Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Masining na Pagsasalita

Ang Masining na Pagsasalita


Romeo P. Gonzalvo Jr.
Bahagi na ng buhay natin bilang isang tao ang magsalita. Katunayan, sa halos lahat ng oras na gising tayo o kahit;
minsan; sa ating panaginip, tayo ay nagsasalita ng nagsasalita ng nagsasalita at nagsasalita !
Sa pagsasalita, naipahahayag natin ang ating damdamin, saloobin, opinyon, haka haka at mga nalalaman sa mga
taong nakikinig sa atin. Gamit ang wikang nakasanayan bilang midyum, naisasagawa natin ang isang mabisang
pakikipagtalastasan.
Ang pagsasalita ay ang paghahatid ng saloobin opinyon at karunungan sa mga taong nakikinig. Sa pamamagitan ng
mga makabuluhang tunog na likha o hinubog ng isang kultura, naililipat natin ang lahat ng ating nalalaman, mga
naisin, damdamin, opinyon at mga saloobin sa iba.
Suriing mabuti ang tsart na nasa ibaba:
May tatlong elemento na dapat pagtuunan ng pansin para makapagsalita nang maayos ang isang tao.
1. Ang Pinanggalingan ng Lakas o Enerhiya
2. Ang artikulador o ang nanginginig na bagay
3. Ang Resonador o ang Patunugan
Ang mga salitang nasa anyong tunog na naghahatid ng ibat ibang impormasyon sa mga taong nakikinig ay ang
produkto ng mga puwersang nalilikha rin ng papalabas na hanging nagmumula sa tiyan o baga at nagpapavaybreyt
sa mga babagtingang tinig bilang mga artikulador. Ang bibig at ang guwang naman ng ilong ang nagsisilbing mga
resonador o patunugan. Sa pagsasama sama o interaksyon ng mga elementong ito nakalilikha ng isang
makabuluhang tunog ang isang tao.
Hangin din ang nagsisilbing midyum upang makarating sa nakikinig ang mensahe ng taong nagsasalita.
May tatlong pares na mahalagang bahagi ang bibig upang makalikha ng tunog:
1. Dila at Panga
Malaya itong nakagagalaw. Maari itong mag iba ng hugis o laki. Maaaring

humaba o umikli, lumapad o kumitid at itukod o ilapat sa ngipin o ngalangala ang


dila habang lumilikha ng mga makabuluhang tunog.
2. Labi at Ngipin
Tulad ng dila at panga, ang labi at ngipin aymalaya ring magbukas sara,
bumilog o ngumanga, pagdikitin o paglayuin, umarko o itukod sa kapwa ngipin o labi
habang lumilikha ng mga makabuluhang tunog.
3. Matigas na Ngalangala (sa harap) at Malambot na Ngalangala (sa likuran)
Sa paglikha ng ibat ibang tunog, ang hangin ay kusang humuhubog sa loob ng
bibig nang naaayon sa espasyong inilalaan ng ngalangala habang nagtatrabaho
ang ibat ibang bahagi ng patunugan habang nagsasalita.
Kahit sabihin pa nating likas sa mga tao ang magsalita, may mga pagkakataon din na dapat itong hubugin at sanayin
lalo na sa mga formal o mahahalagang sitwasyong nangangailangan ng isang kasiningan sa pagsasalita tulad
halimbawa ng pangangatwiran, panunuyo sa taong nililigawan o nakatampuhan, pagdepensa ng isang papel na
pantesis, pagbigkas ng tula o talumpati, pag awit at marami pang iba. Sa mabisang pagsasalita, nararapat lamang
na matutunan ang mga sumusunod na pamantayan:
1. Kailangan ang sapat na kaalaman sa mga binibitiwang salita
2. Tiwala sa sarili
3. Tamang kasanayan
3.1. Tamang paglakas o paghina ng tinig
3.2. Tamang paghinto o pagpipigil ng tinig lalo na sa mga mahahalagang
impormasyon
3.3. Tamang paggamit ng mga salitang naaangkop sa damdamin o emosyon na
ibig ipadama.
3.4. Tamang pagkilos
3.5. Tamang kumpas at galaw ng ibat ibang bahagi ng katawan
3.6. Tamang gamit ng mga salita depende sa sitwasyong kinasusuungan

Sa pagsasalita habang nakikipag usap, nagkakaroon ng pagpapalitan ng kaisipan at


damdamin. Nagsisilbi instrumento ang isang mabisang pagsasalita sa pagtuturo ng karunungan, paglinang sa
kahandaan ng isang tao upang makinig at hubugin ang sarili sa pagdadala ng isang masining na
pakikipagtalastasan.

You might also like