Suliranin
a. Ang pag papamahala ng bahay kalakalan ng kanyang ama.
b. Ang pag tanggap sa kanyang pag kabulag.
c. Ang pag payag niya kung tatanggapin baa ng sinasabi ng kanyang asawa para
sa ikaliligaya niya.

B. Gitna
4. Saglit na kasiglahan
Mabigat ang pusong sumang ayon sa pakiusap ng kanyang ama.

5. Tunggalian
Nang dahil sa kanyang kapusukan ang kanyang mata ay lubusan ng napinsala.

6. Kasukdulan
Ngayong natitiyak kong hindi na magbabago ng kalooban ang dalawang kataong
pinakiusapan kung magpapasakit ng ulo sa iyo na ikatutuwa at matagal na naming
inaasam asam naming ng mga anak mo. ani ni Dorang kay Karding.

C. Wakas
7. Kakalasan
Akoy nasisiyahan sa kalagayan kong ito. Sa pag kabulag koy hindi ako napahamak, manapay
nagtamo ako ng pagpapalang nababalat kayuhan.

8. Resolusyon
Ang pag tanggi ni Karding sa sinasabi ng kanyang kabiyak dahil sa masaya na ito sa kanyang
kalagayan at dun nmangha ang kanyang kabiyak na si Dorang.

III.

Buod
Nagsimula ang kwento ay sa pag aaral ni Karding sa seminaryo , Nang isang araw

namatay ang kanyang kapatid na sya sanang magmamana sa kanilang bahay kalakal dahil sa
pangyayaring iyon kinausap sya ng kanyang ama upang sabihin sa kanya na syana ang
mamamahala nito, labag man sa kanyang kagustuhan ay pinagbigyan nlang ang kanyang ama.
Sa kanyang unang buwan ng pagiging kolehiyo ng pangangalakal si Karding ay
bumagsak sa unang pangkalahating taon ng pagsusulit dahil dito unti unti ng naisasakatuparan

ang kagustuhan ng kanyang ama na mamuhay na alinsunod sa kanyang taon. Upang maisagawa
ito ay dinalasan ng kanyang ama ang pag daraos ng salusalo at sayawan sa kanilang bahay , at
hindi nag tagal naisakatuparan na nga ng kanyang ama ang kagustuhan nito.
Sa paglipas ng taon marami ng nakilala si karding ng ibat ibang babae. At dahil dito hindi
na natapos ni Karding ang kanyang kolehiyo ng pangangalakal , Nakatagpo rin sya ng babae na
kanyang napangasawa.
Sa karaniwang pangyayari naging mapusok si Karding sa pamamagitan nito malimit na
nag aaway silang mag asawa, at dahil din sa kapusukan niya ang kanyang mga mata ay lubusan
ng napinsala.
Sa unang linggo ng sakunang yaon ay nanaghoy ang alisagang kaluluwa ni karding at
wala siyang ginawa kundi sabihin sa kanyang sarili ang mga pasumpang salita na mabuti pang
hindi na siya ipinanganak at kung ipinanganak man sya ay ipinanganak sana siyang baliw,
walang pagpapahalaga,walang panghihinayang, walang pag ibig, walang lunggatiin,at walang
pag asam-asam.Pag kalipas ng ilang buwan tinawag niya ang kanyang asawa upang ipakuha at
ipabasa sa kanya ang aklat na pinag aralan niya noong nasa seminaryo pa siya at pag katapos
basahin ng kanyang asawa ay nagpahatid ito sa kanyang kwarto at sinabi na iwan na sya nito .
Nakikita ni Dorang na napakalungkot ng kanyang asawa , gusto nkiya itong pasayahin
kaya nag isip siya ng paraan upang mapaligaya niya ang kanyang asawa ng may nakita na sya
sinabi kaagad nito sa kanyang asawa na may kinasundo syang dalawang dukhang lalaki na mag
bibili sa atin ng tig isa nilang mata . Ngunit sinabi ni Karding na Akoy nasisiyahan sa kalagayan
kong ito. Sa pag kabulag koy hindi ako napahamak, manapay nagtamo ako ng pagpapalang
nababalat kayuhan.

BULAKLAK SA IBABAW NG BULKAN


Ni Florencia N. Garcia
Tunay na mahirap paniwalaan ang isang nabulag ay tumangging luminaw pang muli
angkanyang paningin. Subalit ang isang taong nakikipagsarilinan sa Diyos ay nhindi dapat
pagtakhang maging makatao at makaDiyos . ibat iba ang pakahulugan ng mga tao sa paraan ng
pamumuhay ni Karding. May ilang naaawa sa kanya na may kahalong paninisi ngunit
tinutudyosiya ng marami at pinasusubalian ang kanyang katinuan. Datapwat silang lahat ay
naniniwalangdakila at matayog ang layunin nagtataas kay Karding upang mamuhay ng gayon.

Hindi ngalamang sila makasang-ayon na dapat bayaran ng gayong kataas na halaga ang isang
bagay na hindi tiyak Sa mga pag-amuki ng mga kaibigan ni Karding na magbago siya ng
landas.

Sa mga pakiusap at pagsamo ng kanyang asawa t anakna wag niyang

pagmalupitan ang kanyang sarili aywalang naitutugon si Karding kundi ang kasiyahan at
kaligayahan ng tao ay wala sa tinitiis niya manapay na sa paraan ng sarili niyang pagpapahalaga
sa mga bagay bagay. Nooong si Karding ay nasa ikalawang taon pa lamang ng high school sa
pahintulot ng kanyang mga magulang aylumipat siya sa seminaryo ng isa sa mga pangkat ng
pananampalatayang laganap sa pilipinas. Napawi sa katauhan ni Karding ang halakhak ng talon.
Ang kilos niyat pangungusap aynahiyasan ng kahinhinan at kahinahunan ng anahaw. Sa ugali
niyat pakikitungo sa kapwa tao aynamamaibabaw ang pagkamapagpaumanhin ng isang bihag.
Namuklod sa Karding sa hanay ngkabataan, katulad ng pamumuklod ng brilyante sa tumpok ng
mga batong pangkapanganakan. Ngunit bago nakatapos si Karding sa pag-aaral seminaryo, isang
araw ay kinausap siyang kanyang ama. Anak, pumayag akong maging ministro ka ng
pananampalatayang kinahihiligan mo sa pagkat akala koy hindi kita kakailanganin sa ating
negosyo. Sapagkat namatay ang kaisa-isamong kapatid na maaring humalili sa akin
pangangasiwa sa ating korporasyon laban man sa kalooban koy ipinakikiusap ko sa iyong
karunungan sa pangangalakal ang pag-aralin mo.Maari po naman tayong kumuha sa ating bahay
kalakal mahinahong tugon ni Karding sakanyang ama ang batang ire maaari nga bang hindi ? sa
katunayan may tagapangasiwa tayongayon ngunit ako ang mata at tainga. At ako ang nagsasabi
kung ano ang gagawin at paano iyongagawin. At iyan ang gagampanan mong tungkulin sa
paghalili sa akin.Mabigat ang pusong sumang-ayon si Karding sa kanyang ama ngunit hindi
siya nagpaliwanag bagamat paulit ulit niyang nabubulong sa sarili niyang magaan pa sa
isangkamelyo ng pumasok sa kaharian ng langit sapagkat kung saan naroon ang iyong

kayamanan aydoon lamang lumalagay.Sa unang ilang buwan sa kolehiyo ng pangangalakal ni


Karding na ayaw manatili sakanyang ulo paanoy ayaw manikit at dumudulas sa mainit na
siyansi ang tumpok ng tulog namantika.bumagsak si Karding sa unang pangkalahating taong
pagsusulit.Lalaking maunawain
palibhasa iyon ay hindi naman nakabagabag sa ama ni Karding.Naniwala ito na balang araw
bago maging napakahuli na-ay bababa si Karding sa lupa buhat sa pinandayuhang alapaap upang
gumawamag isip..dumamdammamuhay ng naaalinsunod sa knyang mga tao upang
makatulong sa maagang pagsapit ng gayong mga araw ay dinalasan ng ama ni Karding ang
pagdaraos ng salu salo at sayawan sa kanilang bahay.nangyari ang ibig na mangyari ng ama
niKarding .sa mga pagtitipong iyon ng makatagpo ni Karding ang mga kabataang
hindinanghihinayang tungkol sa lumipas at at hindi nag-aalala tungkol sa hinaharap.at hindi
hindinagtagal,si Karding ay nakiangkas sa bangkang kinalululanan na mga kabataang iyon.lihim
nanagdiwang ang ama ni karding.
Oo ngat naging higit na magugol ang paraan ng pamumuhay ni Karding,ngunit iyon aymalugod
na binalikat ng kanyang ama.nalalaman ng ama ni Karding na talagang ganoon kataasna halaga
ang dapat niyang ibayad sa pagbalik ni karding sa daigdig na tinalikuran nito noongnag-aaral pa
sa semenaryo.magandang lalaki at nagpa-palit ng kotse tuwing matatapos ang ikalawang taon,si
karding ay laging nakasusumpong ng mataguning puwang sa puso ng mga babae na Makita siya
ninuman,lalo na ng kanyang mga kaibigan at kakilala,na si karding angkasama niya sa alinmang
pagtitipon.at hindi pa nakatapos sa kolehiyo ng pangangalakal ay nag-aswa na si karding,kaya
mahigit pa lamang kalahati ng landas ang nalalakbay niya ay may anak na siyang binata at
dalaga. Sa karaniwang pangyayari ang mga dalagay sa pagsasama sama sa lalaking may
kasuklob na kumotng buhay.subalit sa dalawang katangian ni karding kakisigan at salapi ang

mga dalagay patuloy ring hindi nangingimi sa pagsama sa kanya sa gayot ganitong night
club.Naging magusot ang buhay ni karding.At gaya na dapat asahan ,si karding at ang kanyang
asawa ay malimit na mag-usap saisang paraang hubad na hubad sa lambingan at tigib na tigib sa
sumbatan.ng si karding na angnangangasiwa sa kanilang korporasyon ang buhay niyay lalong
makulay.lalong naggingmadulaat lalong nabatbat ng mga sandaling pinapagiging kapanapanabik ng mga bawal na pakikipag-sapalaran sa piling ng ibang babae.Sa sarili ni karding ay
madalas niyang masabi na mabuti na lamang at pinakiusapan siyang kanyang ama na wag na
siyang magpatuloy sa pag-aaral sa semenaryo.kung natuloy umanosiyang nagging tagapangaral
ng pananampalatayang minsang umigop sa buo niyang pagkatao,sanay hin di niya tinatamasa
ang gayong kailanman na lamukay ng buhay. Maging dahil na lamang sa paghahangad na
magkaroon ng salapi ay hindi iilang babae ang nakaisip namagsakdal sa hukuman laban kay
karding ngunit bago matapos ang paglilitis ay naayos nikarding ang busapan sa labas ng
hukuman at may isang hukom na kamuntik mapatay ng ama ngisang dalaga sa garapal na
pagkiling kay karding.datapwat sa kasawiang palad ni karding ay natupad sa kanya ang babala
ng isa sa mga kinasihang talatang napag aralan niya sa semenaryona: Kahit paimbulong kang
katulad ng agila ng agila at yumari ng pugad sa piling ng mga bituin buhat doon ay ibabagsak
kita.bunga ng sakunang sinapit ni karding samantalang kasamaniya sa kotse ang isa sa mga
babaeng kasalo niya sa pinggan na napinsala ang dalawa niyangmata sa mga unang linggo na
sakunang yaon ay nanaghoy ang alinsagang kaluluwa nikarding.pasumpang nasabi ni kardin g sa
kanyang sarili na mabuti pang hindi na siya pinanganak at kung ipinanganak sana siyang baliw
walang pagpapahalagawalang panghihinayang..walang pag-ibig walang lunggatiin
walang pag asam-asam. Ngunit pagkaraan ng ilang buwan ay tinawag ni karding anfg asawa
niyang si Dorangisang araw at ipinakuha rito ang isa sa mga aklat na pinag aralan niya sa

seminary.. Pinabuksan niya it okay Dorang at pinabasa nang malakas ang dalawang talatang
nagsasabing:
Anak ko, huwag mong kamumuhian ang pagpaparusa ng Panginoon, o mayayamot mansa
kanyang pagtutumpak, sapagkat itinutumpak ng Panginoon ang kanyang iniibig gaya sa anak na
kanyang kinalulugdan. Nakagat ni Karding ang kanyang labi at napabungtong hininga siya. Sa
mga mataniyang matagal na rin namang nakakikita ay namilisbis ang saganang luha.. Sa basag
na tinig aymasuyong sinabi ni Karding kay Dorang.Basahin mo nga uli ang mga talatang iyan.
Nais kong marinig nang paulit ulit ang mgatalatang iyan, sapagkat nagdudulot sa akin ng
malaking kaginhawaan. Pamaya mayay sinabi ni Karding kay Dorang na siya ay ipasok sa
kanayang sariling silid. Nang si Karding ay nasa sariling silid na ay sinabi kay Dorang na siya ay
iwan na nito atsaka na lamang tatawagin kung mayroon siyang ipagagawa. At ang pinto ng silid
ay ipinapinidni Karding kay Dorang.Pagkaraan ng ilang saglit ay dahan dahang binuksan ni
Dorang ang pinto ng silid ni Karding at itoy nakita niyang nakaluhod at sa pananalangin ay
tumatagaktak ang luha. Mula noon ay inuusal usal ni Karding sa kanyang sarili ang dalawang
talata na kanyangipinababasa kay Dorang. At mula rin noon ay lagging nangingilid ang luha sa
bulag na mata ni Karding ngunit maligaya siya.Iniisip ng asawa at anak ni Karding ngunit
maligaya sya o waring maligaya. Iniisip ng asawa at anak ni Karding na itoy inip na inip na sa
kanyang kahabag-habag na kalagayan datapwat nagsisikap lamang na magmukhang maligaya
upang huwag silang madulutan pa ng karadagang kalulungkutan. Ang ipinalalagay nilang
pagkukunwaring iyon ni karding upang huwag lamang malungkot ay lalo namang
nakapagpapatindi ng kirot sa kanilang nagmamahal na puso. Matapos matiyak ni dorang na hindi
magtatalusira ang dalawang kataong kinasundo niya upang muling makakita si karding, ang
kabiyak ang masuyong kinausap. Ngaung natitiyak kong hindi na magbabago ng kalooban ang

dalawang kataong pinakiusapan kung magpapasakit ng ulo saiyo ay mayibabalita ako saiyo na
ikatutuwa at matagal na naming inaasam-asam ng mga anak mo, ani ni dorang kay karding.
Ano iyon? magiliw at patanong na tugon ni karding ka dorang.may kinasundo akong dalawang
dukhang lalaki na magbibili satin ng tig-isang mata. Nalalaman mo namang sa maliking inuunlad
ng siyensiya ay maaring muling makakita ngayon ang isang bulag sa pamamagitan ng paglipat
sakanya ng mata ng sino mang taong buhay,malambing at malugod na ipinaliwanag ni dorang
ka karding.At may roong taong pumayag sa kasunduang babayaran natin sila ng tig limang
libong piso. Limang libong piso isang mata.Limang libong piso:isang mata! Pagkalaking
kalupitan ng tao sa kapwa tao! at napailing si karding. Kalupitan paba ang limang libong pisong
bayad pa sa isang mata?Nalalaman mong manggagawa o kawaning namamatay sa oras ng
paglilingkod at kahit magsakdal sa hukuman ang kanyang mga maulila ay hindi tumatanggap ng
ganyang kaliking halaga, mahinahong alaala ni dorang kay karding. Ow, bakit baa ng halaga
ng matang iyon ang napaguusapan pa? Sa mura o mahal ay walang bagay sakin. Ayow ko nang
makakita ako ulit. Lubusan na akong nasisiyahan sa kalagayan kong ito. Ano ika mo?
pamanghang tanong ni dorang. Akoy nasisiyahan kalagayan kong ito. Sapagkabulag koy hindi
ako napahamak, manapay nagtamo ako ng pagpapalang nababalat kayuhan. Aminin mo saakin
na kaya lamang

maganda ang paglubog ng araw ay dahil sa mga ulap, nasakaraniwang

pangyayari ay dungis lamang sa muka ng langit,nakangiting paliwanag ni kardin sakanyang


nagugulumihanang kabiyak-ng-dibdib.

You might also like