Professional Documents
Culture Documents
4 Na Uri NG TAYUTAY
4 Na Uri NG TAYUTAY
4 Na Uri NG TAYUTAY
Ang TAYUTAY ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o
damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o
paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.
Mga uri ng tayutay
* Simili o pagtutulad - Payak at lantad na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.
Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasingmagkasim-, at iba pa.
Halimbawa:
1. Tila siya yelong natunaw dahil sa kahihiyan.
2. Ang kaniyang kagandahan ay kawangis ng bulaklak na bago palang kabubukadkad.
3. Sing-bagsik niya ang leon nang siya ay masugatan sa laban.
4. Magkasing-bilis sa takbuhan ang kuneho at ang batang tumatakas palo ng magulang.
* Metapora o pagwawangis - Tuwiran ding paghahambing ngunit hindi gumagamit ng mga
panandang salita.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa maga pangalan, gawain,
tawag o katangian ng bagay na inihahambing.
Halimbawa:
1.Bukas na aklat ang kanyang buhay sa publiko.
2.Ang kaniyang pagkatao ay malalim pa sa dagat na hindi kayang arukin.
* Personipikasyon - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao
- talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang
nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. Halimbawa:
1. Sinampal ang aking pisngi ng mainit na hanging nanggaling sa apoy.
2. Itinulak ako ng malakas na hangin palayo sa aking paroroonan.
3. Nagising siyang hinahalikan siya ng sinag ng araw mula sa bintanang nakaawang.
*Pagmamalabis pangungusap na nagpapahayag ng eksaherasyon o pagbibigay ng sobrasobrang katangian o paglalarawan sa isang tao, bagay, pook o pangyayari.
Halimbawa:
1. Balyena sa laki ang kanyang napangasawa.
2. Buwaya sa basketbol kort ang kakampi niya.
* Apostrope o pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
1. Buhay, bakit ka mahiwaga?
2. Kalayaan, bakit ka mailap?
3. Pag-ibig, layuan mo ako.
* Pag-uulit
o Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.
Hallimbawa:
Pagod at Pawisan siyang dumating na tila hinhabol ng isa niyang kinatatakutan.
o Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.
Halimbawa
Babangon ang mga naaping mga mamamayan
Babangon sila at pakikilaban ang kanilang karapatan.
Babangon sila sa matagal na pagkakahimlay.
Babangon sila at handang pumatay.
o Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.
Halimbawa:
Sumisilakbo pa rin sa kaniya ang galit,
Galit na matagal din niyang sinikil,
Sinikil niya ang damdamin upang hindi makasakit,
Makasakit sa mahal niya at buong-pusong iniibig.
o Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.
Halimbawa:
Noong siya ay bata pa, ang kaniyang pag-iisip ay sa bata; ang kaniyang mga kilos ay sa bata;
ang kaniyang pang-unawa ay sa bata. Ngayong malaki na siya ay walang pagbabago, asal bata
pa rin siya.
o Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.